Tumgik
12aimericha · 3 years
Text
Talaan ng Nilalaman
1 PROLOGO 
2 MGA SULATIN
   2.1  URI NG PAGSULAT
      2.1.1  Bagong strain ng COVID-19 Virus natagpuan sa United Kingdom
   2.2 LAKBAY SANAYSAY
      2.2.1  Valencia City
      2.2.2  Papuntang Silang, Cavite
      2.2.3  Cebu
      2.2.4  Bohol
      2.2.5  Ang Paraiso ng Bantayan Island
   2.3 REPLEKTIBONG SANAYSAY
      2.3.1  Walang Maiiwan (Iris Gamo)
      2.3.2  “Replektibong Sanaysay: Walang Maiiwan”(Angelica Chavez)
      2.3.3   Ang Edukasyon ay Isang Pananagutan, Isang Pag-asa sa Kawalan (Inigo Estrada)
      2.3.4  “Replektibong Sanaysay: Walang Maiiwan” (Pete Balbon)
      2.3.5  “Walang Maiiwan.” Isang Replektibong Sanaysay (Andrea Bermudez)
   2.4  BIONOTE
   2.5 PANUKALANG PROYEKTO
      2.5.1  PANKOMUNIDAD NA COASTAL CLEAN-UP DRIVE SA GUSA COASTAL ROAD
3 EPILOGO
4 RUBRIKS
5 BIONOTE
   5.1  Ma. Angelica Darl D. Chavez
   5.2  Inigo Dominic B. Estrada
   5.3  Pete Michael Balbon
   5.4  Andrea C. Bermudez
   5.5  Iris G. Gamo
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
Bagong strain ng COVID-19 Virus natagpuan sa United Kingdom
   Sa gitna ng labanan sa COVID-19 na halos higit 85 milyong tao ang apektado sa buong mundo, ay mayroong bagong strain ng nasabing virus na kilala bilang B117 na natuklasan sa United Kingdom noong Setyembre 2020. 3 tao umano ang naging positive nito at sa ngayon ay idineklarang gumaling na ang mga nasabing apektado matapos sumailalim ng quarantine sa isang hotel. Ang pagkakaroon na ng COVID-19 vaccine ay maaari ring gamitin sa bagong strain ng virus giit ni Patrick Vallance, ang chief scientific adviser ng UK. Patuloy pa rin ang pag tetest sa mga mamamayan sa United Kingdom upang maiwasan ang paglago at pagkalat ng nasabing bagong strain ng COVID-19 virus at upang mapaigting ang pagbantay nito. 
   Ayon sa mga health experts, normal ang pagmumutate ng isang virus kaya mayroong naitalang 12,706 mutations ang SARS-Cov2 sa buong mundo. Iginiit ni Dr. Cecilia Carlos ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa isang virtual press briefing noong ika-27 ng Disyembre na ang mga virus umano ay isang buhay na organismo na sumailalim ng mga pagbabago sa kanilang estruktura kaya inaasahan ang pag-multipy nito. Dagdag pa niya, mas mabilis itong kumalat at mas mataas ng 50%-70% ang porsiyento na tsansya ng pagkakahawa kumpara sa COVID-19. 
   Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng Department of Health (DOH) na wala pang bagong strain ng COVID-19 virus sa Pilipinas. Sa ngayon ay inerekomenda ng DOH sa Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang pansamantalang pagimplementa ng travel restrictions sa mga bansang natukoy na mayroong kaso ng bagong strain ng COVID-19 virus lalo na’t may mga bansang naiulat na nagkakaroon na ng mga apektado. Ilang OFW naman mula sa  bansang may bagong COVID-19 strain ay naninibago sa biglaang pagbabago at paghihigpit ng protocols. Ayon sa isang OFW na galing sa Indonesia na si Renelle Dimatatac, nahihirapan umano siyang kumuha ng mga flight lalo na’t may “entry restriction” sa 20 bansang may kaso ng COVID-19 variant. 
   Sa ngayon, ang nasabing strain ng COVID-19 virus na nagmula sa United Kingdom ay maigi at mahigpit na pinag-aral upang mapaigting ang pagbantay nito para maiwasang lumago at kumalat sa iba pang lugar. Sa halip na dahan-dahang ipagpatuloy ang face-to-face classes at social gatherings ay pansamantalang ipahinto muna. Patuloy parin ang pag-aaral sa nasabing virus at ang mga vaccines upang malutas ang pandemyang ito. Payo ni Dr. Anna Lisa Ong Lim ng Health Advisory Technical Working Group na kinakailangan ang mas mahigpit na pagsubaybay sa minimum health protocol tulad ng pagsusuot ng mask, madalas na paghugas ng kamay, at physical distancing.
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
Valencia City
Tumblr media
   Ito po ang Valencia City, Bukidnon. Maliit siyang city pero marami ka mapuntahan dito at mabait naman ang mga tao dito. Napakaganda siya na city at talagang maramdaman mo talaga na welcome ka dito. Tuwing pupunta kami Valencia, ang unang-una namin gawin bilang pamilya ay kakain sa Jollibee. Noon, dito ako nakatira at kada taon pupunta kami sa Valencia City upang tingnan namin ang bahay at mag-bonding bilang pamilya. Ngunit napansin ko sa bagong kong bisita sa Valencia City, maraming nag bago na hindi ko na alam saan ang ibang buildings. Lalong-lalo mas lively na ang Valencia at maraming mall na noon hindi ko pa nakita kapareh sa Robinson.
Tumblr media
   Nang pumunta kami sa Robinson Place, napakalaki ang sa loob na parang bago talaga ang experience ko. Parang nandun ako sa bagong environment dahil maraming talagang nag-babago sa Valencia City. Meron na din silang sign na parang bridge na pagpasok mo sa Valencia City nakasabi na “Valencia City.” Meron pa, noon may playground sa plaza sa kasunod ng simbahan St. Agustine Parish Church. Ngunit sa paglakbay ko noon nakaraang taon, wala na ang playground.
   Dahil nakatira kami sa GrandMeadows Subdivision, dapat pupunta kami sa may free space talaga at sarap ng hangin din sa GrandMeadows. Napakatahimik rin siyang lugar kaya pwede ka makatulog ng mahimbing. Naalala ko natutulog kami lahat ng pamilya ko sa GrandMeadow at sobrang lamig pag sa gabi dahil sa hangin. Ang GrandMeadow Subdivision kay nakalugar kung saan ang mga magsasaka na hindi sya malapit sa mga masikip na pook kaya ang tahimik at sarap ng hangin.
   Syempre, sa huli, pupunta rin kami sa “RR Family Resort” noong nakapunta kami dito, bata pa ako pero ngayon hindi ko na alam ano ang kondisyon ng resort ngayon at sa bagay gusto ko rin bisitahin nanaman. Maganda sya na resort at hindi siya masyado mahal rin. Maganda rin ang slides at minsan hindi maraming tao pumunta dito kaya mas maganda pag hindi masikip ang lugar.
Tumblr media
Source:
https://images.jgsummit.com.ph/2018/12/21/9c32e50253d7d4d23566b8f75401e15076480893.jpg
https://powerofjuan196277802.wordpress.com/2018/09/24/valencia-city-bukidnon/
https://i.ytimg.com/vi/3minnXEN-7Q/maxresdefault.jpg
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
Papuntang Silang, Cavite
Tumblr media
   Sa larawang ito ang makikita mo ay mga kadete sa PNPA or Philippine National Police Academy, dito po kami nag gala noon 2019 while nandito kami sa Silang nag pasyal rin kami sa Tagaytay which is 30 mins palayo nang Silang paputang Tagaytay makikita mo rin ang Taal Volcano, Sky Ranch, at Tagaytay Highlands etong mga lugar na eto ay hindi well known pero magandang view kasi ang Tagaytay ay pa taas na bundok at malapit na ito sa himpapawid at ma hangin dito ang maganda sa lugar na ito ay pwede ka maka chill or take a breath sa mga breath taking views nya parang nasa baguio rin pero hindi malayo sa city nang maynila kasi ang papunta nang maynila ay mahalagang 90 mins o dalawang oras lamang.
   Ang importante sa trip na eto ay yung experience kasi hindi sure sa future ay maibalik na yung mga ganito, kagaya nang COVID hindi lahat ay nakakatravel nang kahit saan at dapat e-enjoy mo yung moment while it last kasi balang araw rin kung may trabaho ka mahirap nato ibalik kasi buang buhay mo ay naka focus sa pamilya mo kung meron ka man o magtatrabaho at mag pasalamat sa diyos na safe kada biyahe mo at hindi magmadali sa buhay para hindi ma disgrasya at e enjoy yung kabataan mo.
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
Cebu
Tumblr media
   Mula pa nung medyo maliit pa ako, halos kada panahon ng bakasyon ang aming pamilya ay pupunta lamang sa isang lugar. Nang lumaki ako, napag-isipan ko na, maari bang magbakasyon kasama ang aking mga kaibigan? Naging tiyempo nung pagkatpos kaming mag moving up pa-senior high inimbitar kami sa isang research conference sa Bohol. Habang nasa lugar kami dinayuhan naming ang mga lugar na nakapag kilala sa Bohol bilang Bohol.
Tumblr media
   Ang aming pinuntahan na lugar ay ang Bohol. Ito ay matatagpuan sa Visayas na malapit lamang sa Cebu. Ang kabisera nito ay ang Tagbilaran at ang sikat na tanawin dito ay ang Chocolate Hills. Dinadayuhan ito ng mga turista lalo na kapag tag-init na dahil ang lugar na ito ay isang isla at napaplibutan ito ng mga tubig. 
   Ang isa sa dinayuhan namin ay ang Chocolate Hills. Na-inganyo kami sa tanawin dahil napakalinis tignan ang mga berdeng bundok. Ilan sa amin ay nagtaka bakit hindi kulay tsokolate yung bundok at doon nag balik-aral kami na mag-iiba kulay ito kapag nabasa ang lupa nito. 
   Isa pang dinayuhan namin ay ang Blood Compact Shrine. Dito, nagbalik-aral naman kami sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa lugar na ito ginawa ang isang sermonya sa pagitan ng Espanya at ang mga katutubo ng Isla para magkasundo na magbigay ng kapayapaan sa lugar ng Bohol. At ang huli namin na dinalaw ay ang Virgin Island sa Panglao. Sa lugar na ito ang buhangin ay napakaputi at dapat kapag ikaw ay nandoon ikaw ay inaasahan na maging tahimik at panatilihan ang kalinisan. Ito ay dahil ang lugar ay isang sacred place na merong simbahan at may mga human-sized na mga rebulto ng mga Santo.
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
Bohol
Tumblr media
   Bumalik noong 2017 ng Mayo, pumunta ako kasama ang aking pamilya sa Bohol. Ito ay isang pakikipagsapalaran na puno ng kasiyahan sapagkat hindi gaanong karaniwan sa amin na magbakasyon. Sa aking pagtungo sa isla ng Bohol, nakakita ako ng mga coral na isang pambihirang paningin. Napakasaya dahil lumipad kami at nakakagulat na 30 minuto lamang ang layo - 45 minuto upang mapunta.
   Una, nagpunta kami upang makita ang aming mga kuwarto sa isang hotel. Mayroon itong pool at taon na ang nakalilipas hindi ko masyadong namamalayan ang aking tono ng balat. Halos araw-araw akong lumangoy at nilaktawan lamang ang araw na umuwi kami sa bahay. Pagkatapos, nagpunta upang makita ang ilang mga ahas at iba pang mga reptilya sa malapit. Pagkatapos ay nagtanghalian kami sa nakalutang restawran. Sa totoo lang, hindi masarap ang lasa ng pagkain. Hulaan ko ito ay tungkol sa tanawin habang kumakain ka. Pagkatapos nito, nagpunta kami sa Panglao. Ang lugar na ito ay puno ng mga turista. Hindi kapani-paniwala gwapo at mga turista sa Korea. Nasa Pyramid kami kung saan inorder ko lang ang pork barbeque dahil abala ako sa pagtingin sa guwapong grill habang niluluto niya ang aking order. Pagkatapos nito, umuwi na kami dahil balak ng aking mga magulang na makilala ang kanilang mga kamag-anak na naninirahan sa Bohol.
   Kinabukasan, binisita namin ang iba kong lolo. Siya ay isang vice-mayor ng isang tiyak na lugar at ginamit namin ang kanyang sasakyan upang makapamasyal sa isla. Masayang-masaya ako sa kung paano hindi namin kailangang magbayad ng mga bayarin sa pasukan para sa ilang mga lugar ng turista. Nakita ko ang magagandang mga burol ng tsokolate, maraming mga tarsier, at nakita ko rin ang mga simbahan na itinayo ng mga dekada na ang nakalilipas. Sa wakas, oras na upang umuwi at sumakay kami ng isang eroplano upang makauwi pabalik sa lungsod ng Cagayan De Oro.
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
Ang Paraiso ng Bantayan Island
Tumblr media
   Kalangita’y napaka-asul, kapaligirang malinis at payapa, dagat na napakalinaw, mamamayang napakabait, at marami pang iba. Ito ay ilan sa mga dahilan kung bakit pupumunta kami dito sa Bantayan Island, Cebu bawat taon tuwing Semana Santa. Maliban sa aming kapamilya na naninirahan sa islang ito ay pinahahalagahan din amin ang labis na kagandahang dala nito. Kilala ang islang ito sa napakalinaw nilang dagat at napakaputing buhangin. Maraming tao at turista ang bumibista dito sapagkat maraming mga matutuklasan at magagandang tanawin. Dumadalaw rin ang mga tao tuwing Semana Santa dahil sa mga istruktura ng mga santo na nagpoprusisyon. Tiyak na masusulit ang iyong pagbisita dito sa Bantayan Island.
   Ang Bantayan Island ay ang lugar ng kapanganakan ng aking lola kaya isa ito sa mga dahilan kung bakit bawat taon kaming pumupunta dito. Maliban doon ay ang prosisyon na nagaganap tuwing Semana Santa at ang pamilya ng aking lola ay nagmamay-ari sa isa sa mga santong nagpuprosisyon kaya’t tumutulong kami sa paghahanda at pag didesenyo nito. Ang Bantayan Island ay isang lugar na kilala bilang ispirtwal at mananampalataya sa Diyos. Kilala din ang kanilang simbahang may magandang pintura sa mga santo na makikita sa ibabaw kaya may maraming tao kumukuha ng literatura sa magandang kisame at naibahagi rin ito sa mga dokumentaryo kagaya ng mga dokumentaryo sa GMA. Ang matibay na pananampalataya namin sa Diyos ay nanggaling sa aming lola sapagkat siya ay lumaki sa islang ito kaya nasasalamin ang pag-uugali namin sa kaniya. Makikita rin ito sa komunidad sa islang ito na napakabait at magalang. Sa tuwing bumibisita kami ay maituturi ko talaga itong aking tahanan kung saan minamahal ko rin ng tunay. Maliban sa magandang simbahan ay kilalang kilala din ito sa mga magagandang dagat. Napakalinaw ang dagat nito na makikita mo na ang anumang bagay na nasa ilalim. Dito karanasang nakikita ang mga turista maging lokal man o foreign. Ngunit, hindi pa ito gaanong kilala hindi tulad ng Siargao, Boracay, at iba pa. Magugustuhan din ng mga tao ang mga resto malapit sa dalampasigan. Dito rin nagshooting ang mga artista sa pelikulang Camp Sawi kung ipinapakita ang mga kagandahang lugar dito sa Isla. Maliban dito, masasarap din ang mga pagkaing makikita dito lalo na sa mga resto at food parks. May mga foodparks dito kung saan iba’t ibang klaseng pagkain ang maaari mong tikman kaya isa rin ito sa mga pinupuntahan ng mga turista. Maraming mga positibong aspekto ang pagpunta dito sa Bantayan Island ngunit hindi natin matatanggihan na mayroong mga negatibong aspekto din. Isa sa mga ito ang abala ng pagbiyahe sapagkat kinakailangan pa naming sumakay ng eroplano patungo Cebu, sumakay ng bus ng apat na oras patungo sa daungan at isang oras nanaman ang pagsakay ng barge patungo sa mismong isla. Maliban sa mataas na oras ang nakokonsumo ay dagdag gastos rin sa mga transportasyon. Ngunit, sulit naman ang iyong pagbibisita sa isla. 
   Bawat taon lagi kong inaabangan ang pagpunta dito sa Bantayan Island sapagkat dito ko talaga nararamdaman ang kasiyahan at kawalan ng problema. Nakatutulong din ito sa ating mental na kalagayan sapagkat nagkakaisa tayo sa kalikasan. Mararamdaman ko rin kung gaano ko pinapahalagan ang ating kalikasan sapagkat makikita ko ang matibay at malakas na koneksyon sa kalikasan. Dito ko napagtanto kung gaano kahalaga na bigyang pansin ang ating mga isla at ibang magagandang tanawin sapagkat ito ay ang magandang biyaya ng Panginoon. Kaya pinapahalagahan ko rin ang ibang mga destinasyong aming napupuntahan sapagkat naaalala ko ang Bantayan Island at gaano nakakalungot kung ito ay sirain at madumihan. Dapat din nating bigyang ng kahalagahan ang pagsisikap ng mamamayan na panatilihing maayos at maganda ang islang ito. 
   Ang Bantayan Island ay ang lugar kung saan nakakabuo ako ng matibay na koneksyon kaya itinuturi ko itong isang mahalagang tahanan. Ang isang tahanan ay ang anumang lugar kung saan ka komportable at ang pakiramdam na parang ikaw ay maaaring maging iyong sarili. Hindi mahalaga kung ang iyong tahanan ay nasa bahay o nasa kalikasan hangga’t nandiyan ang iyong puso.
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
Walang Maiiwan (Iris Gamo)
       Mahirap talaga ang buhay, walang paraan upang mapadali ang buhay. Ngunit, may sitwasyon talaga na mahirap kunin ang pangagarap mo dahil maliit lang ang resources natin upang kunin ang pangarap natin sa buhay. Pinanuod ko ang I-Witness: “Walang Maiiwan”, ayon sa panuod ko, tungkol ito sa mga mahirap na karanasan sa mga bata lalong-lalo sa pag-aaral nila dahil ipinakita po nil ana mas pini-prioritize ng mga bata ang kanilang pamilya kaysa pangarap nila ngunit naapektuhin rin ang kanilang pag-aaral dito lalong-lalo kailangan tayo mag-aaral upang makamit natin ang pangarap natin.
       Tuwing pinanuod ko ang bidyo, nalulungkot talaga ako dahil naaawa ako sa mga bata dahil parang ang hirap talaga ang buhay nila at hindi talagang madali pumunta sa paaralan para lang makapag-aral. Kapareho sa sitwasyon ni Riki, na hindi siya makapag-aral dahil papagalitan siya ng kanyang kapamilya kapag pupunta siya sa paaralan upang makapag-aral kahit gusto niya talaga mag-aral. Nakikita ko talaga ang sarili ko sa kanya, hindi naman kami kaparehong sitwasyon pero alam ko rin ang damdamin na mahirap makuha ang gusto natin pag mahirap tayo sa buhay. Natandaan ko na hindi ako makapag-pili sa gusto ko kahit future college ko lang dahil sa budget namin lalong-lalo may plano na ang tatay sa future ko at ginamit ng maayos ang pera kung saan gumastos. Mahal rin pag-gagastos ako ng flight para lang makapag-aral ako sa ibang lugar kahit gusto ko talaga mag college sa ibang lugar pero dapat una talaga ang pamilya sayo. Napakasakit talaga na may mga ibang tao na parang wala na silang paraan kaysa tulongan nila ang kanilang pamilya at magtrabaho sa agang edad. Sa tingin ko talaga, dapat hindi magtatrabaho ang mga bata sa maagang edad at kailangan nag-aaral sila sa paaralan ngunit sa ganitong sitwasyon, hindi talaga maiwasan na ganyan talaga ang buhay na mahirap talaga kapag maliit lang ang resources mo.
      Sa lahat, sana talaga matulongan ang mga bata na ganyang sitwasyon dahil gusto ko talaga ang kabutihan sa lahat ng tao dapat walang maiiwan. Sana rin na magpasalamat tayo sa pamilya natin binigay nila ang kailangan natin para makamit ang pangarap natin, nagpasalamat rin ako sa pamilya ko dahil nakapag-aral at mabuhay ng mabuti. Ngunit sana rin, gagamitin ko ang pag-aaral ko upang magbigyan ko ng magandang kinabukasan ang mga bata sa pag-aaral.
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
“Replektibong Sanaysay: Walang Maiiwan”(Angelica Chavez)
       Ang aking napanuod na dokyumentary ay Walang Maiiwan ni Kara David. Ito ay isang dokyumentaryong tungkol sa mga bata sa San Guillermo na ginagawa nila ang lahat para maka punta sa paaralan para may matuto doon, ang mata bata ay tatawid pa sa ilog para maka dating sa kabilang parte nang ilog at doon sila naglalakad nang mahalagang isang oras papunta sa eskwelahan nila, at habang nanunuod akong ito po ay mahirap na pinagdadaanan nang mga estudyante sa San Guillermo kung ma experience mo lang ang pinagdadaanan nang mga bata wla ka talagang masasabi, at halos sila ay walang tsinelas og nag shi share nang tsinelas sa mga kapwa estudyante nila og kanilang mga kapatid upang maka iwas rin nang mga sugat nang kanilang mga paa, sila rin ay hindi nagbabaon nang ulam pero rice lang, at nagbibili sila lang isang lata nang sardinas para ma share nila sa mga ibang klasmeyt nil ana hindi rin nagdadala nang ulam sa eskwelahan.
        Makita mo sa dokyumentary kung paano sila inaalagaan nang mga guro nila kagaya nang guro nila si Ser Mike na pinuputol yun mga kuko nila for hygiene para hindi sila magkakasakit pagkakain at nilalagyan nang mga dressings o medicina sa mga sugat nila para iwas inpektion makikita mor in ang pahihirap nila si eskwelahan, Yung isang titser nila si Sir Jun yung head sa paaralan ay ginagawa niya ang lahat para maka-aralan yung mga estudyante niya at hindi niya gusto na may maiiwan sa pagaaral doon kasi yung drop out rate sya eskwelahan niya ay mataas ang maraming nadradropout pagdating nang grade 3 kasi ang sabi nang pamilya nang mag-aaral ay importante nan ang maka intindi nang pagbabasa at pagsusulat at para makatulong narin yung mga bata sa bahay kagaya nang pagsasaka og pagtulong sa iba’t ibang bagay para maka unlad yung kanilang mga pamilya.
Itong dokyumentaryong ito ay mahirap panoorin kasi dahil sa mga paghihirap nang mga bata pero na relate ko to sa pinagdaanan nang tatay ko dati yung bata pa sya yung nanay sya ay nagtatrabaho sa cigarette factory at lolo ko ay isang magsasaka noun ang sinasabi nang mga magulang nya ay kami na bahala sa mga pagaayos dito sa bahay para maka aral ka at makatapos para magcollege ka at magkapamilya ya at hindi man para sa yumaman man kayo pero upang maka tulong kayo sa mga tao parang tayo ang importante ay mag aral nang Mabuti at wag kalimutan kung saan ka nang galling kasi doon yung basis nang perseverance at inspiration mo sabi nang lola ko sa tatay ko, wla man silang pera nuon minsan hindi pa sila kumakain at muntik na namatay yung kaibigan nya na babe tungkol sa lindo at wla silang maayos na bahay pero para lang syang size nang cr sa Xavier University doon sa SBM building minsan kasama nang lolo ko matulog yung mga baboy para maiwas maipit yung mga piglet nang nanay nila, yung sinabi nang tatay ko na lahat sa pinagdaanan mo kakampi mo ang diyos tutulong siya sayo kung patuloy karin mag move forward sa buhay mo at magunlad kasi sabi nang tatay ko na dapat walang iwanan sa pamilya at wla iwanan sa buhay but just keep moving forward.
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
Ang Edukasyon ay Isang Pananagutan, Isang Pag-asa sa Kawalan (Inigo Estrada)
        Isang dokumentaryo na handog ni Kara David na pinamagatang Walang Maiiwan ay aking nasaksihan. Dito ipinapakita kung gaano ka hirap ang walang tamang pagsuporta mula sa pananalapi at sa pamilya sapagkat ang mga mahihirap ang binibigyang diin sa dokumentaryong ito sa pag-asang tayo ay mamulat na marami sa bansa ang nangangailangan ng tulong at suporta upang malutas ang kahirapan. At isa sa mga paraan upang malutas ito ay sa pamamamaraan ng edukasyon. Nasaksihan ko ang pagsasakripisyo ng mga mag-aaral at guro sa Burgos East Elementary School upang matamo ang kinakailangang edukasyon upang umahon sa buhay. Ito ay isang napakapakipakinabang na dokumentaryo sapagkat binibigyan nito ng halaga ang edukasyon at kung bakit ito ay isang pananagutan sa lahat at kung gaano kahagalaga ang mga guro na nagsasakripisyo sa ngalan ng serbisyo.
Tumblr media
      “Mahirap ang buhay”, giit ni Ricky Malicdem ang isa sa mga estudyante sa Burgos Elementary School na huminto sa pag-aaral sapagkat kinakailangang magtrabaho muna upang makatutulong sa pamilyang mahirap ang buhay. Ako ay nalulungkot sa kanilang pamumuhay na naisip ko kung gaano pa ako dapat magpasalamat sa buhay at komportableng sitwasyon ko. Sa lugar nila ay kinakailangan pang tumawid sa isang mapanganib na ilog at at lumakbay ng isang oras para makapunta sa silid aralan. May ibang walang tsinelas at ang iba ay nagkakasugat dahil sa layo ng lalakbayin. Ipinapakita nito na gaano man ka layo o kaputik ang daan ay walang puwang pagod ang batang sabik sa eskwelahan. Binibigyang diin nito na ang edukasyon ang susi upang maiangat ang buhay na natigil sa pinakailalim. Hindi lamang ito isang mensahe sa mga mahihirap ngunit sa mga tinatawag na middle class at high class din sapagkat walang madaling daan na matutunguhan sa paglalakbay patungo sa ating mga pangarap. Ang edukasyon ay nagsisilbing gabay at ako mismo ang dapat magdiskarte kung paano ko ito magagamit ng maayos. Malayo ang mga nilalakbayan ng mga bata kaya may mga sugat silang makukuha dito. Kaya, ang mga guro sa nasabing paaralan ay hindi lamang tumuturo, ngunit inaalagaan narin na parang sariling anak. Kagaya ni Sir Mike, siya ang gumugupit sa mga kuko at gumagamot sa mga sugat ng kaniyang mga estudyante. Dito ko napagtanto kung gaano ka importante ang mga guro sa ating buhay sapagkat sila ang ating pangalawang magulang na tumutulong sa ating matagumpay na buhay. Ipinapakita din ang motibo ni Teacher Jun kung saan labis na nagaaalala siya sa kaniyang mga estudyanteng hindi na pumapasok sa paaralan dahil napilit magtrabaho upang makatulong sa pamilya. Isa mga halimbawa nito ay ang estudyante na si Marvin, isang top 1 na estudyante mula grade 1 hanggang grade 4 ngunit hindi na ito nagpatuloy. Ako ay namangha sa ginagawa ni Teacher Jun kung saan binibigyan talaga niya ng oras ang paghahanap sa kaniyang mga estudyante upang kumbinsihing magpatuloy sa pag-aaral. Ayon nga sa kanya, ang pagtuturo umano ay hindi na lamang isang propesyon kundi isang responsibilidad narin upang tumayo bilang magulang sa mga estudyante. Dito ako labis na namangha sa propesyon na guro sapagkat makikita mo ang dedikasyon sa pagbigay serbisyo lalo na sa mga nangangailangan. Ito ang pag-uugali ng mga guro sa aking palagay sapagkat may potensyal ang isang mag-aaral na hinding hindi dapat nasasayang. Dito ko napagtanto na ang edukasyon ang kinakailangan talaga sa lahat sapagkat dito napahusay ang ating mga potensyal at kakayahan na maaaring maging isang napakahalagang kontribusyon sa kaunlaran sa lipunan. Sa isang batang hindi makakapag aral ay isa rin ang masasayang na potensyal. Ito ay isa sa aking mga napagtanato kung bakit “Walang Maiiiwan” ang naging pamagat ng nasabing dokumentaryo. Ang bawat isa sa atin ay nabiyayaan ng magagandang regalo at kasanayan na hindi dapat nasasayang sapagkat kaya pananagutan nating makapag-aral upang mapahusay ito at makatutulong sa ating pamilya at sa ating lipunan. 
        Ang dokumentaryong ito ni Kara David ay nagbibigay sa akin ng isang mahalagang mensahe na hindi ko dapat sasayangin ang anumang oportyunidad upang makapag-aral sapagkat ito ay isang susi sa ating matagumpay na hinaharap at may mga kabataang napagkait sa oportyunidad na ito dahil sa kahirapan. Napagtanto ko rin na kailangan nating magbigay ng suporta sa mga mahihirap lalo na sa kanilang edukasyon upang sama sama tayong aahon sa buhay para walang maiiwan. Mahalaga rin ang ating mga guro sapagkat malaki ang kanilang naging kontribusyon sa ating buhay at kung gaano sila nagsasakripisyo maabot lang ang ating mga pangarap at hangarin sa buhay. Binibigyang diin nito na hangga’t may mga batang handang-handa mag-aral at mga gurong handang magsakripisyo sa ngalan ng serbisyo, may pag-asa sa gitna ng kawalan.
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
“Replektibong Sanaysay: Walang Maiiwan” (Pete Balbon)
Ang video na napanood ko ay pinamagatang: "Walang Maiiwan." Ang isang dokumentaryo ni Kara David ay pangunahing nagpapakita ng buhay ng ilan sa ating mga kapwa Pilipino sa kanilang pang-araw-araw na paglalakbay upang makakuha ng edukasyon. Sa video, ipinapakita kung paano tumawid sa ilog na nakasakay sa balikat ng kanilang magulang ang mga bata na wala pang 10 taong gulang. Pagkatapos nito, naglalakad sila ng isang oras na paglalakad sa matarik na burol patungo sa kanilang lokal na elementarya. Mas malalim sa video, pinuno ni Kara upang kausapin ang kanilang mga guro upang pag-usapan patungkol sa buhay ng kanilang mga mag-aaral. Napag-alaman niya kalaunan na ang kanilang paaralan ay may mataas na drop-out rate, na nagtulak sa kanya na maghukay ng malalim upang malaman ang mga dahilan ng paglabas ng mga mag-aaral.
Katulad nito, naaalala ko noong maliit pa ako ay masigasig din akong pumasok sa paaralan. Tulad ng mga bata sa video, sabik at nasasabik akong makita ang aming mga guro. Ngunit sa aking paglaki, unti unti akong napapagod sapagkat ako ay nakakakuha ng mababang marka, at palagi akong pinagagalitan ng aking mga magulang dahil dito. Pagkatapos nito, nakuha ako ng aking mga magulang ng isang guro mula sa Unang Baitang hanggang sa Ika-3 Baitang. Masaya akong makita ang paglaki ng aking mga report card hanggang sa napagpasyahan kong hindi ko na kailangan ng isang tagapagturo. Pagkatapos ay naging tamad ako dahil binigyan kami ng guro ng mga takdang aralin halos bawat linggo at nawala ang pagganyak kong malaman. Hanggang ngayon, hinihimok lamang ako ngayon na malaman na magbigay ng respeto na binabayaran ng aking mga magulang para sa aking edukasyon.
Labis akong kalungkutan at pagkabigo sa aking sarili na ako ay napakaliit at napaka-sensitibo. Ang panonood ng video, napagtanto sa akin na dapat akong magsumikap na ituloy ang aking mga pangarap dahil ang aking mga problema ay napakaliit kumpara sa mga naninirahan sa mga kondisyong iyon. Ito ay isang paggising na kailangan kong maging mas aktibo sa pamayanan, mag-aral nang mas mabuti, at maging matagumpay hanggang sa masuportahan at matulungan ko ang mga taong hindi pinalad at mabayaran ang lahat ng pagsusumikap na ibinuhos ng aking mga magulang upang makapunta ako dito ngayon.
Tumblr media
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
“Walang Maiiwan.” Isang Replektibong Sanaysay (Andrea Bermudez)
        Sa simula ng dokumentaryo ipinakita ang paglalakbay ng mga estudyante na nasa sa mga rural na mga lugar patungo sa kanilang paaralan. Doon, ako ay namangha dahil makikita kung gaano nila na gustong mag-aral kahit na umabot pa ng isang oras ang kanilang paglalakbay. Sa dokumentaryong “Walang Maiiwan” ni Kara David, umabot sa aking puso ang determinasyon ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Tumblr media
        Sa dokumentaryo ipinakita na lumulusong ang mga bata sa ilog para tumawid patungo sa kanilang paaralan, isinisigurado nila na hindi mababasa ang kanilang mga gamit sa pamamagitan ng pagtaas nila ng kanilang mga braso. Doon, ang gma matatandang mga estudyante ay ini-aalayan nila ang mga malilit na mga estudyante kase hindi pa nila kayang mag-isang tumawid sa ilog. Pagkatapos nilang tumawid ay lumakad pa sila ng malapit umabot ng isang oras patungo sa paaralan. Nang makarating na sila hindi pa sinisimulang ng guro nilang magturo dahil kailangan pa niyang linisin ang kanilang mga sugat at linisin ang kanilang mga kamay, parang naging routine nila ito bago magsimula. Sa ipinakita doon, nakita ko ang kanilang mga mukha na kahit gaano ka hirap ang kanilang iniharap nila araw-araw para makapag-aral pursigido silang pumasok. 
        Dahil nasa mga rural na lugar ang mga paaralan, naging karaniwan pa rin ang pag-drop out ng mga estudyante sa pagtungtong ng ikatlong baitang dahil ang pag-iisip ng mga magulang ay kapag marunong ng magsulat at magbasa maaari na nila itong ihikayat na magtrabaho para sa kanilang pamilya. Ito ay ipinag-aalala ng mga guro doon dahil gusto nila na ang kanilang estudyante ay makapagtapos ng pag-aaral at hindi ito naging hadlang na hindi hikayatin ng mga guro ang kanilang mga magulang at ang mga nag-drop out. Dahil dito, nagpunta sa bahay-bahay ang punong guro ng paaralan upang hikayatin at alamin kung bakit sila tumigil. Halos ng mga sagot ng mga bata ay tumigil sila dahil walang makapagtulong ng kanilang pamilya at mas pinaprayoridad nila ang pamilya kaysa sa pag-aaral. Doon, ako ay nagpapasalamat sa aking mga magulang na maginhawa ang aking buhay dahil hindi ko nararamdaman ang paghihirap habang ako ay nag-aaral. 
        Pinamagatan itong “Walang Maiiwan,” dahil nais ng mga guro na walang maiiwan na bat ana hindi makapag-aral lalo na nakapagtapos ito. Sa buong dokumentaryo nararamdaman ko ang paghihirap, mapasalamatin, at determinasyon. Ito ay dahil mas naging determinado akong mag-aral dahil hindi lahat ay simpleng makapag-aral at isa pa ay upang ang aking bunga ng pag-aaral ay makapagtulong sa kanila na maging maginhawa ang pag-aaral ng ibang mga bata at ang kanilang pamilya.
1 note · View note
12aimericha · 3 years
Text
Bionote
Iklik mo ito upang malaman mo ng maayos kung sino-sino ang sumulat sa blog na ito. BIONOTE
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
PANKOMUNIDAD NA COASTAL CLEAN-UP DRIVE SA GUSA COASTAL ROAD
ABSTRAK
   Ang hindi wastong pagtatapon ng basura o mga bagay na hindi dapat itapon kahit saan ay sumisira sa kagandahan sa paligid natin at may malaking epekto sa ating mga karagatan o anumang anyong tubig at nakakaapekto rin sa ating kapaligiran, lipunan at ekonomiya. Ang panukalang ito ng proyekto tinutugunan ang isyung ito sa pamamagitan ng paglilinis ng mga solidong basura o basurahan sa mga katawan ng tubig na pumapaligid sa paligid ng Lungsod ng Cagayan de Oro. Ang pangkalahatang layunin ay hindi lamang linisin ang mga lugar sa baybayin na tinapon ng solidong basura ngunit upang bigyan ang mga kabataan ng pananaw na dapat nating panatilihing malaya ang ating mga katawang tubig mula sa solidong basura, tulad ng mga plastik na bote, naiwan mula sa pangingisda tulad ng lambat, baso at iba pa. Kailangan din tayong magkaroon ng wastong pagpapatupad na mahigpit na ipinahiwatig kung saan ang basurahan ay dapat itapon sa isang naaangkop na lugar tulad ng mga basurahan at mayroon ding paglilinis na drive sa pagitan ng mga araw, linggo o buwan. Ang proyektong ito ay may badyet na Php 1,000.00. Sa proyektong ito magkakaroon ng iba't ibang mga tao na naatasan na may iba't ibang mga responsibilidad para sa aktwal na pagpapatupad ng proyekto tulad ng isang monitoring team, development team, registration group, orientation group at ang clean-up group na binubuo mula sa iba`t ibang mga pangkat para sa ipinanukalang proyekto. ang proyektong ito ay makakatulong sa maraming tao tulad ng isang lokal na mangingisda, mga bisita o turista, ang gobyerno at mga lokal na negosyo sa paligid ng Lungsod ng Cagayan de Oro.
Kung gusto mo ipatuloy, iklik po ito upang ipatuloy.
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
EPILOGO
         Sa kabuuan ng paggawa ng E-portfolio, maraming natutunan ang mga mag-aaral at may mga naipahubog na mga kakayahan. Isa nito ay ang pagbuo ng mga mini-task gamit ang wikang Filipino, hindi naging kasanayan sa ilan ng mga mag-aaral ang pagbuo ng mga sulatin gamit ang wikang Filipino na mayroong tamang estruktura at istilo ng pagsulat at sa pamamagitan nito ay naipahubog at mas napabuti nila ang kanilang pagkamalikhain at kanilang kasanayan sa wikang Filipino. Sa paggawa ng portfolio, nais pasalamatin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod: Ang Panginoon, dahil sa walang lubos na pagbigay ng kakayahang makapagbuo ng mga gawain at sa palaging paggabay sa mga mag-aaral; Bb. Mary Bentuzal, sa palaging paggabay ng mga mag-aaral sa panahon ng paggawa ng mga gawain at sa palaging pangungumusta sa kanila. Kung hindi sa tulong ni Bb. Mary ay hindi maging possible ang pagkakabuo ng portfoliong ito; at ang mga mag-aaral, dahil nakapagtapos sila ng paggawa ng mga gawain at may natutunan sa ikatlong kwarter ng ikalawang semester. Ang mga napahusay na kakayahan ng mga mag-aaral ay higit na makatutulong sa anumang gawaing maeengkwentro sa hinaharap.
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
Rubrik para sa E-portfolio
Organisasyon at Istruktura ng buong papel               30 puntos
Prologo                                                                       15 puntos
Pagkamalikhain                                                          25 puntos
Paggamit ng wastong balarila                                    15 puntos
Epilogo                                                                       15 puntos 
Kabuuan                                                                   100 puntos
0 notes
12aimericha · 3 years
Text
Tumblr media
      Si Ma. Angelica Darl D. Chavez ay isinilang noong ika-13 ng Hulyo sa taong 2002. Lumaki siya sa Lungsod ng Butuan at kasalukuyang naninirahan kasama ang kaniyang pamilya. Kilala siya sa pangalang “Angel”. Siya ang panganay na anak na may dalawang bunsong kapatid. Si Angel ay nakapagtapos ng elementarya sa Butuan Central Elementary School at sa Father Saturnino Urios University naman sa Junior High School. Nang siya ay naging SeniorHigh School Student, siya ay lumipat sa Lungsod ng Cagayan de Oro upang makapag-aral sa Xavier University, Ateneo de Cagayan.
      Ilan sa mga karangalan at komendasyong kanyang natanggap ay ang pagiging consistent honor student simula pa noong elementary hanggang senior high school. Sumasali rin siya sa mga paligsahan kagaya ng Journalism partikular sa broadcasting at mga isport kagaya ng balibol at swimming.
      Sa kasalukuyan, patuloy paring nag-aaral si Angel sa Xavier University Ateneo de Cagayan upang makamit ang kanyang pangarap na maging isang CPA-Lawyer sa hinaharap.
0 notes