Text
NSTP MODULE 3
Dolfo, Ciara May (right) // C-EDU-5
0 notes
Text
HAZARD IDENTIFICATION
Ang isa sa mga pinakamalalang kalamidad na tumama sa barangay ay ang mga Bagyong Ondoy at Pedring . Malaki ang naging pinsala nito sa barangay dahil karamihan sa mga imprastraktura sa lugar ay nagkaroon ng sira. Hindi lamang sa barangay ang naging pinsala nito kundi sa buong Pilipinas na kung saan ay matindi ang naging sira sa mga likas na yaman at pagbaba ng ekonomiya.
Bukod sa bagyo, ang iba pang panganib na nakaaapekto ng matindi sa ating pamayanan ay ang pagbaha at lindol o earthquake na nangyayari sa kasalukuyan. Ilang beses nang nagkaroon ng lindol sa ibat’ ibang rehiyon sa bansa kung kaya’t isa ito sa mga kalamidad na binabantayan ng mga barangay at ng buong bansa.
Ang barangay ay parating nakatutok sa balita para sa mga maaring sakuna na mangyayari. Kung minsan ay may mensaheng pinadadala sa kanila para sila’y makapaghanda sa darating na sakuna. Taon-taon ay may nangyayari sakuna tulad ng mga dumarating na bagyo. Hindi na bago iyon para sa buong bansa kung kaya’t araw-araw nakahanda ang mga tanod kung sakaling biglaan ito dumating.
0 notes
Text
VULNERABILITY, ELEMENTS, AND PEOPLE AT RISK ASSESSMENT
Ang pinakamatinding mapipinsala ay ang mga bulnerableng komunidad, mga nakatira malapit sa dagat, at mga maliliit na bahay sa lansangan. Ang mga lugar na ito ang may pinakamatinding pinsala sapagkat sila ay malapit sa panganib tulad ng mga bahay na malapit sa dagat na maaaring tumaas at magsanhi ng baha lalo na kapag may bagyong dumating. Hindi rin matibay at ligtas ang mga lugar sa lansangan at mga bulnerableng komunidad kung kaya’t sila’y maaapektuhan ng matindi ng sakuna.
Ang pinaka-maaapektuhang tao sa lugar ay ang mga bulnerableng tao at mahihirap pati na rin ang mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, at katutubo dahil maaaring mawalan na sila ng pag-asa sa mga panahong iyon at iisipin na lamang nila na wala na silang magagawa para sa kalagayan nila.
Ang maaaring epekto ng pagtama ng sakuna sa mga tao ay mawawalan sila ng trabaho na bumubuhay sa kanila araw-araw. Maaaring malugi rin ang mga pangkabuhayan dahil nasira ang mga paninda rito o di kaya’y wala nang bibili sa kanila. Sa serbisyong panlipunan at imprakstruktura, maaari ring masira ito at mawalan ng mga trabahador na maaaring maging sanhi ng pagbagsak nito sa panahon ng kalamidad.
Kung may bantang panganib na dumating, maaaring pumunta sa mga lugar na rehabilitasyon o mga evacuation centers na malayo sa mismong panganib. Tuwing may lindol, maaaring pumunta sa isang open space at iwasan tumabi sa mga malalaking imprakstruktura.
Nararapat na pansamantalang lumayo sa mga dagat o lugar na may tubig tuwing bagyo upang maiwasan ang baha. Tuwing may bantang lindol na darating, maaaring umalis kaagad na mga imprakstruktura na matataas at mag-evacute agad upang maiwasan ang panganib kung sakaling mataas ang magiging magnitude nito. Lumayo rin sa mga salamin o bintana na maaaring masira kapag malakas ang hangin dulot ng kalamidad.
Ang mga suliranin o problema na kinakaharap ng barangay na humahadlang at pumipigil sa pag-unlad ng pamayanan ay kung minsan ay kakulangan sa mga resources o mga gamit na pwedeng makuha at magamit tuwing kalamidad. Ang mga volunteers rin ay kailangan upang matulungan ang barangay sa pagbibigay ng tulong sa mga taong nakatira sa lugar na ‘yon.
0 notes
Text
CAPACITY AND DISASTER MANAGEMENT ASSESSMENT
Ang barangay ay nagsasagawa ng earthquake drill upang makapaghanda sa darating na lindol at sinasabihan rin nila ang mga nakatira sa lugar na iyon na maghanda para sa darating na bagyo o baha. Pinaaalalahanan rin nila ang mga tao sa mga dapat nilang gawin at kung saan dapat pumunta sa panahon ng sakuna.
BARANGAY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COMMITTEE DISASTER CONTINGENCY PLAN
Sa tulong ng Raha Fire Volunteer, megaphone, at two-way radio, masasabihan kaagad ang mga tao sa barangay at fire volunteer ng mas maaga na mayroong sunog na nagaganap sa lugar. Mabilis rin na masasabihan ang mga nakatira sa paligid na may sunog upang sila ay makalikas kaagad kung kinakailangan.
BARANGAY PROJECTS FOR 2018
Ang Budget Barangay ay may sariling Calamity Fund. Ang Calamity Fund ay nakahati sa 70% at 30% para sa Quick Response Fund tuwing kalamidad.
PROCUREMENT PLAN FOR 2018
Ang isa sa mga tungkulin ng Barangay Disaster Risk Reduction Management Council ay ang pagkakaroon ng procurement plan. Sa tuwing may kalamidad, ang mga miyembro ng Barangay Disaster Risk Reduction Management ay dapat kilala ang mga miyembro ng mga benepisiyaryo at ang bilang ng supply na kakailanganin ng mga biktima.
Ang 30% na quick repsonse fund ay maaaring gamitin sa panahon ng kalamidad na inanunsiyo ng mga government officials. Matutulungan nito ang ang mga miyembro ng BDRRM na magdesisyon kung ano ang mga nararapat na bilhing gamit na kakailanganin ng mga biktima.
Ang barangay ay parating mayroong mga nakahandang gamit para sa mga disaster/rescue operations:
Two-way radio
Megaphone
First-aid kit
Fire extinguisher
BP Apparatus
Flashlight
0 notes
Text
BARANGAY DISASTER COORDINATING COUNCIL (BDCC) - COMPOSITION & SPECIAL DISASTER TASK FORCES
OVERALL-CHAIRMAN: Osmundo J. Perez
SERVICE TEAMS:
Warning Service Leader: Lito Espera
Rescue and Evacuation Service Leader: Babilon Lorica
Disaster and Supply Service Leader: Chona Regino
Medical Service Leader: Adelaida Rabe
Fire Brigade Leader: Alfonso Adalia
Damage Control Service Leader: Lito Espera
Security Service Leader: Evelyn Rodriquez
Transportation and Communication Service: Emerita Caraig
SPECIAL TASK FORCES PER BARANGAY:
Task Force on Fire Disaster:
Chairman: Osmundo J. Perez
Action Officer: Alfonso Adalia
Task Force on Typhoon Disaster:
Chairman: Osmundo J. Perez
Action Officer: Babilon Lorica
Task Force on Earthquake Disaster:
Chairman: Osmundo J. Perez
Action Officer: Lito Espera
Task Force on Pandemic/Outbreak Disaster:
Chairman: Osmundo J. Perez
Action Officer: Evelyn Rodriquez
0 notes
Text
COMMUNITY WALK
Ang kagawad na nandoon noong araw ng interview ay hindi pwede para sa community walk ngunit ipinaliwanag niya na ang mga hindi ligtas na lugar sa barangay ay ‘yong mga eskinita at sidewalk dahil napaliligiran ito ng mga matataas na building. Delikado rin para sa mga tao na nakatira doon o sa iba na may mga negosyo sa oras ng kalamidad dahil malilit ang kanilang mga espasyo na maaaring maging sanhi ng hindi pagkaligtas sa kanila kapag dumating na ang sakuna.
Ang mga tao ay maaaring pumunta sa Barangay Hall, Raha Rire Volunteer Station, at UST Football Field tuwing may kalamidad. Ito ang mga ligtas na lugar na maaaring nilang lapitan dahil ang mga barangay kagawad ay handang magbigay ng tulong at serbisyo sa mga oras na iyon.
Barangay Hall 471
Raha Fire Volunteer Station
UST Football Field: https://www.flickr.com/photos/twistedhalo/83632344
Ang komunidad ng barangay ay nagagalak sa mga proyekto ng isinasagawa ng barangay tulad ng earthquake at fire drill dahil nakatutulong ito sa mga tao para sa paghahanda sa oras na dumating ang sakuna. Namimigay rin ang baranagay ng mga sako ng bigas, first aid, at kahit anumang tulong na maaaring ibigay sa mga biktima ng kalamidad.
Photo source: 2019 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill Report
0 notes
Text
REFLECTION, SYNTHESIS, AND ANALYSIS
Ang mga problema na kinahaharap ng komunidad ay hindi tamang pagtapon ng basura, pagdagdag ng pagtatayo ng mga imprastruktura, at pagdami ng tao na nakatira roon. Sa aking palagay, dumarami ang mga basura sa paligid at pagtatayo ng mga imprastruktura sa paligid dahil sa pagdami ng taong nakatira roon at kailangang tugunan kanilang mga pangangailangan. Ang mga solusyon na maaaring gawin ng gobyerno ay pagbibigay ng trabaho sa mga taong walang trabaho na nakatira roon, at pagtuturo ng tamang asal at paraan kung paano magtapon ng basura upang mapangalagaan ang lugar at kalikasan. Kung maiuugnay ito sa mga kalamidad na nangyayari sa ating bansa, ang mga basura sa paligid ang isa sa mga nagiging sanhi ng pagbaha dahil natatabunan nito ang mga drainage na pwedeng daluyan ng tubig. Kailangan nating malaman at tugunan ang mga problemang dulot ng kalamidad sa bansa para sa kaligtasan ng mga tao at maiwasan na rin na mangyari ulit ang mga problemang nangyari tulad noong panahon ng Bagyong Ondoy. Maaari nating matugunan ang mga problemang ito sa paraan na pagsunod sa mga simpleng batas tulad ng tamang pagtatapon ng basura at pakikiisa sa pagtulong sa isa’t isa sa mga oras ng kalamidad. Ang mga aksyon na nararapat na parating isinasagawa ay ang paglaganap ng kaalaman sa mga nangyayari sa ating bansa upang ang lahat ay may alam rito at alam ang gagawin sa oras na dumating ulit ang mga sakuna sa bansa.
2 notes
·
View notes