Tumgik
11-6cimatti · 3 years
Text
“Huling araw”
Isinigawa ni Pablo M. S. Secuya
Mainit ang tirik ng araw. Rinig ang Ingay ng mga kotse at jeep sa daanan. Kita ang mga ngiti ng mga estudyanteng umaalis hawak ang kanilang diploma. Masyadong malabo na yung mga naalala ko tungkol sa araw na iyon pero di ko talaga makalimutan yung usapan naming dalawa.
"Sandali ka muna!" Sigaw ni Rafael. "Ano ka? Kelan pa kita iniwan?" sagot naman ng naglalakad na Anton. "Mga 30 minutes nalang, dadating na si daddy kaya samahin mo muna ako dito bago ako umalis." sabi ni Rafael nang maabutan si anton "Ha? Oo na, sigena. Lagi naman kitang sinasamahan hanggang sinundo ka, eh." sabi naman ni Anton.
Lumipad ng mabilis yung oras pero ang 30 minutong inupo namin doon ay maitutulad sa walang hanggan. Ayokong umalis sa sandali na iyon ngunit ako lang naman ata yung ganun ang naramdaman.
"Grabe! Naniniwala ka ba na graduate na tayo?" tinanong ni Rafel ang nakaupong Anton. "Diba!? Parang kahapon lang pinapagalitan pa ako ni Ma'am K." sagot ni Anton habang nakatingin sa hawak niyang diploma. "Hahaha. Lagi ka namang pinapagalitan nun, eh. Kahit noong di mo na siya adviser." tumawa si Rafael. "Ganun lang kasi ako ka-love ma'am. Di nga lang si ma'am yung mabait. Pati na din yung iba natin na teacher. Lalong lalo na si Sir D. Favorite talaga ako non. Promise." nagmayabang ang nakangiting Anton. "Oo nga noh, si Sir D. Paborito ka din talaga nun eh." sumagot si Rafael. "Oo nga ehhh. Lagi ako tinatawagan para magrecite. Nakakainis talaga. ahahah" Tumawa naman si Anton. "Lagi ka kasing natutulog eh. Sobrang strict si sir pero mapapansin mo talaga na nagmamalasakit siya para sa mga estudyante." Sabi ni Rafael
Nanatili kaming dalawa doon sa katahimikan. Ilang minuto na ba ang lumipas? isa o baka lima? baka pa nga isang oras na kaming nakaupo doon. Naramdaman kong dumadaan ang oras ngunit pakiramdam ko na mas lalo pa itong tumatagal sa kada segundong dumadaan
Tumingin ako sa nakaupong Rafael na hinahalungkat ang Cellphone sa bag "Buti nalang hindi A&D (Arts and design) yung kinuha kong strand." binanggit ni Rafael kay Anton. "Bakit naman?" tanong ni Anton kay Rafael na nakatingin sa hawak na cellphone. "Malapit na siguro sundo nito" napaisip si Anton. "Mas konektado daw kasi yung A&D sa sining. Yung pag-arte at paggawa ng pelikula. Mga ganun. Tsyaka din naman talaga ako magaling doon" sagot ni Rafael. "Ahh.. Oo nga naman, magaarchitecture ka sa kolehiyo diba?" tanong naman ni Anton. "Oo. Dapat nga ABM yung pipiliin ko noon. Gutso ko din kasi maging HR (Human Resource) katulad ni Mommy." sagot ni Rafael. "Ehh, ba't hindi ka nag HUMSS (Humanities and Social Sciences strand)?" nagtanong ang nalilitong Anton. "Pwede naman din pero tungkol kasi sa management ng mga employees mo yung pagiging HR." tugon naman ni Rafael "Di ba yun kasama sa HUMMS? Yung phsyco-something diba?" tanong ulit ng nalilito pa rin na Anton. "Ano ka? Psychology kasi yun. Guidance councelor ata yung nasa isip mo.Yung management na sinasabi ko tungkol sa trabaho ng mga empleyado, ha?" sinagutan ni Rafael and nalilitong Anton "Ay... ata.. ahhahaah. Ewan ko ba. Masaya na ako sa STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) eh. Magiging doktor naman ako eh, hindi " sabi ni Anton
"brrt. brrt" ang tunog ng cellphone ng makakuha ng notification. "Hindi maaari" napaisip ako. Tiningnan ko nalang ang taong nasa harapan ko. Ang taong ito ang aking naging kasama sa paglakbay sa dalawang taong pagaaral sa DBTIM. Sa mga event at schoolworks namin hanggang sa pagiging sandigan ko sa oras ng aking paghihirap, naroon siya palagi. "Hindi maaari" napaisip ako muli ngunit sa huli ang lahat ng simula ay mayroong dulo at siguro ito na ang dulo namin. Ang mga matamis na alaala at masasayang karanasan ko sa dalawang taon na ito ang magsisilbing gabay ko sa aking pagsulong sa bagong
"Ah! Andiyan na si daddy. Sige mauuna na ako ha" Sabi ni Rafael kay Anton "Sige. Magingat ka ha. Wag mo ako kalimutan at message mo ako palagi" Lamang ang aking nasabi sa tumatakbong Rafael "Sige! Ikaw Din!" Ang tugon naman ng tumatakbong rafael
Paalam Rafael. Hanggang sa muling pagkikita natin.
0 notes
11-6cimatti · 3 years
Text
Pinag-isang pag-aaral sa pamamagitan ng kurso at kaganapan
Isinigawa ni Miguel Espuerta
Iniaalok ng DBTI para sa SHS ang mga pangunahing pangangailangan ng mga kurso kasama ang ABM, HUMSS, STEM, at Visual arts bilang pangunahing mga hibla.
Ang strand ng Accounting, Business, and Management (ABM) ay nagbibigay ng sapat na pagsasanay bago ang unibersidad para sa mga may balak na magpatuloy ng mga karera sa Entrepreneurship, Banking, Accountancy, Finance and Management sa setting ng korporasyon at sa mga industriyang komersyal. Ang strand ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) ay idinisenyo para sa mga tatanggapin ang Journalism, Communication Arts, Liberal Arts, Education, Psychology, Law, Social Services, at iba pang mga kursong may kaugnay sa Social Sciences sa kolehiyo.
Ang strand ng Science, Technology, Engineering, and Management (STEM) ay nag-aalok ng kinakailangang kaalamang akademiko para sa mga may balak na ituloy ang mga kurso sa tersiyaryo na nakatuon sa Physical Science, Math, Engineering, at Technology.
Ang strand ng Visual at Media Arts (AD) ay inihahandog sa mga kabataang nais ipahayag ang kanilang pagiging malikhain. Pinapayagan nito ang mga mapanlikhaing kabataan na lumikha ng sining gamit ang tradisyunal at digital media.
Ang DBTIM ay hindi lamang nagaalok ng mga kursong ito, nagaalok din ang paaralan events sa bawat buwan na dadaan. Ang mga event na inahahandog ng paaral ay mayroong rin baryti, mula sa mga dulaang kultural hanggang sa mga kaganapan sa musikal. Sinisigurado pa rin ng paaralan ang de-kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral nito sa pamamaraan ng paghahandog ng de-kalidad na kagamitan sa silid-aralan hanggang sa de-kalidad na edukasyon na edukasyon na ibinibigay ng mga guro. Sinisigurado din ng paaralan na mabibigyan ang bawat estudyante ng tuon upang mabigyan sila ng mga masasayang alaala sa kanilang pag-aaral sa DBTIM.
0 notes
11-6cimatti · 3 years
Text
Mga alaala ng nakalimutang nakaraan
Isinigawa ni Ralph Dagondon
Sa unang apak palang ay binati na ako ng pamilyar na nalumang istatua ni San Juan Bosco sa harap ng aming lumang paaralan. Parang kahapon lamang ay diyan kami nag-aantay ng aking mga kakalase bago sama samang tatawid papuntang Waltermart. Pagkapasok naman sa mismong lobby ay naakit naman ang aking tingan sa kanang bahagi kung saan makikita ang mga kumikinang na gintong tropeo na pinalamutian ng mga ibat ibang kulay. Nakita ko naman doon sa pinakagilid ang isang maliit na tropeo kung saan naka-ukit ang pangalan ko at ng aking mga kasapi sa aming club noon. Ang First Prize na ito ay ang resulta ng mga gabing late na kaming nakakauwi dahil sa ilang oras ng pagsasanay namin pagkatapos ang klase. Minsan nga ay naririnig ko pa ang reklamo ng aking mga kasapi pagkatapos kong sumigaw ng “Isa pa!”. Hindi nagtagal ay nakita ko naman ang Savio Dome kung saan kami naglalaro ng aking mga kaibigan ng basketball. Kung minsan nga ay may sinesermonan pa ako ni mama dahil umuuwi akong may dungis at basa ang aking puting t-shirt.
Dumaan naman ako sa koridor patungog Braga Building at nang pagkalabas ay nakita ko ang malaking football field na noong panahon namin ay medyo kalbo ngunit ngayon ay puno na ng berdeng damo. Pinalibutan naman ito nga mga pamiliyar na mga matatangkad na puno. Dito din ginanap ang karamihan sa mga concert ng hinohost ng aming paaralan na kadalsan ay hinahawak din ng aming departmento. Natutuwa nga din naman ako dahil naabutan ko pa na magconcert ang isa sa mga pinakasakit na banda sa Pilipinas na ang Ben&Ben. Kasabay din sa pagganap ng mga concert ay ginaganap rin ang aming entrepreneurship program na kung saan kailangang makibahagi ang bawat seksyon ng ika-12 baitang maging STEM man yan o HUMSS at AD. Biglang nabalik sa aking isipan ang isang Braga Driveway kung saan nakalatag ang mga stall ng bawat seksyon ng aming batch.
Naalala ko din ang mga masasayang mukha ng mga estudyante pati rin ang mga guro ng aming paaralan. Kung minsan nga ay nakakakita ako ng mga dayo na galing sa ibang eskuwelahan pati rin mga alumni namin. Nang makapasok naman ako sa mismong building ng aming departmento ay nakita ko ang aming lumang silid aralan. Dito nabuo ang karamihan sa aking mga alaala sa Senior High. Mula sa mga araw na kung kailan ay pinapagalitan kami ng aming guro hanggang sa mga tawanan at jamming ng aking mga kaklase, pati na rin ang mga araw na kung minsan ay nakakatulog ako sa klase, lahat ng ito ay mga alaalang hinding hindi ko makakalimutan. Ang mga alaala ko bilang isang Senior Highschool Student ng Don Bosco Makati, matagal man ang mga taong dumaan, ay naging isa sa mga pundasyon na gumagawa sa aking pagkatao ngayon. Lumingon naman ako sa binatang nasa gilid ko na tumitingin din sa mga silid aralan at tinanong ko “Handa ka na bang simulan ang paglalakbay mo bilang SHS student dito?”.
0 notes