cyphrlly-blog
cyphrlly-blog
Cyphrlly
7 posts
Oh yeah, she did it. She shine with flashin' lights.
Don't wanna be here? Send us removal request.
cyphrlly-blog · 6 years ago
Text
Tama na, Ayoko na
Apat na salita na napakahirap bigkasin.
Tila ba ang bawat letra ay may pangil
na kahit anong hirap ay hindi kayang sabihin
dahil sa pangako ko sayo na hangang sa dulo ay dito lang ako,
na kahit itulak mo palayo ay patuloy paring tatakbo papunta sayo.
Na kahit saktan ng paulit ulit
kahit na itaboy mo ako palagi,
ako'y mananatili
pero sa dami ng bagyo na sinisira ang ano mang meron tayo
sa dami ng metro kilometrong aking itinakbo
sa ilang beses kong pag lapit at pagsuyo sayo
napagtanto ko na lahat ng pangungusap ay may tuldok.
na nakakapagod, nakakapaos at nakakasawa rin pala
nakakapagod humabol sayo na hindi man lang tumigil ni minsan
nakakapaos isigaw ang pangalan mong pinilin mong hindi pakinggan
nakakasawa magmahal sa taong ni minsan hindi nagpahalaga
nakakapagod manghingi ng pagtingin sa isang taong walang kurap kung manakit
mahal, oo walang tanong sa kung gaano kita kamahal
kaya kong libutin ang buong mundo ikaw lang ay mahagkan
pero sa bawat takbo ko ay bitbit ko ang iyong pangako
na hindi ka rin titigil sa pagmamahal sa isang tulad ko
pero mahal anong nangyari?
bakit ka kumuha ng bato at ipinako ang iyong pangako?
oo mahal, tayo ay may pangako ,
pero kung ayaw mona, marapat din sigurong ako'y huminto
huminga ng malalim at saka ulit tumakbo
ngunit sa pagkakataong ito ay palayo na sa iyo.
at patungo sa sarili ko.
ibinuhos ko sayo ang bawat oras, minuto at segundo
para sa pagmamahal ko sayo.
Pero mahal tama na , ayoko na.
mahal kita pero sana maintindihan mo
ako naman.
sa pagkakataong ito, sarili ko naman.
Sarili ko ang aking hahanapin, mamahalin.
ng sagayon sa susunod hindi na ako magbibigay ng buo
dahil ngayon alam kona
na hindi lahat nasusuklian
at hindi lahat dapat ipinaglalaban.
Tumblr media
0 notes
cyphrlly-blog · 6 years ago
Text
Takot
Ano ba ang takot?
Yun ba yung nakita mo ang pinakakatakutan mo?
Kung saan ka nakaramdam ng takot at kaba na para bang ang puso mo ay sasabog at dika mapakali na tila sasabak sa gera?
O yung pag nasa itaas ka ng isang matayog na gusali
At ayaw mong magbakasali
Ayaw mong lumingon sa takot na ikay mahulog
Sa takot mo na lumangoy sa ilog dahil baka ikay malunod
Yun ba ang takot?
Hindi.
Hindi iyon
Ang takot ay iyong nararamdaman mo sa tuwing nakakagawa ka ng mali
Yung dahilan para umiwas kang harapin ang mga bagay na una pa lang ay responsibilidad mong tapusin
Yon ang dahilan kung bakit hangang ngayon ay nariyan ka parin
At hindi makaalis ,
Yon ang takot.
Takot
Takot na pumipigil sayon na harapin ang totoong mundo
Na dahilan bakit ikinukulong mo ang iyong sarili sa gawagawa mong daigdig na lahat ng bagay ay madali na kung mahirap na ay aalis nalang nang walang pagaautubili
Kung saan ang dulo ng mundo ay hindi mahirap abutin
Kung saan puro saya at walang pighati
Takot. Takot ang dahilan ng iyong pagkukunwari
Bakit Hindi mo subukan tuklasin
Bakit Hindi mo subukan tignan ng maigi na ang bawat pagtakas mo sa bawat bagay na nakaatang sayo dahil sa simpleng takot mo ay dobleng hirap ang balik sayo?
Sa bawat paglihis mo ng daan palayo.kahitgaano pa karaming metro kilometro ang itakbo
Wala kang ibang pagpipilian kundi ang harapin ang mundo
Kung saan ang pagabot ng dulo ng mundo ay hindi maipaliliwanag
Kung saan ang lahat ay hindi madaling makuha
Kung saan tanging paniniwala at lakas ng loob ang magsisilbing liwanag
Lalo na sa mga panahong ang pagasa ay di mo na mabanaag
Wag kang matakot
Wag mong hayaang ikulong ka ng takot mo sa kahon na ang tanging liwanag ay nagmumula sa mumunting siwang at paniniwalain ka na ang mundo ay ganoon kaliit
at ang liwanag na iyon ay sya raw galing sa araw na maaring gawa rin ng isang bulalakaw
Ngunit takot ka namalaman ang totoo kaya naniwala ka na lamang.
Imulat mo ang iyong mga mata.
Tignan mo ang kulay ng mundo ng walang takot
Nang sa susunod na makaramdam ka ng kaba
Kaba na parang sasabak ka sa gera
Hindi ka na matatakot harapin
Dahil alam no na ang mundo ay isang sugal.
At ang bawat hamon nito ay dapat mong tanggapin
Dahil sa dulo ay may panalong nagaabang sayo
Panalong matitiyak mong sulit ang sugal na ipinuhanan mo para labanan ang takot na nadyan sa puso mo.
Posted on November 27, 2017
Posted by Cyphrlly9295
https://cyphrlly9295.wordpress.com
(that is still my account, just a different platform. Reposting it all here since i lost my access to that one. )
Tumblr media
1 note · View note
cyphrlly-blog · 6 years ago
Text
Kamusta?
Kamusta?
Nais kong kamustahin ang taong nagmahal pero sinaktan ko lang.
Kamusta?
Ang kaisa isang taong nariyan para sakin pero pinilit kong wasakin
Kamusta?
Naalala ko pa kung paano ka nagtiis,
Kung paanong nasaktan kita ng walang mintis
At kung paanong sa piling ko ikay nagtangis
Naaalala ko.
Naaalala ko kung paanong ang iyong mga tawa ay napalitan ng luha
at ang iyong mga ngiti ay napalitan ng pighati
dahil sa aking pagiging makasarili.
Tandang tanda ko pa.
Noong masaya tayong nangangarap para sating dalawa
pero sa isang iglap nawalang parang bula.
Pero pinilit mong maging malakas
Kahit na ang sakit na napadama ko ay tila wala nang lunas
At ang tanging gusto ko noon ay magwakas
Pero pinilit mongipinaglaban ang pagibig mong wagas.
Sayang
Nasasayangan ako at pinakawalan pa kita
Naghihinayang ako sa mga pagkakataon na sana pinsaya kita.
Nasana ay pinaramdam kong ikaw ang aking mundo at hindi ka ikinulong sa apat na sulok at sana ibinigay ko sayo ang lahat at hindi ka pinabayaan
Sayang
Nais kong malaman kung masaya ka na ba o nariyan ka parin.
Nais kong malaman kung sakaling akoy babalik, ako ba ay iyong tatanggapin.
Nais kong malaman mo na sa twing naaalala ko ang bawat sinabi mong “mahal kita pero nakakapagod na” tila ba winawasak ang puso ko.
Na sa bawat hakbang mo noon paalis sa tabi ko. Isang daang kutsilyo ang unti unting tumatarak sa dib dib ko.
Pero alam kong wala akong karapatang magreklamo.
Dahil itunulak kita palayo.
Sinayang ko ang pagibig na pilit mong pinapadama sakin pero pinipilit kong wag pansinin.
Patawarin mo ako.
Patawad kahit alam kong wala na itong patutunguhan Patawad kahit alam kong di na maiibsan
Ang puso mong aking nasaktan At kahit na alam kong wala ng magbabago Sasabihin ko pa din sayo Patawad.
Sana pinahalagahan kita ng hindi ka nawala
Nasana ang bawat luha na ilalaan mo ay dahil sa saya
at hindi sa pait na ibingay ko
Na sana ang bawat hagulgol ay napalitan ko ng halakhak
At sana ang bawat pagtangis ay naging isang ngiting matamis.
Sana
Pero sa huli gusto kong malaman mo.
Nasa bawat masasayang alaala natin ay diko mapigilang maghangad muli.
Nasana kung pwede ba tayo na lang uli.
Nasana ganoon lang kadali Bawiin ang aking mga nasabi.
Pero mahal kita.
Mahal kita kahit alam kong wala ka na.
***
Posted on August 12, 2017
Posted by Cyphrlly9295
https://cyphrlly9295.wordpress.com
(that is still my account, just a different platform. Reposting it all here since i lost my access to that one. )
ps: this was supposed to be my piece for Spoken Poetry contest but I didn't compete , but this one is really my favorite.
Tumblr media
1 note · View note
cyphrlly-blog · 6 years ago
Text
Language is not a barrier, RACISM is
I have grew tired hearing those rants. Saying that “Language is a barrier” , “You’re wasting your time because you can’t even understand a thing.” and such things that for me is extremely wrong. I am here to share my thoughts about this thing so just keep reading.
I’ve been a korean pop music fan since 2015 and its really a struggle to understand the meaning of their songs or what they are saying in music shows unless there are English subtitles. Since they’re native koreans , some of them can’t speak english fluently and so understanding them is quite difficult. But again. LANGUAGE IS NOT A BARRIER. It doesnt mean that i dont understand them then i have to ignore them. Language is an identity that makes us different from other nations. But it doesn’t mean that it SEPERATES countries and culture or to create divisions among nations. Language is just an identity but not a barrier. RACISM is. People tend to ignore someone whom they can’t understand. They tend to get tired understanding different culture because they felt it’s unnecessary. But its wrong. Let me site an example, you have met a stranger. Same nationality as yours, practising the same culture and has the same characteristics like you. But the things is, that person is deaf and can only understand sign language. That person is trying to ask you about direction. Would you ignore him? Just because his language is different from yours? People. Lets free ourselves from racism. People who tries to understand foreign language are not fools. If all people tries to understand different cultures, nations, practices and Languages then i believe that there will be no cultural misunderstanding. We are all different from each other. Thanks to our own language because we have an identity. But dissing other nations by their language is simply immaturity and an act of racism.
June 10, 2017
Posted by Cyphrlly9295
https://cyphrlly9295.wordpress.com
(that is still my account, just a different platform. Reposting it all here since i lost my access to that one. )
Tumblr media
0 notes
cyphrlly-blog · 6 years ago
Text
DEACTIVATE
Like,share, comment and post
Things that I’m sure you have done before
We have shared a piece of us, our outer core
But have we really open the real door?
We cry, we smile and we laugh
Things we express but why do we still hide
To an identity we are longing to have
To a person living a life we desire
Wasted tears, unheard screams
Disappointed souls and shredded dreams
Polluted society, racist, and ill
But why are we here still
All of us want to break free and let our dreams be true
But why we stuck ourselves with transient tears
We should unlocked ourselves and flew out from this suffocating room
Why aren’t us working?why are we just dreaming
Open up yourselves and let it out
Shut down the ill world, delete your account
Leave the place starts to shout
Live your life like a fool, be happy and proud.
Published by cyphr9295
DEACTIVATE June 10, 2017
https://cyphrlly9295.wordpress.com
(that is still my account, just a different platform. Reposting it all here since i lost my access to that one. :( )
Tumblr media
1 note · View note
cyphrlly-blog · 6 years ago
Text
Glimpse
Let me share to you my frustrations. Have you ever feel that passion in writing poems, short stories and such ? To the point you were totally excited to share it with your family, with your peers and then that ” i don’t care ” look and response is all what your going to get? You love what you’re doing but you were discouraged about the lack of support from those people around you. Like you , I experienced the same storm. The same cold that embraces me whenever i felt rejected. Whenever all those excitement turns into disappointments. I don’t know what to do. Even on my career I can’t even choose to write. But one day I saw a sign. A glimpse. A shadow of relief.
I was wondering that time what to do in my vacant time in school. Then i suddenly felt the urge to start a blog. To create a hideout. Where I can share my thoughts, share my works and share my words. I saw a glimpse of what could possibly happened if i had a blog. And I saw contentment. I saw relief. I saw happiness.
” When will you be brave?”-Gavin
Those words from my favorite character from a wattpad story SOMETHING SPECTACULAR written by April_Avery.This shows the frustration of a writer wannabe. A girl who wants to be free. But cant break free. I was astonished whenever I imagined I was Isabelle ( the female lead, the writer wannabe) who gains strenght little by little to pursue her dreams. I wish i can also be as brave as her. But who knows right? Maybe this very first post of Cyphrlly lead me on my own happiness. I wish I can be Isabelle someday. I wish we can all be Isabelle someday. 
Someday, when we’re all tired of faking ourselves, when were all tired of enclosing our dreams inside our palms. I wish we will all be able to let it out. And let it reach our heart to greatly ignite our passion and let us see, not just a glimpse, of the life we want to live someday. Someday I know it will happen.
***
This is actually my first blog entry on my wordpress account. Starting from this post, I'll be reposting all my contents from that account because sadly, I lost access to it. So yeah. Thanks for reading!
Here is my wordpress account btw if you wanna check :)
https://cyphrlly9295.wordpress.com
Tumblr media
0 notes
cyphrlly-blog · 8 years ago
Text
Noise
Screeching sound deafening conversations scandalous laughs and horrifying lies.
When will this noise vanish?
When will this place be quiet?
When will this lies be revealed?
When will this troublesome distractions disappear?
So that the sorrows, pain and helpless screams be heard?
I keep thinking, Gonna keep wondering
When will we be heard?
And if it happens will there be any change? I guess this will be useless.
Cause even if the noise starts to fade
If they remained and pretend deaf
Then the silence we longed to have will
still silently kill our will to be heard
Tumblr media
0 notes