yupielbistudent
yupielbistudent
devcomgirlie
3 posts
hi, ako si aileen. isang devcom student sa yupielbi.
Don't wanna be here? Send us removal request.
yupielbistudent · 2 years ago
Text
SCICOMVERSATION: “First you look, then you datafy: Using Twitter insights to understand a vulnerable group”
Tumblr media
A bit of an informal post, just my stream-of-consciousness writings at 2 AM.
Assistant Professor Aldo Gavril Lim was one of the best speakers I've ever had the pleasure of listening to in the College of Development Communication at the University of the Philippines Los Banos.
Marami akong natutuhan sa talk ni Prof. Lim.
Sa kurso namin na DEVC 126, we were taught that the field of participatory journalism was sort of a crossover between participatory research and ethnographic research.
Kasi, when you practice this, you immerse yourself in your participant's world to learn about them. Sometimes, you lurk and just observe. Sometimes, you participate. And you listen...carefully.
This is what Prof. Lim essentially did.
Nag-lurk siya sa Twitter to observe the community at "makapasok" sa life-world ng Filipino HIV positive males--pinag-aralan niya 'yung kanilang language, culture, at kung gaano sila ka-connected with each other.
Sa ganitong paraan, his stakeholders were able to participate through their own spaces (without them knowing na they're being subjected to data gathering procedures)--though, if we were to do the same thing as journalists and researchers, we have to be mindful of their privacy.
I think, and as what I have experienced din in my previous devcom courses, kailangan din talagang meron din munang immersion sa community at mag-obserba sa kanila before you actually try to get them to open up--and eventually, collaborate with them in shaping the stories they want to tell the world.
Kung kilala kasi natin ang language (especially vernacular) at culture nila, it'd be easier for them to trust us--na kumbaga eh pagbubuksan nila tayo ng loob--at hindi na tayo magiging intruder. Pero, katulad ng palaging tinuturo sa'tin, hindi tayo dapat maging forceful at extractive. Sabi nga ni Prof. Lim, marami tayong malalaman sa isang tao kung magtatanong lang tayo tungkol sa buhay nila at hahayaan nating malaya silang magsalita.
Mahalaga munang kilalanin yung community at maunawaan yung language at culture nila, kung gusto natin na magtiwala sila sa atin at makuha ang loob nila. At the same time, hindi natin kailangan maging intrusive or extractive sa pagtatanong.
Ika nga ni Prof. Lim, marami tayong makukuha just by letting our stakeholders talk about themselves--tulad na lamang ng kanilang issues, concerns, nature as a person and roles nila sa kanilang community.
1 note · View note
yupielbistudent · 2 years ago
Text
Tumblr media
Mabigat naman ang naging pagtalakay sa environment and climate reporting. 
Nagsimula si Gaea Katreena Cabico sa pagu-ulat tungkol sa human rights, kaya, ito rin ang naging lente ng kaniyang pagtingin sa mga issue sa kaunlaran at kapaligiran.��
Madalas daw, kapag pinag-uusapan natin ang development, naka-focus tayo sa ekonomiya. Palaging for the greater good ang sinasabi natin--para dumami ang mga trabaho, umunlad ang turismo, mawala ang mga iskwater--at marami pang iba. 
Pero ayon kay Miss Cabico, kailangan daw natin ng “journalism that amplifies the voices of the people whose concerns are often afterthoughts"--isa rin sa mga rason kung bakit mahalaga raw ang Environment and Climate Journalism. 
Naapektuhan ng mga isyu sa kapaligiran at pagbabago ng klima ang lahat--at may mga epekto rin sila sa ating karapatan. Aniya pa, napapanahon din ito dahil isa ang Pilipinas sa most vulnerable countries to climate change impacts--at nanganganib na mawala ang mayaman nating biodiversity sa hinaharap. Bukod pa sa banta ng pagbabago ng klima, marami ring kasalukuyang reclamation projects ang ating gobyerno na minsan ay nagreresulta sa development agression sa marginalized sectors tulad na lang ng indigenous people, idagdag pa na isa ang bansa natin sa mga pinakadelikadong lugar para sa environmental defenders. 
Ang climate reporting daw ay tungkol din sa tao, dahil tayo naman ang pinakamaapektuhan nito. Bilang climate reporters, kailangan daw natin humanap ng isang issue na may pakialam ang mga tao--dahil dapat na makarating sa kanila ang ating mensahe.
Kaya, aniya, kailangan natin ng mas maraming mga reporter tungkol sa mga ganitong issue--mga journalists na mag-uulat tungkol sa klima, sa mga taong apektado, habang gumagamit ng intersectional lens. Ilan na nga lang daw sa halimbawa eh ‘yung mga isyu ng polusyon, deforestation sa panahon ng climate change--relocation ng mga IP communities at mga fisherfolk o magsasaka mula sa kanilang lugar na kinalakhan papunta sa mga lugar na wala naman silang resources. 
Sa mga ganitong usapin, mahalagang alam natin ang paliwanag ng siyensya at gobyerno--pero mahalaga rin na magsama tayo ng mga marginalized at mga boses na hindi nakapagsasalita pagdating sa development projects na minsan pa ngang nauuwi sa development aggression. 
Nakita ko rin ito sa mga isyu na nalaman ko sa partnered community namin sa Bay, Laguna para sa kursong DEVC 126 na Participatory Journalism. Maraming mga proyekto ngayon ang gobyerno at mga korporasyon sa Laguna de Bay--tulad na lang ng Baywalk, ‘yung highway na tulay sa Canlubang, at floating solar panel na daan-daang ektarya din ang aabutin na makaaapekto sa kanilang pangingisda. 
Sa pakikipag-usap ko sa mga mangingisda, nalaman ko na dini-discourage na nila ang mga anak nila na mangisda--dagdag pa na may iba rin sa kanilang naniniwala na mamamatay na ang lawa ng Laguna. Anila, hindi na raw kasi worth it ang kita sa pangingisda, kumpara dati--at parang mas prioridad naman na rin daw ng gobyerno ang turismo kumpara sa pangingisda. Gusto rin daw naman nila ng development, pero dapat daw, hindi sila maiiwan--dahil madalas daw, mas pinapansin ang sektor ng pagsasaka kaysa sa pangingisda kahit na parehas lang naman daw nilang pinapakain ang Pilipinas. 
Sa tatlong taon ko sa devcom, napansin ko na hindi naman tutol ang mga tao sa development. Gusto pa nga nila ito--hanggat hindi sila napag-iiwanan. 
Ang tunay na development kasi ay inclusive. 
Dapat lahat, pinakikinggan. 
Dapat ‘yung mga tao, nae-empower. 
Katulad nga ng sinabi ni Miss Cabico, kapag tayo raw ay nag-uulat sa climate and environment, hindi dapat natin ipintang biktima lang ang mga taong apektado. Dahil may kapangyarihan at boses din sila. Sa fieldwork namin sa DEVC 126, na-realize ko na sila rin ay mga lider--na marami silang alam at pakialam lalo na sa pangangalaga sa kanilang mga karapatan at kalikasan--sadyang wala lang silang paraan para maipahayag ito sa bigger audiences--kaya, sa kurso na Participatory Journalism, sinubukan namin na maipakita sa documentary namin ang kanilang mga buhay, hinaing, at pangarap.
Nabanggit din sa talk na kapag nagsusulat tayo tungkol sa mga problema sa climate and environment, mas mahalagang i-highlight ang mga solusyon--kaysa sa doom and gloom report. Tulad ng sinabi ko kanina, lahat naman ay may kapangyarihan, kabilang na ang mga lokal na komunidad. Lahat ng bagay ay may solusyon, basta't magtutulungan ang lahat. Isa rin iyon sa mga rason kung bakit mahalaga na maging positibo pa rin ang wakas ng bawat pag-uulat--dahil kailangan ng pag-asa at inspirasyon ng mga tao para mag-mobilisa. 
Sa mga ganitong pagkakataon mas nagiging mahalaga ang boses ng mga local communities at local journalists. Kasi, kilala nila ang kanilang komunidad at mas alam nila ang mga kinahaharap nilang problema. Isa pa, mas nahu-humanize din sila--kumpara kung magpo-focus lamang tayo sa major narratives ng mainstream media sa mga pahayag ng mga scientists and politicians na wala naman sa mismong komunidad. 
Sa Mga Kuwentong Luntian nabigyang diin ang kahalagahan ng pagkain at agrikultura sa lipunang Pilipino at ang kahalagahan ng lupa at tubig sa mga komunidad--mga bagay na nagbibigay buhay. Dito, ipinakikita na ang kapaligiran ay buhay. Na ito ang ating buhay. 
Natutunan natin na magkakaugnay ang lahat sa General Systems Theory ng Human Ecology. Magkakaugnay tayong lahat. Pero nagsisimula ito sa ating mga sarili, at sa ating pakikinig at pakikipag-usap sa isa't isa. 
Kaya dapat, lahat ay makialam--dahil sa pakikialam tayo uunlad bilang isang lipunan. 
1 note · View note
yupielbistudent · 2 years ago
Text
Tumblr media
Bakit ba mahalagang maki-chismis at makialam, lalo na sa ‘Pinas? 
Well, here's the short answer: mahalagang tsumismis kasi may “paki” at “alam” sa pakikialam. At may pakinabang sa pakikialam, lalo na kung likas tayong tsismoso na gustong malaman ang lahat. Wala namang masama roon, tbh. Lalo na kung productive na pakiki-tsika ang ginagawa natin–kung saan eh, gusto nating matalunton ang ugat ng mga sabi-sabi ng iba.
Halimbawa, sobrang tamis ba talaga ng milktea ng <redacted>? O kaya, overrated ba talaga ang sisig sa <redacted>. Marami pang iba, aba. Lumiit na ba talaga ang itlog sa Star grocery? Totoo bang pamahal nang pamahal ang student meals sa Elbi at kinse pesos na ang isang order ng kanin na dati ay sampung piso lang???
Pwede rin kasi nitong masagot ang mga “bakit” na tanong. Bakit ba ang mahal ng mga isda at karne sa karinderya kahit na ang liit naman ng servings nila? Bakit nagmamahal na ang lahat at ikaw na lang ang di minamahal? Bakit ang tagal bago natin naranasan ang taglamig nitong Disyembre pero ‘yung roommate ko kayakap na sa dorm ang bebe niya? Eme.
Pero maniwala man kayo sa hindi, konektado ang mga tanong na ito sa mga kasalukuyang isyu natin sa agriculture and environment–surprise, surprise!
Sa ‘Mga Kwentong Luntian’ ng DDJ Seminar Series ng College of Development Communication sa UPLB, lalo kong na-realize na pwedeng-pwede namang maging produktibo ang pakiki-tsismisan. (Sabi nga nila, natural na raw sa mga devcom students na maging tsismosa. Chz.)
May dalawang bahagi ‘yung seminar. ‘Yung una ay tungkol sa agricultural journalism, at ‘yung ikalawa naman eh tungkol sa climate and environment reporting. Parehas ko silang idadaldal, pero, du'n muna tayo dumako sa agrikultura.
“Ang argricultural journalism ay masinsinang paglalahad ng kapaki-pakinabang na impormasyong makatutulong sa mambabasa kung siya ba ay bibili ng baboy o hindi,” - Arcalas, 2023
Naikuwento ni Sir Jasper Arcalas, isang reporter sa food agriculture ‘yung kaniyang proseso sa paggawa ng mga istorya. Gamer siya dati na mahilig kumain ng junk food at uminom ng coke. At kumukuha siya ng materyal sa mga bagay na kinakain niya. Sabi niya, palagi nating nao-overlook sa reportage at bilang sektor na rin ang agriculture. Ngayon tuloy, patuloy pa na lumalaki ang mga issue natin sa agrikultura dahil hindi ito gaanong nabibigyang-pansin. May mga literal na mga taong namamatay sa gutom sa Pilipinas, habang nananatiling hindi pa rin bente pesos ang isang kilo ng bigas. 
Anyway, Coke. A few years ago, nawala ang Coke sa lahat ng establishmento. Sa pagkabuwisit ni Sir Jasper, nag-imbestiga siya at nalaman niya na mayroon daw pala kasing shortage sa asukal nu'ng panahon na iyon--at ni-report niya iyon sa Business Mirror na kaniyang pinagtatrabahuan.
Alam natin na lahat ng mga bagay na kino-consume natin ay konektado rin sa lahat ng bagay sa mundo dahil nasa iisa lang tayong sistema. Pero alam din natin na hindi lahat, may pakialam o may oras para makialam sa mga ganito. Kung busy tayo sa pagkayod araw-araw para may makain tayo at isang kahog, isang tuka ang lagay natin, magkakaroon pa ba tayo ng pake sa mga bagay na wala naman tayong direktang kontrol? Di ko sure. Pero mapag-iiwanan tayo kapag wala tayong alam. Dahil may karapatan tayong makialam, at dapat tayong makialam bilang mga Pilipino na parang laging pinagtitripan ng nakakabadtrip na sistema. 
Sabi nga ni Sir Jasper:
“We do not have a monopoly in knowledge. Journalism and learning is a lifelong journey.”
Kahit na ordinaryo lang naman tayong citizens, pwede tayong makialam. Pwede pa nga tayong maging citizen journalists--dahil sa pagbabahagi ng impormasyon--ng malaman at tamang impormasyon tayo uunlad. 
Ang pag-uulat daw sa agricultural journalism ay masinsinan. Sabi niya, role daw ng journalists na intindihin ang mga kumplikadong issue para “mapaintindi sa publiko kung bakit nagmamahal lahat.”
Masyado raw kasing maliit ang mundo. Apektado tayo sa bawat malalaking desisyon na nagti-trickle down sa pang-araw-araw nating buhay at mga kinakain. Isa na lang na halimbawa sa norte, hindi gaanong napangangalagaan ang mga magsasaka natin. Puro kasi tayo pagi-import dahil “mas mura”. Nitong nakaraan lang, napakarami nilang kamatis na ibinasura na lang. Isipin mo, patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin, lalo na ‘yung mga kinakain natin--pero may mga gano'n pa rin na pangyayari. 
Kung hindi tayo makikialam at magkukuwento ng mga karanasan natin, sino? Ayon kay Sir Jasper, mahalaga ang pagpapaliwanag ng mga issue na may kinalaman sa sikmura ng tao. Para daw kasi itong expose kapag pinagsama-sama, dahil may natututuhan ang ibang tao, at siguro, in a way, mae-encourage din sila na mag-participate sa diskurso. Mas magiging open sila sa pag-express ng kanilang hinaing--lalo na ang mga magsasaka natin na nagpapakain sa ma kumakalam nating sikmura. 
May acronym na nabanggit si Sir Jasper sa NEWS. Ang ibig sabihin daw nito, Not Everyone Will Share/Storify. Kasi hindi lahat, willing o kaya na magpahayag ng mga karanasan nila. Kaya, sa tingin ko, napakahalaga na ma-encourage at masuportahan na rin natin yung sektor ng pagkain at mga magsasaka sa kanilang pagpapahayag dahil afterall, may mga boses at pananaw sila na unique sa kanilang mga karanasan na kaila sa iba. 
Mahalaga raw ang PAKI. Ani Sir Jasper, Pagpupunyagi Ang Kailangang Ibigin. Kailangan nating magpunyagi, magpursigi sa pagsasalita sa mga issue na nakaaapekto sa atin. Mula raw sa mga paborito hanggang pinakaayaw nating pagkain, may mapupulot tayong kuwento. 
Sa katapusan ng kaniyang talk, nabanggit na maraming istoryang nagsisimula sa simpleng obserbasyon--sa pakikialam, sa pagtatanong.
Kaya, mahalagang makipag-ugnayan sa grassroots communities. Mahalagang makipag-ugnayan sa mga sarili nating karanasan. Mahalaga rin na makita natin ang bigger picture, kung ano ang koneksyon ng ating mga karanasan sa sistemang lumalaganap sa Pilipinas. 
Sabi pa nga ni Ma'am Jyas, ang agricultural journalism ay parang agrikultura--naghuhukay ka ng mga nasa lupa para malaman ang ugat nila. 
0 notes