like-realizingstufff
like-realizingstufff
Ms. Nonsense
2K posts
I can be ur beshy just ask me
Don't wanna be here? Send us removal request.
like-realizingstufff · 7 years ago
Text
Stuff#8
May 9, 2018 What a day. Sobrang daming nangyayare, to the point we want to gave up. Pero para san pa kung susuko kami diba? Wala din. Naawa na ko sa nakapaligid sakin. Naawa na ko sa mommy ko na napapagod sa ibang bansa to earn money para sa tatay kong nakakulong. Habang ako walwal dito, bisyo doon. I felt so guilty, wala akong ginagawa, sakit lang ako sa ulo. Naawa ako pero eto ako, nakanganga. Nanonood habang nahihirapan sila. I'm asking Him, kung bakit sabay sabay? Para san? Para mahirapan kami? Para ano? Alam ko yung sagot. Alam ko kung bakit. Pero eto ako nagsusulat ng blog post and nagrarant about my life, pero hindi ko sinusulusyonan. Nahihirapan, pero walang ginagawa para mabawasan yung paghihirap. I asked Him again, sabi ko 'gusto mo ba kong magsimba kada linggo and to prove my self na mali ako. Para lang matigil tong kahibangan na nangyayari sa buhay namin ng buong pamilya ko.', gusto kong sabihing hirap na hirap na ko. Hirap na hirap na ko kasi walang wala na kami. My lola(father side) had a mildstroke the other day(May8), then yung pinsan kong baby had a fever for the last 2days and sobrang tamlay niya na nakakaawa na siya kasi wala kaming pera para ipagamot siya. Pagkatapos magkasakit ng Lolo after niya gumaling, all of this happened. Me and my mom was thinking kung bakit nangyayare to, everytime na wala kaming pera chaka nangyayari yung mga ganto. Tomorrow May 10, will be my Mom and Tatay's 10th Anniversary. Sadly wala kaming pera and I'm finding kung saan ako pwedeng humiram, kasi kawawa naman yung tatay ko. Wala na nga yung mommy ko to celebrate with him mawawala pa ba ko dun. And sa susunod na araw, May 11 will be his 1 year inside the jail. The most heartbreaking moment of our life.
3 notes · View notes
like-realizingstufff · 7 years ago
Quote
Ilang araw na kong sinusundan ng anino at alaala mo. Ilang araw na din akong hindi makatulog sa kaiisip sayo. Ilang araw na kong hibang kangingiti tuwing pumapasok ka sa isip ko. Ilang araw na kong lutang kakaisip kung tinamaan na ba ko sayo. Ilang araw na din ang nakakalipas simula nang mapasaya mo ko. Ilang araw na din ang nagdaan nung tayo'y maging pormal na maging kaybigan. Sa ilang araw na yun, doon ko lang nakita ang sarili kong parang tanga, na kahit ako'y nasa jeep naiisip kita. Sa ilang araw na nagdaan, kabisado na kita. Sa ilang araw na nagdaan, kilalang-kilala na kita. Sa ilang araw na nagdaan na para bang ang puso ko'y isang bulakakaw sa langit na unti-unting nahuhulog sayo.
Haring Araw
1 note · View note
like-realizingstufff · 7 years ago
Text
Stuff #7 "What if's"
Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon, right at this moment habang sinusulat ko tong blog post. 3 months na ang nakakalipas, nothing really happened, walang nagbago. Lugmo padin ako. Ang bigat ng pakiramdam ko, kahit wala naman akong sakit. Ang bigat ng balikat ko. Ayaw kong gumalaw, pero kaylangan eh. Ang daming what if's na nagaganap ngayon sa utak ko. Pinagpepyestahan nila ko, what if ganto? What if hindi ganto? What if? Nakakaputa na gusto kong sumigaw at magmura kaso lagot ako sa lolo ko. Today is April 20, and in 3 days birthday ko na. It's my fucking 18th birthday. I'm happy, not really. Wala akong tatay, wala din akong nanay, nakakagago lang. I don't know kung pano ko pagkakasyahin yung pera ko. Kaya stress na ko, kaya sobrang daming what ifs sa utak ko. Like, what if kung nandito si tatay? What if hindi nakulong tatay ko? What if umuwi si mommy? Baka kaya hindi ko na kaylanganing tipidin yung sarili ko. But I couldn't do anything. Ang kaya ko lang eh umiyak, maglugmok at magmove on dahil nakapaginvite na ko ng kaklase ko. Nakakaputa.
1 note · View note
like-realizingstufff · 7 years ago
Quote
I won’t kiss you. It might get to be a habit and I can’t get rid of habits.
F. Scott Fitzgerald, Flappers and Philosophers (via wordsnquotes)
30K notes · View notes
like-realizingstufff · 8 years ago
Quote
needed: perfect Christmas
0 notes
like-realizingstufff · 8 years ago
Text
stuff #6
December 24, 2017 11:30pm It was the most wonderful time of the year. Well, yea it is.. No I mean it was. It was my favorite day, time, of the year. Ringing bells, sparkling balls, jiggling lights in the Christmas tree, Christmas songs. It was my perfect day. All I want for Christmas is you. Yea, you tatay. I'm sorry I couldn't come to you and spend the Salubong. Now, I wanna tell santa that all I want for Christmas is you. Kahit hindi naka wrap, okay na. I looked like a dumb right now, but I don't care at all. I couldn't say this to you because I'm not your showyyy anak. I love you, tay. Last Christmas. This is our first ever Christmas na hindi magkasama. It was awful, hahaha. But I wish next Christmas, you're here. I promise that hindi ako magsasayang ng oras para iparamdam sayo na mahal na mahal kita, paglabas mo tatay.. Babawi ako. I'm sorry.
0 notes
like-realizingstufff · 8 years ago
Text
stuff # 5
December 23, 2017 half way through the end. Konti nalang bago matapos, ang dami ko pang dinaanan. But that the way to make a person stronger diba? Iv'e just started whatching a series kanina and it's already 2am. I was about to sleep, kaso parang ayaw ng mata kong matulog. So, lemme just make kwento. So, in my past stuff blog post, nandun kung pano nakulong ang tatay ko. Nagpunta ako ng first hearing niya. It was not good, I guess.Then maynalaman ako. My mom, ayaw na niya, pagod na daw siya, kargo pa daw niya ko. Masakit, sobra. Nahihiya na nga akong magpakita sakanya pag-uwi niya eh. Hindi naman kasi siya ang biological mom ko. Even sa family niya na tinitirahan ko. Basta makapagtapos lang ako, babawi ako sakanya, sa mga sakripisyo niya.
1 note · View note
like-realizingstufff · 8 years ago
Text
so today is november 12, and i still can't move on. last september, buong month yung time ko for him lang. ewan nagpakatanga nanaman si bes. i try to explain everythig na pwede niyang malaman na tuluyan na pala niyang kinalimutan. the whole month every week masaya kami, walng dadaan na week na hindi nauubusan ng pera kakainom. yup, napapakasaya kami sa alak for the whole month with our friends. pero syempre dadating ung araw na iiwan niya ulit ako. adn i know ready ako eh. alam kong masakit, pero maspinili kong wag nalang aminin. i can't do anything. ayoko namang maging sobrang tanga kasi nga "bestfriend' lang kami. but sa everyday hindi ko siya makalimutan, pati ung lungkot. gago nga si dua lipa gumawa pa ng kanta. new rules. ayun tinatamaan tuloy ako. pero at least ngayon mas masaya. walang hustle. ewan, basta masaya ako ngayon.
0 notes
like-realizingstufff · 8 years ago
Quote
Kagabi sabi mo babalik ka. Kagabi sabi mo sa iyong pagbalik. Kagabi sabi mo sa iyong pag-uwi. Hinintay ka ng buong gabi, dala dala ang mga katagang sinabi mo kagabi nung ako'y iyong iwanan sa gitna ng kumikislap na dilim. Hinihintay ka na maka-uwi. Hinihintay na mahagkang muli. Ngunit sa paghihitay hanggang sa gumabi. Sa paghintay hanggang supamit ang dilim. Padilim ng padilim. Hanggang hindi na maaninag ang paligid dahil sa sobrang dilim. Hindi inaasahang isang kurot sa dibdib ang sumapit. Hindi inaasahang sikip sa dibdib, sa bandang puso kung saan mararamdaman ang lungkot ko. May takot, may kaba, may pag dad alwang isip. Hindi ko maintindihan kung bakit. Hanggang sa makatulog ng mahimbing na mahimbing, sa halos hindi ko na maramdaman na umaaninag na pala. Sumikat na pala ang haring araw. Ngunit kabaliktaran nito ang balitang nasagap mula sa pagbukas ng pintuan ng ating bahay. 'Ang iyong Ama ay nakulong'. Isang patak ng luha. Hindi galit. Isang kalungkutan. Hindi kahihiyan. Hanggang sa bumuhos ng alon ng takot. Tinanong ang sarili kung bakit, paano, saan, kaylan. Dahil hindi ko pagtanto kung bakit, hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung saan, at kung kaylan. Kaya pala, napagbintangan kang pusher, dahil ikaw ay isang sikat at magaling na sabungero, pagkatapos ng laban ng manok mo, nung gabing sabi mo ikaw ay babalik. Hindi ako nakaramdam ng takot, kahihiyan, galit. Dahil alam kong wala kang ginawang masama. Nagalit ako sa mga taong ng husga sayo, dahil wala ng preweba. Unang gabi, unang araw, unang kain, unangtulog, unangpag-iyak ko na wala ka. Napakahirap pala. Sobrang hirap pala. Wala na nga akong ina, nawalan pa ko ng ama. Mag-isa sa apat na sulok ng ating tahanan. Ngayong dadaan ang araw ng mga tatay. Isang buwan na ang nakakalipas. Isang buwan na tayong hindi bagkikita. Ayaw mong makita akong umiiyak. Gusto ko parin iparamdam sayo na mahal na mahal kita, kahit na ang hirap ng sitwasyon ngayon. Hindi na tula kundi isang sulat na ang nagawa ko para sayo. Maligayang araw ng mga Ama, Tatay.
"Huling gabi - shane
0 notes
like-realizingstufff · 8 years ago
Text
yo ❣❣❣
1 note · View note
like-realizingstufff · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Aww
265K notes · View notes
like-realizingstufff · 8 years ago
Photo
Tumblr media
161K notes · View notes
like-realizingstufff · 8 years ago
Photo
Tumblr media
34K notes · View notes
like-realizingstufff · 8 years ago
Photo
Tumblr media
183K notes · View notes
like-realizingstufff · 8 years ago
Photo
Tumblr media
707K notes · View notes
like-realizingstufff · 8 years ago
Photo
Tumblr media
731K notes · View notes
like-realizingstufff · 8 years ago
Photo
Tumblr media
288K notes · View notes