Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
"Sa Kabila ng Init: Buhay sa Anino ng Tubo"


"Bitbit ang biyaya ng lupa, bunga ng sipag at tiyaga—patunay ng matibay na ugnayan ng tao at kalikasan."


"Sa bawat hagod ng itak, makikita ang sipag at tiyaga—bunga ng dedikasyon at pagsisikap."






"Karga ng motorsiklo, karga ng pagsisikap—patungo sa kinabukasan."
1 note
·
View note
Text
“Isang Makulay na Pagtuklas sa Ilocos Sur”
Ang paglalakbay ay higit pa sa paggalugad ng mga lugar. Ito’y isang pagninilay, isang pagdama sa kasaysayan, at isang pagkakataong muling madama ang koneksyon sa ating kultura. Ang aming paglalakabay sa Ilocos Sur ay isang obra ng saya, pagkamangha, at walang katausang pagkamalay sa hiwaga ng ating bayan.

Simbahan ng Paoay: Saksi ng Panahon
Sa unang hakbang pa lang namin sa harap ng Paoay Church, tila bumagal ang oras. Ang mga lumang pader nitong nagtaglay ng kasaysayan ay mitsulang may tinig, bumubulong ng mga lihim ng nakaraan. Ang arkitekturang Baroque nito, matikas at hindi matinag ng panahon, ay sumasalamin sa tibay ng pananampalatayang Pilipino.


Paoay Sand Dunes: Ang Sayaw ng Buhangin at Hangin
Mula sa katahimikan ng simbahan, lumundag kami sa matinding "adrenline rush" ng Paoay Sand Dunes. Sa likod ng malakas na alon ng buhangin, naroon kami, sumisigaw habang sumsabak sa “roller-coaster ride” ng 4x4 adventure. Ang buhangin ay tila alon sa ilalim ng matinding araw, at sa bawat pagtalon at pagdulas sa sandboarding, dama namin ang di-mapantayang kalayaan—parang mga batang hinayaan ang sarili sa braso ng kalikasan.



Calle Crisologo: Biyaheng Pabalik sa Panahon ng Kastila
Sa Vigan, ang mga kalesa ay tila bumalik sa kanilang kahapon, umiikot sa makasaysayang Calle Crisologo. Ang makikitid na kalsadang nilalatagan ng “cobblestones” ay parang pahina ng isang lumang libro— may kwento sa bawat anino ng gaserang nagbibigay-liwanag sa gabi.



Pagudpud Windmills: Sayaw ng Teknolohiya at Kalikasan
Sa Hilagang bahagi ng Ilocos, isang napakagandang tanawin ang bumati sa amin— ang Bangui Windmills, nakahanay sa baybayin, sumasayaw kasabay ang ihip ng hangin. Ang nakikipaglaro sa dambuhalang mga elisi na naadadala ng enerhiya sa rehiyon. Isang pambihirang tanawin—ang modernong teknolohiya ay yumakap sa kalikasan nang kasunduan, hindi sa pamamagitan ng pananakop kundi sa pagkakaisa.


Baluarte: Paglalakbay sa Mundo ng Kalikasan
Ang aming huling destinasyon ay puno ng galak at pagtataka. Ang Baluarte ni Chavit Singson, isang mini-zoo na tahanan ng iba't ibang hayop. Isang nakakatuwang karanasan ang makita nang malapitan ang leon na maringal at nangingibabaw ang presensya. Ang kanyang mala-gintong balahibo ay kumikinang sa sikat ng araw habang siya ay nagpapahinga. Dito namin nadama ang paggalang sa bawat nilalang sa kalikasan, isang paalala na ang mundo ay hindi lamang para sa tao kundi para rin sa mga nilkha ng Maykapal.


Higit Pa sa Destinasyon
Sa paglalakbay na ito, natutunan ko ang tunay na halaga ng paglalakbay ay hindi nasusukat sa layong nilakbay o sa dami ng lugar na napuntahan. Ito ay nasa dami ng alaalang binuo, sa ilalim ng pag-unawa sa kasaysayan, at sa pagkamangha sa yaman ng ating kultura.
Ang Ilocos Sur ay hindi lamang isang destinasyon—ito ay isang buhay na kwento, isang tulay na nag-uugnay sa ating pinagmulan, isang alaala na mananatili sa puso ng sinumang naglalakbay dito.
2 notes
·
View notes