#StartSmallAndBeGreat
Explore tagged Tumblr posts
jducosin-blog ยท 6 years ago
Text
Hanggang saan aabot ang PISO mo?!
Tumblr media
Kung ang bente mo ay aabot ng Cornetto, hanggang saan aabot ang piso mo?
"Uyy may lima ka? O kaya piso?"
Lagi akong nakakarinig ng ganyan nung hayskul ako. Na para bang araw-araw nalang ay may koleksyon ang klase niyo at laging may naniningil.
Apatnapu't tatlo kami sa klase. Isang araw,
"Penge ako piso. โœŒ๏ธ๐Ÿ˜Š," sabi nung isa.
"Basta may bibilhin lang! ๐Ÿ˜…"
Dumukot ako sa bulsa, "Teka, aanhin mo naman ang piso? ๐Ÿค”"
Makalipas ang isang oras, nakita ko siya, kasama ang iba naming kaklase, na kumakain sa sahig.
"Ano kayang mabibili mo sa piso? Kendi?" Sabay tawa habang inabot sa kanya yung piso.
"Uyy! Ang sarap niyan ah! Penge ako! ๐Ÿ˜‹"
"Luh! Parang kanina lang inaasar mo pa ako sa kung anong mabibili ko sa piso! Sige na upo ka na dito! ๐Ÿ˜๐Ÿ™„๐Ÿคฃ"
Saka ko lang nalaman ang ginawa niya. Nanghingi rin pala siya ng tigpi-piso sa buong klase kahit sa mga kaibigan niya sa kabilang classroom upang nakabili ng pagkain para sa lahat.
Tandaan,
"Kung nangangarap kang maging milyunaryo, 'wag mong maliitin ang piso."
Ang isang milyon (1,000,000) kapag tinanggalan ng piso, hindi na maituturing na milyon.
Kung nabubuhay lang si Gat Jose Rizal,
"Kung ang mukha ko ang nakalagay sa piso at maliitin mo ito, para mo na ring minaliit ang lahat ng ginawa ko para sa bayan ko."
Tumblr media
- Kathang-isip
Wala kang maituturing na malaki, kung wala ang maliliit na bumubuo sa kanya.
1 note ยท View note