Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Kalayaan para sa lahat


Ang Kalayaan para sa akin ay isang salita na mahalaga sa mga tao. Importante ito sa mga tao na nangangailangan at para sa mga tao na walang alam sa kalayaan. Kailangan rin nang mga tao nang lakas upang makapagbigay nang kalayaan sa kanilang sarili. Isa rin itong simbolo na nagpapakita nang makasaysayan konteksto sa mga kapwa filipino.
Ang kasaysayan ay isang paglalakbay tungo sa kalayaan ay puno ng mga makasaysayang pangyayari na humubog sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang makasaysayang okasyong ito ay ipinagdiriwang bilang Araw ng Kalayaan, na simbolo ng sama-samang pakikibaka ng mga Pilipino para sa sariling pagpapasya at pagnanasa para sa kalayaan na tumagal ng mahigit tatlong siglo. Ang kilusang ito ay tinawag ng mga Pilipino na magkaisa at magsakripisyo para sa kanilang kalayaan.
Ngunit hindi natapos ang laban sa pagkakapahayag ng kalayaan ito ay nagpatuloy sa ilalim ng kolonisasyon ng Amerika, na nagdala ng ibang hamon sa pakikibaka para sa sariling pamamahala. Ang Digmaang Pilipino Amerikano ay ipinakita ang pagtutol laban sa banyagang kapangyarihan, na itinatampok na ang pakikibaka para sa kalayaan ay hindi lamang isang kaganapang historikal kundi isang patuloy na pagsisikap.
Sa pagtatapos neto kailangan natin na ang kalayaan ay dapat alamin na hindi lahat nang tao ay makakakuha neto kasi kailangan natin matuto at magbibigay nang alam sa ibang tao. Ang kalayaan ay hindi rin lamang isang salita, na ito ay isang makapangyarihang simbolo ng diwang Pilipino na punung-puno ng katatagan, pagkakaisa, at walang humpay na pakikibaka para sa kalayaan.

Zildjan Gabriel B. Manghihilot
13 notes
·
View notes