elnotfound
elnotfound
el
92 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
elnotfound · 2 years ago
Text
say it with me—
“someday i’m going to have the life i’ve always dreamed of and i won’t let self doubt stop me”
136K notes · View notes
elnotfound · 2 years ago
Text
Life is so hard! Pero kakayanin! 💪🏻
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
elnotfound · 2 years ago
Text
Life update (year 2023)
Disyembre 7: (no longer believe in love)
Nawala yung taong pinakamahalaga sa akin, taong nand'yan palagi, taong I can rely on everything, taong kaya kong maging confident at comfortable kapag kasama ko, taong lagi akong sinasabihan na mahal niya ako, taong hindi ako kinakabahan sa tuwing kasama ko siya, taong mahal na mahal o minahal ko nang buo at tunay, taong nagpaniwala na totoo 'yong pag-ibig kailangan mo lang maniwala o magtiwala at higit sa lahat taong nagpaniwala rin na kahit mahal mo 'yong tao kailangan mo pa ring pakawalan dahil siguro iyon 'yong magandang desisyon para sa inyo. To tell you the truth, sa ngayon kaya ko na o nasasanay na akong wala ka, pero iba pa rin pakiramdam buhat noong naghiwalay tayo. Siguro hindi ko pa alam kung anong 'sense' bakit kita nakilala at kalauna'y naghiwalay rin, hindi ngayon pero sa hinaharap babalikan ko 'to at matutuklasan ko kung bakit. Sana, nasa maayos kang kalagayan, huwag ka nang ma-guilty. I'm no longer hoping for both of us. I'm okay at definitely makakabangon din sa dakok na ito! Thank you for leaving and setting me free. Malaman ko lang na masaya ka, masaya na rin ako! :)
Disyembre 17-21: Baguio (City of Pines)
Sa mga araw na 'yan nasa baguio ang ilang mga guro, sa totoo lang napakagandang manirahan sa baguio; malamig ang klima, mabilis kumilos ang lahat at higit sa lahat magaganda ang tanawin, nakaka-relax at nakakaengganyong mabuhay, sana lang talaga mayroon pa akong pagkakataon na bumisita muli roon na hindi na dahil sa trabaho. Nga pala, isa ako sa napiling 'writer' kuno para sa MATATAG CURRICULUM, gumawa at bumuo kami ng iba't ibang activities para sa anim (6) na booklets. Sa totoo lang? Hindi ko alam bakit ako isa sa mga napili kasi iniisip ko, bago lang ako at walang gaanong karanasan bilang isang manunulat at kung iisipin napakaseryoso ng trabaho na 'yon, pero naisip ko na lang kailangan kong gawin ang trabaho ko dahil binabayaran ako ng gobyerno at higit sa lahat para rin 'to sa mga bata, at aminin ko man sa hindi eh, pangarap ko rin talagang maging isang manunulat at malimbag ang pangalan kong nakaimprenta sa isang libro, siguro stepping stone na rin 'to no? Na tuparin pa ang iba ko pang pangarap sa buhay. Sa tulong ng Diyos, nairaos ko naman 'yong sa baguio, nagawa ko naman nang tama at maayos trabaho ko kaso nakaka-pressure lang din talaga kasi magagaling mga kasamahan kong guro, sana makatrabaho ko muli sila (Bb. Dar at Bb. Karen).
...So, sa apat (4) na araw na na namalagi kami sa baguio, nakatulong din siguro sa akin iyon na hindi ka muna maisip, naging abala rin kasi ako sa paggawa o pag-iisip ng iba't ibang estratehiya na epektibo at angkop na aktibidad para sa ikawalong baitang dahil ayokong mapag-iwanan, pabigat at maging caused of delay ng departamento namin, mabuti na lang talaga at naging productive ang paggawa ko sa baguio kahit pa napakahirap makasagap ng internet sa lugar na 'yon, na-challenge kami bagamat minadali eh maganda pa rin naman ang kinalabasan, magiging mapagpasalamat ka na lang talaga eh dahil umayon pa rin sa amin ang oras at panahon. Ngunit, pag-uwi ko sa bangkal, kumaripas na naman ang mga luha ko sa pisngi, 'yong lungkot na kinimkim ko sa loob-loob ko buhat ng apat na araw na nasa ibang lugar ako. Tahimik na hikbing pagluha dahil may kasama akong ibang naninirahan sa inuupahan ko ngayon, ito 'yong iyak na buhat nang kalungkutan at pighati dahil siguro miss na miss na kitang kwentuhan sa mga nagdaang pangyayari sa buhay ko, dahil ikaw lang naman 'yong taong lubos akong kilala, masaya man o malungkot ako. Mariin kong pinunasan 'yong mga luhang ayaw magpaawat sa pagbagsak, naisip ko nga na baka ako na lang iyong nakakaramdam ng sakit na ito na baka nga siguro okay ka na samantalang ako ay nagmumukhang tangang nagluluksa sa pagkawala mo. Hayaan mo, darating ang panahon na makalilimot at maghihilom din ako sa sakit na naranasanan ko buhat nang matamis at mapait na pagmamahal mo. Nais kong dumaan sa tamang proseso nang paghilom, tipong salat, latak at ubos na itong nararamdaman ko sa iyo hanggang sa mamanhid at hindi ko na naiisip ang pangalan mo, araw ng kapanganakan mo, paborito mong kulay o ulam, paraan mo ng pag-iyak, pagtawa o pagngiti o mismong pagkatao mo. Pero, hindi na para bumalik sa iyo upang masaktan muli, hinahangad ko pa rin ang tunay mong kaligayahan at tagumpay mo sa buhay :))
Disyembre 21-22:
Kahapon umuwi ako ng taytay kasi baka masiraan lang ako nang bait kapag nagpatuloy pa rin akong mag-stay sa bangkal, baka hindi ko kayanin at umiyak lang ako maghapon. Mas maigi na rin na nandirito ako para kasama ko ang pamilya ko hanggang magbagong taon. Ano bang mga ginawa ko? Lately, madalas na akong manood ng movies/series. Hmmm, natapos ko 'yong 'Don't Buy the Seller, Elemental' at sa ngayon pinapanood ko 'yong 'You' na pinagbibidahan ni Penn Badgley, grabe sobrang must watch ito, sobra akong hooked, invested at interested sa storyline ng series na ito, sana nga lang matapos ko hanggang Season 4 dahil gusto ko 'yong mga ganitong klase ng palabas.
7:02PM
Nalalapit na ang pasko, kaya ko siguro rin nasabi dahil tatlong araw na lang pasko na, malamig ang simoy ng hangin, marami nang nagtitinda ng prutas, laruan o mga panregalo sa talipapa, may mga palamuti ng nakasabit ang bawat bahay rito at higit sa lahat ito na ang panahon na makikita't maririnig mong nagsisipag-awitan o nangangaroling ang mga bawat bata sa bahay-bahay, ika nga nila namamasko sila at nais makatanggap ng aginaldo dahil nagbibigay nang ngiti at kasiyahan sa kanila, sana nga no? Madama ko rin 'yong sayang totoo at hindi lang hanggang umpisa, iyong hindi lang seasonal at pansamantala, 'yong ligayang panghabambuhay, hindi man lagi pero alam kong mananatili. :))
Patiently claiming and manifesting..
AKO naman at KAMI naman sa 2024!
Maligayang pasko pa rin para sa lahat!
9 notes · View notes
elnotfound · 2 years ago
Text
May the love you attract feel soft, nourishing, and easy. Not traumatizing, ill-timed, or emotionally immature.
10K notes · View notes
elnotfound · 2 years ago
Text
Ayun! Natutunghayan ko na naman ang aking sarili na nagsusulat sa aplikasyong 'to.
Paano ko ba ito uumpisahan?
Wala naman akong ibang hinangad kundi ang mahalin ka nang tunay at pasiyahin ka sa tuwina.
Subalit, ganoon nga siguro noh? Lahat nang pinakamasarap at pinakamasayang relasyon sa simula ay hahantong din sa pinakamapait at pinakamalungkot na katapusan sa hindi mo mawaring sitwasyon sa ayaw mo man o hindi.
Teka, ano ba 'tong nararamdaman ko?
Naramdaman mo na ba yung pakiramdamn na parang dinadaga yung puso mo dahil waring kumakabog at sasabog ito sa tindi nang nadarama mong kalungkutan? Na noong una'y ramdam ko pa ang malilikot at nagsisiliparang paro-paro sa aking dibdib dahil sa mga matatamis na binibitawan mong mga salita na hatid sa aki'y walang katapusang kaligayahan. Ganoon ka rin ba?
Bakit kaya? Mahal mo naman ako ngunit parang mas pinipili mong pakawalan ako?
Mahal na mahal kita at kung may pagkakataon muli na makasama ka, sana kapayapaan at kasiyahan na ang mamayani sa ating dalawa! Kasi, iyon naman ang pangarap nating dalawa, 'di ba? At kung dito man magtatapos ang lahat, sa buwan, sa taon at araw na ito, palagi mong tatandaan na minahal kita nang husto at masakit sa akin na palayain ka.
...Gayonpaman, nalasahan ko na ang pagmamahal mong tapat at totoo, mas maswerte sa akin ang susunod na makalalasap nitong pagmamahal mo at nakalulungkot na hindi na ako 'yon, at hindi na tayo 'yon.
Mahal kita at mag-iingat ka palagi, honey!
2 notes · View notes
elnotfound · 2 years ago
Text
Tumblr media
sevdaliza !!
33K notes · View notes
elnotfound · 2 years ago
Text
Hindi patas ang mundo.
1 note · View note
elnotfound · 2 years ago
Text
Kapoy?
Nagising mula sa napakahimbing na tulog buhat ng nag-uunahang elisi sa harapan
Napabalikwas kaliwa't kanan sa init nang ibinubugang apoy ng hangin
*KATAHIMIKAN AT KADILIMAN ANG NAMAYANI*
Nagsuot ng unipormeng plantsado't kupas ang kulay
Marahang inihakbang at inilapat ang itim na sapatos sa lupang sementado
*KATAHIMIKAN AT HUNI NG IBON KASABAY NANG IHIP NG HANGIN*
Naglakad sa napakakalmadong panahon yaong hindi mo mawawaring may iniinda ang iilan
Malalim at sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan sa ere sa kahabaan ng Kalsada ng Evangelista, HA!
*KATAHIMIKAN*
Napabulong sa sarili ng 'kapoy langga' hanggang kailan kaya itong nararamdamang bigat sa aking dibdib? Hindi ko kailanman mawari kung hanggang saan ang takbo nang tuliro kong pag-iisip
Mariing ipinikit ang mga mata't sumulyap at napatingala sa alapaap, napabigkas nang kay bagal 'ikaw na po ang bahala, salamat'
*KAPAYAPAAN*
7 notes · View notes
elnotfound · 2 years ago
Text
THINGS I LIKE ABOUT YOU
1. You love me the way I wanted to feel the love
2. You care a lot about me more than anything
3. You are a nice person that I can't even afford to lose
4. You love wasting time just for me
5. You love color black and white that matches your energy and beauty
6. You love your family sooooo much
7. You never failed to make me smile and laugh
8. You always say things to assure the doubts I may have
9. You always smile from ear to ear, please wear it everyday it suits you perfectly
10. You swallowed your guard, ego and pride just to reconcile with me
11. You embraced your mistakes and imperfections
12. You like samyang, sili, spicy chicken or anything spicy
13. You love talking over the phone
14. You also love 'fast replies' but you cannot haha
15. You like scrolling and watching on tiktok videos
16. You don't like much riding or using bike but you tried because thats what I always love to do and I appreciate you for that
17. You like taking long walks, so do I
18. You take selfies a lot
19. You loves to eat and cook for your family
20. You really loves to collect shirts especially the clothing line or the branded one
21. You speak funny and nicely
22. You listened every single moment
23. You love watching dramas, series and movies
24. You enjoy having coke float in our food
25. You prioritize your self/study
26. You accompany me a lot, for me, not to feel alone every single time
27. You always wear your brown shoes
28. You don't feel like commuting
29. You guarantee, comforts and assure me about your feelings
30. You always wear shirts and shorts
31. You love using your redmi phone
32. You think practically over some stuff
33. You really love hugs
34. You enjoy babysitting your baby brother
35. You loves to annoy me
36. You sleep a lot
37. You laughs at basically at anything
38. You walk with your cellphone in your hand
39. You don't want to mess up your hair
40. You wakes up every 12noon when you don't have class
41. You don't want to be a burden on your family
42. Your eyes is everything to me
43. You love giving gifts that makes me smile and happy
44. You accepted me for who I am
45. YOU
2 notes · View notes
elnotfound · 2 years ago
Text
Mahal ko :')
Maikling sulatin lamang 'to, nais ko lang sabihin sa'yo sa umagang ito, na katulad ng isang araw na napagmamasdan mo sa tuwing tumitingala ka sa alapaap sa mundong nilikha ng Maykapal, ay minsan na ring pumalya na hindi masilayan sa pang-araw-araw, asahan mo pa rin na ang aking nararamdaman o pag-ibig ay buong-buong mananatili sa iyo.
Mahal na mahal kita, marami man tayong napagdaraanan ngayon o ikaw na mayroong dinaramdam d'yan sa loob-loob mo, asahan mo na hindi ako bibitaw dahil hindi naman kasing babaw ng tubig sa tabo o baso ang nararamdaman ko sa iyo.
Huwag mo rin sanang sukuan ang pamilya, sarili at mga pangarap sa iyong buhay, dahil lahat nang nag-uumpisang mangarap ay dumaraan sa hirap, pighati at lungkot, kaya tibayan mo lang ang loob mo, Mahal ko! Alam kong balang-araw matutupad mo rin lahat ng pangarap mo sa buhay, maghintay ka lamang at habaan pa ang iyong pasensya at sana sa araw na iyon, kasama mo pa rin ako sa pagtupad naman ng mga pangarap natin sa isa't isa, alam kong malabo pa sa ngayon ngunit wala namang masama kung mangangarap tayo na kasing taas ng mga gusali o ng langit, 'di ba? Hihintayin ko 'yon!
Hangad ko ang kasiyahan mo sa pang-araw-araw, mahal na mahal kita, Mahal ko, laging ikaw.
2 notes · View notes
elnotfound · 2 years ago
Text
para sa iyo,
Kumusta? Hinihiling ko pa rin na nasa maayos kang kalagayan. Kasi kung ako'y iyong tatanungin, nalulungkot ako, sa mga oras na tahimik, sa tuwing naaalala kita at sa tuwing hinahanap ko ang presensya mo.
Hindi man tayo at magkasama ngayon, gusto kong sabihin na napakaespesyal sa tuwing kasama kita, na para bang gusto kong ihinto ang mga kamay ng orasan para lang makasama o makausap ka nang matagal dahil kalauna'y lilisanin mo rin naman ako, sapagkat hindi naman kita maaaring angkinin na parang aking pagmamay-ari o kaya ilagay sa aking mga bulsa, nakakatawa 'di ba? Pero ngayon ko lang din nakita ang sarili ko na nagseryoso nang ganito sa isang tao. Ikaw ba?
Pero ganoon pa man, pasensya na sa mga nasabi ng aking mga bibig at isipan, gawa lamang 'yon ng mga malilikot na isipan buhat nang ako'y nasaktan, pakiwari ko kasi na hindi ko kayang gawin o hindi ko alam ang aking ikikilos sa tuwing biglaan ang mga pangyayari, maaari mo ba akong tulungan doon? Kasi alam kong iyon ang aking kahinaan buhat pa noong ako'y nagkamalay. Ikaw ba?
Huwag mo sanang kalimutan ang mga pinagsamahan natin, kasi pinahahalagahan ko iyon nang higit pa sa mga alaalang nagpasaya sa akin dahil alam kong nasaktan din kita nang sobra, kaya hahayaan ko na muna ang panahon na ika'y hilumin at gamutin na hindi ko kailanman kayang magawa.
Mahal kita, pero kung sakali mang ika'y aayaw na at gusto mo nang umalis, iwan mo na lamang na ganito, huwag ka na sanang mag-iwan ng kahit ano pang mensahe, nauunawaan ko na 'yon at baka hindi ko rin kasi kayanin. Mag-iingat ka parati, mahal na mahal kita, pasensya na dahil ang idinudulot ko sa'yo ay kalungkutan himbis na kasiyahan na marapat mong matamo.
Ikaw ba?
2 notes · View notes
elnotfound · 3 years ago
Text
Sa iyo luv,
Minsan ko nang naipangako sa aking sarili na hindi na muli ako magsusulat dito sa oras na ako'y magmahal muli dahil pakiwari ko'y mayroong malubhang sumpa rito, pero heto ako ngayo'y nginuya't kinain lahat nang aking sinabi at ngayo'y nasa ilalim na naman ng isang perpektong mahika ng iyong pag-ibig na hindi ko kailanman ninais pang puksain dahil may pambihirang pakiramdam ang dulot nito.
Nagsusulat ako ngayon dahil nais ko lamang sabihin sa iyo na minamahal kita sa pang-araw-araw, sa bawat paghinga ko, sa bawat pagdilat at pagpikit ng aking mga mata, sa tuwing ibinubulalas ang ngalan mo, sa bawat guni-guning nailalarawan ka ng aking isipan at higit sa lahat, mahal kita sa hindi ko mawaring dahilan na tanging puso at isipan ko lamang ang nakaaalam kung paano ko ito biglang naramdaman sa iyo.
Mahal kita at minamahal pa, sapat na siguro 'yon upang hindi ka na mangamba pa? Hindi bale, patutunayan at ipararamdam ko 'yan sa araw-araw na ako'y mayroong pagkakataon upang ang iyong pagtatanong, pag-iisip, pagtataka at pagkatakot ay unti-unting maglaho. Mahal kita, mahal na mahal.
2 notes · View notes
elnotfound · 3 years ago
Text
Nagugustuhan ko na naman ang pagsakay sa bisekleta;
Upang sumaya,
Upang malibang,
Upang mapagod,
Upang mawala,
Upang magwala,
at higit sa lahat
Upang makalimot.
Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
elnotfound · 3 years ago
Text
my dream girl is me but, at my full potential
7K notes · View notes
elnotfound · 3 years ago
Text
Foresight?
Noong bata pa ako, lagi kong tinatanong kung ano ang future ko? Kung anong plano sa akin ng D'yos? At magiging masaya ba ako sa hinaharap?
Meron kasing isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko na nakalimutan, noong bata pa ako, noong nag-uusap sina mama at papa habang nagtitinda kami ng tinda naming isda, may tumingin sa kanang palad ko at nabasa o nakita niya ang hugis bilog na nangangahulugan daw na hindi ako ganoon na maghihirap sa pera, pero dahil bata pa ako noon hindi ko alam ang malalim na kahulugan non, ngayon ko na 'yon naintindihan. Hindi sa hindi maghihirap sa pera, pero lahat nang mina-manifest o ginugusto ko ay natutupad talaga, katulad nung nakapasa ako ng 1 take lang sa board exam, makakuha agad ng 2 years experience sa private school, makapagpa-rank at makapasok agad sa public school at higit sa lahat makapag-masteral, hindi man naging madali ang lahat dahil parang sumuot ako sa isang daang libong mga karayom ngunit ang lahat ng iyon ay nasa plano't napagpasyahan ko nang paulit-ulit at hindi naman ako nabigo dahil nangyari ang lahat.
Kaya, napatanong ako ngayon sa sarili ko kung ano pa ba ang gusto kong maging takbo ng buhay ko :)) good question right? Ililista ko na lamang lahat dito.
1. Kung pagtapos ng sampung taon at wala akong naging future sa pagtuturo, magre-resign ako, para lang din naman ito sa pamilya ko eh, naisip ko nga kung mawawala sila mama, ihihinto ko na ang pagtuturo (pero 'wag naman sana mawala sila, buhay ko sila) at ang gagawin ko na lang, mangingibang bansa ako at magtatayo ng sarili kong business.
2. Gusto kong makapagturo ng Asignaturang Filipino sa isang university or kahit sa ibang colleges lang dahil ayun naman talaga ang specialization ko at pangarap ko rin na maituro talaga ung Wika at Panitikan sa kapwa kong ginugustong ituro rin ang Filipino, at tinatak ko na sa isipan ko na dapat magawa ko 'yon.
3. Gusto kong magkaroon ng aso (PUG), pero soon kapag stable na buhay ko.
4. Hindi ko nakikitaan ang sarili ko na magkaroon ng pamilya, pero kung sino man yung darating, siya ang kauna-unahang ipapakilala ko sa pamilya ko. Pero mukhang ang hirap magtiwala talaga, mahal ka niya nang sobra-sobra tapos gigising ka na lang ng isang araw na ikaw na lang nagmamahal, lubayan niyo ko ha, mabuti na lang talaga naging panatag na ang puso ko, malayo na sa tinik at nararamdamang pighati ^-^ pero ngayon, mayroon akong ibang sayang nararamdaman na hinahanap-hanap ko na lang parati, hindi ko maipaliwanag pero bawal. Itatago ko na lamang 'to, akin na lang 'to, basta espesyal.
5. Pero, kahit ganoon, nag-iisip pa rin naman ako nang makakasama ko sa hinaharap, at sa oras nang pagdating mo kahit gaano pa katagal 'yan at maging sino ka pa, sana sigurado at buo ka na rin, kasi masasabi kong okay na ako.
6. Isang bahay para sa pamilya ko, alam ko ayun yung pinakagusto nilang makuha, kaya gagawin ko lahat para makamit iyon.
7. Gusto kong magkaroon ng simpleng pamumuhay sa hinaharap, may sariling bahay (iba pa yung bahay nila mama) may taniman at may sariling PC Set. Ganoon lang naman yung gusto kong buhay, payapa at kontento.
8. Gusto ko lang maging masaya at mga taong mahalaga sa akin, Lord. Please. Thank you!
0 notes
elnotfound · 3 years ago
Text
10:45pm
Sa kasalukuyan, hindi ko masabi kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga pangyayari sa buhay ko. Ganito pala no? Ang pakiramdam na mawawalay ka ng unang beses sa pamilyang nakasanayan mo.
Noong nakaarang araw kasi, nilisan ko ang aming bahay at aking pamilya para manirahan malapit sa paaralan na kung saan ako nagtatrabaho, menus gastos, oras, puyat at higit sa lahat makapag-iipon ako, para sa akin at para na rin sa pamilya ko.
Sa parehong araw din, pikit mata kong tinalikuran ang buhay na nakagisnan ko pero hinding-hindi ang pagtalikod sa maraming responsibilidad o obligasyon sa kanila, bitbit ang mabigat na bagahe kasama na rin ang pilit kong pinipigilang mangyari, na hindi ako tumuloy, na hindi ko kayang mawalay sa pamilya ko, na higit sa lahat ang pahinga ko sa nakapapagod na mundo ay sila, dyahe!
4:15 nang umaga, nagising ako upang magsaing at makapaghanda na rin sa pagpasok, guess what? Iyon ang unang beses kong nagsaing sa buong buhay ko, nakatatawa kung iisipin no? Nangapa at nahiya ako na pagsaing lang hindi ko pa magawa nang tama? Tama nga si mama, hindi ko kaya kapag wala siya at paano ako kung wala sila.
Kahapon, naunawaan kong hindi biro ang aking pinasok. Pansamantala man ang pakikisama ko sa mga kasamahan ko ngayon sa loob ng bahay pero magaan sa loob dahil katulad ko rin sila na nagbabakasakali na maibsan ang pagod sa pang-araw-araw, ganon pa man, parating sumesegway sa aking isipan ang mama, papa, kuyas at mga aso namin na napagagaan nito ang pakiramdam ko na maisip na nasa maayos silang kalagayan.
Kanina, pag-uwi ko galing sa nakapapagod na araw, diretso ako sa mga labahan kong damit at nilabhan ko agad mga ito, ayun! Totoo na pala 'to, ito na! Wala na ang mama sa tabi ko para tulungan ako. Wala na akong excuse para hindi gawin ang mga dapat kong gawin. 'Nandiyan naman si mama', 'Kaya naman ni mama'. Sa loob ng banyong 'yon, habang nagkukusot ng damit, biglang may nalaglag na mga barya at nabasang bente pesos sa loob ng aking pantalon, natuwa ako nung una dahil madaragdagan yung tinitipid kong pera pero higit sa lahat naluha ako, nalungkot at naisip kong ganito pala ang nararanansan ni mama? Napatanong ako, kung kaya ko ba talaga?
Ngayon, 11:36PM na. Hindi ako makatulog, dahil maraming tumatakbo sa aking isipan sa mga oras na ito na nais kong mailabas kaya ako naririto ngayon. Kaya ko naman no? Kaya ko ang trabaho ko, pakikisama, gastusin, responsilidad at obligasyon sa pamilya pero ang hindi ko yata kakayaning panindigan ay ang pangungulila sa presensya ng pamilya ko. Ganon pa man, hindi naman ako ipinanganak para sumuko agad, baka si Lalaine 'to! :))
Kasama kayo sa pang-araw-araw kong panalangin! Mahal ko kayo!
Tumblr media Tumblr media
0 notes
elnotfound · 3 years ago
Text
Life at 25?
I don't know how life works?
How was it?
Am I overdriving? Overplaying? Overreacting?
Am I faking it or am I just having fun?
Am I just telling and proving myself that it's okay to feel bad and blessed at the same time that no matter what you feel and experience we need to go back in our senses that we are just a human being, alive and kicking because how we, humans life makes me think that we're completely in the race of surviving, occupying space on this earth or we are just moving forward to get what the society is up to and no longer getting what we truly want and deserve.
I don't know yet how my life will be or going to be, it feels like I am forgetting something that unusual to me.
But then again it makes sense, life is a bit hard and rough, we must try to mold it in our own way in a different path but a beautiful perspective that you can ever imagine. I MUST try to live and whatever happens, happens.
Plainly don't know what the answer yet, but yes, I'm ok!
Lalaine Lorona. 12:56PM
Tumblr media
1 note · View note