12-3-group1
12-3-group1
7 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
12-3-group1 · 3 years ago
Text
Ang Siglang Umaapaw ni Donnel Clemente
Tumblr media
Ang Shibuya Scramble Crossing na matatagpuan sa Japan ay isa sa pinakamasayang lugar na naranasan ko sa pagpunta ko roon. Noong 2016 pa ang huling punta namin sa Japan pero alalaang alala ko pa ang aking naramdaman noong nandun ako. Ang Shibuya Crossing ay hindi isaalang-alang isang atraksyong panturista ngunit kung pumunta ka nang tamang panahon sa taon ay mararamdaman mo ang sigla na umaapaw sa himpapawid. Bukod sa napakaraming gawain sa Shibuya, katulad ng mga napakaraming kainan, o ang bamboo forest na nasa loob ng Shibuya, isa sa pinaka maalala mo sa paglalakbay mo sa Shibuya ay ang mga tao. Pumunta kami sa Japan dahil Birthday nang aking kapatid, na sumakto sa undas o sa ingles ay Halloween. At ang unang unang mapapansin mo pagkatapak mo sa kalagitnaan ng Shibuya ay ang enerhiya na umaano sa lahat ng mga tao doon. Halos lahat ng mga tao na nasa Shibuya noong Halloween, kung di tourist, ay naka costume o nag cocosplay nang kanilang paboritong anime protagonist.
Isa sa mga costume na naalala ko ay isang malaking camera costume na gumagana talaga. Napakasaya talaga ng mga tao doon, na parang wala kang ibang iisipin kung hinde magsaya nang buong gabi. Nang matapos kaming gumala gala at mag papicture sa mga iba ibang cosplayers, kumain kami ng A5 Wagyu, isa sa mga produkto ng Japan, sa  Hakushu Teppanyaki.
Ang Wagyu sa ibang bansa ay mamahalin compara sa Japan dahil kinakailangan pa iimport, ngunit ang mga presyo ng Wagyu sa Japan ay mas mura dahil dito nga ito nanggagaling. At ang pinakahuli na masasabi ko ay ang klima sa Japan kapag pumunta ka nang malapit sa Christmas , Napakalamig ang panahon sa Japan kapag lumalapit na sa Disyembre, noong november 1 palang nang 2016 napakalamig na, kaya perpekto ang panahon para sumot suot nang mga di mo maiisip suotin sa Pilipinas dahil sa init. Sa apat na oras na nandun kami, di namin na experience kahit ¼ nang mabibigay nang shibuya saamin, kaya marerecommend ko talaga ang tagpuan na ito pag planong magoverseas.
0 notes
12-3-group1 · 3 years ago
Text
Ang Una at Huling Pagpunta sa Boracay ni Cicero Barasi
Tumblr media
Ang Boracay ang isa sa mga laging pinupuntahan ng mga dayuhan. Kilala ito dahil sa ganda ng kapaligiran at sa napakagandang buhangin. Sa lahat ng lugar na aking napuntahan, ang aking paborito ay ang pag punta ko sa “Boracay”. Dahil sa taas ng budget na kailangan para makapunta dito, ito ang una at ang panghuli kong pagpunta sa “Boracay” ngunit sapat na iyon para maranasan ang kagandahan ng lugar na ito. Nagsimula ang lahat noong ako’y inaya ng aking tito para sumama sa kanila sa Boracay. Hindi na ako nag dalawang isip pa at tinaggap ko agad ang imbitasyon. Para makapunta sa Boracay, kailangan sumakay ng eroplano at bangka. Dahil dito, first time kong maranasan sumakay ng eroplano. Naging paborito ko ito dahil nakakarelax dito at higit sa lahat masarap ang mga pagkain. 
0 notes
12-3-group1 · 3 years ago
Text
Magandang Alaala sa Universal ni Franz Barba
Tumblr media Tumblr media
Noong 2018 kami at ang aking grupong koro na ang Boscorale ay dumayo sa Japan para sumabak sa isang International Chorale Competition. Tatlong lugar sa Japan ang aming pupuntahan, sa Iwata, di mawawala ang Tokyo, at ang isa sa mga naging memorable na lugar na napuntahan ko ay ang Osaka. Pagdating namin sa Osaka ay mapapansin na sobrang mapayapa ang lungsod at lugar na ito, bagay na bagay talaga ito kapag ika’y na stre-stress at kailangan mo pumunta sa lugar kung saan tahimik at maganda ang paligid. Pero bago kami dumating sa Osaka ay nag saliksik muna ako ng konti na tungkol sa lugar na ito, nalaman ko na nandun pala ang isa sa mga magandang amusement park sa buong mundo ang Universal Studio. Noong maliit palang ako pinangarap ko na talaga makapunta sa Universal Studio, kaya noong nasa Osaka na kami, sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat basta makapunta lang ako sa lugar na iyon. Pagpunta sa Universal ay grabe, sa labas palang makikita mo na ang kagandahan nito, parang hinihikayat ka na niyang pumasok at subukan at iba't-ibang rides nito. Sobrang haba ng pila ng ticket kaya nag hintay pa kami ng isang oras para makapasok, habang naghihintay ay nag picture-picture muna kami sa sikat na globo ng Universal Studio. Pagpasok namin sa loob ay parang lahat kami ay natulala sa ganda ng lugar, hindi namin alam kung ano ang uunahin naming sasakyan kaya humingi kami ng listahan ng mga mahahalagang panuto at mga sasakyan na pwede naming sakyan. Inuna namin ang mga malalapit na sakayan doon sa entrance at sobrang saya namin dahil sa Japan pa nag bonding ang mag tro-tropa. Pagkatapos namin sumakay sa ibang rides ay dumako kami sa mga rides ng Jurassic Park na kung saan para kaming nasa pelikula talaga dahil naranasan naming lumipad at sumakay ng bangka na may mga dinosaurs. Pagkatapos namin doon ay dumako naman kami para maghanap ng kakainan at sa una nahihirapan kami dahil ang mamahal ng presyo ng mga pagkain nila. Pagkatapos kumain ay sinubukan uli naming sumakay ng iba’t-ibang rides hanggang sa napadpad kami sa isang sikat na lugar na laging pinupuntahan ng mga bisita dito sa Universal, ang Hogwarts. Pagpasok mo dito ay para ka talagang nasa syudad ng Hogwarts, lahat ng tindahan ay katulad na katulad nung nasa pelikula at malamig din doon. Pumasok pa kami para subukan ang parang 4d ride sa loob ng Hogwarts na para kaming nalipad kasama sila Harry Potter. Pagkatapos ng pagpunta namin sa Hogwarts ay hinintay nalang naming gumabi sa Universal para tingnan ang iba’t-ibang paputok at ang parade neto. Tila ako’y napahanga talaga dahil parang nanaginip ako sa aking kinatatayuan. Umuwi kaming lahat na may saya dahil sobrang inenjoy namin ang aming bakasyon sa Universal, at lungkot dahil uuwi na kami at aming ma mi-miss ang mga oras na ito.
1 note · View note
12-3-group1 · 3 years ago
Text
Ang Ligayang Dulot ng Disney ni Jyle Sarmiento
Tumblr media
Ang Tokyo DisneySea sa Japan ay isa sa aking paboritong lugar. Kung mapapansin niyo kung bakit hindi “Disneyland” ang tawag ay kundi dahil ang Disney sa Japan ay dalawa at ito ay ang Disneyland at DisneySea. Ang pinagkaiba ng dalawang ito ay sa Disneyland puro pang bata ang mga puwedeng masakyan samantalang sa DisneySea naman ay puro pang matatanda ang mga puwedeng masakyan dahil sa mga pagkatindi ng mga ito. Ang DisneySea ay ginawa dahil sa inspirasyon nila sa mga alamat at alamat ng dagat, ito rin ay binubuo ng pitong may temang port of call: Mediterranean Harbor, Mysterious Island, Mermaid Lagoon, Arabian Coast, Lost River Delta, Port Discovery and American Waterfront.
Kung mapapansin niyo sa pangatlong litrato sa itaas makikita niyo ang hotel ng Disney habang ako ay nakasakay sa tren na papuntang DisneySea. Pero bago natin pagusapan ang mga nasa DisneySea, kung makikita niyo naman ang litrato na nasa kanan sa ibaba makikita niyo ang Cinderella Castle at ito ay ang kastilyo na nasa gitna at ang icon ng Tokyo Disneyland sa Tokyo Disney Resort sa Japan. Balikan nating muli ang DisneySea, isa sa mga pinaka habol ng mga tao at isa na rin ako doon ay ang mga ibat-ibang atraksyon na naka base rin sa mga palabas ng Disney. Hindi ka lang matutuwa kundi ay minsan may mga ibang tao na naluluha pa sa saya dahil na rin siguro sa sinasabi nilang ang Disney ay isa sa “Happiest place on earth.” Hindi naman sila nagkakamali dun dahil totoo naman na masaya sa lugar na ito at lalo na ang karamihan na atraksyon na nandon ay puro childhood ko. Kung mapapansin niyo nga ang mga pumupunta sa Disney ay mas marami pa ang may edad kaysa sa mga bata. Isa pa sa mga habol ng mga tao dito ay ang mga pagkain. Kung ang bawat atraksyon ay naka base sa mga bawat palabas ng Disney, ang pagkain din sa bawat atraksyon ng mga ito ay naka base rin minsan sa palabas na ‘yon. Masasabi ko na mahirap mag diyeta sa Disney lalo na’t hindi mo matitiis ang mga pagkain dito dahil sa kanilang mga itsura, amoy at lasa. Mungkahi ko rin na dapat laging may bitbit na pagkain at inumin para hindi mainip sa napakahabang pila o di kaya kumuha na lang ng mga litrato ng magagandang tanawin sa Disney o litrato na kasama ang inyong mga kaibigan at kung sino pa man ang kasama niyo. Isa rin sa aking masasabi ay kulang ang isang araw na pag bisita rito. Isa na rin sa mga dahilan ang mahabang pila sa mga atraksyon, pag kain, panonood sa mga parade at iba pa. Masasabi ko na kahit saan mang Disney ay hindi ako magsasawang puntahan kahit paulit-ulit dahil tuwing napunta ako dito ay hindi talaga nagbabago ang aking kasiyahan.
1 note · View note
12-3-group1 · 3 years ago
Text
Ang aking Paglalakbay sa Puerto Galera ni Sean Malang
Tumblr media Tumblr media
Apat na taon ang makalipas at isa ito sa mga hindi ko malilimutan na destinasyon na aming pinuntahan. Ibabahagi ko sa inyo ang aking storya ng paglalagbay sa Puerto Galera at kung ano-anong mga aktibidad ang mga ginawa namin roon tulad ng snorkling, island hopping, at iba pa. Ang Puerto Galera ay matatagpuan sa isang bayan ng isla ng Mindoro sa Pilipinas. Ito ay kilala sa mga dive site at beach nito. Isa na rito ang mahabang curve ng White Beach na sinusuportahan ng mga bar at resort at sa hilagang silangan, ang tubig sa labas ng Sabang Beach ay puno ng buhay at coral na dagat. Sa aming paglalakbay kasama ang aking pamilya ay sumakay kami ng bus papuntang Batangas Bay upang sumakay ng bangka papuntang Puerto Galera at nakarating kami sa aming destinasyon makatapos ng anim na oras, katapos nito ay dumiretso kaagad kami sa aming hotel na pagtutulugan at ibinaba ang aming mga kagamitan.  Kumain naman kami katapos ng pananghalian katapos ay na nagpahinga at pumunta kami sa White Beach na kung saan napakaganda rito at malinis, katapos naman nito ay nag island hopping kami. Madami kaming nagawa dito, at isa na rito ang snorkling na kung saan ay lulubog ka sa beach upang makita ang kagandahan ng nasa ilalim ng dagat at pumunta kami sa Coral Garden para pakisamahang lumangoy ang mga iba’t ibang magagandang coral at isda. Katapos naman nito ay pumunta kami sa Paniquian Island na kung saan isang tahimik na isla na kung saan magpahinga at magsaya kasama ang pamilya. Habang naglalakbay ay nakilala namin ang nagmamaneho ng bangka na kung saan anim na taon na din niyang ginagawa pang hanap buhay. Katapos ang unang araw ay kinabukasan umuwi na kami sa Maynila. Napakasaya ng aming paglalakbay lalo’t na dun sa taong aming nakilala na nagmamaneho ng bangka na kung saan pinaramdam na din namin sakanya na maituturing kaming kaibigan na kung saan kinilala namin siya at binigyan ng mga pagkain aming dala sa paglalakbay. Nakapagpahinga kami katapos ng akademikong gawain at nagkaroon kami ng bonding kasama ang aking pamilya. Dito ko napagtanto na ganito pala kaganda ang mga lugar sa mga Pilipinas at yung mga taong makikilala mo dun ay hindi ka hahayaang “ma left-over” at ituturing ka nilang taga doon din. Dito nagtatapos ang aking paglalakbay sa kagandahang lugar ng Puerto Galera.
0 notes
12-3-group1 · 3 years ago
Text
Unang Lipad ni Sullivan Sta. Ana
Tumblr media Tumblr media
Isang magandang alaala at paglalakbay ang aking naranasan sa aking unang pagsakay ng eroplano. Ang aking pamilya ay pumunta sa Coron, Palawan para makapagsaya at magkaroon ng pahinga sa mga gawain pang-akademiko. Pagkarating namin sa Coron, Palawan, kami muna ay pumunta sa aming pagtutulugan na hotel para ibaba ang aming mga gamit at magpahinga. Ang una naming pinuntahan ay ang Mt. Tapyas na may 724 steps para maabot ang tuktok. Napakasulit ang pag-akyat dahil nakaabang sa tuktok ang magandang panoorin na paglubog ng araw at kitang-kita ang mga magagandang tanawin sa Coron. Ang Maquinit Hot Spring ang huli naming pinuntahan sa unang araw kung saan nakapag relax kami pagkatapos naming mapagod sa pag-akyat ng Mt. Tapyas. Sa sumunod na araw, pagkatapos naming mag-almusal, pumunta na kami sa bangkang sasakyan naming para sa Island Hopping namin. Ang una naming pinuntahan ay ang Coral Triangle kung saan maraming magagandang corals ang nakapaloob dito. Ang sumunod naman ay ang Twin Lagoon kung saan kilala ang Coron, Palawan. Pagkatapos naming magsnorkling dito ay kumain kami sa aming bangka habang nasa gitna ng Twin Lagoon. Ito ang pinakamagandang alaala ko sa aming bakasyon sa Coron, Palawan. Pagkatapos kumain, ang huli naman naming pinuntahan ay ang Barracuda Lake. Ang sabi sa amin ng aming tour guide ay ang Barracuda Lake ay 50% fresh water at 50% salt water. Ito mismo ay purong anyong tubig at wala kang makikita na kahit ano dahil sa kadiliman nito. Nakakatakot ngunit maganda at may natutunan ka na meron palang anyong tubig na magkahalo ang fresh water at salt water.
0 notes
12-3-group1 · 3 years ago
Text
Mala-Paraisong Bukid ni Jherald Collado
Tumblr media Tumblr media
Merong isang bukid na matatagpuan sa Mangatarem, Pangasinan, ito ay pagmamay-ari ng isang matandang lalaki nagngangalang Jesus Collado. Ito ang storya ng paglalakbay ko sa bukid ng aking lolo. Ang Mangatarem, Pangasinan ang siyang probinsya ng pamilya Collado, dito kami palaging umuuwi sa mga araw ng bakasyon o mga bihirang kulminasyon ng angkan. Nasa 12-taong gulang pa lamang ako nang malaman namin ang isang malaking lupain na pagmamay-ari ng aming lolo. Matagal itong hindi lumabas sa liwanag ng araw sa kadahilanang nakatago rin ito sa isang liblib na lugar mula sa bayan. Kilala ang Mangatarem sa dami ng mga bukid at mga lupaing pinagsasakahan, subalit unti-unting natatabunan ang mga ito ng mga imprastraktura dahil naman na rin sa pag-unlad ng bayan ng Mangatarem. Hindi rin makakatakas ang bukid ng lolo ko sa pag-unlad na ito. Hindi man ito tinayuan ng isang malaking imprastraktura, tinayuan naman ito ng 3 kubo at 2 swimming pool. Sa oras na pagpasok mo sa bukid ay kaagad mong makikita or masusulyapan ang isang malaking swimming na napapalibutan ng 3 kubo, sapagkat ito rin naman pala ang matagal ng plano ng aking lolo at ng kanyang mga anak. Kung dati rati sa mga kaganapang reunion ng aming angkan ay nagtitipon lamang kami sa matandang bahay, ngayon ay meron na kaming maluwag na espasyo para ipagdiwang ang aming kulminasyon o kahit anumang pagdiriwang. Hindi lamang 3 kubo at 2 swimming pool ang matatagpuan sa bukid ng aking lolo. Matatagpuan din dito ang kanyang iba’t-ibang mga pananim, narito ang papaya, manga, avocado, kalabasa, bayabas, calamansi, anonas, sampaloc, guyabano, iba pang mga gulay, at isang malaking palayan. Sa pamamagitan nito, hindi lamang malilimitahan ang aming atensyon sa pag-aaliw sa kubo o sa pagtatampisaw sa swimming pool, kundi maari rin naming libutin ang bukid at tanawin ng sangkatutak na pananim. Syempre hindi ko rin makakalimutang banggitin ang sarap ng simoy ng hangin sa probinsya lalong lalo na sa gitna ng isang bukid. Sa litratong nakapaskil sa itaas, iyan lamang ay kamakailang naganap sa Mangatarem. Hindi man kumpleto ang magpipinsan at angkan diyan marami naman kaming naiuwing memorya at ani pabalik dito sa kamaynilaan. Hanggang sa muling pagbabalik ating ipagpapatuloy ang paglalakbay sa bukid ng aking lolo.
1 note · View note