Text
Fitting In

Ang hirap makipagkaibigan. Para kang naghahanap ng trabaho, may requirements. Kailangan kasi kung ano ang gusto, hilig, at ginagawa mo, tutugma sa gusto, hilig at ginagawa nila. Minsan, binabago mo sarili mo para masabing "kasama ka". Pero sana sa lahat ng pagkakataon, tatanggapin nila kung ano ka dahil maganda naman ang hangarin mo para sa kanila.
0 notes
Text
Mga Awit para sa Bayang Kathang-Isip

Para sa Bayan ko,
Isa sa mga hiling ko,
Na ang bawat Pilipino,
Mapapasabi ng...
"Ang pag ibig ko sayo,
higit pa sa pilak at ginto."
(Dambana, Silent Sanctuary ft. Aya De Leon)
Pero ating pagmasdan,
Ang pampulitikang kaganapan
Para bang mapapasabi ka ng...
"Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, hindi matatapos itong gulo."
(Tatsulok, Bamboo)
Dahil dito,
para bang nais mong baguhin ang lyriko
Ng kantang sumikat nung panahon ko,
"Bumalik ka na Miriam, di na ako sanay ng wala ka, mahirap ang maghirap."
(Hanggang Kailan, Orange and Lemons)
Mapapasabay ka pa sa kanta ng Asin,
"Wala ka bang napapansin,
sa iyong kapaligiran?,
Kay dumi na ng hangin,
Pati na ang mga ilog natin."
(Masdan Mo Ang Kapaligiran, Asin)
Hindi ba pwedeng,
"Ang bango bango ng bulaklak.
Pag inaamoy anong sarap."
Nalang ang sambitin?
(Bulaklak, Viva Hot Babes)
Pero kung ang mga Pilipino
Magtutulungan sa pag-abot ng mga ito,
Masasabi natin,
"Alam kong ako'y (tayo'y) patungo,
Sa marami pang tagumpay"
(Patuloy ang Pangarap, Angeline Quinto)
Para sa Inang bayang naghihirap,
Di sapat ang tula,
Para solusyon sa problema'y mailathala.
Sa ngayon, ang pansamantalang mensahe ko sayo'y,
"Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito, wari'y dala lang ng pagmamahal sayo."
(Kathang Isip, Ben & Ben)
0 notes
Text
Hanggang saan aabot ang PISO mo?!

Kung ang bente mo ay aabot ng Cornetto, hanggang saan aabot ang piso mo?
"Uyy may lima ka? O kaya piso?"
Lagi akong nakakarinig ng ganyan nung hayskul ako. Na para bang araw-araw nalang ay may koleksyon ang klase niyo at laging may naniningil.
Apatnapu't tatlo kami sa klase. Isang araw,
"Penge ako piso. ✌️😊," sabi nung isa.
"Basta may bibilhin lang! 😅"
Dumukot ako sa bulsa, "Teka, aanhin mo naman ang piso? 🤔"
Makalipas ang isang oras, nakita ko siya, kasama ang iba naming kaklase, na kumakain sa sahig.
"Ano kayang mabibili mo sa piso? Kendi?" Sabay tawa habang inabot sa kanya yung piso.
"Uyy! Ang sarap niyan ah! Penge ako! 😋"
"Luh! Parang kanina lang inaasar mo pa ako sa kung anong mabibili ko sa piso! Sige na upo ka na dito! 😐🙄🤣"
Saka ko lang nalaman ang ginawa niya. Nanghingi rin pala siya ng tigpi-piso sa buong klase kahit sa mga kaibigan niya sa kabilang classroom upang nakabili ng pagkain para sa lahat.
Tandaan,
"Kung nangangarap kang maging milyunaryo, 'wag mong maliitin ang piso."
Ang isang milyon (1,000,000) kapag tinanggalan ng piso, hindi na maituturing na milyon.
Kung nabubuhay lang si Gat Jose Rizal,
"Kung ang mukha ko ang nakalagay sa piso at maliitin mo ito, para mo na ring minaliit ang lahat ng ginawa ko para sa bayan ko."

- Kathang-isip
Wala kang maituturing na malaki, kung wala ang maliliit na bumubuo sa kanya.
1 note
·
View note
Text
DOUB-le T-hink
DOUBT: Ang Kwento sa Likod ng Medalya
Abril 2019, ako ay nagtapos sa mataas na paaralan ng may karangalan bilang Mahusay na Tagapaglingkod. Teka, PAANO NANGYARI 'YON?! 🤔

Sabi ng iilan, magtiwala raw sa sarili at kakayanin mong gawin ang (halos) lahat. Pero paano kung pinangunahan ka ng pagtataka, pangangamba, at pagdadalawang-isip? Paano na? Kaya mo kaya? 🤔🧐
Hunyo 2018, isang opisyal ng Student Council ang nagpadala ng mensahe sa akin. 😶🙄


Unang beses akong sasabak sa pagiging isang opisyal ng Student Council, at... *Tada!* Inalok kaagad ako ng pinakamataas na posisyon. 😫🤢
Sa totoo lang, binabalak ko na talaga tumakbo sa isang mababang posisyon, pero di ko naman inaasahan na ganito ang iaalok sa akin. Nagsimula na akong magtaka kung bakit ako, mangamba kung kakayanin ko ba, at magdalawang-isip kung susubukan o wag nalang. Inaamin ko, pinagdudahan at minaliit ko ang aking kakayahan nang mga oras na yon. 😅🤪
NOTE: Ako yung Gray. 😅



NOTE: Yung Alypius ay section ko nung Grade 11 na kung saan ako ay Secretary. Coor (Coordinator) ang tawag sa President ng Student Council ng school namin.


Mukha lang siguro akong kalmado sa chat pero sobrang kabado na ako sa personal.
Eto na nga, matapos ang masinsinang pangungumbinsi at pagdadalawang-isip, nakuha na rin nila ang matamis kong "Oo".

Nang ako'y manalo, sinabihan kaagad ako ng aming tagapayo, "Jezle, hindi magiging madali ang taon na ito para sayo." Totoo nga. Sampung buwang saya, lungkot, pagod, inis, galit, tuwa, hirap, sarap, at halos lahat ng emosyon ay naranasan namin. Pero natutuhan kong mahalin ang bagay na nagdalawang-isip ako nung una.
Abril 2019, ako ay nagtapos sa mataas na paaralan ng may karangalan bilang Mahusay na Tagapaglingkod at may bonus pang medalya ng May Karangalan. Hindi ko inaasahan na kinaya kong pagsabayin ang pag-aaral at paglilingkod.

*****
INSIGHT:
Mahirap magdesisyon ng agad-agaran. Maaari kasi na ang maliit desisyon ay makaapekto ng malaki sa iyong buhay.
Sa pagkakataong iyon na naranasan ko, ang DOUBT o pagdudahan ang sariling kakayahan ay, negatibo man ang tingin ng iba, nagbukas ng pintuan upang makapagnilaynilay at mas makilala ko pa ang aking sarili, sa mga kaya ko pang gawin na kakaiba sa akin. Naging instrumento rin ito para hindi ako makapagdesisyon kaagad at pag-iisipan ng maigi ang desisyon.
May mga bagay talaga na negatibo at maaaring hindi magdulot ng maganda sa buhay natin. Pero nasa sa atin na iyon kung gagawin nating positibo ang bagay na iyon, o magpapalamon tayo sa sistema na ang negatibo ay mananatiling negatibo.
DISCLAIMER: Walang pagmamayabang kong ibinabahagi sa inyo ang kwentong ito. Tanging pagbibigay aral lamang ang layunin sa pagbabahaging ito.
PHOTO CREDITS:
Jhenry Advincula (Screenshots)
Student Coordinating Body '18-'19
2 notes
·
View notes