#nag-iisang bading
Explore tagged Tumblr posts
Note
1)I LOVE REDSCAPE MUMSCAR REDSCAPE MUMSCAR GRRRRR
2)Hablas español?? Es que en un sketch ví que pusiste chismosa así que... Yk there aren't a lot of speaking spanish people in the fandom who make actual Spanish content about it
hahaha hi ! funfact redscape is my #1 hermitcraft ship while scarian is my #1 life series ship....... i have yet to draw redscape but when i do please know i loved it before desert duo
and uH... lo siento no hablo español ... soy filipino ! (i dont know if thats correct, sorry) apologies for the confusion! but in filipino chismosa means the same thing, it's even a meme here haha.
but i relate though, all the filipino life series / hermitcraft fans are on twitter and im too scared to post there so i havent met another filipino fan here... i also haven't been in the fandom much to know if theres spanish fans creating life series/hermitcraft content in spanish so i hope you luck blualientv...
#wala bang filipino scarian fan diyan.#ako lang ba mag-isa dito#nag-iisang bading#lungkot naman#rambling#ask
13 notes
·
View notes
Text
The Madrigals as (very specific) Filipino Family Stereotypes
Abuela Alma
lola mong level 659 na sa candy crush
nagshashare ng minions quotes at ai jesus art
malaki koneksyon sa barangay
“Pusong Bato” kinakanta sa karaoke
solid magmajong at sumugal pero paminsan minsan lng kasama mga kumare nya tulad ni Senyora Guzman
Abuelo Pedro
lolo mong mahilig magkaraoke pero puro “My Delilah”, “Lonely is the Man Without Love” o “Kahit Maputi ang Buhok Ko” lng kinakanta
marerealize mo nalng pag matanda ka na na never pala syang nagkwento ng buhay nya sainyo (pero malupet backstory nila ni lola)
nag-iisa sa pamilya na tumatangkilik padin ng dyaryo. adik din sa lotto at crosswords
Bruno
tito mong biktima ng money extortion dahil sa mga pamangkin
artist ng pamilya na sinususpetsa ng lahat na bading (no. 1)
loyal subscriber at lore master ng mga madradramang teleserye
anti sa paggamit ng pandikit sa daga
Julieta
nanay na adik sa lotto (mana sa tatay)
believer ng unbranded herbal medicines
avid collector ng tupperware
halos lahat ng mga nanay sa compound nyo kumare nya
Agustin
tatay mong di marunong mamalengke pero laging nag uuwi ng snacks/candy
kinalakihan mo music taste nya kase laging nagpapatugtog sa speaker pag hapon
taga repair ng mga gamit pag nasira
Isabela
ate mong maarte at micromanager
lahat ng damit mo galing sa kanya
yung nanggugulat sayo gamit mga plastik na ipis, butiki, etc
sya ang tinatawag ng mga kapatid pag may lumilipad na ipis (hindi si Luisa)
lahat ng barbie dolls nya dismembered na
Luisa
ate mong di mo matatalo sa habulan, hampasan, at lahat ng larong panlabas
atleta 1 ng pamilya
pag naglock to sa kwarto o cr, umiiyak yan
nakababatang kapatid na madaling utusan (utusan no. 1)
kineep nya lahat ng stuff toys nya at niyayakap padin hanggang sa paglaki
Mirabel
nakababatang kapatid na madaling utusan (utusan no. 2)
pinsan mong pikunin
dumaan sa emo phase at pizzap era pero lowkey lng para di pagtawanan
artist ng pamilya na sinususpetsa ng lahat na bading (no. 2)
Pepa
tita mong supplier ng mga high-quality laruan
wine tita pero kayang talunin si tito Felix sa redhorse at gin
“Akin Ka Nalang” at iba pang mga kantang may birit ang paboritong kantahin sa karaoke
Felix
tito mong itinakdang host ng inuman. nagiging pilosopikal din pag lasing
biktima din ng money extortion sa mga anak at pamangkin (pero pag inuman lang)
nag alaga na to ng manok at some point
commentator sa mga palabas na boxing at basketball
Dolores
pinsang chismosa
dumaan saglit sa jejemon phase bago naging indie girl ng pamilya at laging nagrereference ng quotes sa mga tula/pelikula/librong underrated
ateng mahilig mang-utos sa mga kapatid
Camilo
pinsan mong tarantado
atleta 2 ng pamilya pero mas competitive (lagi syang talo kay Luisa)
tirador ng handaan sa mga birthday/reunion
nahulog na din sa kanal sa maraming okasyon
laging naoospital nung bata kase kung ano ano ginagawa/kinakain
Antonio
batang pinsan na tulog sa kwarto pag may birthday
nakababatang kapatid na mahirap pagtripan kase iyakin
nag-iisang may pakeng alagaan aso nyo
iPad kid
#dunno if someone already made this but here it is#encanto#alma madrigal#pedro madrigal#bruno madrigal#julieta madrigal#agustin madrigal#isabela madrigal#luisa madrigal#mirabel madrigal#pepa madrigal#felix madrigal#dolores madrigal#camilo madrigal#antonio madrigal#filipino stereotypes#text#my thoughts
12 notes
·
View notes
Text
Gender Roles
Magandang umaga sa lahat, ngayon ay ating pag uusapain kung ano ang ibig sabihin ng gender roles, paano makikita ang pagkakaiba ng gender roles ng mga kalalakihan at mga kababaihan sa mga sumusunod na aspeto ng media, edukasyon, trabaho, pamilya at lipunan. At huli ay paano ka personal na naaapektuhan ng mga gender role stereotypes sa ating lipunan?
ANO ANG IBIG SABIHIN NG GENDER ROLES?
Ang gender role ay ang itinakdang mga pamantayan na tinatanggap ng karamihan bilang basehan ng pagiging babae o lalaki. Ito ay batay sa panlipunan o interpersonal na ugnayan. Minsan ay ginagamit din ang gender upang tukuyin ang pagkakilanlan ng isang tao na hindi pasok sa karaniwang kahulugan ng lalaki at babae. Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin kilos at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
Ang pagkakakilanlan ng kasarian ay kung paano mo tinutukoy ang iyong sarili maging bilang isang lalaki babae o ibang bagay na buo. Ibang kasarian gender-variant o neutral na kasariang pag-uugali pananamit ayos ng buhok at mga katangian ng pagpapabuti ng sekswal na kalusugan. Ang paglaban sa sunog o firefighting ay itinuturing bilang trabaho ng lalaki samantalang ang nursing ay itinuturing na trabaho ng mga kababaihan. Ang isang lesbiana, lesbiyana o tibo ay isang babaeng homoseksuwal. Sa kalalakihan naman may gay o bading.
Paano makikita ang pagkakaiba ng gender roles ng mga kalalakihan at mga kababaihan sa mga sumusunod na aspeto:
1. Media, sabi ng mga karamihan ay mostly mga babae na nabibiktima sa mga kwentong balita. marami rin dito ay nafefeatured sa news headlines bilang spokespeople or experts. Meron rin sa ibang apps tulad ng instagram na kung saan maraming celebrity or sikat ang mga nagpopost dun. May ibang website sa media na tinuturo sa iba na ang lalaki ay laging nagttrabaho samantala ang kababaihan naman ay nasa bahay lamang nagluluto o nag aalaga ng bata.
2. Edukasyon, dito naman ay may makikitaan tayo ng diskriminasyon sa bawat gender ng kabataan dahil may ibang mga guro ay biased sa kanilang mga estudyante. Ang kababaihan ay laging nasa top or one of the achievers palagi ayon sa mga polls.
3. Trabaho, ang kababaihan ay lalong nagtatrabaho ng matagalan kumpara sa mga kalalakihan tungo ito sa pag kakapantay-pantay sa loob ng maraming taon. May iba daw na nagsasabing mababa daw ang sahod o suweldo ng mga kababaihan kumpara sa kalalakihan.
4. Pamilya, dito naman ay ang kababaihan ay sila dapat lagi ang nagawa sa mga gawaing bahay habang nagtatrabaho ang mga lalaki ng iisang pamilya. Dito pa lang makikita natin ang pagiging diskriminasyon sa kababaihan sa iisang pamilya.
5. Lipunan, Kadalasan ang mga babae ay nakakandado sa pagtupad ng mga tungkulin bilang mga ina, asawa at tagapag-alaga. Inilalagay ng mga pamantayan sa kasarian ang mga babae bilang mga tagapag-alaga, na humahantong sa hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian sa kung paano ipinamamahagi ang mga tungkulin sa antas ng sambahayan. Nagreresulta din ito sa kakulangan ng edukasyon dahil sa paghihigpit sa mga oportunidad sa labas.
Paano ka personal na naaapektuhan ng mga gender role stereotypes sa ating lipunan?
Personally ako nasasabihan minsan na “lalaki ka dapat hindi ka naiyak, kasi malakas tayo” wag daw ako umiyak kasi di daw ako babae para umiyak, babae lang daw naiyak sa panahon ngayon. Like that type of mindset is just ew for me kasi men have feelings din. We can cry whenever we’re feeling down. Meron din about sa kpop like bakit daw ako nanonood ng kpop(mostly twice pinapanood ko) tatanongin ako if I’m gay or whatsoever it’s annoying lang. especially if you’re living in a toxic environment. Literally everywhere you go is just very toxic and judgemental.
0 notes