kenji-kai-sensei
kenji-kai-sensei
The Tale of Kaizer Kenji
239 posts
History may repeat itself , but people cannot return to the past ! -if you're looking for a good friend or best friend.. im not a good friend but I'm a true friend that you're looking for.. -May Pinagdadaanan.. - ang lalim naman.. -madrama- Ganun...
Don't wanna be here? Send us removal request.
kenji-kai-sensei · 5 years ago
Text
Gusto ko ng kausap(Spoken Poetry)
April 11, 2016
A Spoken poetry by Pedro Liha
gusto ko ng kausap gusto ko ng kakwentuhan gusto ko nga pero wala akong makausap kaya minsan naisip ko bumili ng kausap un tipong lahat ng sasabihin mo gigitna at sasabihin nya kung saan kanaguguluhan sa kwento mo at higit sa lahat sa desisyon at kung paano niya itatama ng hindi ka gaano masasaktan sa desisyon Gusto ko nang kausap kausap na kahit anong oras , panahon pag kakataon pwede mong takbuhan.. kung nabibili lang ang kausap panigurado matagal kong na adik diyan.. gusto ko ng kausap ung hindi mapapagod kaksabi ng oo nandito lang ako makikinig nandito lang ako ng many ways un mag bibigay ng assurance na kahit anong mangyari mamatay ka man sa sakit mo o wala ka man sakit andyan sayo.. gusto ko nang kalinga un tipong pwede rin bayaran.. yung tipong sakit na sakit kana hirap na hirap kana ng sobra gusto mong kalingain ka nya. Iyong andiyan lang sa tabi mo hindi un andiyan lang kapag may kelangan at convenient sa oras nya, ung pwede siya any time in many ways gusto ko bumili ng kalinga yung walang humpay ang pag paparamdam na kapiling mo siya.. teka gusto ko din ng pagmamahal. Pagmamahal na walang hangganan unlimited willing to wait din ako basta makabili lang.. lahat ata kasi ngayon na bibili.. pero dibali na basta makuha ko magkano ba ang halaga sa halagang sampung pisong binigay ko.. hiniling ko minsan sana bumalik kahit limang piso lang.. para mag kita kita kami sa gitna.. gusto kong bilin ang lahat ng oras mo. Mag kano ba per minute per hour? Hindi ako mag sasawa kausapin ka at kung anong trip mo sa buhay basta sa akin lang ang oras mo gusto ko akin kalang wala ng iba.. hindi ba lahat ng ito ay isang ilusyon lamang.. lahat ng gusto mo hindi na punta sayo at hindi din naman lahat ng binibigay sayo ay gusto mo..
kaya gusto ko lang din malaman kung bakit ako nasasaktan.. kung bakit ganito kasakit .. kung bakit hindi ako maka alis sa sirkulo ng ikot ng mundo. Kung bakit sa dami-rami ako ang piniling mapunta sa sitwasyong alam kong walang sulusyon kundi ang mag patuloy at mag paikot ikot ng walang hanggang sakit ng kahapon.. sakit na minsan kong naramdaman na ngayon tila nakalimutan ko nang maranasan.. gusto kong bumili ng pakiramdam. Hindi ko na kasi magawang mag mahal, makaramdam ng pag mamahal at pag kalinga. Basta bibili ako magkano ba? Hindi pa ba sapat ang mga pautang na aking ibinigay upang makabili ako ng pagmamahal at pag kalinga ng gaya mo. Gusto ko na din bumili ng sapat un nararapat at tapat na dapat sakin lang ang lahat. Gusto kong bilin. Gusto kong bilin ang lahat ng kelangan mo para lahat sa akin lang ang atensyon mo hindi ka mag sasawa kasi nasa akin na ang lahat ano pang hanap mo a sa akin na pero sa huli mas-pinili mo pa rin siya.
0 notes
kenji-kai-sensei · 5 years ago
Quote
I want to destroy everything that I created I'm loosing my fucking mind right now.
0 notes
kenji-kai-sensei · 5 years ago
Quote
I'm trying to be strong but I guess I am too weak.
0 notes
kenji-kai-sensei · 5 years ago
Text
“The tale of being Teacher”
Intro muna tayo kung bakit ako susulat ng blog about sa pagiging teacher ko. Its been a challenging years kahit mag tatatlong taon plaang ako mag tuturo. I am writing this blog because I want to unload some baggage na nagpapagbigat ng dibdib ko. Kahit alam ko naman wala akong dibdib. Yagba lang mabigat saken. Kiddin aside. Hindi ko alam kung makakaluwag ba ng pakiramdam kapag natapos ko tong blog na to but hopefully ganun nga ang mangyari. Tatlong taon na din ang nakalipas nun huli ako sumulat ng piyesa at sa pagkakataong to naninibago ulit ako kung paano ko hihimay himayin ang bigat na nararamdaman ko. Napakahirap maging teacher dahil parang hindi ka pwede mag break down. Hindi ka pwedeng makitaan nang kahinaan. Mahuhusgahan ka ng kapwa mo guro at pati narin siguro ang makakabasa nito. Masakit minsan mga magaaral mo pa mang huhusga sayo o kaya magulang nila. Parang wala ka nang karapatan masaktan pag teacher ka kasi ikaw dapat ang mapagkukunan ng lakas nila. Hindi mo din ma share sa klase ano ang pinagdadaanan mo magiging madrama lang baka matawag pang sadboi manipulative keme. Pero ganun pa man wala naman ako paki alam dahil alam ko naman walang mag babasa nito. Panigurado wala din tatapos kung may makakabasa nito. Intro plaang ito wala pa sa konteksto kung bakit koi to sinusulat ngayon. Pero ito na simulant natin nang mailabas ko na ang aking saloobin.
                                                               1  Araw araw dala dala ang laptop na nakalagay sa paboritong red bag, mabilis maglakad at nanlilisik na mata pero hindi galit, isang guro nag nagtuturo ng agham sa isang paraalan. Isang simpleng silid aralan na magiiwan ng sandamakmak na alala at ligaya.. Naalala ko pa ang first day ng aking pag tuturo sa isang pamantasan. Hindi ko akalain mapapamahal ako ng lubusan sa aking advisory class. Sabi nga nila first love never die. Mukhang ganun din sa atin advisory na 7-jupiter. Sa totoo lang first week of class palang alam mo na kung sino ang mga pilyo at demonyo sa room kung mang trip. HAHAHA oo tama ka ng nabasa may demonyo sa room. Minsan un teacher minsan un student. Depende sa sitwasyon. Pero kahit nag mumukhang munting demonyito at demonyita ang mga anak kong ito. Mahal na mahal ko sila. Sa totoo lang hindi ko ng akalain sobra ako mapapalapit pero alam ko may kalakip itong takot sakin dahil kahit anong gawin ko kahit ngayon hindi ko pa den ma overcome kapag mawawalay na ko sa mga taong nagging malapit sa akin. Separation anxiety. I’m dealing with this shit for more than a decade and I lost a lot of friend from being dramatic and needy.kaya nun pag kapasa ko nun 2017. Kinailangan koi resolve ito mdyo hindi naman nag anon ka grabe pero di ko p aden maiwasan malungkot nun last day nan g klase kasma ang mahal kong advisory sa 7-jupiter. Sobra ko napalapit sa kanila lalo na sa mga demonyito at demonyita sa room nagawa pa nga naming mag swimming dahil gusting gusto tlga nila pinagbigyan ko naman at lalo ko naisip na mas lalo ako mapapalapit pero gaya ng sabi nila. Kalangan kong bumitaw kasi baka hindi sila mag grow. Pero masaya pa rin ako na kahit di ko na advisory un iba di pa rin nakakalimot lalo na si felix the cat. Di ko alam madalas sa buhay ko kung sino un pinaka nagiging ka close ko ay para bang nilalayo sa akin. Paulit ulit. Lahat ng nagiging bestfriend ko nawawala din kaya hindi na ko naniniwala sa bestfriend. Close friend nalang. Para sa akin isang title nalng ito. Wala naman kasi tlgang best na best. At some point iiwan nila tayo. Pero na iingit ako sa mga taong mayroon. Sana all nlng may bestfriend LOL. Masaya ako sa unang taon ng pag tuturo kahit maraming sakit at syempre first time kong maiyak sa room. Di ko makalimutan yon sa sobrang galit ko dahil sobrang gulo ingay etc. halo halong kaso. Biruin mo kada isang lingo magaling gumawa ng kaso ang mga gago. HAHAHA pero nakakamiss din pala. Isang bagay na alam kong normal pero nakakairita pero kahit ganon sila. Mahal na mahal ko ang mga anak kong yan. Kahit un iba hindi na nangangamusta dahil di n nila ako adviser o teacher. Pero sana kung pwede lang tlga kahit di na ako maging teacher or adviser nila ay mag evolve ang relasyon ko sa kanila. Hindi naman masama kung magiging kaibigan nila ako. Dahil alam ko palagay naman ako sa batch na to.
                                                            2 Araw araw dala dala ang laptop na nakalagay sa paboritong red bag, mabilis maglakad at nanlilisik na mata pero hindi galit, isang guro nag nagtuturo ng agham sa isang paraalan. Isang simpleng silid aralan na magiiwan ng sandamakmak na alala at lungkot. Alam ko marami din ako pag kukulang sa first advisory ko. Lalo na sa mga contest madalas wala ako dahil nagging focus ko ang redemption sa bsp alam ko at some point nag tatampo sila dahil nararamdaman nilang parang wala ako supporta pero ginagawa ko din naman ang makakaya kong paraan para suportahan sila. Marami ako pakana din sa section na to na di ko nagaw nun second year of teaching dahil sa mga kadahilang iba ang trip ng second advisory ko. Although nag tatampo ako dahil di ako sinurprise nitong mga to un teachers day pero na intindihan ko naman kung bakit. Maaring di lang tlga nila trip yon masyadong sweet.although masaya ako kasi wala silang ilang alam nila kaseng clingy din ako bilang adviser. Gusto ko kasi napaparamdam kong andyan ako sa kanila kapag kailangan nila ng kausap o kakampi sa tuwing kaaway nila ang mundo. Kasi alam ko pakiramdam ng nag nag iisa at walang kakampi. Napakahirap na wala kang makakasangga na aalalay sayo para lumaban. Ayoko danasin nila un mga bagay na dinanas ko na lumaban mag isa at sa huli nakalimutan mahalin ang sarili.
                                                               3
Araw araw dala dala ang laptop na nakalagay sa paboritong red bag, mabilis maglakad at nanlilisik na mata pero hindi galit, isang guro nag nagtuturo ng agham sa isang paraalan. Isang simpleng silid aralan na magiiwan ng sandamakmak na alala at saya. Second year of my teaching as a teacher syempre. I can say that I learned a lot from my previous advisory and former student. I handle students much better than before specially sa mga needs nila mentally. I am very lucky with 7-saturn. I can say that masuwerte ako sa advisory. Very special in my heart ang advisory ko in my second yr of teacher. They did things some things na di nagawa ng previous advisory pero sympre kanya kanya naman ng traits ang mga bata and I appreciate both of them. Hindi ko tlga akalain na I susurprise nila ako nun teachers day. I remember that time sobrang hapong hapo ako sa trabaho bilang teacher dahil hawak ko ang SINAG Club at BSP. Nagkakasakit na ko sa puyat at stress but they did something that touch my heart na di ko makakalimutan because I rarely receive gift and surprises. Take note ah surprises. I don’t expect them to surprise me kasi for the 27 years of my existence never pa ko na surprise not even in my b-day so sabihin na natin big deal. Not even my BSP Club surprise me pero they attempted din this year kasi may kasalanan eh nag surprise cake kaso nahuli ko tinago ang cake sa isang room so medyo di well played but my 7-saturn? They did well. I wish we can really have a very nice closing party and makapag bigay ako ng message sa kanila isa isa just like what I did sa previous advisory ko. I want them to hear how much I love them as a person and not just as my student. Tinuringko silang parang nakakabatang kapatid. Ayoko matapos ang relasyon naming sa teacher and student relationship lang dahil gusto ko kung pwede life time ko sila kasama dahil kung invite man nila ako sa mga b-days nila special celebrations. I’ll be there because I want to be reconnected and never cut the strings with them because I love them because they let me feel that they love me too. Kahit na medyo unfair na di ko ramdaman as a person because I have problems na parang di na nakakaradaman ng pag mamahal. Pero na appreciate ko dahil nakita ko pinakita nila na special ako kahit papaano sa kanila. May mga challenges kami kinaharap bilang advisory and I think and I hope na disclose naming kung ano man ang mga di pag kakaintindihan o bagay na maaaring nasaktan ko sila sa pananalita o pag sumbong minsan sa kanilang parents. Dahil para sa akin kung mahal mo tlga ang isang tao, gagawin mo ang pinaka mabuti para sa kanila kahit na minsan kailangan masaktan sila o masaktan ka dahil ayaw mo nakikitang nasasaktan din sila.
                                                               4 Araw araw dala dala ang laptop na nakalagay sa paboritong red bag, mabilis maglakad at nanlilisik na mata pero hindi galit, isang guro nag nagtuturo ng agham sa isang paraalan. Isang simpleng silid aralan na magiiwan ng sandamakmak na alala at pag-tanggap. Hindi ko matanggap na biglaang natapos ang nakaraan school year. Marami ang hindi nagging handa. BSP ako pero di ako handa. Hindi mannakita ng mga anak ko ang nararamdaman ko pero na lulungkot ako kung paano natapos tong taon na to. Hindi man alng ako nakapag paalam ng maayos sa kanila. Pero ganon pa man nag papasalamat ako na binigyan ako namapagmahal na advisory nitong nakaraan pero nakakalungkot dahil medyo late ko na din naisip sa sobrang katabaan ng utak ko na mag conduct ng online farewell party.masaya ako na atleast kahit ppaano kalahati ng klase ang nakadalo sa virtual farewell party namin at 4th qtr honors awarding. Un nga lang un iba halos I pm ko na pero seen at parang hindi kana kilala. Ayoko nalng pangalanan sino silang mga anak ko na parangnakalimot na agad hindi pa nag sisimula ang bagong s.y nila. Pero nagpapasalamat parin ako na umabot sa 25 ang mga dumalo at un mga di nakadalo ay nag pasabi naman dahil mahina ang connection pero un iba sadyang parang alam mo na. parang nakalimot na tlaga pero ganon tlga choices nila kung isasama ka pa nila sa routine ng buhay nila. Pero kahit ganon un iba mahal na mahal ko sila at hindi yon pwede tawaran ng kahit sino dahil ayokong may maligaw sa mga nagging anak ko. Kaya kung kailangan nila ako isang tawag lang dadating ako kahit na lumayas pa sila sa bahay di nab ago sa akin ang mag sundo ng kaibigang lumalabas o kaya ng mga nakakabatang kaibigan ko na ginwa ito dati. Di pa ko teacher nagagawa ko na so kaya ko din gawin dahil alam ko ung iba sa kanila sa eskwelahan lang masaya pag uwi na di na masaya sa bahay at ayoko dumagdag sa pressure na nararamdaman nila. Gusto ko maramdaman nilang may tatakbuhan sila sa oras na kailangan nila ng pangalawang magulang o nakakatandang kuya.
                                                               5 Araw araw dala dala ang laptop na nakalagay sa paboritong red bag, mabilis maglakad at nanlilisik na mata pero hindi galit, isang guro nag nagtuturo ng agham sa isang paraalan. Isang simpleng silid aralan na magiiwan ng sandamakmak na alala at konting sakit. Dhil sa tingin ko nag kulangako nag sobra sobra lalo na doon sa iba ay inaaya ko sila sa bagay na mapaglilibangan namin. Hinanap ko ang common denominator sa iba kong mga anak na di ko gaano naka close nun handle ko sila. Inaaya ko sila kung nag lalaaro ba sila ng mga na uusong laro katulad ng among us at valorant. At ayun un dalawa sa anak ko na medyo tahimik o di ko gaano nakilala ng lubusan at nakakalaro ko. Hindi ko na isasama si don kasi madalas naman kami nag uusap tungkol sa anong pinagdadaanan nya at open at palagay sya sa akin. Ganon din ako sa kanya open dahil ayoko magingclose. Ano daw? Basta wag mo na intindihin pang mataba utak lang makakagets ng corny jokes ko. So ito na nga si Lexter at Jacob at Is hang madalas kong kalaro sab aril barilan beng beng beng pew pew pew plok plok plok na larong to. Nakakatuwa although nun una medyo nahihiya pa ko mag pakilala bilang isang gamer. Tao lang din po marunong magalit magrage at mang trashtalk pag nababanas sa mga braindead na strategy at play making. Masaya ako kalaro ko sila kasi nakakalimutan ko kung anong lungkot na dala nitong pandemya lalo na sa masalimot na career breakdown ko ngayon taon. Panatag ako at kampante pero minsan nagtatampo ako kapag di ako naaya. Siguro ugaliko na talga to ayaw ko kasi napagiiwanan. Pero syempre kailangan ko intindihin baka mamaya kumpleto o iniisip nila na ganito ganyan. Pero sa mga nakaraan lingo to siguromga two weeks ago. Medyo lay low na sila sa pag lalaro nitong beng beng beng pew pew pew plok plok plok. At hindi ko inaasahan na ma iilang o kinakabahan o di ko alam ang hirap I express na hindi sya sanay makalaro o magingkaibgan ang isang tao na di nya ka edad. Naisip ko kaya siguro unti unti silang hindi na nag paparamdam dahil dito. Naisip ko may nagawa ba kong hindi maganda o nasabi kaya naramdaman nila ito? Lalo nan i Jacob. I trust him so much and confident everytime we play masaya ako kalaro sila kahit na sobrang ingay at toxic kalaro ni Jacob pero un tawa nakaka wtf eh matatawa ka den sa kanya ang it makes me forget the situation I am in right now. Pero nasaktan ako sa kutob ko. Na napagusapan naming ni don . di ko naman expect na gagawin ni don yon para ma confirm kung may ilang factor nga na nagaganap at aun nga tama ang hinala ko. Feeling ko di lang sya ang ganon sakin. Na insecure ako sa sarili ko. Na baka di lang sya aka pati si josh si ish kaya di na sila nakikipag laro. Timing pa na nag palit ng laro si Jacob dahil nagkakaproblema sya sa fps ng laro naming beng beng beng pew pew pew plok plok plok. Inisip ko nun isnabi nya na he thinks he might not play beng beng beng pew pew pew plok plok plok ay isa itong pamamaalam in a nice way. Pero naramdaman ko na di nya tlga siguro ako gusto kalaro or hindi tlga sya komportable. Pero wala naman tayo mgagawa parang ito lang din un nangyari sa akin before pero nagiging totoo lang naman tayo sa kung ano ang kinikilos natin sana langhindi nya bigyan tlga ng malice ito. I just want to beclose with them na alam ko nagging pag kukulang ko noon. Although na open ko naman na kanya at nakapag usap nak ami ditto pero parang alam mo yon. Kahit pinipilit kong okay lang ang lahat ay hindi okay. Parang may ilang pa din ako nararadaman na nararadaman nila o ni siya. Basta ang hirap. Ang bigat sa pakiramdam. Pero kahit ganon pa man alam naman ng nasa taas na wala akong ibang hinangad kundi para sa ikabubuti nila. Gusto ko maging parte padin ako ng buhay nila kahit na malayo o di ko na sila handle. Although we’re in the same club dahil member din sya nito. Kaya sana mawala ito at sana makapag laro ulit kami because its not funny to play alone because being lonely is more painful than being hurt. Ikanga ni Monkey D. Luffy kung nanonood ka ng one piece. Hehehe I just wish to play with them not just with lexter, Jacob and ish but to some of my anakis din.di ako galit kay Jacob siguro tampo oo kasi di ko inexpect na mararadaman nya yon sakin dahil nun una okay naman sa kanya. Minsan sya pa nga nagaaya kapag wala si lexter pero di ko ma gets biglang parangmay bago. Gusto ko malaman ano un pakiramdam na weirdness na naramdaman nya pero sabinga nila what you don’t know won’t hurt you. All I want is be appreciated by them at sa kanya din. I want to boost his confidence kasi kasma ko nga din sya sa club as his adviser din. Gusto ko ang mas ma improve ang trust and confidence nya sa akin dahil doon ko ma bibigay at mailalabas ang potential nya. Pero yun na nga. Kahit gusto ko silang makalaro nakakasad lang pero di mo naman ma open kaya ito okay lang. ang hirap tlga I deal din minsan ng separation anxiety kapag nasanay kanang andyan sila tapos biglang mawawala aun di nanaman tayo naging handa pero ganon tlga at babalik naman sa normal ang lahat kapag nasanay na ulit. Pero sana makapaglaro ulit kahit na alam kong impossible kasi may kanya kanya kaming hanap sa buhay at laro na trip pero sana makapaglaro ulit dahil masaya ako at nakakalimutan ang bigat na dinadala ngayon. Araw araw dala dala ang laptop na nakalagay sa paboritong red bag, mabilis maglakad at nanlilisik na mata pero hindi galit, isang guro nag nagtuturo ng agham sa isang paraalan. Isang simpleng silid aralan na magiiwan ng sandamakmak na alala at tawa. I just wanted to be appreciated not just by my student but by everyone. I’m actually a type of person who always want to hear the magic word we love you. I love you. Because in fact I am a very needy pero ang korny baka makulayan lang pero ganyan ang tingin ng ibang tao. Maybe because I feel lonely kaiht na di naman.  siguro sadyang sawa na din ako palaging naiiwan at palaging andyan lang kapag kailangan ka nila. totoo nga na ang taong mapagmahal minsan nagiging mapagmahanap kasi na uubos na un binibigay nyang appreciate and love paligid nya. ganito pala ang pakiramdam nakaka putang ina lang.. Love life? Oo mayroon alam na nya pero wala kong pang date wala tayong trabaho. Hehehe sobrang fuck up nang nangyari this year. Daming plot twist and bullshits happeningspecially in my career. Yung karapatan naming matanggap ang dapat matanggap pinagkakait. Aabot pa ata sa korte ang complain namin. Napaka sakit nun nangyari sa amin nun august at lalo na sguro sa akin. Dahil di pa nag start s.y marami na kong nagawa bilang isang guro sa pamantasang pinagsisilbihan ko. Naalala ko pa kinagabihan bago ang training naming bago mag start ang s.y ay sinabihan ako na mayroon akong teaching load at kinabukasan ay excited na ako para umattend ng traning. Nakaligo pero biglang makakatanggap ka na alanganin pala kami na di muna kami kasama. Napakasakit non hindi man lang ako pinakain muna ng breakfast ng umagang yon. 30 mins before the start ng training binawi na kasama kami at di pa sigurado kung may tuturuan ako ngayon taon.
                                                            (6) Araw araw dala dala ang laptop na nakalagay sa paboritong red bag, mabilis maglakad at nanlilisik na mata pero hindi galit, isang guro nag nagtuturo ng agham sa isang paraalan. Isang simpleng silid aralan na magiiwan ng sandamakmak na alala at kahit walang pera. Dalawang oras ko na sinusulat tong blog pero ang bigat pa din sa pakiramdam. Para wala kong masasandalan kundi ang computer at itong ms word lang ngayon para ipaalam kung anong bigat na nararadaman ko ngayon. 2 weeks ago I broke down so hard that I cried and feel sorry for myself medyo matagal na din at nagulat din ako sa nangyari di ko akalain mapapahagulgul ako sa sobrang lungkot at syempre ayoko naman Makita o malama nng iba na nangyari yon. Dahil para sa mga kaedad ko wala na ata kaming karapatan magingmahina lalo na sa sitwasyon ko. Ang hirap mawalan ng ginagawa na alam mong un ang nag papasaya at nagiging dahilan pa para mag patuloy ka. Ang saket pa den nun nangyari kahit 3 buwan na ang lumipas. Biruin mo 2 days before the start ng s.y aka ka sasabihan wala kang trabaho masakit pa sa heart breaks yong nangyari lalo na sa part ko dahil nakapag prepare na ko in advance at nag invest sa gadget pero wala bigo. Sinubukan ko nalng ibaling sa pag lalaro lahat ng frustration anxiety at stress ko makalimutan ko lang tong deputing thbigat na nararadaman ko. Pero hindi pa din enough. Pero alam kong lilipas din to all iz well all iz well. Trying to comfort myself through writing in a piece of paper.
                                                            (7) Araw araw dala dala ang laptop na nakalagay sa paboritong red bag, mabilis maglakad at nanlilisik na mata pero hindi galit, isang guro nag nagtuturo ng agham sa isang paraalan. Isang simpleng silid aralan na magiiwan ng sandamakmak na alala at sana magpatuloy pa. Sa ngayon magulo pa din balak ko natapusin tong piyesa na to. Hindi ko alam kung tale of being a teacher ba ang tamang title or super fucking dramatic series of shitness. Well ako ang writer ako masusunod wala naman din makakabasa nito maliban nlng kung mamatay ako sa sama ng loob o sa sakit na mayroon ako ngayon. Di ko alam kung nagging mabuti ba kong guro kasi alam kong nagging masamang bata ako nun ako’y nagaaral pa. sinubukan ko magbago nagawa naman pero may mga ilang habits tayo na di tlga matatanggal. Katulad nlng nitong pag mumura. Waazzup mga bitch. Tao pa rin po kaming mga guro. Hindi po kami perfect sa inaakala nyo nasasaktan napapagod nangangailangan din ng pansin. I just wanted to be appreciated and to be loved. A simple aying of loving me will make me feel important. Shit ang needy. Pero wala eh ayoko naman dayain at pekein pero nagiging manipulative sadboi ang dating. Pero fuck shit wala naman may pake kase wala naman makakabasa nito so tapusin nanatin tong kalokohan ng blog na to di ko alam kung may na pulot kayo pero ang masasabi ko lang? tuloy ang buhay tuloy lang..
0 notes
kenji-kai-sensei · 5 years ago
Text
Magpatuloy ka
Magpatuloy ka 11/21/2020 -Pedro Liha
Magpapatuloy ka sa daan kahit minsan wala kang kahandaan. sa paparating na mga banggaan. sa mga susunod na pag dadaanan.
Magpapatuloy ka kahit walang naniniwala hindi naman para sa sarili ang ginagawa basta't alam mong tama ang iyong sigwa. Hindi ka maliligaw sa iyong pag-sisiga.
Magpapatuloy ka kahit walang kakampi Hindi naman panghabang buhay ika'y maaapi tandaan kasama mo ang iyong mga lipi kaya taasan mo pa ang iyong pag titimpi.
Magpatuloy ka kahit iba na ang nakikita nila hindi mahalaga ang nakikita ng mga matang mapanghusga basta't pag butihin mo lang ang pag titimpla. makakaraos ka din at makakatikim ng ginhawa.
Magpatuloy ka kahit ika'y na nanamlay Babalik din ang dating buhay. Marami kanang pinanalong tagay Kaya hindi malabong ika'y magtatagumpay.
writersblocknomore
0 notes
kenji-kai-sensei · 7 years ago
Text
Piyesa ng paglalakbay
medyo matagal tagal na din ako, hindi nakakagawa ng mga sanaysay, salaysay, pananaw at kung ano ano pang mga bagay na hilig ko dating isulat. Isang pag sulat na nag mumulat sa kabihasnan na alam ko naman walang mag tiatiagang bumasa nitong sulat ko. Napapansin ko habang tumatanda pala ang tao. Pakunti ng pakunti ang totoo sayo. Yung mga dati mong kaibigan na palagi mong kasama sa saya. Pag dumating ung hirap malalaman mo kung ano sila sa buhay mo. Napansin ko din na dahil sa paulit ulit na kakalasan ng pag hahanap kahit hindi na ok naniniwala kung mayroon ba talagang best-friend na dadating sa buhay ko o sadyang ako lang ung pinagkaitan ng tadhana na kalian man sarili ko lang ang mag aaruga sa akin at kahit kelan wala akong pwedeng takbuhan ng mga karamdamang dinadala ko ngayon. Napapansin ko din na hindi ko na alam kung gagamitin ko ba un pride ko para bigyang value ang pagkatao o papalampasin nalang at hahayaan at sa huli ako nanaman ung mag hahabol para ayusin un hindi pag kakaunawaan sa samahang iniikutan ko ngayon.. minsan hindi ko tuloy mawari o na guguluhan ako na kaya lang ba ako kaibigan ng mga taong to kasi may bagay na naibibigay ko sa kanila at kapag ako naman un may kailangan. Wala akong aasahan kundi sarili ko nalang? O masyado lang akong sensitibo o kaya naman nang hihingi siguro ng parehas o kahit kalahating pag kalinga lang sa mga bagay na naibigay ko. Nararadaman ko kasi na minsan pinipilit ko nlang un sarili kong gumawa ng maganda para masabi o para maisip ko sa sarili ko na may halaga pa ko sa mundong ito. Kahit hindi ko ramdam na pinahahalagahan ako o kaya ako nandito kasi nagagamit ako ng mga tao sa paligid ko at yun lang ang dahilan kung bakit ako pakikisamahan.. akala ko na overcome ko na un mga ganito hindi pala. Nag lelevel up lang pala minsan ang mga ganitong problema. Tinetest ka at pinamamukha sayong ito ang realidad ng mundo. Pero ang tanong ko bakit sa akin pa. pero sa tuwing tinatanong ko ito alam ko naman ang sagot. Kasi kaya mo kahit na ang unfair. Gusto ko din naman maging masaya. Un may kakamusta sakin di dahil may kailangan sila kundi dahil sinusubaybayan din nila kung ano bang nangyayari sakin ngayon. Pero ewan itong mga bagay na mga insecurity ko sa paligid na nararamdaman ko yan kasi hindi ko nalang pinansin pero sa tuwing nababalisa ako, nararamdaman ko kung gaano ako nag iisa at nag lalakbay ngayon sa problema ko at takot na ko mag tiwala at maiwan ulit sa gitna ng laban. At mas nanaiisin ko nalng mag isa kesa may mangako na hindi nila ako iiwan. Hindi ko din masabi sa kanila kung anong karamdaman ng sakit ko ngayon. Pakiramdam ko wala din naman. Kahit alam man nila kung ano ito. At kung mag kakaroon man sila ng pakialam sakin ay dahil sa awa na din nila. Ayokong pahalagahan ako ng dahil sa awa, gusto kong pahalagahan ako kung ano man ako ngayon.. mahirap pero kinakaya naman. Medyo nalilibang ako sa ginagawa ko ngayon, kahit paano hindi na ganun kalungkot, hindi rin masaya, 4/10 kung masaya ba ko at malungkot. Naisip ko kasi mas madaling ayusin un problema sa paligid ko kesa sa sarili ko. Hindi ko alam bat ko nararamdaman parang ang daming kulang pero ayaw ko naman hanapin. Kasi pag hinanap ko lalo lang maguguho ang pag iisip ko. Lalo lang magugulo madadamay pa un iba kasi ang hirap sabihin na kailangan ko ng kaibigan at kailangan ko ng makikinig sakin. Pero sa kabilang banda takot din naman ako mag kwento dahil kinakailangan ng sapat na oras bago ko ma sabi ang mga ito. At ang masakit pa nito un mga taong napagsabihan ko noon sila pa un mga nawala na ngayon. Na nangakong hindi ako iiwan pero in the end iniwan din ako. Siguro ganon lang talaga. Sadyang ang hirap I open ng mga petty things na alam mong di na dapat problemahin ng isang tulad ko. Nakaka bullshit pero tuloy lang ang buhay.
0 notes
kenji-kai-sensei · 8 years ago
Text
Sa akin pag layo
Sa akin pag layo
Nakita mo ang mali sa tama Napa-isip ka kung ito ba ay tama naisip mo sa bawat maling nakikita mo ano ang katumbas nito sa iyong pag katao? anong ipekto ng isang kamalian sa iyong hinaharap kung saan nababalot ito ng misteryo isang misteryo ng kahapon kung bakit ka nadapa sa mga magaganda mong nagawa
kaya sa aking pag layo muli kong binalikan ang nakaraan naalala ko ang huling habilin ni lolo "ang nakaraan masarap balikan, huwag mo lang tambayan" pero paano ako matututong tumalikod sa nakaraan kung alam kong nakagapos pa din ako sa kasalanang hindi ko alam kung dapat ko bang pag sisihan. kaya sa akin pag layo, gusto kong malaman mo sa gitna pag sisisi at katarungan. nananaig ang galit sa puso at tinatanong kung bakit kailangan ako maparusahan sa kasalanan alam kong hindi ko dapat pag-dusahan.
mali bang piliin ang tama sa dapat? Mali bang isipin mong iniwan kita sa gitna ng laban kung saan ang labang ito ay alam mong walang patutunguhan? mali bang isipin ko ang sarili ko o di naman kaya ay mali bang isipin mo ang sarili mo kesa sa ibang tao? isang malaking katananungan, na hindi natin alam kung sino ang nag kulang , sino ang dapat manikil ng kamalian sino ang dapat sumingil sayong kahirapan. hindi ba't walang patutunguhan, ang samahang walang ibang alam kundi mahalin ang sarili atin
kaya sa akin pag-alis, sisiguraduhin kong wala nang babalikan at wala nang dadatnan sapagkat sa akin pag layo mananatiling tanglaw sa akin ang lahat ng kaganapan ang lahat ng kasiyahan dahil sa aking pag alis kasama ko kayo sa akin pag lisan dahil sa huling yugto ng buhay ituturo ko kung paano mag mahal ituturo kong mahalin mo ituturo kong mag mahal ka habang na bubuhay pa ang taong minsan dumating sa buhay mo na minsan nakasama mo matutunan mo ang aral na hindi mo naintindihan nung nasa loob ka pa ng silid aralan dahil hindi lahat ng aral na dapat mong malaman at naka paloob sa isang silid aralan dahil ang katotohanan ang tunay na araw ay nasa labas ng iyong tahanan at paaralan kaya sa akin pag layo huwag mong kakalimutan na nakilala mo ako kaibigan. ito ang liham ng aking pag lisan.
spokenpoetry #saakinpaglayo
deeptruth #021317 #notsospokenpoetry
0 notes
kenji-kai-sensei · 8 years ago
Text
Basura -Pedro Liha 12/18/15
Basura -Pedro Liha 12/18/15
nakakita ka ng coke in can pinulot mo ang plastic bottle naisip mo parang ikaw patapon na pero magagamit pa
naka kita ka ng singsing sa tindahan nakita mo mahal pero hindi naman ganun pakikinabangan parang ikaw minsan
nakita mo siya may kasamang iba na dati rati ikaw ang kasama naramdaman mo kung sino ka wala ka nang halaga
nakakita ka nang salamin kinuha mo at hinawakan At sinabi mong: nakita mo na! Binasura ka lang niya!.
0 notes
kenji-kai-sensei · 8 years ago
Text
Huling liham
Nung bata ka pa, alam moba kung anong pinaka magandang lesson na tinuro sayo ng magulang mo? nun nadapa ka hindi ka nila tinulungan tumayo mag isa kalang, moral lesson? Dadating sa buhay na kapag nasaktan ka walang tutulong sayo kundi sarili mo lang. maliban nalang kung pinalaki kang palaging mayroon andiyan. Magiging mahina ka. Ito na siguro un pinaka maganda at high light na naituro nila sa akin, pero hindi ko tanggap. Na realize mo hindi mo kaya mag isa, hindi ka pa handa, pero kelangan mong matutunan kahit nun bata ka pa eh tinuruan kana. nag balik tanaw ka sa nag daan panahon, inalala mo lahat ng dumating sa buhay mo. Yung mga nanatili at yung mga nawala na. na isip mo sana hindi mo nalang sila nakilala pero sa kabilang dulo nag papasalamat ka. Pero kahit nagpapasalamat ka. Un sakit na iniwan nila andiyan pa din. Bakit hindi ka gumaling ? ayan un unang tanong mo. Bakit hindi mo nalimutan? Bakit hindi mo maiwan? Bakit hindi mo matagpuan. Kung saan ka patungo? Kung para kanino ka, kung para saan ang buhay mo?. Ilang beses ka nag pabalik balik sa umpisa hanggang wakas. Ilang beses ka nag simula at na uwi sa mapait na katapusan. Ilang beses ka bumangon pero sa huli nadapa ka parin. At ngayon nakadapa ka, sinusulat mo itong huling minsahe para sa mga taong minamahal. Iniisip nila kung ano bang problema mo, ano bang nangyari, ano bang pinagdadanan mo, ano bang nananakit sayo, ano bang pag-kukulang nila sayo, ano bang nangyari na yung taong kilala nila . malayo pala sa inaakala nila. Yung inaakala nilang malakas at palaging nandyan ay ngayon ay siya naman ang mahina at nang iwan. Hindi mo na magagawang masagot lahat ng tanong nila. Dahil andyan kana, nakahiga sa hinihiling mo na huling hampilan. Naisip mo kung magiging masaya ka ba sa bilang buhay? Natatandaan ko yung klase sa pilosopiya, kapag nawala ka na makakalimutan mo ang lahat un masasaya at masasakit makakalimutan mo yon. Hihiwalay un katawan mo sa kaluluwa mo. Makakalimutan mo na lahat ng sakit at higit sa lahat? Ang pinaka magandang parte kapag wala ka na ay hindi ka na nila magagawang saktan. Kaya sa huling hampilan mo, muli silang mag paparamdam, mag babalik, tatanaw sa malayo o sa malapit. Ang mga nakalipas at tila mag babalik. At nakaraan at tila mag paparamdam. Isang malaking katanungan kung bakit ? paano? Kailan pa?. pero hindi na iyon mahalaga dahil ang lahat ay tapos na. hindi na mahalaga walang saysay para pag usapan pa.
-TBC
1 note · View note
kenji-kai-sensei · 9 years ago
Text
Pabili ng lahat
By Pedro Liha 04/11/2016 gusto ko ng kausap gusto ko ng kakwentuhan gusto ko nga pero wala akong makausap kaya minsan naisip ko bumili ng kausap un tipong lahat ng sasabihin mo gigitna at sasabihin nya kung saan kanaguguluhan sa kwento mo at higit sa lahat sa desisyon at kung paano niya itatama ng hindi ka gaano masasaktan sa desisyon yung kausap na kahit anong oras , panahon pag kakataon pwede mong takbuhan.. kung nabibili lang ang kausap panigurado matagal kong na adik diyan.. gusto ko ng kausap ung hindi mapapagod kaksabi  ng oo nandito lang ako makikinig nandito lang ako ng many ways un mag bibigay ng assurance na kahit anong mangyari mamatay ka man sa cancer mo o wala ka man cancer andyan sayo.. gusto ko nang kalinga un tipong pwede rin bayaran.. yung tipong sakit na sakit kana hirap na hirap kana ng sobra gusto mong kalingain ka nya. Iyong andiyan lang sa tabi mo hindi un andiyan lang kapag may kelangan at convenient sa oras nya, ung pwede siya any time in many ways gusto ko bumili ng kalinga yung walang humpay ang pag paparamdam na kapiling mo siya.. teka gusto ko din ng pagmamahal. Pagmamahal na walang hangganan unlimited willing to wait din ako basta makabili lang.. lahat ata kasi ngayon na bibili.. pero dibali na basta makuha ko magkano ba ang halaga sa halagang sampung pisong binigay ko.. hiniling ko minsan sana bumalik kahit limang piso lang.. para mag kita kita kami sa gitna.. gusto kong bilin ang lahat ng oras mo. Mag kano ba per minute per hour? Hindi ako mag sasawa kausapin ka at kung anong trip mo sa buhay basta sa akin lang ang oras mo gusto ko akin kalang wala ng iba.. hindi ba lahat ng ito ay isang ilusyon lamang.. lahat ng gusto mo hindi na punta sayo at hindi din naman lahat ng binibigay sayo ay gusto mo.. kaya gusto ko lang din malaman kung bakit ako nasasaktan.. kung bakit ganito kasakit .. kung bakit hindi ako maka alis sa sirkulo ng ikot ng mundo. Kung bakit sa dami-rami ako ang piniling mapunta sa sitwasyong alam kong walang sulusyon kundi ang mag patuloy at mag paikot ikot ng walang hanggang sakit ng kahapon.. sakit na minsan kong naramdaman na ngayon tila nakalimutan ko nang maranasan.. gusto kong bumili ng pakiramdam. Hindi ko na kasi magawang mag mahal, makaramdam ng pag mamahal at pag kalinga. Basta bibili ako magkano ba? Hindi pa ba sapat ang mga pautang na aking ibinigay upang makabili ako ng pagmamahal at pag kalinga ng gaya mo. Gusto ko na din bumili ng sapat un nararapat at tapat na dapat sakin lang ang lahat. Gusto kong bilin. Gusto kong bilin ang lahat ng kelangan mo para lahat sa akin lang ang atensyon mo hindi ka mag sasawa kasi nasa akin na ang lahat ano pang hanap mo asa akin na pero sa huli mas-pinili mo pa rin siya.
0 notes
kenji-kai-sensei · 9 years ago
Text
I’m too fucking drunk by “Pedro Liha”
I’m too fucking drunk, and whenever I look at you, you look like a fucking angel to me kaya Putang ina mo Kahit pasuray suray nako maglakad sa espanya ikaw padin hinahanap ko. Kahit mahulog na ko sa imburnal Imbis na humingi ako ng tulong Ikaw pa din ang hinahanap ko Im too fucking drunk, whenever I miss you And I’m dying to know na hindi na pwedeng maging tayo Kahit ilang hagulgul na nag luha ang gawin ko Ikaw pa din ang hanap ko Kaya putang ina ka Sana ikaw nalang ulet I’m too fucking drunk to even notice someone else with me Ikaw nalang? Parang popoy at basha pero Pero hindi dahil hindi tayo si popoy at basha Hindi tayo si popoy at basha na may 1 more chance Na pwedeng ulitin ang lahat Kalimutan ang lahat, Mag hintay sapagkat may iba kana Hindi rin pwedeng “a second chance” dahil Putang ina hindi na tayo ikakasal Hindi na tayo mag kakatuluyan May iba kana, aasa pa ba ko sayo Ang hirap aminin sa sarili kong wala kana Hindi ko kaya dahil mas lalong mahal na kita
I’m too fucking dump to believe that you care for me. Paniwalang paniwala ako sa mga kasinungalingan mo sinabi mo hindi mo ko iiwan pero ngayon Putang ina asan ang pangako mo. lahat ito drawings nalang. Parang mga lakad ng tropa putang ina, usapang Alauna , alastres nag punta isang malaking kalokohang mahalin kita Pero ang hirap mong hindi mahalin sapagkat katawan mo’y naiwang alala sa akin dinadalaw ako sagabi ng bawat pangungulila’t pag iyak kaya ayoko na putang ina sukang suka na ko sa mga kinain ko kanina Wanna say I love you back but I've already moved on. The pain these past weeks built me a brick wall for me not to get attached to you. kaya ang sakit talaga mawala ka ang hirap mong kalimutan Sana Masaya ka sa punyetang bago mong boyfriend
I know it's difficult to hit you up, but you ain't passionate with the shit that you're into. I swear this time I mean it wala na kong babalikan Wala na kong pag sisisihan Kailangan na kitang palayain Masaya kana Pero ako kunwariang Masaya Dahil okay kana Tang ina ayoko na I swear this time tapos kana Lasing na lasin na ko sa katotohanan.. Mahal kita pero may mahal ka nang iba.
� �;���
0 notes
kenji-kai-sensei · 10 years ago
Text
Masaya ba talaga sa langit?
Masaya ba talaga sa langit
sept 11,2015 -kenjing walang datong
Madalas na ririnig natin un katagang “ alam kong Masaya na siya doon” , “kung nasaan ka man alam kong Masaya ka na kapiling ang diyos kaya dapat maging Masaya din tayo para sak anya”. Pero ang totoo paano mo nalaman Masaya doon? Nakapunta ka na ba? nakapunta naba sila? At totoo bang Masaya doon? Kung talagang Masaya doon edi worth it mag pakamatay. Diba ? Masaya? Anong saya ang madarama mo kung ayaw mo pang mamatay pero kinuha ka na. tapos sasabihin ng mga kaibigan mo pamilya mo Masaya kana sa langit pero ano?  Ano?. Paano nila nalamang Masaya ka? Ngayon wala kana? Paano kung hindi ka Masaya? Paano kung nalulungkot ka kase wala kana patay kana. Saan paano nalaman? Naramdaman , instinct ? belief? Intuition? Feeling? Ano pa ? ano pa pwde dahilan para masabi mong Masaya ang isang taong pumanaw na?.. wala kasi hindi natin alam pero ramdam lang natin.. pero ang totoo nirereverse lang natin ang sarili natin.. paano ang totoo ay di tayo Masaya . malungkot tayo. Sino ba naman kasing taong magiging Masaya na iwan niya ang mga mahal niya sa buhay at mga kaibigan diba? Sadyang minsan sinungaling lang tayo sa feelings natin.. kaya yang feelings nay an maraming sinira ang buhay niyan.. kasi hindi alam gamitin ang feelings.. maraming naloloko sa salitang feeling ko mahal pa nila ako.. feeling nga diba.. so ibig sabihin pwedeng oo pwdeng hindi pero madalas hindi kaya maraming pinaasa yang feeling na yan.. pero sa kabila ng pagiging feelingero feelingera ng mga tao. Hindi pa rin natin maiwasan mag feeling kasi alam natin kelangan natin maramdaman ang pag mamahal ng tao sa paligid natin. To confirm that thing called  “feeling” kapag naramdaman mo na sya tatawagin mo parin bang feeling? Ano bang tamang term kapag na confirm mo na ang nararamdaman mo? Yung feeling mo na . ngayon hindi kana nag fefeeling feelingan na confirm mo na na totoo ang nararamadaman mo.. diba realidad na .. so dapat tawagin.. reality ang sarap ng realidad.. pero alam mo bwisit pa rin yan feeling. Sa dami ng feelingero at feelingera sa mundo hindi mo mabilang ang kasalanan nagawa nila dahil lang sa feeling.. pero ganun pa man. Ito ang simbolo na buhay pa tayo. I mean na nakakaramdam ka pa , marunong ka pang maawa marunong ka pang mag mahal sa realidad na nakakasakit sayo. Kahit alam mo na feeling mo lang yun. Kahit di mo pa na coconfirm I coconfirm yan ng feeling mo.. strong urge of feelings to something or to someone na mahal ka.. kaya dapat yan feeling nay an kahit nakakainis yan.. dapat alagaan . dapat wag abusuhin ung pag gamit ng FEELING . para ung feeling maging meaningful not pitiful feelings , not wasted feelings and so on ..  pero back on top.. paano mo nga ma coconfirm na Masaya na ang isang tao kung basehan mo e feelings lang paano mo masasabi Masaya na ang taong pumanaw. Paano kung ung tayong un namatay kasi depressed sya sa buhay kasi feeling nya walang nag mamahal sa kanya. Oha oha kita nyo na nagawa ng feeling.. kainis DIBA tenge eneng.. BACK ON the track..  paano mo masasabing Masaya siya na namatay sa lungkot tapos pag namtay magiging happy na? tapos makikita nya mga kaibigan nya na dadalaw sa burol niya  iiyak iyak bat mo kami iniwan mahal ka namin.. tapos un mamatay syempre for sure malulungkot kasi di nya narealize na may nag mamahal sa kanya tapos un mga kabigan naman malulungkot kase its too late to say I love you friend sort of or sabihin mahalaga , etc.. Shit tlga ng feelings ano pa saysay ng I love you kung wala na ang taong mahal mo? Hindi na niya mararamdaman un it’s too late.. IRONIC shit  in life.. at un namatay din its too late to appreciate mahal ka nila un nga lang kasi di mo naramdaman.. O diba ganun KAHALAGA ANG FEELINGS kaya dapat hindi hinahayaan mamatay ang feelings . kaya dapat ang feelings inaalagaan kahit na madalas mapang linlang.. ang kelangan lang ay ibayong ingat.. pero may plot twist paano kung feeling ko lang din un ganitong mga pang yayari well nasa tao pa den yan. Pero ayan un nakita ko feel ko.. naranasan ko ?sort of.. kaya tang ina yang feelings nay an kung mahalaga sa inyo un tao sa paligid mo wag na wag nyo ipaparamdam na feeling niya di na siya mahalaga sa inyo kasi once na ginawa nyo un dun nag sisimula mamatay ang isang tao hindi sa pamamaraang mamatay ang katawan niya. Dahil ang tunay na patay.. patay nag feelings kung saan lahat patay na pag mamahal, pagkalinga pag tanggap ng pag mamahal, pag move on pag tanggap sa katotohanan at IBA PA remember ang feelings hindi mananatiling feelings yan kasi feelings lang yan. Ang feelings na dedevelop sa REALIDAD. Realidad na MAHAL KA, may nag mamahal sayo, nag mamahal ka , may pakialam sayo nag mamalasakit sayo. At higit sa lahat.. pinahahalagahan ka.. na hindi pwedeng sabihing FEELING LANG dahil iyon ang totoo iyon ang realidad na makikita mo.. kung saan ang salitang feeling ay hindi magiging barometer para lang masabing mahalaga ka.. kaya kapag namatay tayo masasabi lang natin Masaya ang isang taong namatay kapag UN FEELINGS niya na mahal nya ang paligid nya at ayaw nya masaktan ang tao sa paligid niya ng dahil sa pag kawala niya.. !! iyon mo lang masaabi Masaya ang taong pumanaw at Masaya na siya sa PILING NG DIYOS hindi sa feeling ng diyos o ng nino man kundi sa Kanlungan ng panginoon..  kaya hanggang nabubuhay pa un mga taong mahal tayo wag na wag natin ipaparamdam sa kanila un pakiramdam na pag kukulang.. kasi masakit un .. isipin mo pa nga lang may pag kukulang ka nakaka matay na eh.. un totoong nag kulang ka pa kaya?.. kaya wag hayaang mamatay ang feelings sa mga taong mahalaga sayo. Kasi napaka rare nun .. at remember sumusugal ang mga taong nag fefeel para sayo wag na wag natin sasayangin un feelings na iniinvest para sa atin.. !! kaya wag mo hayaan dumating sa oras na kapag nawala na sila at tama bang sabihin Masaya na siya sa langit kahit di ka sure.. kase di mo alam kung OO o hindi.. dahil madalas kung pano mo siya iniwan iyon ang kasagutan.. kung iniwan mo siyang malungkot hindi Masaya sa langit pero kung iniwan mo siyang nasa piling mo at sinamahan mo pa ng feelings. Masaya un for sure..  kaya habang andiyan pa sila wag na wag kang mag hehesitate mag pakita ng kaya mong ibigay ksi kapag nawala na. as in wala na.. iwasan ma corner sa isang lugar na kung saan tatanunginn atin ang sarili natin kung saan tayo nag kulang at saan tayo nag kamali. O ha corny na pumapangit ang ending hanggang dito nalang pero ganun pa man di naman masasagot ang tanong ko . na masaya ba talaga sa langit? Ikaw na makakasagot niyan.. PERO Masaya daw tlga dun lalo na sa LUTO ng langit.! Orayt
.
0 notes
kenji-kai-sensei · 10 years ago
Text
Susi at Pintuan
minsan nag hahanap tayo ng susi para buksan ang pintuan at minsan naubos nanatin ang susi pero hindi pa din natin na buksan ang pinto.. pero minsan nakakaligtaan natin. marami pang pintuan . sadyang mas pinilit natin buksan ang pintuang hindi natin mabuksan. kahit naka ilang takot at sigaw kana. naka ilang ulit kanang nag makaawa. tumawag pa tayo minsan ng mag bubukas pero ultimo sila hindi nila na buksan ang pintuan.. kaya huwag natin pilitin buksan ang isang bagay na alam mong imposible. kasi pag pinilit mo para lang makapasok ka. sisirain mo un pintuan. mayroon masasaktan.. mayroon kapalit na hindi mo inaasahan.. minsan kailangan mag lakad lakad pa ng konti dala dala ang mga susi ng buhay.minsan nga hindi na din kailangan ng susi para mabuksan ang pinto kumatok kalang may mag bubukas na agad. alam mo ba kung sino sino sila?.. simple lang .sino ba un mga taong malalapit sayo. un mga taong hindi mo kailangan ng susi o kaya kumatok sa pintuan ng buhay nila. kase sila mismo ang kakatok sa pintuan mo para pag buksan sila. sila ang iyong Pamilya na handang umagapay sa lahat ng desisyon mo sa buhay kung minsan ayaw mo sila pag buksan pero naisip mo madalas tama sila .. Ang iyong mga kaibigan na palagi andyan minsan naiisip mo nakakalimutan ka na nila pero hindi sapagkat minsan ikaw ang nag sara ng pintuan para makapasok sila para kamustahin ka para kilalanin ka ikaw ang dahilan kung bakit di sila makapasok. kaya kung iisipin mo sila willing pumasok sa buhay mo pero ikaw sa papasukin mong PINTO willing ba ang mga ito maging parti ng buhay mo? maaring ang tinutukoy ko ay sa Pag-ibig, Barkada, Kapangyarihan, Karangyaan at kung ano ano pa.. pero may mas madalas ka pang pinag sasarhan ng pinto maliban sa pamilya at mgakaibigan mo. Alam mo kung sino? Si Lord ang diyos na nag bigay ng buhay mo.. kelan mo ba siya huling kinausap o kaya kelan mo siya huling nakaharap. Oo and diyos kapag kinausap mo hindi sya mag sasalita pabalik sayo. Pero ang diyos ipaparamdam nya sayo kung ano ang kailangan mo. Hind iba? Madalas siya ang pinagsarhan mo ng pinto pero hindi mo alam. Siya ang SUSI sa lahat ng problema mo.  Kaya kapag pinapasok mo siya lahat ng pintong nag sasara na gusto mong pasukin siya na mismo mag bubukas sayo. Patungong tagumpay. At iyan ang SUSI ng buhay para maging maligaya at Masaya sa araw araw na pamumuhay. #randominspiration  #kenjithegreat thoughts 
0 notes
kenji-kai-sensei · 10 years ago
Text
Umaasa ako sa natitirang sana.
Sana mahalin moko kahit ganto. Sana hndi ka magsawa sa kakulitan ko. Sana wala kng mahanap na hihigit sakin. Sana tayo nalang habang buhay.
53 notes · View notes
kenji-kai-sensei · 11 years ago
Quote
Looking for a happiness is easy but looking for a meaningful life is hard. you have to struggle and get hurt in order to get them. no pain no gain. no one's perfect. everyone's messed up in their lives. it's only a matter of determination just keep moving forward. there's no reset button in life. you have to accept your inner "self" and the world you are in because this world is not meant for you to shoulder , this world was meant for you to live and appreciate the secrets of life. you are responsible to reconstruct your life because you are the finest ingredient in your life.
0 notes
kenji-kai-sensei · 11 years ago
Quote
Minsan sa buhay. nasasaktan tayo sa mga bagay na nag-papaalala sa nakalipas na panahon. isang balik tanaw na gusto mong baguhin o di kaya a nama'y suliranin na sana'y hindi mo naransan. minsan hinihiling natin na sana hindi ganito, ganyan at iba pa. minsan tinatanong natin sa ating mga sarili kung bakit sa dami raming tao tayo pa? bat hindi nalang ung iba diyan. kung ganun ang magiging pananaw ng bawat isa. naisip ko anong mundo kaya ang mayroon tayo? kung lahat ng gusto at layaw ibibigay. ano pang silbi ng "pagkakamali"?matututunan ba ng tao ang mag pahalaga?, matutunan ba nating magparaya at iba pa. matututunan ba ng tao ang mga bagay na matututunan lamang sa pag-kadapa? hindi ko alam ang sagot dito. pero isa lang ang kasiguraduhan. na alam kong paniniwalaan ng karamihan. walang taong hindi nasasaktan ng walang dahilan.
Deepinsideofme
0 notes
kenji-kai-sensei · 11 years ago
Quote
madaling mag hinala. pero mahirap mag patunay ng hinala
0 notes