minaoliva
minaoliva
Park Dal
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
minaoliva · 4 months ago
Text
"Bisaya" : Tawag ng Kapalaran
#photoessay #pilinglarang #OLPAG11STEM
Tumblr media
Isa ang kahirapan sa dinaranas ng milyon-milyong mga Pilipino, at hindi nakaligtas dito ang mga “bisaya” na napilitang umalis sa lupang kanilang kinalakihan maibsan lamang ang pangangailangan. Taon-taon ay ginaganap ang “tag-ilo” kung saan kapanahunan na ng pag aani ng mga tubo. At kaakibat nito ay ang pag dating ng mga grupo ng mga kalalakihan mula sa ibang lugar particular na sa Visayas na madalas ay bitbit ang kanilang pamilya upang gawin ang isa sa pinaka mahirap na trabaho pag dating ng “tag ilo”.
Tumblr media Tumblr media
Tabas at Karga, yan ang pangunahing trabaho ng mga “bisaya” kapag panahon ng tag ilo. isa-isang tatagain at bubuhatin papunta sa nag lalakihang truck ang mga tubo at maayos na ipapatag dito upang masiguro na siksik at maayos na makakarating sa Central o kaya naman ay Pro Green na siyang pangunahing nag gagawa ng asukal dito sa Batangas. Dahil sa hirap ng trabaho na ito kinakailangan ng mga tagalog o may ari ng tubuhan na humanap ng mga taong sanay sa ganitong uri ng trabaho at isa na dito ang grupo nina alyas “bayawak” na nag mula pa sa Bacolod at namulat na sa ganitong uri ng trabaho ayon sa kanila ay miski sa Bacolod ay ganitong klase na ng trabaho ang kanilang ginagawa at siyang alam lamang na gawin. Dahil sa kahirapan, napagkaait sa mga ito ang karapatan na makapag aral. Kaya naman napilitan silang tahakin ang ganitong uri ng trabaho imbes na mag aral at mag karoon sana ng mas maayos na mapag kukunan.
Tumblr media
Hindi madali ang ganitong uri ng trabaho, tinitiis ng grupo nina “bayawak” ang init ng sikat ng araw makapag tabas lamang ng tubo, bandang alas dos ng hapon hanggang mag gabi, tanging pag inom lamang ng tubig at pag kain ng tinapay na dala sa kanila ng nag papakarga ang kanilang nag sisilbing pahinga. Ngunit aking napansin habang sila ay aking kinakausap ay hindi nawawala ang ngiti sa kanilang mga labi kaakibat ng hirap na kanilang dinaranas ay naroroon parin ang saya at masiglang pag uusap gamit ang kanilang nakasanayan na lengguwahe marahil bilang pang tanggal pagod sa kanilang ginagawa, ang isa ay nakapag biro pa at sinabing “makakasama na tayo sa vlog dong!” at “ I popost mo ba iyan ne?” isa ito sa mga makuwelang tanong saakin ng mga ito.
Tumblr media
Tumblr media
Pag katapos ng trabaho ay sama-samang uuwi ang grupo sa binigay sa kanilang matutuluyan,ngunit dahil sa napaka rami nang tao ang naging tirahan na ito at maraming bagyo na ang lumipas nag mistulan nalamang na abandunadong kubo, at hagya ng matawag na tahanan. Dahil sa liit ng kubo na ito ay nag titiis na mag sisikan sa maliit na espasyo ang grupo mayroon lamang mapag tulugan.
Tumblr media
Tumblr media
Hindi madali ang trabaho na kanilang ginagawa, ngunit ayon sa mga ito ay mas mahirap na tiisin ang pag kawalay nila sa kanilang mga mahal sa buhay matustusan lamang ang kanilang pangangailangan. Ang grupo ng mga ito na nag mistulang banyaga sa isang lugar na wala silang kinalaman ngunit kailangan mag trabaho maka ahon lamang sa hirap ng buhay. At hindi lamang ang grupo nina bayawak ang nakakaranas nito ngunit marami pang mga tao mula sa ibang lugar ang nag titiis sa ganitong hirap ng trabaho at namumuhay sa palayaw na “bisaya”.
Tumblr media
Hanggang kailan mauulit ang ganitong uri ng kapalaran?, hanggang kailan maka raranas ang mga tao na hindi makapag aral at mag banat ng buto kahit murang edad pa lamang may mahain lang sa mesa ng kanilang pamilya?. Naway mabago ang ihip ng kapalaran at lahat ng tao ay mabigyan ng pag kakataon na maranasan ang mga bagay na dapat na tinatamasa ng bawat indibidwal.
1 note · View note
minaoliva · 4 months ago
Text
Simbahang Walang Kapintasan, Na Siguradong Aking Babalikan
#lakbay-sanaysay #pilinglarang #OLPAG11STEM
Bahagi ng taunang educational trip namin ang pag punta sa simbahang Padre Pio, sa unang pag yapak ko pa lamang sa lugar na ito malamig na simoy ng hangin ang siyang bumungad sa akin, marahil isa na sa sanhi nito ay ang maaga na oras na pag dating namin bandang ala sais imedya ng umaga. Sa unang tingin pa lamang sa lugar ay makikita mona ang malawak, malinis at ka aya-ayang kapaligiran. Dito ramdam mo na agad ang katahimikan at kapayapaan na naka palibot dito.
Tumblr media Tumblr media
Dumiretso na kami kasama ang aking mga kaibigan sa mismong simbahan na pinag dadausan ng misa ngunit bago makarating duon ay umabot ng humigit-kumulang limang minuto ang aming pag lalakad patungo rito. Pinag samang patag at pataas na daanan ang aming tinahak kaya naka ramdam kami ng kaunting pagod sa pag akyat dito nag ka biruan pa nga at mistulang hiking spot raw ang aming napuntahan, ngunit hindi masyadong naging problema ito  sapagkat nakaka aliw ang mga halaman at gusali na nakapaligid dito dagdag pa ang malamig na simoy ng hangin na nag tanggal ng aming kapaguran. Kung ikaw ay mag sasama ng may kaidaran na miyembro sa iyong pamilya pag handaan ang medyo matarik na inyong dadaanan. Pag dating sa mismong simbahan, naka mamangha sapagkat malawak at maaliwalas ang estraktura nito idagdag pa ang mga rebulto o imahe na nakasabit sa may bubong nito na sadya namang nakakamanghang tingnan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pag dating namin sa mismong simbahan ay kasalukuyang pinag daraos ang misa kaya naman kinuha na namin ang oportunidad na maka dalo sa misa ng napaka gandang simbahan na ito. Nang matapos ng misa nag libot kami sa kabuuan ng lugar, makikita ang ibat bang imahe at establisimiyento sa loob ng lugar na ito. Nakapalibot ang mga spot kung saan maaari kang kumuha ng letrato tanda ng pag punta mo rito. Nakaka enjoy ding puntahan ang kanilang nag silbing souvenir shop sapagkat makikita mo rito ang ibat ibang produkto ng simbahan kabilang na ang mga pain relief rub, imahen ng Padre Pio, kuwintas, atbp. Isa pa sa nakapag pa mangha sa akin ay ang kanilang Holy Water Sanctuary, hindi man ako lubusang naka pasok dito at tanging pag silay lang ang aking nagawa kita, rinig at dama ko ang ganda at kapapayapaan sa bawat ingay ng agos ng tubig na ginagawa nito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
  Saya at kapanatagan ng puso, yan ang aking naramdaman nang bumisita kami sa simbahan na ito. Maaliwalas at malinis ang buong lugar isa sa nag silbing rason kung bakit mas lalo akong nasiyahan sa pag dadasal sa panginoon habang nasa simbahang ito. Maging ang aking mga barkada ay nagandahan sa simbahan dahil sa angkin nitong katangian. Kaya naman nung naka takda ng umalis at pumunta sa ibang destinasyon ay lungkot ang aking naramdaman dahil iiwan na namin ang lugar na ito, sa katunayan ay kami ng aking barkada ang huling estudyante na hinihintay na sumakay sa naka destina sa amin na bus dahil maliban sa nasiyahan kaming lubutin at tumingin ng iba't ibang souvenir ay likas sa amin ng kaibigan kong si alexa ang pigiging pasigla ng aming katawan pag dating sa biyahe kaya naman kinailangan pa naming gumamit ng palikuran na nag kakahalaga ng sampung piso maibsan lamang ang aming nararamdaman, ngunit masasabi kong sulit ito sapagkat sadyang kay ganda at namentina ang lugar na ito maging ang kaibigan ko na si Alexa ay namangha dito. Nang matapos naming gumamit ng palikuran sa katunayan ay sinundo na kami ng kaibigan kong si Tin sapagkat kami na lamang raw ang hinihintay kaya lakad-takbo ang aming ginawa papunta sa bus, hapo man at pag ka putla ang aking inabot maging ang aking mga guro na si ma'am Luming at sir Ervin na siyang tinatawanan ako habang nakitang tumatakbo ay napansin ito, ngunit walang kaso ito sapagkat sulit ang pagod kung ang kapalit naman ay mas mahabang oras na pag lilibot sa simbahan na ito.
Tumblr media Tumblr media
At masasabi kong ang simbahan ng Padre Pio ang pinaka magandang simbahan na aking napuntahan at tatatak sa aking puso at isipan kung may pag kakataon pa ay siguradong hindi ako mag sasawa na balik-balikan ito lalo na kung ang sunod kong kasama ay ang aking pamilya at espesyal na tao sa aking buhay. At sisiguraduhin kong sa sunod kong pag balik dito ay mapapasok ko na ang holy water sanctuary at mag karoon ng pag kakataon na maka hiling dito.
3 notes · View notes