zzarizzaristore
zzarizzaristore
kung ano lang maisip
1K posts
rizza | 27 years nang mapanga
Don't wanna be here? Send us removal request.
zzarizzaristore · 28 days ago
Text
The Lord is too good sa amin hehe
So kanina, nagyaya Janna na mag-SM daw kami XD teh hindi pa rin nakakalabas bagyo ah hahahaha
Tas UMARAW! So nakaalis kami ng walang kahit ambon. Nung pauwi kami, ganun ulit. Wala ulit ambon.
Hehe ty, Lord!!
Still thinking kung bibili ba ko ng pearl earrings ko??? Likeeee teh lagi ko kaseng nawawala mga stud earrings ko. Eh what if naman kung malaki na baka hindi ko na mawala? Hahahaha
Basta I end up purchasing another shirt. Gumastos nanaman ☺️☺️☺️
PEROOOO NAKA SALE SO TAKING ADVANTAGE (ehe)
0 notes
zzarizzaristore · 29 days ago
Text
TEH ONE WEEK NA SUSPENDED ANG WORK
Mula nung Monday, nagsuspend na dahil sa Tropical Depression. Until 1PM lang ang work, tas mula Tues til tom, Friday, suspended ang work dahil nga naging typhoon na ang TD, TAS MAY PUMASOK PA ISA forda dance ang 2 na bagyo sa PAR now
Sobrang blessed kase govt employee, hindi ako nagweworry na wala kong sasahurin sa buong linggo na 'to 🥺
Sobrang hirap ng life. Ang hirap na minimum wage earner ka, tapos no work no pay pa. Tapos ikaw pa ang inaasahan ng buong pamilya. Tapos sabay sabay pa mga bayarin.
Tapos lahat na lang tinax-an. Anlaki laki ng taxes na binabayad at kinakaltas sa atin for us to experience this.
Tapos yung way pa ng pag-a-announce ngayon ng DILG, teh hindi man lang nilagay sa professional set-up. Nakakaloka ganun sila kase hindi naman nila nararamdaman yung hirap kahit all over the news yung flooding and sufferings.
Thanking the Lord big time sa privileges na meron ako.
Sana lahat ng nahihirapan ay guminhawa.
0 notes
zzarizzaristore · 7 months ago
Text
Tumblr media
4K notes · View notes
zzarizzaristore · 7 months ago
Text
Tumblr media
5K notes · View notes
zzarizzaristore · 7 months ago
Text
Puro na lang mabigat na kwento yung mga pinagkukwento ko rito noh HAHAHA
Pero ayun. At least nalabas ko thru this.
Baka kase nasanay nga ko dati pa. Na wala naman akong ganitong mavevent-an. Maliban ofc kay Dea, na nafull storage na pati siya sumabog na HAHAHA
Ayun. Ayoko nang atakihin ng utak ko.
Month of Dec, buti super busy month. Hindi ko alam kung nasabi ko sa kanya. Hindi ata. Pero ayun. Na kahit nag-ot ako ng Sat, WHOLE DAY YUN AH. mag-uuwi pa rin ako ng work niyan HAHAHAHA PARA KAHIT LINGGO NAGTATRABAHO AKO 😂 'Wag lang talaga ko atakihin ng isip ko.
Ang hirap kalaban ng utak mga mhieee hahahaha
0 notes
zzarizzaristore · 7 months ago
Text
May hindi ako sinasabi sa kanya.
Yung reason kung bakit bigla na lang akong hindi naging okay nanaman. Pinipigilan ko sarili ko kase hindi namin alam kelan ba mawawala yung pain na nararamdaman niya.
Pero ayun. Bigla lang kase akong inatake ng utak ko nanaman. Na hindi naman niya ko niloloko pero hindi siya nagsasabi ng totoo sakin. Hindi sa nagmamalinis, pero biglang sumagi sa isip ko na ang unfair. Ang unfair kase wala akong "guilty pleasure". Yung magagawa ko yun tapos mag-so-sorry ako sa end. Kahit alam ko umpisa pa lang na in the wrong na, wala eh. Gagawin ko pa rin. Magsosorry na lang ako.
Ayun. Multiple scenarios na kaseng ganun. Hindi ko alam kung ako lang ba yung super open, pero anong mali run? I don't think "over sharing" ang ginagawa ko sa kanya kase ano ba kami? Hindi ba dapat open din siya sakin? Nirerespeto ko naman yung space niya para sa sarili niya. (kaya nga umabot kami ng 3 weeks na hindi niya ko kinausap diba HAHAHA) pero bakit ganun.
Wala lang. Naisip ko lang, kung nangyari na ito before, kung nangyayari na ulit ngayon, malaki ang possibility na mangyari pa yun sa future. Pero paulit ulit na lang talaga XD paulit ulit lang din actually yung linya ko hahahaha na "okay sa susunod hindi na talaga... kahit ano ka pa ganito ganito, wala na." Pero bugsh isang chat na "babe, please. Need lang talaga." WALA. SI TANGA DOBLE PA BINIGAY HAHAHAHA Wala akong tinago sa kanya ever. Pero bakit hindi siya ganun sakin? Yes may reasons siya. Yes, alam niyang walang excuse kung bakit niya nagawa. Pero kase, hindi ko alam. Ang powerful ng words niya. Magsosorry, tapos anong magagawa ko? Wala na.
Nung nagbigay ako ng doble, sinabi kong hindi ko extra yun. Umoo siya. Pero nabalik ba? Hindi pa. Hindi ko rin alam kung kelan.
Ayun lang. Ako kase yung tipo na kapag sa kanya, imemake sure ko na babawi talaga ako. Sinabi kong "ako naman yung hindi na muna kakausap sayo ah" PERO SI CLOWN, AFTER 1 AND A HALF DAY NAGMESSAGE DIN HAHAHAHAAH
Wala eh. Hindi ko naman kaya. Buti pa siya nakakaya niya noh HAHAHA
0 notes
zzarizzaristore · 8 months ago
Text
Happy New Year!
So kahapon, we spent 6 hrs sa hospital. LPDH. Dinala na namin Nanay kase nahihirapan na raw siya. Todo na yung oxygen, nahihirapan pa rin siya. Ang eksena sa ambulance, of course checking oxygen level, heart rate, bp. All normal. "Ma'am hindi ka po nahihirapan huminga, iniisip niyo lang 'yun."
Arrived at ER, chineck ng doctor, normal lahat. Heart rate, oxygen level, bp. "Ma'am, hindi ka po nahihirapan huminga, iniisip niyo lang 'yun"
Of course may mga laboratories na ginawa, pero grabe na talaga hospitals ngayon. Hindi sila gagalaw ng gamutan hanggat hindi ka nagbabayad. Parang loading machine na saka lang gagana kapag hinulugan mo ng pera. Walang dalang pera si Ate. 1k lang ang laman ng wallet ni Nanay. Need ng 2,900 para makapagpakuha ng dugo. 3PM. Nagligpit na ko ng gamit at nag-out sa office. Dumiretcho akong ospital, paid the charges. Stable naman kalagayan ni Nanay. Habang waiting time, lumabas muna si Ate and Jam Jam para kumain. Kase wala pa silang tanghalian. Hindi ko talaga kinakaya kapag nasa HR. Nanlalamig kamay ko, mas nakakakaba. May ganap kahapon. Ang bilis lang ng pangyayari, nawalan sila ng Papa. I've heard it all. We've heard it all. Naalala ko last time din nung tinakbong ER si Nanay, meron namang tinaga sa ulo. 'Yun hindi ko talaga kinaya, naduwal ako. Lab results are out, lahat normal naman. Binigyan din siya ng pampaihi para mas lumabas ang mga tubig sa katawan, effective naman. Marami siyang naihi. Nakauwi kami ng around 9:30, kumain lang ako, naghilamos, at nagpahinga na. Feeling ko dun na nagdrain yung katawan ko. Ramdam ko yung pagod kahit puro waiting game lang ginawa ko.
We paid 13k for 6hrs. Discounted na 'yun from pwd disc ni Nanay. Grabe. At around 4AM, narinig ko tinawag ni Tatay si Ate. NagpaBP si Nanay kase hindi raw makatulog. Nirmal naman ang bp. Baka nag-iisip nanaman. So kaninang umaga pagbaba ko, pinagalitan ko nanaman Nanay. Na baka nag-iisip nanaman siya kaya hindi siya makatulog. Hindi raw siya nag-iisip.
Ngayon naistress ako. Inaatake ako ng anxiety. 3rd day pa lang ng taon, ganito na yung nangyayari. I always pray. Bago matulog, pagkagising, even kapag nagigising sa madaling araw. Yun una kong ginagawa. Ang ipagdasal na maging better na ang kalagayan ni Nanay. We cannot risk another hospitalization. Kase mga gamot pa lang, mabigat na. Every ganito, sinisisi ko rin naman sarili ko. Na wala rin naman kase akong ginagawang side hassle. Ewan ko. Parang hindi lang kase ata talaga fit sakin ang pag-bi-business.
Pinipigilan ko sarili ko magshare kay Dea. Nakashare kase ako sa kanya kaninang umaga, at yun nabasa niya pagkagising niya. So tama na 'yun for the day. Kase pareho naming hindi alam kung kelan siya maghiheal. Iniiwasan kong dumagdag pa sa silent battles niya. Kelangan ko lang talagang mailabas 'to.
Umaga pa lang pag-gising ko, nagsearch na ko agad sa Lazada ng Maxicare HMO. Ngayong gabi, nag screenshot ako, sinend ko sa gc naming magkakapatid para bumili na ulit. Kase hindi natin alam kelan siya ulit makakaramdam ng ganun. Na 'wag naman na sana ulit.
Nanood ako ng How to Lose a Guy in 10 Days ngayon, pero hindi kinakaya ng movie na iwave yung anxiety ko. Kumain lang ako, tapos sinimulan ko nang itype ang mga nababasa niyo ngayon haha.
This too shall pass. Of course we can surpass this!!
Mahal kita palagi, deababe. 🥺🫂
0 notes
zzarizzaristore · 8 months ago
Text
So I started talking to Dea again last Friday. Gave updates, shared highlights sa mga nangyari sakin sa 3 weeks na hindi niya pagkausap sakin, shared ano mga christmas presents ang natanggap ko. We good. Alam ko naman yun.
I've been bed rotting and netflix since Sat. Since wala work, umaandar nanaman utak ko. Tinapos ko ang squid game 2, napanood ko finally ang The Notebook, I'm on s6 na ng gossip girl. Pinipilit ko sarili ko maging busy sa panonood. Ansakit na ng katawan ko actually kase puro higa tulog higa tulog hahahaha
Buti I have this account na free kong dinanump-an.
Bumibigat nanaman yung nararamdaman ko. Gusto kong sabihin sa kanya yung mga natakbo sa utak ko pero kapag sinabi ko, baka mas hindi niya uli kayanin. Since hindi pa rin naman siya ayos.
0 notes
zzarizzaristore · 8 months ago
Text
Kailangan namin ng emergency oxygen tank now, wala maprovide yung brgy, wala raw laman lol nag try ako mag call sa dr, hindi rin niya alam yung isasagot sakin XD sabi niya try daw niya mag call sa ibang brgy. Eh hirap na 'tong isa makahinga. Sinimulan ko na na "from Accounting po ako" kase based sa shared experience ni ms kat, ambagal daw nung response nung need nila ambulance before.
Pero ayun. Umabot naman sila Tatay.
Hindi ko nga maintindihan. Kase kapag nagsesearch ako, need nun kapag may lung problem. Eh okay naman ang oxygen level, heart rate.
At late night nanaman :) super work nanaman bukas.
Until when kami ganito?
0 notes
zzarizzaristore · 8 months ago
Text
Sobrang toxic. Ang hirap huminga.
Hindi ko kinaya sumabog ako kanina.
Lahat kami hirap na.
0 notes
zzarizzaristore · 8 months ago
Text
Tingin ko kaya mas pinipili kong nasa trabaho ako kase mas pagod ako kapag nandito sa bahay. Iba talaga yung physically tired sa emotionally tired noh. Mas draining yung latter. Yung dapat na pahinga mo, hindi mo dama eh. Kung pagod kase sa trabaho, gets mo kung bakit mo yun nararamdaman. Pero yung pagod emotionally, ang hirap. Pinipilit mo sarili mong kelangan okay ka. Eh hindi nga eh haha
Kaya hindi ko talaga masisisi si Dea kung pinili niyang 'wag na muna kami mag-usap. Kase ako yung sira. Alam ko yung effort niyang maging buo, pero naiintindihan kong kaya niya pinili 'yun kase baka dalawa na kaming masira. Parehas naming need ang isa't isa for strength, pero pano naman kami makakapagbigay kung parehas kaming wasak emotionally diba. Matagal na kaming 'di nagkikita. Around 2 months na, tapos 2 weeks kahapon na hindi nag-uusap. Nag-email naman siya sakin nung 14 to greet, pero 'di ko siya nireply-an hehe. Pinili kong 'di siya reply-an kase ayaw ko madagdagan yung sadness na nararamdaman ko. Na kapag nagmessage back ako, ako nanaman yung wala ulit reply na makukuha. Tama na yung andami kong nakwento sa messenger na binasa lang niya sa notif bar niya haha
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong mangyayari. Parang bawat araw bagong trial. Pero shempre, looking sa brighter side, blessed pa rin.. Bills are paid, maintenance meds are taken, may work lahat, patuloy ang buhay. Na lagi ko naman yun dasal. So prayers are always answered. If tingin ko hindi ko na alam, the Lord makes way. Faith.
Hindi ko alam kung hanggang kelan 'to. Ang hirap.
Siguro magiging bearable kung mahahug ko na ulit si Dea. Kung makakatabi ko na ulit siya matulog. Kung babalik na ulit sa normal ang lahat.
This chapter is so tough. Lord, please guide us to light..
0 notes
zzarizzaristore · 2 years ago
Text
since we last saw each other, i have this inside me na kapag nakakarinig ako ng motor sa labas, i was really hoping na ikaw yung sakay nun. I was really hoping na titigil sa tapat ng bahay, tatahol si chewy, and ayan ka, tas sasalubungin ako "hello.."
and my heart and mind will be at peace again.
you are missing from me, lover.
0 notes
zzarizzaristore · 2 years ago
Text
miss na kita sobra
0 notes
zzarizzaristore · 2 years ago
Text
So, naglilinis sila sa baba ngayon, and nandito lang ako sa taas. Wala akong tinutulong HAHAAHAH Lagot ako bukas for sure, and hindi lang pala para bukas.. kase malamang ibibring up naman kahit hindi related... so iprepare ko na lang sarili ko sa dakdak HAHAHAAH
8 notes · View notes
zzarizzaristore · 3 years ago
Text
Hello, so life update lang. Pinapalayas na ko ng Nanay ko kase sa ugali ko HAHAHAAHAH
Hindi ako nagjojoke ah. Like, pumili raw ako. Either magstay ako at magbayad ng rent, or lumayas na ko para mapaupahan kwarto ko at ako, mangupahan sa iba.
Ang mali lang na pati si Dea dinadamay niya sa galit niya. May pangalan yun tao bakit hindi mo inaaddress ng maayos. Ano bang ginawang mali nun sayo para ganunin mo? Para idamay mo sa galit mo?
3 notes · View notes
zzarizzaristore · 3 years ago
Text
UP
So, life update, yes buhay pa ko hahaah charot.
Okay, so uhm, naisip ko dito ko na lang ibuhos ang pangangarag ko.
Gara kase bakit sabay sabay yung work kaninang hapon naaaa kakaloka. Kala ko talaga matatapos ko ang weekdays na ito na walang irerender na overtime. Pero izzapraankkkk. So ayun, tom, siguro wala pang 8AM, mag start na ko ng work huhu waaaHHhhhh need kong tapusin yung encode ko ng payment breakdowns na need ng PLDT eh BAKIT BA KASE NILA NEED PA KUNG MERON NAMAN NAKASULAT SA MISMONG RESIBO NILAAAA!!!!! GHAAADDDDD Tas ayun. Bale 37 yun. Tas 2 hrs ko ata ginawa yung 32 cheques, so malamang 2 hrs ko rin gagawin yun bukas. Eh may isa pa kong ochecheck na voucher. Yung sa medicine. Buti na lang dalawa lang yung medicine na napunta sakinnnn or intentionally nang dalawa na lang binigay sakin nuh hahahah tas ayun. Nilagay ko lang muna sa lapag ko yung folders ng PLDT eh. Napuno kase talaga table ko. Tapos mahirap na baka magkahalo halo vouchers. 😭
Pero on a brighter note, FRIDAY NA BUKAAASSSS!!!!!! Babe time na ulit yeyyyy
LABAN LANG bHI3!!
2 notes · View notes
zzarizzaristore · 3 years ago
Text
circa 2015
CHAROT HAHAAHAHA believe me, this photo was taken just today lol
selfie sana kaso kitang kita kami sa lenses ng sunglasses so back cam na lang. ending, 'yan tuloy itchura HAHAHAHA
pero what if we really met 2014, ended up with each other 2015 nuh? Hahahaah panes keleg nanaman
pero baka we really met 2014 na talaga since 2014 naman tayo nagcollege, hindi lang talaga time pa ehe
wavyüü
Tumblr media
1 note · View note