ilypaulo
ilypaulo
Paulo.
5 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
ilypaulo · 4 years ago
Text
Tumblr media
Happy 21st birthday babi. I wish you all the best and the happiness in this world. Eto muna pic natin since wala pa tayong picture together eh, soon meron na hehe. I love you so much. Sorry kung eto lang kaya ko for now babi. Salamat sa lahat ng pagmamahal babi. You deserve the world, so I'm trying my best to give you the universe. ♡♡♡
0 notes
ilypaulo · 4 years ago
Text
Things i'd do for you.
Tumblr media
Naisip kong gawan ka ng poem kasi tungkol sa sarili kasi lagi mong dinodown sarili mo, napapansin ko rin sa mga shared posts mo at mga kwento mo sakin. Hindi lng to about sa sarili mo pati na rin sa mga kakayahan mo sa buhay, masyado mo dinodown sarili mo. Kaya eto gusto ko iboost confidence mo sa lahat ng aspeto. Hindi sa pambobola pero ikaw pinaka pogi kong naging boyfriend hehe ayan tlga flex ko sa friends ko eh. Tuwing pinapakita sakanila sabi nila ang gwapo mo raw. Hindi naman ako nagbabase sa looks pero mahal ako ni Lord na binigyan ako ng lalakeng faithful, loyal, mabait, understanding saka poging baby. Andami mo rin sinasabi sakin na pangit ganito ganyan mo physically pero baby wala kang dapat ikabahala sakin kasi lahat ng yan, kung ano man meron ka, kung may magbago man o wala, tanggap kita wholeheartedly. I love you with who you are and what you are, babi. Kung alam mo lng kung gaano ako kaproud sayo, kahit na nahihirapan ka ngayon sa situation mo sa buhay proud parin ako kasi napakatatag mong tao, wag mo ikahiya sarili mo kasi alam kong magsisikap ka pa. Kung lahat ng tao pinepressure ka sa gagawin mo sa buhay, lagi mong tatandaan na andito ako para maging support mo, pwede mo ko maging takbuhan kasi ako naniniwala akong kaya mo. Kahit na hindi mo pa naayos buhay ko ngayon proud parin ako kasi kahit papano nakikita ko kung gaano ka kasipag lalo na sa bahay, kita ko kung gaano mo kamahal pamilya mo lalo na tatay mo. Nakakaproud kasi natutulungan mo parin sila sa ibang bagay. Madami pang pwede mangyari babi, mahaba pa ung panahon kaya wag mo idown sarili mo. Kumbaga, simula palang to sa pagiging successful mo kaya baby wag susuko fighting lng!!! Ngayon palang proud na proud na ako sayo. Lagi mong tatandaan baby maski maliit man o malaking achievement yan sa buhay mo always ako proud at mas lalo kitang dadamayan sa hardships at happy moments mo sa buhay. Lahat sayo mahal ko at mamahalin ko pa lalo. I love you so much.
0 notes
ilypaulo · 4 years ago
Text
I LOVE YOU FOREVER AND ALWAYS. ♡
Tumblr media
Alam ko birthday mo ngayon pero gusto ko lang iexpress kung gaano kita kamahal at kung gaano ako ka thankful na dumating ka sa buhay ko. Sa loob ng 4 months you never failed na ipakita kung gaano ka kaproud at kung gaano mo ko ka mahal. Alam mo nung una talaga hindi talaga ako naniniwala na mahal mo talaga lalo na't sobrang layo natin sa isa't isa saka ito rin ung first time mo magenter sa LDR.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sobrang sarap sa pakiramdam na yung mga sarili mong mga kaibigan na mismo nagsasabi na mahal mo ko at nagbago ka na raw talaga. Sobrang lucky ko kasi andami mong magagandang pagbabago dahil sakin. Saka alam mo ba, kinikilig ako pag naaalala ko yung kwento nila sakin na palagi mo raw ako kinekwento sakanila, finflex mo 'ko sa friends mo. First time ko maka ranas ng ganyan sa relationship, kaya ang sarap sa pakiramdam na may boyfriend akong proud na proud sakin at mahal na mahal ako.
Tumblr media
Tignan mo kung gaano natin ka mahal isa't isa, 479 ung i love you's na lumabas. Sana mas dumadagdag pa yan babi. Kaya ko rin pinakita yan kasi sa lahat ng mga lalakeng dumaan sa buhay ko sayo ko talaga nafeel ung totoong pagbigkas ng i love you. Tuwing sinasabi mo yan sakin, ramdam ko talaga pagmamahal mo para sakin. Hindi siya ung i love you na obligado mong sasabihin kasi boyfriend kita pero ung i love you na punong puno ng pagmamahal at katotohanan, ganon ka mag ily kaya napapangiti ako tuwing nagiily ka kasi alam ko genuine yun.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Alam ko madami na tayong pinagdaanan sa loob ng 4 months lalo na yung mga pagtatalo natin. Nakakapagsabi tayo ng mga masasamang salita sa isa't isa lalo na ako pero kahit ganun man thank you kasi lagi mo iniisip relationship natin, lagi ka naghahanap ng paraan para maging okay tayo. Ramdam ko talaga na mahal mo ko kasi lagi mo rin binabawi ung mga nasasabi mo or mga nagagawa mong mali. Alam ko andami mong binago sa ugali mo para lang maprove mo saakin na seryoso ka sakin. Salamat kasi hinahabaan mo pasensya mo sakin, mas naging understanding ka, mas iniisip mo ko, hindi mo ko sinasaktan gamit salita, saka ung pagiiwas mo sa pagiging "sadboi" thank you kasi lahat ng yun binago mo para lng maging healthy relationship natin. Sa tuwing nagsosorry ka, sa tuwing hinahabol mo 'ko, nasasaktan ako. Oo nasasaktan ako kasi sayo ko lang naramdaman ung feeling na may lalaking kayang kaya isipin ung ibang tao kesa sa sarili niya, nasasaktan ako kasi tuwing nagsosorry ka naiisip ko na sobrang sakit pala pag itatapon ko lng tong relationship natin kung alam ko sa sarili ko na kaya mong magbago at iprove sakin gaano ka ka-deserving. Iniisip ko baka pag naghiwalay tayo ng tuluyan, hindi ko na mahahanap ung lalaking katulad mo.
Tumblr media
Babi, gusto ko lang rin magsorry sa mga ugaling napakita ko sayo. Gusto ko talaga mag apologize ng maayos ngayon kasi alam ko hindi ako nakapagsorry ng maayos. Alam ko babi na pangit talaga ugali ko paggalit. Sorry kung nakapagsabi ako ng mga kung ano anong masasakit na salita sayo tuwing nagagalit ako, alam ko sa sarili ko na hindi ko sinasadya lahat ng un nadadala lang talaga ako ng galit saka ng emotion. Tuwing sinasabi ko mga ganung salita sayo at the end of the day lahat pinagsisisihan ko yun, sobrang nahihiya ako sa mga nagagawa ko sayo kaya natatakot ako kung paano ko mababawi un, natatakot ako na baka iwan mo ko dahil dun dahil sa ugali na meron ako. Babi sana maniwala ka na tintry ko talaga icontrol anger issues ko, unti unti ko tintry ifilter at icontrol salita ko kada nagaaway tayo sana kaya mo pa habaan pasensya mo. Tintry ko tlga best ko icontrol yun kasi andami ng nawalang tao dahil sa ugali kong ganito, ayaw ko na pati ikaw mawala narin. Pasensya rin kung nafifeel mo na wala akong gana sayo minsan pero hindi totoo yun babi, siguro may times lng na wala ako sa mood or meron ako iniisip pero hindi ibig sabihin non na hindi na kita mahal or walang gana, promise ko sayo tuwing meron man ako problema or wlaa ako sa mood lagi kita iiinform para aware. Sorry rin kung may times na nagiging mahigpit ako sayo at feel mo na hindi kita supportado sa mga ginagawa mo lalo na pag nagmml ka. Sa totoo lng babi supportado naman kita, gusto ko lang talaga bawasan mo ng onti pag mml kasi gusto ko muna isipin mo muna sarili mo or jan sa bahay niyo kasi anjan naman yan palagi ang laro eh, gusto ko lang magfocus ka rin sa buhay mo kaya minsan parang naiirita ako na nagmml ka. May times rin na gusto ko lambing pero ayun nga gusto mo rin magml tuwing ganon kaya sorry. Pero babi wag mo sana masamain kasi supportado kita sa ml mo, try lang natin ibalance lahat lahat para okay tayo. Pasensya na talaga sa mga kasalanan ko babi ngayon palang gusto ko magapologize ulit sa mga nagawa ko sayo.
0 notes
ilypaulo · 4 years ago
Text
HAPPY 21st BIRTHDAY BABI ♡
Tumblr media
Hi babi, sorry ha eto muna cake ko for you 'di pa kasi tayo magkasama kaya hindi pa kita masurprise ng cake. Imagine mo nalang na ako yan kasi cute ako tapos yung cake hehe.
Napaka special ng day na 'to ngayon kaya gusto ko nakasmile ka habang nagbabasa neto. I love you. I'm happy to celebrate your 21st birthday with you kasi eto rin yung first time na kasama mo akong magcelebrate ng birthday mo. Your 21 years of existence means so much to me kasi sa loob ng 21 years nakayanan 'mong maka survive sa mundong 'to. Despite sa mga problema na dumaan, lalo na sa personal life mo sa family mo, sa career mo, sa future mo, mas pinili mo magpakatatag para sa sarili mo kaya super proud ako sa' yo. I know na life isn't easy babi and alam kong madami ka pang pagdadaanan kaya be strong and syempre I'll be here for you throughout sa ups and downs mo.
Tumblr media
Isa lang naman wish ko for you ngayon sa birthday mo, and 'yun ang maging successful ka sa buhay mo na punong puno na happiness. Alam ko kung gaano ka ka frustrated ngayon sa buhay mo, kaya lagi kong hinihiling na sana maabot mo ung gusto mo sa buhay. Madami kang kwento sakin kung ano gusto mong plans sa life mo kaya gusto kita isupporta sa lahat ng plans mo sa future mo. I will always be your no. 1 supporter babi, kasama mo man ako o hindi palagi kitang susuportahan. I wanna see you succeed kaya wag ka mawalan ng pagasa. Lagi mo tatandaan babi na kung ung lahat man ng tao hindi naniniwala sayo, always remember na andito parin ako sa tabi mo na naniniwala sa kakayanan mo.
JUNE 02 ASTROLOGICAL SKY
Tumblr media
Babi diba lagi mong sinasabi na normal day lang ung birthday mo? Pero para sakin hindi. Naalala ko na dream mo pala maging astronaut nung bata ka pa kaya naisip kong ipakita to sayo. Eto yung astrological sky nung June 02, diba sobrang ganda? Kaya wag mong sabihing normal day lang kasi bukod sa birthday mo ang ganda ganda nung day na pinanganak ka. Saka bukod jan, sobrang thankful ako na nageexist ka sa mundong 'to. Hindi ako masyadong maeffort na babae at expressive pero gusto kong sabihin na sobrang thankful ako na andito ka kasi sayo ko talaga naramdaman ung genuine love. You're the only one that made me feel this way, babi. Saka babi, madaming nagmamahal sayo kaya huwag kang malungkot sa birthday mo, anjan mga tropa mo sa birthday mo kaya wag mo isiping normal day lng. Masaya ako kasi sinamahan ka nila sa special day mo. Alam kong madami kaming nagmamahal sayo kaya iwasan na pagiging malungkot babi. Mahal na mahal ka namin. :))
0 notes
ilypaulo · 4 years ago
Text
Before you start reading my letters for you, please listen to this. I love you. ♡
0 notes