/akap.tula/ : yakap ng bawat tula //diwa't saloobin//daily poem//RANDOM
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text

Just saying ...
2 notes
·
View notes
Photo

Langit ang pagitan,
Mundo man ay mag kasalungat,
Pag ibig o mahal iyong hagkan,
Sambitin ang bawat letra ng aking
Pangalan.
Diwa ko’y lumulutang,
Sa himpapawid na kasing lawak ng dagat,
Na walang katarungan at magandang panig ang kanlungan.
Sandal ang bawat bigat ng pighati,
Sa karanasang di nais,
Malimit kong hagkan ang bawat haplos ng iyong kamay
sa aking mga bisig.
Timog, hilaga, kanluran at silangan ang direksyong aking
pupuntahan, na sa bawat landas ,
mga apak ay tandaan,
Sundan ito hanggang sa kanlungan ika’y hagkan.
Sa punto ng aking buhay, ikaw lamang irog ang aking iibigin,
Hanggang sa dulo, sa mapayapang daan.
Ni galos ng kahapon atin nang kalimutan,
Na sa dulo ng bawat tuldok ang nakaraan atin nang lisanin
Upang ang pag ibig ay na hango sa bawat pintig ng ating mga puso,
At damhin ang bawat pintig nang kalayaa’y matamo.
Hindi sukat ang pagitan sa pag mamahal,
Kundi sukat ito sa pagiging malaya sa karumal dumal na karanasan,
Halina’t maging Malaya sa huwaran ng mga pighati ng kahapon.
-akap.tula
1 note
·
View note
Quote
Sinong mag aakalang, Ako’y pakikinggan ni Bathala, Noo’y tanaw ka sa malayo, At ngayo’y mga puso’y nag tagpo, Binubulong sa hangin , Na sa bawat tuwina, ikaw ang panalangin.
akap.tula
1 note
·
View note
Quote
Ako’y naging masaya, Iniisip na ika’y isang biyaya, Ngunit mahal, di pa ito Ang tamang panahon, Nawa’y sa pagsapit ng umaga’y Sana’y mag tagpo at muling makilala.
akap.tula
0 notes
Quote
Binibini, piliin mong maging matapang, Paulit ulit ka man nilang saktan at Gumagapang sa bawat masasakit na alaala, Huwag mag alala, Dahil sa pag sapit ng umaga’y magiging malaya.
akap.tula
0 notes
Quote
Doon banda sa sulok ng liwanag, Huwangis mo’y hanap hanap pa. Pero huwag nang mag alala, Kaya ko na, kahit ika’y wala.
akap.tula
0 notes
Quote
Nawa’y iyong maalala, Na tayo man ay hindi itinadhana, Ika’y naging hiwaga.
akap.tula
0 notes
Quote
“ano ba ang pag ibig?” Tanong na laging mukambibig, Nang ika’y dumating, Walang pasintabi, walang pasaring. Hinawakan ang kamay, Hinalikan ang mga matang mapungay, Sabay kapit sa mga pangarap mo, At ako’y iyong isinabit. Dito ko nalaman ang sagot sa aking katanungan.
akap.tula
0 notes
Quote
Ikaw ang tiyak sa bawat taya, Ang aking “sige pa” sa “ayaw ko na” Ikaw ang pag asa sa nasirang tiwala, Nag bigay kadahilanan na ang pag ibig ay pag bigyan. Ikaw ang lawak sa pag uunawa, At nagsilbing biyayang payapa.
akap.tula
0 notes
Quote
Dumating nang di inaasahan, Paglisa’y hindi namalayan, Bawat titig ng mga mata, higpit ng yakap at hawak ng mga bisig, Lahat pala ay panandalian lamang At inakalang walang hangganan.
akap.tula
0 notes