Text
ang bagong yugto sa sweden
Dahil nga naman sa rami ng lahi na nakatira sa bansang ito, tila'y madali na lamang mag-adapt sa bansang ito. Hindi tulad sa america, Sa Sweden ay may maayos na 'pag tingin sa ibang lahi at may mainit na pag tanggap sa amin. Kaya sa akin madali lamang mag adjust at manirahan rito
Si Bret, ang aking matalik na kaibigan, ay isa lamang sa mga libu-libong Filipino na napagdesisyunang umalis ng ating bansa. Sweden. Ang kanyang pinangarap na bansa, at ngayo’y natupad na niya. Hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan upang makatungtong sa bansang Sweden.
Naghanda ako ng iilang tanong para kay Bret kung saan maikukwento niya ang pagiging Filipino sa ibang bansa at iba pa.
Sa dinami-dami ng bansa na pwede mong lapitan, bakit Sweden ang iyong napili?
Aking pinili ang bansang Sweden, sapagkat ang sweden ay isa sa mga bansang itinuturing na may mataas na kalidad para sa buhay. Ayon sa naitalang report noong 2019, ang bansang Sweden ay isa sa mga bansa sa Europa na may mababang mayroong mataas na kalidad ng hangin, ito'y makakatulong sa atin magkaroon ng mas mahabang life expectancy kaysa sa ating bansa na puno ng polusyon. Isa pa rito ang mataas na pag papahalaga ng Sweden sa Health Care, Sa bansang ito ang serbisyong medikal ay libre hanggang umabot ka sa edad na 18 anyos. Ayan ang mga bagay na aking mina-mata sa isang bansa kung kaya aking napili ang Sweden.
Ano ang mga naging karanasan mo bilang Filipino sa Sweden?
Dahil nga naman sa rami ng lahi na nakatira sa bansang ito, tila'y madali na lamang mag-adapt sa bansang ito. Hindi tulad sa america, Sa Sweden ay may maayos na 'pag tingin sa ibang lahi at may mainit na pag tanggap sa amin. Kaya sa akin madali lamang mag adjust at manirahan rito.
Naging masaya ka ba sa desisyon mong lumipat?
Para sa akin, ako'y masaya sa aking desisyon sa pag lipat dito. Sa Sweden ay may mataas na pagpapahalaga sa kalusugan at buhay 'di tulad sa ating bansa na puno impunity at krimen.
Bakit mo naisipan na umalis sa Pilipinas?
Sapagkat sa pamumuno ng kasulukuyang presidente natin, sa aking pananaw ay malabo na tayo mamuhay ng normal at may kasiguraduhan kung magtatagal pa ang ating buhay. Sa laganap na pagpatay at kakulangan ng serbisyong medikal, malabo na tayo tumagal at makabuo pa ng pamilya sa ating bansa. Kahit gaano ko man kamahal ang ating bansa, sa tingin ko ay akin nalang ito'y lilisanin kaysa isang araw ay bumulagta nalang ako ng may bala sa noo.
Naikwento rin ni Bret ang mahaba at mahirap na proseso para makalipat at manatili sa Sweden. Nagpabalik-balik siya sa ibang bansa, pati na rin sa Pilipinas, para sa mga kailangan upang makalipat sa Sweden.
Hinahangaan ko si Bret dahil kahit na wala siya rito sa Pilipinas, Filipino pa rin ang kanyang tingin sa sarili. Bukod pa rito, natupad niya ang kanyang mga pangarap, hindi lang sa Pilipinas, pati na rin sa Sweden.
0 notes