juanmateo
juanmateo
juanmateo
1 post
BS Chemistry '13 | UPLB | Chinito
Don't wanna be here? Send us removal request.
juanmateo · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
BAKIT KA NAG-LTS?
Madaming rason basta ang masasabi ko lang, noong pinapili kami ng kung anong component ng NSTP ang pipiliin ko, napagdesisyunan ko agad na LTS ang kukunin ko.
ANONG INAASAHAN MO SA FIELD WORK NIYO?
BATA. Gusto ko ang nagbabahagi ng aking kaalaman sa mga bata. Nais ko din na makipaglaro at makapagbigay-saya sa mga bata lalo na sa mga hindi gaanong pinagpala. Ang isang bata ay dapat matutunan lahat ng bagay na dapat niyang matutunan. Maranasan lahat ng dapat maranasan para hindi ito lumaki na mangmang.
ANO TALAGANG GINAWA NIYO SA FIELD WORK NIYO?
Ang lakbay-aral na ito ay hindi basta-basta lalo na at ang aming ituturo ay hindi rin basta-basta. Kung ang pagtuturo pa nga lang magbasa at sumulat sa mga bata ay mahirap na, paano na kaya kung ang ituturo niyo ay ang “Consumer Act” pa.
OO, MAHIRAP. MAhirap magturo ng bagay kung ikaw mismo sa sarili mo ay hindi mo gamay ang ituturo mo. NAKAKABA na pumunta sa harap ng mga bata para magturo. Makikita mo sa mga mata nila ang pananabik at nararapat lamang na suklian mo sila ng kaalaman na karapat rapat ibahagi.
KAILANGAN MAGHANDA. KAILANGAN MAGPLANO.
PAGHAHANDA, IMPLEMENTASYON at DELIBERASYON.
Sa aming silid-aralan, kami'y nagpulong, nag-usap, nagbahagi ng bawat bawat kaniyang mungkahi para sa ikagaganda ng aming gawain.
Nag-usap kung ano ang mga pangunahing rason kung bakit namin gagawin ang pagtuturo. Mga bagay na dapat namin maiambag sa mga bata. Mga bagay na pwedeng magawa upang makuha ang atensyon at partisipasyon ng mga estudyante. Mga bagay na pwedeng magamit para mas maging interaktibo ang aming gagawin.
Dumalo din kami sa isang seminar para lumawak ang aming kaalaman sa nasabing paksa ng aming ituturo.
UNANG ARAW MATAPOS ANG PAGHAHANDA
Tinignan namin ang paaralang (Calo Elementary School) aming paglalaanan ng aming oras uupang magturo. KInilala ang aming tuturuan. Inalam na ang lahat ng pwedeng malaman na makakatulong sa pagganda ng aming gawain.
Inalam namin ang kanilang interes. Inalam namin kung hanggang saan na ang kanilang alam ukol sa usaping konsyumer at iba pa.
PANGALAWANG ARAW MATAPOS ANG PAGHAHANDA
Ito na ang araw na sila'y nagturo. Ginawa nilang masigla at interaktibo ang pagtuturo. Nagduladulaan. Nagtanung-tanong. Wala ako ng araw na ito. Nagtanung-tanong lamang ako sa mga kaklase ko kung anong ginawa nila.
PANGATLO AT HULING ARAW NG PAGHAHANDA
Pagsusulit. Aming inalam kung may natandaan ba sila sa mga itinuro. Nakakatuwa naman ang naging resulta ng pagsusulit kasi kahit papaano ay may natutunan ang mga bata.
REFLECTION:
SA mga araw na lumipas, napagtanto ko na kung gusto mo talagang makatulong, maraming paraan. Kung para sa aming mga facilitators, ay maliit na bagay lang ang mga ito, para sa mga batang aming tinuruan ay malaking bagay na ito. Ang mga bata ay madalas na naloloko sapagkat hindi pa sila gaanong maalam sa mundong ito. Bilang nakakatanda, tulungan dapat natin silang matutunan ang mga bagay na makakatulong sa kanilang paglaki. Huwag tayong tumingin sa panlabas na anyo ng ating mga tuturuan. Lahat tayo ay may karapatang matuto ng pantay-pantay.
Sobrang laking pasasalamat ko at naging bahagi ako ng ganitong gawain. Madami akong natutunan at sana marami ding natutunan ang mga bata ng Calo Elementary School.
SALAMAT SA PAGBABASA NG ENTRY KONG ITO. Kung may natutunan man kayo, hopefully, maituro niyo rin sa iba. :)
5 notes · View notes