Tumgik
09452443275 · 1 year
Text
Tumblr media
BATYAWAN
LORENZO CAJURAO
Ito ang aking lakbay sanaysay ating balikan ang aking pag lalakbay samahan niyokong alamin at sariwain ang mga alaalang hindi malilimutan, karanasan at kaalaman na aking natutunan sa akin pinaroonan.
isang malalim na gabi ang hindi ko malilimutan nag pasya ang aking mga kaibigan na pumunta sa bundoc ng sapang balas upang doon ay mag lakad tumakbo at kumain ng agahan. kami ay nag kita kita bago pa man pumutok ang araw kami ay tumakbo at tumingin ng magandang tanawin at kumuha ng mga larawan sa sapang balas. kumain ng agahan kasama ng aking mga kaibigan nag saya at sinulit ang aming "bonding"
biglang nag aya ang aking kaibigan na si ailyn na kami ay pumunta sa lugar kung saan maganda ang kapaligiran at may roong magandang falls na maari naming pag liguan. Ang aking isang kaibigan ay mag sabi na magandang pumunta sa batchawan zambes. unang beses kong narinig ang lugar na iyon at ayon sa kanilang kwento ay maganda ang lugar at masarap puntahan dahil sa trill at tarik ng lugar. akoy nagalak at pumayag agad na puntahan ang lugar. kami ay nag lakad papunt roon dumaan kami sa pita dahit doon ay may short cut na daan sabi ay pedeng lakarin at hindi na kailangang gumamit ng sasakyan. nang nag simula kaming mag lakad ay pinag uusapan na namin kung kailan uli kami babalik roon kahit hindi pa kami nakakadating sa aming destinasyon. lumipas ang isang oras ng aming pag lakakad nag simula kami g magutom at mauhaw ngunit tuloy pa din ang aming pag lalakad dahil ang aming kalkulasyon  ay 1 hangang 2 oras ang lakaran patungo doon.  3 oras na ang nakalipas ay hindi pa din nmin natatagpuan ang lugar. nag iba na din ang daan na aming mga dinadaanan tila b naging lupa at mabato ang lugar madamo at mapuno. walang bahay sa paligid at wala ding bakas ng agos ng tubig o batis kayat alam nmin na malayo pa ang falls.
Mayroon kaming nakasalubong katutubo sa daan kami ay nag tanong sakanya kung saan ba ang batyawan siya ay napa ngiti at sinabi sa amin na ala pa sa kalahati ang aming nalalakad patungo doon. na dadaan pa kmi bangin at isang bundok para makarating doon. alam nmin na hirap siya mag tagalog ngunit sa kanyang kabaitan ay sinubukan niyang makipag usap sa amin. napansin ko din ang kanyang dalang buslo at kawayan iba din ang kanyang damit na gawa sa tela na may ibat ibang linya at kulay. dahil sa gutom at uhaw kami ay nag tanong na rin ng mga pedeng kuhanan o bilhan ng pag kain o lahit maiinom man lang. ngunit wala daw tindahan doon  pero may malapit na patubigan na pedeng kuhanan ng tubig. sinamahan niya kami doon at nakakita ng isang manipis na tubo na naka baoon sa lupa at may umaagos na tubig sa dulo nito .
Kami ay nakapag hilamos at naka inom ng tubog dito ngunit alam nmin na malayo pa ang aming lalakbayin kayat inibig naming kumuha o mag baon ng tubig. hindi nmin alam kung malinis o madumi ang tubig ngunit dahil sa uhaw ay hindi na kami nag tanong at uminom na kami. muka naman itong malinis dahilukang ito ay nang gagaling sa ilalim ng lupa o free flow.... kumuha ng itak ang katutubo at nag taga ng kawayan ang dulo nito ay tinangal ngunit iniwan ang kabilang dulo nito.. ito ang inabot saamin para gawing buslo ng tubig para aming mabaon ang tubig... tinuruan din kami nitong kumuha ng mga bunga ng prutas at itinuro ang mga prutas na bawal kainin... binigyan niya kami ng kanya kanya mga pat pat na nag silbjng pambugaw sa mga hayop at tungkod sa aming pag lalakbay... doon ko napag tanto ang importansya at pag papahalaga sa tubig at pag kain.. dahil doon bawat patak ay mahalaga bawat prutas na aming makuha ay malaking tulong upang mapawi ang aming gutom. doon ko din natutunan ang pagiging maparaan at madiskarte ay magalaga.doon ko napag tanto ang buhay ng maging katutubo na lahata ay dapat pag hirapan at lahat ay dapat pahalagahan. matapos ang 6 na oras na pag lalakad ay narating nmin ang batyawan  maganda at kakaiba ang lugar sa aming pag baba nakita namin ang kabighabighaning falls at ilog na napaka linaw ng tubig maliit na kweba at napaka tahimik na kapaligiran ang lugar ay nababalot ng hiwaga at katahimikan... walang kalat o anumang bakas ng tao sa lugar... akoy na mangha sa aking nakita at nalaman kung gaano ka hiwaga ang kalikasan akl ay namangha sa ganda nito at nagulat na may roon pa palang mga ganoong lugar sa panahon ngyon na hindi pa pinupuntahan ng tao... akoy humihiling na manatili ang ganda at malayo sa tao ang batyawan falls upang mareserba amg taglay na ganda nito... kamiy naligo at nag saya ngunit iningatan din nmin ang aming mga kalat sa lugar nilinks nin lahat ng aming kalat bago umalis. ito ang lugar na marahil hindi ko malilimutan halong hiking saya at kaalaman ang aking napulot sa lag punta sa lugar. hindi ko ito malilimutan sa taglay nitong ganda at sa mga aral na aking natutunan sa aking pag lalakbay patungo sa lugar. alam ko na hindi kona mababalikan ang lugar dahil sa layo nito ngunit akoy masaya at naranasan kong mag lakbay dito... matapos noon ay sumakaay na kami sa sasakyan pauwi dahil hindi na namin kakayanin ang pabalik. pumunta kami sa isang barangay doon kung saan may roong tricycle na masasakyan at 3 oras ang aming byahe pababa...
Ito ay isang pang yayari sa aking buhay na mag mamarka at mg sisilbing tanda ng pag papahaga sa katutubo at sa mga kahalagahan ng mga bagay sa paligid. napag tanto ko na madami pa tayong pedeng mapuntahan sa ating bansa ating tankilikin muna at alamin ang mga natatagong hiwaga ng ating bansa at kapaligiran bago natin tangkilikin ang pag punta sa ibang bansa. hangang dito nlng ang aking pg lalakbay sanay ating tandaan pangalagaan at pahalagahan ang mga bagay na madami tayo ngunit kulang o kaunti sa iba.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note