#maawanamansila
Explore tagged Tumblr posts
someonethatdoesexist · 7 years ago
Text
I think I deserve more
Kung may teacher's pet meron din naman sigurong 'teacher's enemy' at feeling ko belong ako dun.
Meron kase akong aura o hindi ko lang alam pwede rin naman sigurong impression na ~madaling mapag-initan agad ng ulo~
Mula pa noon marami akong isyu sa grades ko pero hindi ko lang talaga bini-big deal. Pero ngayon alam ko talagang importanteng importante yun naisip ko na dapat naman sana ibigay ni T ang nararapat para sakin. Pwede naman sigurong ma set-aside muna kung may lihim na galit sila sa akin o ano. Be Professional naman sana kayo, kinabukasan ko nakasalalay dito hindi naman sa inyo. Okay lang sana kung hindi kayo T at iba pang T napaghahalataan kayo sa mga anomaliya niyo. Yung nakita namin ng classmate ko yung ranking ng 2nd Quarter accidentaly dahil sa pinakuha mo rin yung folder, na shock ako dun T. Maraming mas mataas ang rank sakin na alam mo namang nagko-kopyahan lang. Kita mo rin naman yung ginagawa nila. Isang table tapos the same ang score, MAY DIFFERENCE NGA pero atmost na yung 3 points. Marami din ngang nakakita na gumagamit sila ng kodigo o kaya cellphone.
Please naman po maawa kayo.
Grabe na yung pagbaba ng final grade ko, alam naman ng lahat na hindi ko deserve yun. Kung hindi dahil sa iba hindi ko pa nalaman yung totoo ngang may hindi dapat na mangyari.
(Hindi naman sa ako'y nagmamayabang)
Nung Last year nga, Ina-nounce yung list of top 10, tapos ako as top 5. Na nag-eexpect ang lahat na ako yung mangunguna kase kung sa test lagi highest score...performance wala ding problema...hindi rin naman ako problema sa room...
Hindi ko lang talaga alam kung anong nangyayari. Nakakawalang ganang mag-aral kase kahit ano namang gagawin mo kahit na tumambling kapa dyan nasa kanila parin yung final decision.
natatakot lang talaga akong magreklamo kase baka mas mababa pa yung makuha ko at hindi ko gusto yon jusko. At baka mahirapan akong maka-alis para mangibang eskwelahan.
0 notes