Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Bakit mahalaga sa mga mag aaral ang internet o social media at ano ang naitutulong ng internet o social media?
Name: Arriesgado, Cassandra C.
11 HUMSS 2a Providence
bakit mahalaga ang inter o social media sa mga mag aaral at ano ang naitutulong nito?
- bago ko italakay sa inyo kung bakit mahalaga ang internet o social media tanongin ko muna kayo ano ba ang social media?

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.
May iba’t - ibang uri ng social media na iyong magagamit sa araw araw at lahat ng social media ay mayroong kanyang tunkulin
Mga uri ng social medias:

Facebook
Ang Facebook ay isa sa mga pinaka sikat na social media sa ating bansa ito ay nagagamit sa pang komunikasyon at pagkilala sa isang tao at ito din ay libreng gamitin kung sino man ang gustong gumamit itinatag ito ni Mark Zuckeberg kasama ang kanyang kaklaseng agham na si Dustin Moskovitz at Chris Hughes

Instagram
Ang Instagram ay isang online mobile na serbisyong photo-sharing, video-sharing at social networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga larawan at bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba't ibang plataporma ng social networking, gaya ng Facebook, Twitter, Tumblr at Flickr. Ang isang kakaibang katangian nito ay ang pagpipirmi ng larawan sa hugis parisukat, na kahawig ng mga imahe ng Kodak Instamatic at Polaroid, di-tulad sa 4:3 na aspect ratio na kadalasang ginagamit ng mga teleponong may kamera. Maaari ring maglapat ang mga gumagamit nito ng mga digital filters sa kanilang mga imahe. Ang pinakamahabang oras para sa mga bidyo sa Instagram ay 15 segundo.

Twitter
Ang Twitter ay isang online news at social networking service kung saan ang mga user ay nagpopost at nag-iinterak gamit ang mga mensaheng tinatawag na "tweet", na hanggang 140 karakter lamang mula 2006 hanggang 2017, nang ito'y lumawig hanggang 280 karater. Ang mga nakarehistrong user ay maaaring magpost ng mga tweet ngunit ang mga di-nakarehistro ay maaari lámang magbasá ng mga ito. Naaakses ng mga user ang twitter sa pamamagitan ng websayt interfeys nito, SMS, o isang app sa isang mobile device. Ang Twitter Inc. ay matatagpuan sa San Franciso, California, Estados Unidos, at mayroong higit sa 25 opisina sa buong mundo.
Ang Twitter ay nilikha noong Marso 2006 nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone, at Evan Williams, at inilunsad noong Hulyo. Mabilis na nagkaroon ang serbisyo ng pandaigdigang katanyagan. Noong taong 2012, mahigit sa 100 milyong mga user ang nagpost ng 340 milyong tweet kada araw, at nagkaroon ang serbisyo ng 1.6 bilyong search query kada araw.

Ang TikTok ay isang Tsinong social networking service na nagbabahagi ng bidyo na pagmamay-ari ng ByteDance, isang kumpanyang nakabase sa Beijing na itinatag noong 2012 ni Zhang Yiming. Ginagamit ito upang makapaglikha ng maikling bidyo ng sayaw, lip-sync, komedya, at talento. Nailunsad ang app noong 2017 para sa iOS at Android sa merkado sa labas ng Tsina. Unang nilabas ng ByteDance ang Douyin para sa merkado sa Tsina noong Setyembre 2016. Nagkaroon ito sa Estados Unidos pagkatapos ng pagsanib nito sa musical.ly noong Agosto 2, 2018. Magkatulad ang TikTok at Douyin sa bawat isa at magkapareho na app sa pangkalahatan, bagaman tumatakbo ang mga ito sa magkahiwalay na mga server upang umayon sa mga restriksyong sensura ng Tsina. Pinapahintulot ng aplikasyon ang mga gumagamit na lumikha ng maiikling bidyong musika at lip-sync na may 3 hanggang 15 segundoat maiikling umuulit na bidyo na may 3 hanggang 60 segundo. Sikat ang app sa Asya, Estados Unidos, at ibang bahagi ng mundo. Makukuha ang TikTok sa Tsina bilang Douyin; nakabase ang mga server nito sa mga bansa kung saan mayroon ang app.
Bakit mahalaga ang Social Media o Internet?
Kahalagahan ng Internet ngayon sa Edukasyon Walang isa ay maaaring kailanman itigil ang patuloy na pagbabago sa aming mga buhay,dahil ang pagbabago na ito ay nagbibigay ng ang pinakamahusay na bagay sa aming buhay.Samakatuwid, ang internet ay para sa pakinabang ng mga tao. Isipin kung paano ang internet ay gumagana para sa amin sa ngayon? Ito ay talagang kahanga-hangangpagbabago at imbento na pangangailangan ng dagdag na pangangalaga, isipin angaming buhay ngayon ay wala ang internet. Internet sa buhay ngayon ay isangpangunahing kailangan na dapat ay natupad sa pamamagitan ng isang indibidwal. Angmga sumusunod ay ang mahalagang kadahilanan na deal sa internet.
Internet ay nagbibigay sa amin ng isang mas mahusay na komunikasyon sa anumangmundo maaari kang. Ito ay isang mahusay na paraan ng komunikasyon attransaksyon sa anumang negosyo o anumang personal na bagay.
Social Media
Facebook, twitter, yahoo, tumblr, at google. Ilan lamang ang mga nabanggit sa napakaraming social networking site na kumakalat ngayon sa internet. Ang internet ay isang tsanel kung saan madaliang makakasagap ng impormasyon at madali din maibibigay nito. Isa sa paki-pakinabang nito ay ang pakikipag komunikasyon sa mga taong malalayo sa atin kaya naman nauso o nagawa ang napakaraming social networking site. Hindi kapani-paniwala ang bilis ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga pilipino o sa mag-aaral. Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagpapahalaga natin sa pakikipag-ugnayan.
Ang internet ay may malaking tulong para sa edukasyon dahil sa pamamagitan nito, maaari mong madaling gawin ang ilang mga pananaliksik gamit ang internet. Ito rin ay isang paraan dahil maaari ka maghanap ng mga paraan at alintuntunin para sa iyo na mag karoon ng isang mahusay o magandang hinahanarap.
Maraming mabubuting epekto at pakinabang ang internet at social networking sites sa edukasyon ng mga kabataan ngayon, naka depende na rin ito sa gumagamit. Masasabi natin na malaking tulong ang internet sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at edukasyon. Subalit kinakailangan tandaan na nararapat gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapag dulot ito ng mga masasamang epketo sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tama o mabuting pamamaraan.

Kahalagahan ng Social Network
Para sa akin, ang social media ay isang tulay na nagdudugtong sa aking nakaraan:
1. sa mga taong nakapagbigay ng impluwensya sa akin 2. sa mga lugar na nagbigay ng masasayang alaala 3. mga karanasang nagturo ng bagong kaalaman
Ang social media din, para sa akin, ay tulay na nagdudugtong sa akin sa kasalukuyan:
1. sa aking mga mahal sa buhay na hindi ko kasama 2. mga kaibigang nasa malayong lugar 3. mga pangyayari sa aking bayang kinamulatan at kasalukuyang kinaroroonan 4. kamalayan sa mga nagaganap sa ibang panig ng daigdig 5. pagbabahagi ng bagong ideya o kaisipan
At idinudugtong din ng social media ang kasalukuyan sa hinaharap sa pamamagitan ng:
1. mga impormasyon tungkol sa makabagong teknolohiya 2. mga balita tungkol sa mga pagbabagong makaka-impluwensya sa hinaharap 3. mga matututunang kaalaman na makapagpapa-unlad sa aking kinabukasan
Pinalawak, pinadali, pinatipid ng social media ang paraan ng komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon. Isang mabuting bagay ito para sa ating mga gumagamit, subalit gaya ng kasabihan, “Ang lahat ng sobra ay masama.”
Ang social media ay may kaakibat na responsable at maingat na paggamit upang hindi mapinsala at huwag makapinsala.
0 notes
Text
Kahalagahan ng social media
Bordario, Shane Anne C.
11 HUMSS 2A PROVIDENCE
Ano ba ang kahalagahan ng social media sa ating lipunan at pang araw-araw na pamumuhay ngayon?
Ayon sa artikel ng Forbes, ang pagbababad sa internet ay nakakapagdulot ng adiksyon. Nakaka-apekto ito sa iyong personal pakikipagtalastasan o sa iyong relasyon dahil mas maraming oras ang nasasayang ng isang indibidwal sa paggamit ng social media.
Paano ang mga ito nakakatulong ?
Ang Internet at social media ay malaking tulong hindi lang sa ating sarili pati narin sa buong mundo dahil makakuha ka rito ng maraming kaalaman, kasanayan at makakalawak ng ating kaisipan na mararanasan natin sa ano mang araw. Isa sa mga mahalagang app o website ay ang google.
Ano ngaba nag google?
Ang google ay isang kasangkapang tutulong satin upang mas magiging madali ang paggawa ng mga takdang aralin, isang pindot mulang ng “ search “ ay marami ng lalabas na resulta sa iyong kailangang gawin. Hindi kalang makakahanap dito ng impormasyon meron din itong mga apps na pwede mong gamitin sa pag aaral ito ay ang Gmail, Google Docs, Google Spreadsheet, DocHub at iba pa. Ang larawan na iyan ay ang aking personalized google kaya iba ang anyo .
0 notes
Text
Ang itinulong ng Internet at social media sa pag-aaral ng mga kabataan tungo sa kanilang kinabukasan.
Maria Andrea Christabelle Y. Obnial
11-HUMSS 2A PROVIDENCE
Malaki ang tulong ng internet sa mga kabataan lalong lalo na't sa mga mag-aaral, dahil sa teknolohiya, ito ay mas nakakalamang at mas makabago, marami na ang pwedeng gawin sa internet, sa pag type lamang ng mga konting salita at pag search, ito ay nakakabuo ng milyon-milyong resulta. Nakakatulong ito sa atin na makatuto ng mga bagong mga salita at mga leksyon. Sa tulong ng Google at ay napapadali ang ating paghahanap ng mga kaalaman na ating magagamit sa paggawa ng mg proyekto. Sa tulong nito ay medaling natatapos ng mga estudyante ang kanilang mga Gawain at natutulungan rin tayo nito na maintindihan ang mga paksang tinalakay na guro di natin naintindihan sa klase.
Ang social media ay mga website at application na ginagamit ng malalaking grupo ng mga tao upang magbahagi ng impormasyon at upang bumuo ng mga social at propesyonal na mga contact. Mahigit 38 milyong Pilipino ang gumagamit ng internet at karamihan sa mga ito ay kabataan nasa edad 30 pababa.

Sa social media sites tulad nga facebook ay napapdali ang pakikipag komunikasyon mga mag aaral sa guro at mas madali na tayong magabayan ng ating mga guro sa proyectong ating ginawa nang hindi nahihirapan. Sa tulong ng facebook ay maari tayong makipag usap at makipag chat sa ating guro online at sa tulong rin ng facebook ay maari tayong mag send ng proyecto online sa ating mga guro. Sa loob ng labindalawang taon ay tumatala na sa 1.59 ang mga aktibong gumagamit nito buwan buwan.

Sa YOUTUBE ay kung saan maaari kang mapakanood ng iba’t-ibang video na may iba’t-ibang paksa. Napakalaki ng tulong nito dahil maaaring makapanood ng mga “videos” at maaari ding mapadali ang pag intindi dito dahil napanonood na ito at hindi narin tatamarin na magbasa. Malaking tulong rin ito dahil pag may hindi naintindihan ay isang search lang at maaari nang lumabas ang video na gustong mapanood. Napakalaki ng naitutulong ng mga social media na ito sa mga mag-aaral dahil hindi lang sila nagbibigay aliw subalit nagbibigay din sila ng mga impormasyon na masasabing nasa kategoryang iskolastiko.
ang isa pang social networking sites na makakatulong sayo ay ang Twitter. Twitter ay isa ring networking sites na kung saan, ay gusto mong magbahagi ng iyong nararamadaman. Kung pagod ka ba sa mga gawain mo sa school, o kaya kung masaya ka, o pati na rin kung malungkot ka. Anong kinalaman ng Twitter sa Edukasyon? Ayon sa isang pag-aaral, kung may gusto kang ibahagi na hindi mo kayang ibahagi ay magsulat ka sa isang diary. Sa paraang ito, sa pagsulat mo ng isang diary ay mas lalong giginhawaan kang gawin kung ano ang gustong gawin. Twitter ang nagsilbing iyong diary. Sa tekstong ang sinulat tungkol sa pagbabahagi ng iyong nararamdan sa paraang ng isang networking sites na Twitter, ay mas lalong gagaan ang iyong pakiramdam na mag-aral muli.
Marami pang plataporma ng social media ang mayroon, ngunit ito ang pinaka nagagamit ng iba. Marami ang masama at ikinabubuting dulot ng social media at dapat lang na gamitin natin ito sa mabuting paraan, huwag natin itong gamitin bilang sagabal sa katungkulan natin bilang isang anak at isang estudyante. Dapat maging mapanuri tayo sa ating mga nakikita sa internet at sa social media, hindi lahat ng nakikita natin ay totoo at puwedeng paniwalaan kaagad kaya responsibilidad parin natin na tingnan muna ng maigi kung ano ang ating nakikita at nababasa sa internet.
“Huwag natin gamitin ang social media upang mapahanga ang mga tao; gamitin ito upang magbigay ng magandang epekto sa mga tao”
0 notes
Text
TUNGKULIN O HALAGA NG INTERNET O SOCIAL MEDIA SA MAKABAGONG PANAHON NG PAG-AARAL.
Kleford C. Reponte
11-HUMSS 2A Providence
Noong unang panahon, ang tanging inaasahan ng mga mag-aaral ay ang mga makakapal na libro upang makapag-aral, magbasa at kumuha ng mga ideya na nakasulat sa bawat paksa ng aklat.

http://library.ust.edu.ph/sections.html
Ngunit habang tumatagal, mas lalong umusbong ang pamamaraan ng pag-aaral dahil sa makabagong teknolohiya ng naimbento ng ating mga magigiting na Scientists kagaya na lamang ng kompyuter na kung saan ay naglalaman ng internet o social media na naging mabisang paraan sa karamihan lalong-lalo ng sa mga estudyante dahil nakatutulong ito sa kanilang araw-araw na pag-aaral at pakikipag-komunikasyon.
Bakit nga ba nakatutulong ang internet o social media sa pag-aaral ng mga estudyante? At bakit ito nakatutulong sa kanilang pakikipag-komunikasyon?

https://www.teachhub.com/technology-in-the-classroom/2020/09/assistive-technology-in-the-classroom/
Ang internet o social media ay binubuo ng maraming aplikasyon at mga plataporma na kung saan ay maari ka kumuha rito ng mga ideya, mga pagliliwanag sa iyong sinasaliksik ng mga gawain, mga imahe na nais mong makita at iba’t-ibang impormasyon na pawang katotohanan (nararapat tingnan kung saan naggaling ang detalye) at magagamit mo ito upang tagumpay na tapusin ang mga gawain mo sa paaral at iba pang pananaliksik. Sa panahon ngayon na kung saan ang pagkakaroon ng libro ay hindi na masyasong importante dahil laman na ng internet ang mga impormasyon na nais mong malaman para sa iyong akademya o gawain. Sa modernong panahon, ang internet o social media ang naging tulay sa karamihan upang makapag-aaral ng masinsinan at advance ang mga estudynate sa kani-kanilang larangan.
Ano-anong mga plataporma ng internet o social
media ang magbibigay sayo ng mga kaalamang nais mong malaman?
Una na dito ang Google. Ang Google ay nanggaling sa American multinational technology company na nagseserbisyo sa internet upang ang mga estudyante o mga tao ay magkakaroon ng mas mabilis na resulta ng kanilang nais na alamin sa pamamagitan lamang ng plataporma na ito. Maraming tao lalo na mga taong nagsasaliksik ng mga kaalaman ang gumagamit ng Google upang mahanap nila ang sagot sa kanilang hinahanap.
Sa Google, marami ring mga resulta ang makikita mo kaya piliin lamang ang makapagkakatiwalaang impormasyon at nag-ulat ng bahaging iyan. Hindi ibig-sabihin na dahil nasa social media o internet ay katotohanan na agad, dapat siguraduhing tama ang naging detalye.
Isa sa mga plataporma na nakakatulong sa pag-aaral ng mga kabataan o lahat ng tao ay ang Youtube. Ang Youtube ay nanggaling sa headquartered ng San Bruno, California. Naging mabisa ito dahil mas lalong nakikita ng isang mag-aaral ang ipinapahayag ng kahulugan ng isang bagay sa pamamaraang pagkuha ng edited video na nagtataglay ng pagtuturo sa mga kabataan upang maging handa na sa pasukan. Mahalaga din ito dahil maaring ang mga guro ay magbahagi ng mga isinagawang bidyo sa bahay para sa susunod na pag-kaklase sa silid.

Ang Messenger na aplikasyon ay hindi man kasiguraduhang lugar na maari kang kumuha ng mga impormasyon o saktong detalye para sa iyong akademya ngunit kagaya ng nabanggit sa itaas, hindi magiging maayos ang magandang epekto ng social media sa iyong akademya kung walang Facebook messenger. Siguro iisipin niyong napaka simpleng bagay lang ng aplikasyon na ito ngunit tumutong ito sa iyong komuninasyon. Kung maari’y kunan natin ng halimbawa ang pandemya ngayon na kung saan ang lahat ng tao ay nakabalot ang mukha at nakadistansiya sa isa’t-isa, ngunig gayunpaman ay nakatutulong ang messenger sa paghahatid ng inyong mensahe para mapadali ang pagtapos ng isang gawian at matagumpayan ang pakikipay-usap sa mga classmates, kaibigan at pamilya.
Sobrang dami pang mababanggit na mga aplikasyon o plataporma na nais mong panggalingan ng sinaliksik mong impormasyon sa social media o internet at iilan lamang ang mga nabanggit sa itaas.
Ngunit dahil din sa modernong panahon, ang paggamit ng ibang plataporma ay nababastos ng ibang tao. Kaya nararapat ay gamitin lamang ang internet o social media sa wastong pamamaraan. Alagaan natin ang pribadong buhay meron tayo sa internet. Laging tandaan na ang internet ay halos ginagamit na ng buong tao sa mundo kaya dapat muna isipin kung anong nais na ibahagi online.
0 notes
Text
Mga mabubuting dulot ng social media sa tao at mga dapat tandaan kung gagamit ng internet
CHARITY C. ANJAO
11HUMSS2A-PROVIDENCE
Sa paglipas ng panahon ay mas napalawak na ng tao ang teknolohiya. Isa na dito and Internet. Ano ang internet?
Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon. Sa panahon ngayon, napakalaki ng naitutulong ng internet sa mga trabaho at lalong lalo na sa edukasyon. Kaya tayo ay magsaliksik kung paano nga ba ito makakatulong.Bakit nga ba nakakatulong ang social media sa ating pang araw-araw na pamumuhay? Paano nga ba ito mas napapadali ang ating pakikipag komunikasyon sa ibat ibang tao kahit nasa malayo ito? Ngunit kaakibat ng mga magagandang dulot nito sa ating buhay ay may dapat din tayong tandaan sa paggamit nito .
Narito ang mga halimbawa :
Magagandang dulot ng Internet at Social Media
Una:
GOOGLE
Isa ito sa mga pinaka ginagamit ng mga estudyante na katulad ko dahil nandito lahat ang mga impormasyon na gusto mong malaman dahil mas napapaadali nito ang pagsasasaliksik natin sa mga bagay-bagay o mga gawain na gustong ipasaliksik ng guro sa atin.
Ang magandang nadudulot naman nito ay, kahit wala kang libro na mapag hahanapan ng sagot, pwede ka pang mag hanap sa site na pwede mong puntahan para tulong sa pag-aaral mo. Napapagaan nito ang mabibigat nating gawain at ang isa pang benepisyo ay mas nakakatipid tayo sa oras.
Pangalawa :
FACEBOOK

Ang “facebook”. Ay isang uri ng aplikasyon na kung saan maaring magbahagi ng mga ideya o karanasan ang isang indididwal ng gumagamit nito. Hindi rin natin maikakaila marami sa kabataan ngayon ang gumagamit ng “facebook” sa pakikipagtalastasan. Sa paggamit ng sistemang ito malayang nating naipapahayag ang ating mga komento o damdamin na nais nating iparating hinggil sa mga pahayag na nakapaskil sa “facebook” ng isang kaibigan o kakilala. Nagsisilibi din itong tulay sa malayang pakikipagkomunikasyon natin sa ibat ibang tao. Nakakatulong ito upang mapaunlad ng isang indibidwal ang kakayahan sa pakikipagkomunikasyon. Dito natin maipapahayag ang positibo at negatibong opinion hinggil sa isang paksa at dahil sa sistema natin ngayon hindi natin mapag kakaila na ito ang pinaka pinanggagamitan natin ng pakikipag komunikasyon sa ating mga guro,kapwa kamag-aral at mga iba pa nating kamag anak.
Pangatlo:
YOUTUBE

Ang youtube naman ay ginagamit din natin sa pang araw-araw dahil nandito din ang mga gusto nating malaman katulad ng mga balita sa tv na nakaligtaan niyo o nakalimutang panoorin.Pwdeng pwde niyo itong panoorin sa pamamagitan lang ng pag tatype lang ng title neto.Hindi lang iyon, dahil ang youtube ay pinapapakinabangan talaga ng mga tao ngayon katulad naming mga estudyante dahil nandito ang mga pre recorded video na leksyon ng aming mga guro kaya hindi na kami masyadong nahihirapan sa pag susuri at pwede din naming itong ulit ulitin kapag may paksa kaming naguguluhan .Dahil din sa youtube ay marami ding mga tao ang umaangat sa buhay.
Pang-apat :
GOOGLE MEET AT ZOOM

Ang pang apat naman ay ang zoom at google meet.Sinali ko ito dahil isa ito sa mga pinaka ginagamit naming mga estudyante ngayong pandemic pa at bawal pa pag facetoface na klase.Dahil dito ang mga guro ay nalalahad nila ang kanilang mga salawikain ukol sa kanilang mga paksang tinatakalay.Itong dalawang ito ay nakakatulong talaga sa aming mga mag-aaral para may mga makabagong leksyon na naman kaming malalaman sa aming pag aaral kahit hindi namin nakikita talaga ang aming mga guro.
TANDAAN:
Lagi nating tatandaan na sa paggamit ng Internet ay may limitasyon ito. Nakaka-apekto ang madalas na internet access sa kalusugan ng ating utak. Nagdudulot ito ng “sleep deprivation” o dahilan upang hindi tayo makatulog sa gabi. Sa kabilang banda, nagiging dahilan din ito sa pagkakaroon natin ng maikling pasensya o pokus sa isang bagay.
Ayon sa artikel ng Forbes, ang pagbababad sa internet ay nakakapagdulot ng adiksyon. Nakaka-apekto ito sa iyong personal pakikipagtalastasan o sa iyong relasyon dahil mas maraming oras ang nasasayang ng isang indibidwal sa paggamit ng social media.
Masaya man o nakakadulot ng aliw ang araw-araw na pag-access sa internet, hindi pa rin maganda na mauubos ang oras mo dito na hahatong sa pagka addict kaya kung gagamit ng internet ay dapat tayong magkaroon ng limitasyon upang mas humaba pa ang gating buhay at malayo sa mga sakit.

0 notes
Text
ANG KAHALAGAHAN NG INTERNET O SOCIAL MEDIA, SA PANAHON NGAYON.
JHUNDIL C. TRUMPETA
11 HUMSS 2A- PROVIDENCE
Malaki ang kahalagahan ng Internet o social media sa panahon ngayon lalong-lalo na sa mga mag-aaral, dahil sa mga pangyayaring dumating sa buong mundo.
Bakit nga ba mahalaga ang Internet sa panahon ngayon?
Ito ay talagang kahanga-hangangpagbabago at imbento na pangangailangan ng dagdag na pangangalaga, isipin angaming buhay ngayon ay wala ang internet.
Ang Internet ay naging malaking bahagi ng ating buhay. Nakatulong ito sa mga estudyanteng kagaya natin sa paggawa ng mga gawain natin sa school o sa mga research. Nakapagpalawak ng bokabularyo sa mga estudyanteng nagamit ng internet sa pamamagitan ng panunuod ng YouTube, paggamit ng mga search engines tulad ng Google.
https://patrickacostaa.wordpress.com/2017/11/02/kahalagahan-ng-internet-sa-buhay-natin/
Epekto ng Internet o Social media sa Panahon ngayon.
Maaring positibo at negatibo ang dulot nito, depende sa taong gumagamit. Ang pag-aaral na ito au inaasahang maging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at ang sa mga guro.

Nakatutulong ang internet sa positibong pananaw sa mga mag-aaral dahil sa panahon ngayon, may lumalaganap na pandemya na naging dulot para ang mga mag-aaral ay hindi makapasok sa kanilang mga paaralan. Kaya’t ipinatupad n gating gobyerno ang bagong sistema ng pagtuturo at pag-aaral ng mga mag-aaral na may kaugnayan sa Internet o Social media, Maari kang maghanap ng mga sagot o paraan para sa iyong asignatura, at Nagbibigay ang Internet ng isang mas mahusay na komunikasyon sa anumang parte ng mundo. Ito ay isang mahusay na paraan ng komunikasyon at transaksyon sa anumang negosyo o anumang personal na bagay. Ang mga sumusunod ay ang Tatlong social meadia’s na laging ginagamit ng mga kabataan at pati na sa mga matatanda ngayon.
Google
Ang Google ay isang Amerikanong multinasyunal na kumpanya ng teknolohiya na dalubhasa sa mga serbisyo at produkto na nauugnay sa Internet, na nagsasama ng mga teknolohiya sa online na advertising, isang search engine, cloud computing, software, at hardware. Ito ay itinuturing na isa sa mga Big Five na kumpanya ng teknolohiya sa industriya ng teknolohiya ng impormasyon sa Estados Unidos, sa tabi ng Amazon, Facebook, Apple, at Microsoft.
Nakakatutulong ang Google para sa mga mag-aaral para mapadali ang sagot sa kanilang mga katanongan, pagsusulit, at mga takdang-aralin. Ganon paman maraming pwedeng gawin sa Google na maaring maganda o hindi kaaya-aya, depende sa taong gumagamit nito.
2. Facebook
Ang Facebook ay isang American online social media and social networking service na nakabase sa Menlo Park, California, at isang punong serbisyo ng kumpanya ng namesake na Facebook, Inc. Itinatag ito ni Mark Zuckerberg, kasama ang mga kapwa estudyante ng Harvard College at mga kasama sa silid na sina Eduardo Saverin, Andrew McCollum, Dustin Moskovitz, at Chris Hughes.
Maaring gamitin ang Facebook upang makapag komunikasyon sa ibat-ibang tao o di-kayay sa iyong mga kakilala. Mahalaga ang Facebook ngayon dahil isa ito sa mga ginagamit upang magkausap-usap o magkaoon ng kumonikasyon sa guro at mga mag-aaral.
3. Youtube
Ang Youtube ay isang platform ng pagbabahagi ng video sa online na Amerikano na matatagpuan sa San Bruno, California. Tatlong dating empleyado ng PayPal-sina Chad Hurley, Steve Chen, at Jawed Karim — ang lumikha ng serbisyo noong Pebrero 2005. Binili ng Google ang site noong Nobyembre 2006 sa halagang US $ 1.65 bilyon; Nagpapatakbo ngayon ang YouTube bilang isa sa mga subsidiary ng Google.
Napapadali nito ang mga bagay bagay at mayroon Pagtatanghal ng video, para maging madali at mas lalong maintindihan ng mga mag-aaral ang mga dapat gawin. Maaari ka ring kumita ng pera sa paggawa ng video at ang pag post dito, ngunit nag de-depende ito sa views at subscriber ng youtube channel mo.
Gaano man kaganda o dikaya’y ka importane ang isang bagay. Mayroong masamang epekto ito kapag hindi gagamitin sa magandang paraan. Dahil sa Internet, marami nang mga kabataan ang inu-una ang paglalaro ng online games o dikaya’y panood ng mga video, at nakakalimutan na ang mga Gawain at ang pag-aaral. Marami sa mga kabataan ngayon ay nalululong sa mga larong kinasisira ng kanilang pagaaral. May pagkakataon pa na hindi sumisipot ang ibang mag-aaral makapaglaro lamang ng mga Dota o Mobile legends o di kaya’y magfacebook lamang. Marami din kabataan ang naiimpluwensiyahan ng mga laro at napapanuod nila. May nganaappektuhan ng mga madadahas na pamumuhay.

0 notes
Text
KENJIE G. GALINGGALING
11 HUMSS2A - PROVIDENCE
Sa likod ng Internet o Social Media sa akademikong larangan.
Ano ba ang kahalagahan ng Internet o Social Media?
Ang internet o social media ay ginagamit ngayon sa buong mundo dahil ito ay napapakinabangan at napakahalagang bagay na mas pinabilis ang komunikasyon sa mga tao at madaling makakuha ng mga balita. Ang internet o social media din ay makakatulong sa lahat lalong – lalo na sa panahon ngayon na mayroong pandemya. Nangunguna rito ang Facebook dahil ito ay makakatulong sa pamamagitan ng pagnenegosyo at pakikipag transaksyon sa iyong sa sosyo, at ang internet o social media din ay malaking tulong din ito sa mga estudyante dahil ito’y ginagamit nila ngayon bilang online na klase. Sa makabagong panahon tulad ngayon ay marami ng mga teknolohiya na magagamit sa buong mundo para madali ang koneksyon sa mga tao. Ang social media ay nakasanayan sa mga tao ngayon dahil pag malungkot sila ay mayroon silang mabuksan na mga makabagong kagamitan ngayon tulad ng kompyuter, cellphone, laptop at iba pa gamit ang internet dahil nawawala din ang pagod ng mga tao lalong lalo na sila ay galing sa kanilang mga trabaho o ano man ang kanilang inaabalahan ay mawawala ang kanilang pagod. Maraming pang mga social media na nagbibigay ng mga impormasyon o may mga gusto tayong panoorin katulad na lamang ng youtube dahil ang youtube ay nandoon ang mga gustong panoorin ng mga tao katulad ng mga tom and jerry at iba pang mga mapapanood na galing sa youtube.
Bakit ginagamit ngayon ang social media o internet?
Dahil gusto ng mga tao na matugunan ang kanilang mga pangangailangan at dito nalang nila idadaan sa mga social media gamit ang youtube dahil dito mapapanood lahat ng mga balita o kung ano man ang gustong panoorin ng mga tao. Ang social media rin ay napakahalaga lalo na sa edukasyon dahil sa panahon ngayon na may pandemya at ito ay magagamit sa pagbahagi ng online na klase at gamit ng social media na site kagaya na lamang ng google classroom, google meet at iba pang social media na site para sa pag – aaral ng mga studyante at mayroon ding google para magamit sa mga mag - aaral at makakuha ng mga ideya tungkol sa kanilang hinahanap.
0 notes
Text
ANG INTERNET AT SOCIAL MEDIA AY NAKAKATULONG SA AKADEMIKONG PARAAN.
FRANCIS IGNACIO F. ABE
Malaki ang naitulong ng internet at social media sa atin ngayon lalo na sa guro at studyante dahil meron tayong naranasang pandemya. Nang dahil sa internet naging madali ang ating pag-aaral at pakikipag komunikasyon sa ating guro at kaklase. Nagkakaroon tayo ng pagkakataon ng matuto kahit nasa gitna tayo ng pandemya.
Ang mga halimbawa na ginagamit natin ngayon sa online class ay Gmail, Google Meet, Zoom, Google Drive, Microsoft Word at marami pang iba. Mahalaga itong mga apps nato sapagkat dito nakabatay ang iyong mga gawain at ang mga importanteng bagay sa iyong pag oonline class.
Ang social media ay tumotukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao kung saan sila ay makibahagi at makipag palitan ng impormasyon. May iba’t-ibang uri ng social media at ito ang madalas ginagamit ng estudyante.
FACEBOOK
Ang facebook ay isang social networking site at dito ay maari kang mag-post, mag komento, makinig ng balita. Ang Facebook ay malaking naitutulong sa mga mag-aaral dahil dito pwede ka makipag komunikasyon sa iba’t-ibang tao nakilala mo at gusto mo makausap at dito rin maraming nakukuha na impormasyon at balita.
GOOGLE
Napaka laking tulong itong google sa edukasyon at sa mga mag-aaral dahil sa mga impormasyon na nilalaman nito. Kunting hirap lang ay pwede na isearch dito sa google nagbibigay ito ng mga resulta kaugnay sa hinahanap mong impormasyon dahil sa google napadali ang mga gawain ng mga estudyante.
YOUTUBE
Ang youtube ay nakakatulong at nagpapakita ng mga video na naglalaman ng mga halimbawa kung paano gawin ang isang bagay. Maraming videos ang laman ng Youtube, kailangan mo lang itong piliin kung ano ang mas nakakatulong, nakakabigay impormasyon at higit sa lahat ang nakakabuti para sayo.
0 notes
Text
KAHALAGAHAN NG SOCIAL MEDIA SA BAWAT INDIBIDWAL
Sarabia, Cherie An M.
11 HUMSS 2A PROVIDENCE

• Bakit nga ba mahalaga ang social media sa bawat indibidwal? Ano ang mga nilalaman at bakit parang totoong hindi makakayang mabuhay ng isang tao kung walang social media? Sa tingin mo ba'y kapaki-pakinabang ba talaga ang social media sa mga tao o di kaya'y may masalimoot pa itong sikreto.

Sa blog na ito masasagutan ang lahat ng iyong katanungan, mga pag-aalinlangan at hinaing tungkol sa social media. Kung handa kanang magbukas ng bagong kaalaman, bigyan mo ako ng ilang minuto upang maipaliwanang ko sa iyo ang tungkol sa kung ano ba talaga social media.
Simulan natin sa sa pag-usbong ng internet, computer, cellphone at mga gadgets ay siya ring pagdating ng mga social networking sites. Ang Facebook, Twitter, Instagram at Wattpad ay ilan lamang sa social networking sites na patuloy na tumatabo ng kasikatan ngayon.

Alam mo bang 75% ng mamamayang Pilipino ang gumagamit ng multi-media. Sa patuloy na paglawak ng impluwensya nito, iilan na lang ang hindi nakakakilala at walang mga social media accounts. Ang paggamit ng mga sites na ito ay mayroong dalawang mukha na makikita: ang mabuti at ang masama. Ang pagkalap ng impormasyon ay mas napadali. Ang mga pangyayari sa iba’t-ibang panig ng mundo ay madali nating nalalaman. Tayo ay nagiging updated sa mga bagong balita gaano man ito kalayo. Sa tuwing may kalamidad maaari na nating malalaman ang kalagayan ng ating mahal sa buhay. Ang pagbibigay ng donasyon ay maari ng ipadala sa madaling paraan ganon din naman ang paghingi ng tulong. Nakakatulong din ito sa linya ng komunikasyon. Ang dating mahabang proseso ng pagsusulatan ay napadali. Ngayon, isang click at touch lamang ay maaari mo na silang makausap.


Bilang isang estudyante at kabataan na sobrang lantad na sa mga ganitong aplikasyon patunay na isa din ang social media para magamit sa mga bagay na iyong gustong malaman at hindi na kailangang magpunta sa malalaking silid- aklatan at maghanap ng reperensya. Lalo na sa panahon ngayon na bawal pa ang pakikipagsalamuha at makipagkita sa mga kaklase, ang social media ang naging daan upang mapadali at maging posible pa rin ang pagkikipag-ugnayan sa mga taong malayo sa atin.
May mga "apps o platforms" na sa social media mo lang magagamit at sobrang malaking tulong ng mga aplikasyong ito sa lahat ng larangan ng ating buhay, pamilya, kaibigan, trabaho, negosya at maraming pang iba. Isa ang Facebook na nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon ng komunikasyon upang maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya sa isang tao na naglalaman ng mahahalagang impormasyon.


Sumunod naman ang Google ang pinakamahalagang parte ng social media kung saan dito mo mahahanap ang mga impormasyon na iyong kinakailangan sa mga reports, research, assignments, projects at iba pa. Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalaong lalo na sa mga mag-aaral. Sa social media napataas ang kalidad ng edukasyon magpahanggang ngayon. Ang Youtube naman ay nakatutulong at nagpapakita ng mga video na naglalaman ng mga halimbawa kung paano gawin ang isang bagay. Kung mararapatin iilan pa lamang yan sa mga napapaloob sa social dahil marami pa ito sa iyong inaakala.
Ang pamumuhay natin ay nagiging sosyal na. Pati ang iyong kakainin para sa hapunan ay maaari mong ipost sa Instagram o Facebook. Pati ang mga litrato ng inyong masayang bakasyon ay maaari mong ipakita doon. Lahat ng nais mong i-post ay maaari mong ilagay sa timeline mo.

Sa kabila ng magandang mukha na naging bunga ng social media, mayroon din naming masamang bunga ito. May kasabihang masama ang sobra at kulang kaya't dapat maging pihikan pa rin sa lahat ng bagay. Tandaan mas masarap mabuhay sa totoong mundo. Mga totoong kaibigan na makakausap at mga totoong kasiyahan na mararamdaman. Huwag tayong mabulag ng atensyon na natatanggap sa multi media.
Gamitin ang social media sa tama at makabuluhang paraan. Gamitin ang freedom of speech at mga karapatang pantao ng may pananagutan.

Dapat pa rin bigyang halaga ang mga mahahalagang bagay sapagkat hindi lamang sa teknolohiya umiikot ang ating buhay.
0 notes
Text
PAANO NAKATULONG ANG INTERNET SA MGA ESTUDYANTE
Pono,Alexandria Sashmaine 11 HUMSS 2A-PROVIDENCE Sa panahon ngayon, hindi mapagkakaila na marami nang gumagamit ng internet , hindi magpapahuli ang bawat pinoy sa kung anong uso ngayon at ito ay dahil ng internet , sa papagamitan ng internet nagiging updated ang bawat isa sa nangyayari sa bansa, Simulan natin sa tanong na “Ano nga ba ang internet?”. Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable (wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko. Ito ay nakakatulong sa bawat isa , katulad na lamang na ang internet ay nakakatulong sa isang estudyante.
Hindi mapagkakaila na ang buhay natin ay nakabilog na sa internet dahil ito’y nakakapagpadali na ng gawain sa araw araw, bilang isang estudyante ito ay nakakatulong saakin sapagkat ito ay nagbibigay saamin ng isang mahusay na komunikasyon sa anumang mundo ka man naroroon. Halimbawa na lamang ay ang Facebook , Twitter at iba pang social media. Mas Madaling nakakarating ang impormasyon sa kanilang klasymet at propesor. Ito rin ay labis na nakakatipid saaming mga estudyante , imbes na magpaload para may itanong sa kaklase ay maari nang ichat nalang ang kaklase at ito’y libre pa. Mayroong tinatawag na “Integrated Virtual Learning “, dito ay maari nang sabay sabay magaral ang magaaral kahit malayo sila sa isa’t isa. Ang internet rin ay makakatulong upang mapadali ang aming gawain ng walang nasasayang na oras. Halimbawa na lamang ay ang pagsesearch , hindi na kailangan maghanap sa libro at sa pamamagitan ng internet, isang pindot mo lamang ay madali mong malalaman ang kasagutan sa iyong tanong. Ang mga guro ngayon ay maari nang gumamit ng social media upang ipaalam sa estudyante ang mga kailangang gawin o asignatura at ganoon rin sa estudyante maari nilang itanong sa kanilang guro ang asignatura kung hindi nila ito naiintidihan ganoon din ang mga itinuro. Sa ngayon imbes na sinusulat ng guro sa blackboard ang aralin ay ito ay nakalagay na sa Microsoft Powerpoint , upang hindi maubos ang oras ng guro kakasulat. Sa pamamagitan din ng internet ay hindi na kailangang lumapit sa teacher upang malaman ang grado , mag lolog in lang at makikita narin ito sa internet. Maraming apps o website ang nakakatulong saakin at naririto ang ilan sa mga halimbawa:
Una ay ang google , kilalang kilala ito sa buong mundo. Ang google ang pinaka mabisang kong ginagamit upang maghanap ng sagot o mga bagay na inaaral. Isa pa ay ang Youtube , ito ay popular na app o website sa internet pag video ang pag uusapan. Nakakatulong din ito saakin upang mas madali kong maintindihan ang aralin , halimbawa na lamang ang math. Dito rin ako kumukuha ng mga bidyo na kailangan para sa presentasyon.
Ang edmodo naman ay ay isang platapormang pampanlipunang paglalambat-lambat (social networking platform) para sa mga guro, mga mag-aaral, at mga magulang, upang mas maipadali ang mga interaksiyon sa pagitan ng kanilang tatlo habang nasa labas ng silid-aralan. Sobrang nakakatulong ang quizlet saaking pagaaral sapagkat ito ay isang question at answer , at mas madali kong nasasaulo ang aking pinagaaralan dahil sa application na ito.
Ang huli ay ang photomath , ito ay isang application , tinatawag itong ” camera application” , dahil ito ay may taglay na kapag tinatapat sa isang equation ay may nalabas na sagot. ito ay nakakatulong saakin sapagkat tinuturuan nito kung paano at kung bakit pinalalabas ang sagot.
Ang internet man ay maaring makasira sa ating pagaaral ngunit ito’y ay dipende rin sa taong gagamit. Tila parang isang regalo ang internet para sa mga kabataan , hindi lamang sa pang aliw kundi para rin makatulong sa pagaaral. Palagi nating tandaan na ang internet ay ginawa upang makatulong hindi para maging tamad.
0 notes
Text
SOCIAL MEDIA KO, PANG AKADEMIKO
Francis Romeo Z. Jumalon
11 HUMSS 2A-Providence
Ano nga ba ang Social Media?
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
ayon sa https://internetatsocialmedia.wordpress.com/socialmedia/

Ang iba ay ginagamit ang Social Media para makipagsalamuha sa mga tao, iyong pamilya,kaibigan at iba pa. Pero pag bibigyang pokus natin ang Social Media sa pang akademikong hangarin.
Alam mo ba na merong 3.725 Billion ka tao ang ang gumgamit ng Social Media at isa kana ren dito. Maraming mga Social Media ang pwede nating gamitin para sa ating Edukasyon at uunahin natin ang kilala ng lahat ang Google.
Ang Google ang nakasanayan na nating gamitin para mag saliksik ng mga bagay na hindi natin alam. Alam nating lahat na tayo'y gumagamit nito para makapagsaliksik ng mga bagay-bagay at mga sagot sa ating mga katanungan ngunit minsan hindi mo dapat ito pagkatiwalaan sapagkat hindi lahat ng mga lumalabas na sagot ay tumpak o tama. Ayon sa Google merong 3.5 Billion na searches ang natatanggap nila sa isang araw at may 40,000 na searches sa laman ng isang segundo. Ang susunod naman ay ang paborito ng lahat ang Facebook.

Ang Facebook ay ginawa ni Mark Zuckerberg noong February 04,2004 pero noong di pa ito pinangalanang Facebook ang unang ideya ni Mark ay tawaging Facemash at medyo pangit pakinggan at pangalawan namang ideya niya ay gawin niya itong Online Student Directory at pano nga ba nakatulong ang Facebook sa pang akademikong hangarin ito ay nakakatulong sa atin na mapahusay ang ating Communication Skills at mabilis din ang pag-update ng mga balita. Pangatlo ay ang Youtube.
Ang Youtube naman ay nakakatulong sa mga taong ayaw mag basa at nahihirapang intindihin ang kanilang lesson kaya aya pumupunta sila sa Youtube at nanonood sa mga makakatulong sa kanila at mas napapadali nila itong maiintindihan pag may pinapanood at may nakikinggan.

Bilang konklusyon mas napapadali talaga ang ating pang araw-araw na buhay gamit ang internet o social media at mas mabunga ang mga gawain natin.
˙˚˙ᵕ꒳ᵕ˙˚˙‧̍̊*°:⋆⋆:°*ₓ˚. ୭ ˚◦˚.˚◦˚ ୧ .˚ₓˑ༄ؘ ۪۪۫۫⤹⋆➷。˚⸙͎۪۫⋆ ༄
0 notes
Text
Ano nga ba?

Roseque, Kristine A. 11 HUMSS 2A- PROVIDENCE
Maaring napaisip ka kung ano nga ba ang akademikong tulong ng internet at social media sa mga mag aaral sa kasalukuyan. Kung ating sasaliksikin ang patuloy na pagbabago ng bansa, marami na ang makabagong teknolohiya na umuusbong. Ang internet at Social Media ang ginagamit ng mag aaral upang makalaganap ng mga impormasyon .Sa mga oras na ito, mga kabataan ang higit na gumagamit ng Internet at Social Media ayon sa matatand. Mayroon itong masamang naiidulot ang mga ito gaya na lang ng walang sapat na tulog, pagpupuyat at pag kaadik sa mga iba't ibang application na umuusbong ngunit malaki ang naiitulong sa mga mag aaral sa kasalukuyan. Masasabing malaki na nga ang naiitulong ng social media at internet sa mga tao ngayon lalong lalo na sa mga mag- aaral. Isang mahalagang papel ang ginagampanan nito na mapalawak ang ating kaalaman. Masasabi kong mahalaga ito sa ating lahat sapagkat malaki na ang naging kontribusyon nito para sa mga mamamayan, lalo na sa edukasyon ng ating kabataan. Isa sa mga halimbawa ng teknolohiyang ginagamit na nakatutulong sa ating pang araw-araw na gawain ay ang kumpyuter na siyang laging ginagamit ng mga guro pati na rin ng mga estudyante bilang instrumento ng pagtuturo at pagkatuto. Halos maraming paaralan na sa ating bansa ang gumagamit nito upang maging mas mabisa ang pagtuturo ng mga guro sa kanilang mga estudyante sa angkop na akademikong pamantayan, upang mas lalong gumanda ang kalidad ng edukasyon, at lalong- lalo na para sa mas maayos na pag aaral ng mga estudyante. Narito ang ilang halimbawa ng mga sites o social media na kadalasang pinagkukunan ng mga impormasyon ng mga mag-aaral:
GOOGLE
Ang Google ay may malaking tulong para sa isang mas mahusay na edukasyon at napakabisang paraan upang mapadali ang iyong buhay. Isa ito sa pinakamahalaga na parte Social Media dahil tayong mga mag aaral ay natutulungan ng Google na mangalap ng mga impormasyon na kinakailangan sa mga reports, research, assignments, projects at iba pa. Ito ang napanggagalingan ng mga panibagong kaalaman na nakatutulong sa ating pag aaral. Gamit lamang ito ay nagkakaroon tayo ng kaalaman na nagsisilbing gabay ng mga mag aaral. Mas napapabilis ang pagkalap ng impormasyon gamit lamang ang google at natutulungan nito na mapabilis ang pagkakaroon ng ideya ng isang mag aaral. Nakatutulong upang makatuklas ang mga mag aaral ng mga bagong kaalaman. FACEBOOK

Ang Facebook ay isang uri ng social networking sites na may mahalagang papel sa buhay ng bawat isa o ng mga estudyante. Gamit ang facebook,mas mapadali ang pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa kanilang kapwa at sa kanyang guro. Ito ay may iba’t-ibang mga posts na tumatalakay sa pangaraw-araw na pangyayari sa ating mundo, nakakatulong ito sa mga mag-aaral dahil namumulat sila kung ano bang mga pangyayari ang nagaganap sa iba’t-ibang panig ng mundo. Minsan ay nagbibigay rin ito ng aliw sa mga mag-aaral kapang na-iistress sa pag-aaral at kung kailangan munang mag- pahinga. Isa sa mabuting epekto ng mga nabanggit nito ay ang easy access o madaling paraan upang makapaglaganap o makapag bahagi ng impormasyon, mga balita na interesadong malaman ng lahat, kagaya ng suspensyon ng klase, mga balita tungkol sa gobyerno o mga artikulo. Sa kabilang dako naman ay mas lalong nagiging bukas ang isipan ng mga kabataan sa pakikipagkapwa o pakikipag kaibigan. YOUTUBE

Ang youtube ay isang website kung saan maraming tao ang gumagamit. Ito ay nakatutulong sa mag aaral sa dahil maaari mong makita o matutunan ang mga video tungkol sa mga Konsepto, Tutorial, matematika, Agham, Chemistry, Biology, Universe o tungkol sa anumang bagay na maaari mong isipin. Ito din ay nakatutulong at nagpapakita ng mga Video ng mga halimbawa at pamamaraan kung paano ginagawa ang isang bagay. Isang haimbawa na lamang ay ang pagtuturo kung paano matuto ng wikang Filipino. Natuturuan tayo ng Youtube na malaman kung paano matapos at matutunan ang isang bagay gamit lamang ang mga video na nilalaman ng Youtube. Kagaya na lamang ng paggagawa ng mga proyekto, ito ang nagagamit natin upang lubos pang maunawaan ang ating gagawin. Nagbibigay ito ng mas malinaw na impormasyon sapagkat naipapakita ang paggawa ng mga bagay na kinakailangan ng mag aaral dahil sa personal at pagpapakita ng mga hakbang na kinakailagan upang magawa ito. Mas napapaliwanag ng maayos ng Youtube ang mga impormasyong kinakailangan natin. Malaki ang naiitulong nito upang lalo pang mapa unlad ang edukasyon at mapalawak pa ang kaalaman ng mga mag aaral. ONLINE LEARNING PLATFORMS
Sa patuloy ng pag-usbong ng modernisasyon, nagbabago ang paraan ng pakikipagkomunikasyon at pagkakalap ng mga kaalaman. Kung dati ay kailangan pang makipagkita upang magkausap at pumunta ng silid-aklatan upang maghanap ng mga datos, sa pamamagitan ng Internet at Social Media, naging madali na para sa ating mag-aaral na gawin ang mga iyon. Ito ang nagsilbing daan upang makakalap ng samut-saring impormasyon mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Malaki ang naitutulong Internet ngayon sa pag-aaral, sa pamamagitan nito, mas nagiging alerto tayo sa paggawa ng mga proyekto sapagkat marami tayong napapagkunan ng kaalaman. Mahalaga ito sapagkat dito nakabatay ang lahat ng mga gagawin mo at kung ano pa na importanteng bagay na iyong gagawin sa iyong pag o-online class at sa paraan na ring ito ay masusubaybayan ng iyong mga magulang ang iyong pag aaral at makikita rin nila kung ikaw nga ba ay nag-aaral ng maayos o hindi. Sa kabuuan, ang Social media ay may higit na mabuting naidudulot sa mga mag-aaral. Napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral, napagtitibay ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng bagong mga kaibigan, napagbubuti ang buhay sosyal, nagtatagpo ulit ang mga dating mga kaibigan na matagal ng walang komunikasyon sa isa’t- isa at higit sa lahat, naipapahayag sa buong mundo ang sariling ideya at pananaw sa buhay. Laging tatandaan na dapat magkaroon ng time management upang magkaroon ng pocus sa pag-aaral. Mayroong oras sa paglilibang at mayroon ding oras para sa trabaho at edukasyon. Dapat na bigyan ng prayoriti ang mga mahahalagang bagay sa buhay upang magkaroon ng magandang kinabukasan at hindi sayang ang paghihirap ng ating mga magulang. Ang kagandahang dulot ng Internet ay huwag naman nating abusuhin. Ang bagay na ito ay ginawa upang tayong lahat ay matuto ng iba’t ibang impormasyong makaktulong sa ating mga sarili pati na rin sa ating mga kapwa tao, hindi ito ginawa upang tayo ay gumawa ng mga kasalanan at manlamang sa iba nating mga kapwa. Hindi natin dapat inaabuso ang kapangyarihan ng internet, dapat ay ginagamit natin ito sa paggawa ng mabuting bagay. Ang social media ay hindi lang isang media. Ito ay susi sa pakikinig, pakikisali, pag-aaral at pagbuo ng mga relasyon sa ibat ibang tao.
1 note
·
View note
Text
Maria Cassandra Prudente
11 HUMSS 2A Providence
MGA MAGANDA AT MASAMANG DULOT NG SOCIAL MEDIA
Ang social media ay isang napakahalaga at napakalaki rin ng pakinabang nito sa paglikha at pagbabahagi ng impormasyon. Subalit sa kabila nito, dahil ito'y libre at maaaring gamitin ng sinuman, maaari ring ipahayag ng sinuman ang kanyang pananaw at saloobin sa isang bagay o isyu na maaaring paniwalaan ng publiko. Kung kaya't lumalaki ang posibilidad ng paglaganap ng mga Information Disorder tulad ng misinformation at disinformation.
MGA HALIMBAWA NG SOCIAL MEDIA NA MADALAS GAMITIN NG MGA TAO NGAYON:
GOOGLE
Masasabing ang Google ang pinakamatalino sa mundo ng Internet. Ginagamit ito upang mangalap nga samut saring impormasyon. Taglay ni Google ang alinmang impormasyong iyong hinahanap.
YOUTUBE
Ang youtube ay maaring gamiting pang libangan o di kaya'y pang edukasyon sapagkat dito ay may makikitang mga content na naglalayong magbigay aliw, magbigay aral, o magturo sa mga manonood. Ang Youtube ay isa sa pinakamalaking plataporma ng video-sharing at ang paggamit nito ay importante rin dahil maraming mga bidyo na pang edukasyon at dahil dito, marami kang matututunan. Dahil sa Youtube, marami na ring mga tao ang umaangat sa kahirapan dahil sa pag u-upload ng mga bidyo dito.
FACEBOOK
Ang Facebook ay isang uri ng social media kung saan maaring makipaghalubilo ang mga tao sa kapwa. Tulad ng youtube, maari itong magamit bilang libangan sa pamamagitan ng mga videos at memes o sa pang edukasyong layunin sa pamamagitan ng mga makabuluhang post. Maari ring maabot ang iyong kaibigan o mahal sa buhay na nasa malayo sa paggamit ng Facebook.
0 notes
Text
ANG MAGANDA AT MASAMANG DULOT NANG SOCIAL MEDIA
BARNEJA, RONALD JAY
11 HUMSS 2A-PROVIDENCE
Ayon sa mga eksperto, nakaka-apekto ang madalas na internet access sa kalusugan ng ating utak. Nagdudulot ito ng “sleep deprivation” o dahilan upang hindi tayo makatulog sa gabi. Sa kabilang banda, nagiging dahilan din ito sa pagkakaroon natin ng maikling pasensya o pokus sa isang bagay.Ayon sa artikel ng Forbes, ang pagbababad sa internet ay nakakapagdulot ng adiksyon. Nakaka-apekto ito sa iyong personal pakikipagtalastasan o sa iyong relasyon dahil mas maraming oras ang nasasayang ng isang indibidwal sa paggamit ng social media.Masaya man o nakakadulot ng aliw ang araw-araw na pag-access sa internet, hindi pa rin maganda na mauubos ang oras mo dito. Higit sa lahat, mas maigi pa rin ang personal na interaksyon sa kapwa dahil daan ito upang siya ay mas higit mong makilala at makita ang kanyang tunay na emosyon, ugali at kilos.
Ang social media ay isang sistemang pakikipagugnayan sa mga tao kung saan ang mga mag aaral nakapaghahayag, nakukuha at nakikipag palitan ng impormasyon at ideya sa isang virtual na kumunidad.Tunay na di mapipigilan ang pag babago ng ating mundo.Sila ay nagkakaroon ng kaalaman sa kasalukuyang mga pangyayari.Napapadali ang paraan ng komunikasyon. Nagsisilbing libangan ng karamihan.Napaglalapit ang mga gumagamit nito kahit nasa malayong lugar.At sa ngayon ginagamit na rin ang Social media bilang isang marketplace.
0 notes
Text
SOCIAL MEDIA ANG TUMUTULONG NA MAPAGAAN ANG BUHAY NG MGA MAG
Tricia Rule Omega

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
May ibat-ibang uri ng social media peru para sa akin ito ang pangunahing social media na pang araw-araw ginagamit ng mga estudyante.
Una ang FACEBOOK
Malaking tulong ang ginagampanan ng facebook sa buhay ng estudyante alam naman nating lahat na hindi lahat ng estudyante madaling matuto yung iba pa nga ay nahihiyang mag tanong kaya facebook ang ginagamit nila upang maka pag komunikasyon upang sila ay maka pag tanong sa kanilang kaklase at guro. Nakakatulong din ang facebook sa malayang pag lalabas ng saloobin nila sa pamamagitan ng pag post lamang sakanilang facebook status. Sa Facebook may maraming nakukuha din na impormasyon at balita ang nga estudyante kaya nagiging updated sila sa mga pangyayari.
Pangalawa ang GOOGLE
Hindi natin maipag ka kaila na malaki ang ginagampanan ng google sa buhay ng mga estudyante na sa google na ang lahat. Kunting hirap sa aralin ay i se-search na agad sa google dahi sa tulong ng google napapadali nito ang mga gawain ng mga estudyante kaya hindi dapat mawala sa buhay ng mga estudyante ang google app dahil malaki ang binibigay na tulong ng google sa estudyante.
Pangatlo ang YOUTUBE
Sa panahon ngayun ginagamit ang YouTube ng ibang guro dito sila nag po-post ng kanilang video ng pagtuturo upang mapanood ng mga estudyante, marami ring video tutorials sa youtube na nakakatulong sa mga estudyante sa mga bagay na nahihirapan sila kung paano gawin.
Ibat-ibang uri ng social media iba-iba rin ang ginagampanan ng mga ito sa buhay ng mga estudyante lalo na sa panahon ngayun na online class ginagamit ng mga estudyante ang social media upang maka pag submit ng kanilang mga gawain o takdang aralin ginagamit din nila ang Social media upang maka pag attend ng klase.
Ngunit hindi lang Positibo ang nakukuha sa social media may Negatibo din kagaya Fakenews, Cyber bullying at pag a-away na pinopost sa social media at marami pang iba na negatibo sa social media kaya dapat mag ingat kapag gumagamit ng Social media.
Para sa akin na isang estudyante na gumagamit ng Social media para sa aking pag-aaral malaki talagang tulong ng social media dahil imbis na mahirap sa tulong ng social media nagiging madali ang gawain. Malaki ang pasasalamat ko sa social media dahil ang estudyanteng kagaya ko ay hindi na nahihirapan sa madaming gawain dahil napapadali ito sa tulong ng ibat-ibang uri social media. Abot kamay man ang lahat ng kailangan ng mga estudyante dahil sa tulong ng social medial huwag naman kalimutan at abusohin ang pag gamit ng social media maging responsable sa lahat ng iyong pag gagamitan ng social media. Sa pag gamit ng social media huwag kakalimutan ang ALWAYS THINK BEFORE YOU CLICK.

0 notes
Text
AMBAG NG SOCIAL MEDIA AT INTERNET SA ATING BUHAY
Renalyn Jontong
11 HUMSS 2A- Providence
Sa panahon ngayon na kung saan laganap na ang iba’t ibang klase ng mga makabagong teknolohiya, napakarami na ring makabagong pamamaraan ang umuusbong ngayon upang makakalap ng mga impormasyon at kung ano pa man. Dalawa sa mga pinakasikat o laganap sa henerasyon natin ngayon ay ang Internet at Social Media.
Ang internet at social media ay naging pinto ng pagbabago. Ito ay nagsisilbing daan upang mas umayos ang mga bagay na ating nakasanayan at mas lumawak ang sakop ng ating kaalaman. Kung ihahalintulad ang paraan ng paghahanap ng mga impormasyon noon at ngayon aking nababatid na malaki ang naging ambag ng makabagong teknolohiya sa atin na ngayong isang pindot lamang ay maibibigay na agad ang mga nais nating malaman sa isang bagay, lugar, personalidad at kung ano pa man. Maraming sites sa internet ang kadalasan na na-aaccess ng mga kabataan.
KABILANG SA MGA ITO AY:
FACEBOOK
TWITTER
INSTAGRAM
Malaki ang naitutulong ng mga ito sapagkat ito ang naging madaling paraan para makipagkonekta ang bawat isa at makipagpalitan ng impormasyon ng real time. Naging paraan ito upang ang matagal nating di nakakadaupang palad ay nagawa nating kausapin kahit na nasa malayong lugar ito. Sa isang klik lamang ay maaari ka nang mapabilang sa isa o sa lahat ng mga to. Malaki rin ang pakinabang ng mga ito lalong lalo na ang Facebook sa ating pag-aaral sapagkat mas napapadali nating makausap (communicate) ang ating mga guro at mga kaklase. Sa pamamagitan rin nito ay mas lalawak ang pang-unawa ng mga mag-aaral sa isang partikular na paksa. Sa tulong ng social networking sites, nabubuo ang pagkatao ng isang mag-aaral dahil unti-unti nilang nalalaman ang kanilang interes o larangan na kanilang minimithi sa kinabukasan. Nakakapagbibigay rin ito ng mga balita. Masasabi kung ilan rin ito sa ating mga source of entertainment.
Ilan rin sa mga halimbawa na kadalasang ginagamit at pinagkukunan ng impormasyon ng mga mag-aaral ay:
GOOGLE
Alam naman nating lahat na ang Google ay isa sa pinakamahalagang parte ng Social Media sapagkat tayong mga mag-aaral ay natutulongan ng Google na makakalap ng mga impormasyon na kailangan natin kagaya na lamang ng research, assignments, projects, reports at iba. Ito ang napanggagalingan ng mga panibagong kaalaman na nakatutulong sa ating pag aaral. Natutulongan rin tayong magkaroon ng ideya sa paggawa ng mga asignatura at mga proyekto na kailangang ipasa. Ang internet ay nakatulong rin upang mapa- gana ang mga iba’t ibang sites katulad ng google, kung saan halos lahat ng kasagutan sa iyong katanungan ay naka lahad na sa iba’t ibang pagpipilian.
YOUTUBE
Youtube, ito ay isang site na maaari kang manuod ng mga video tutorial. Halimbawa may hindi ka naintindihan sa iyong paksa na matematika, maaari mong hanapin sa youtube ang isang tutorial kung saan may mga nagtuturo kung paano ang proseso ng pagsasagot at ito ay kabilang sa tinatawag na educational vlog. Maaari mo rin hanapin sa youtube ang mga dokumentaryo na kalimitang ipinapa- panood sa mga estudyante bilang parte ng pag aaral ng mga nakaraang tao o kasaysayan. Sa YouTube, puwede kang manood ng mga bidyo na maaaring magbibigay-aral, balita, tutorials, prank videos, music videos, replay ng isang teleserye, at iba pa.
ONLINE LEARNING PLATFORMS


Ang mga ito rin ay nakakatulong lalo na at nasa kalagitnaan tayo ng pandemya at ang pinili natin ay online modality. Ilan sa mga ito ay kinakailangan mo lamang gumawa ng isang account upang ikaw ay makagamit nito, mahalaga ito sapagkat dito nakabatay ang lahat ng mga gagawin mo at kung ano pa na importanteng bagay na iyong gagawin sa iyong pag o-online class at sa paraan na ring ito ay masusubaybayan ng iyong mga magulang ang iyong pag aaral at makikita rin nila kung ikaw nga ba ay nag-aaral ng maayos o hindi. Kung tutuusin napaka- raming naiitulong ng internet sa mga mag aaral, napakadali nitong matutunan at napaka tipid pa sa oras. Ngunit palagi mo dapat tatandaan ang tamang pag gamit ng internet at huwag na huwag itong aabusuhin. Gamitin ang internet sa tamang pamamaraan katulad ng pag aaral. At higit sa lahat, disiplina at responsibilidad ang kinakailangan.
0 notes
Text
Ang buhay ng mag-aaral ay tiyak na nagbago dahil sa impluwensya ng Internet
Justine M. Estan
11 HUMSS 2A- PROVIDENCE
Angn ng mag-aaral ay tiyak na nagbago dahil sa impluwensya ng Internet sa edukasyon, komunikasyon, at pakikipag-ugnay sa lipunan. Sa kabila ng mga panganib na lumabas dito, hindi mo maitatanggi ang positibong epekto na naidulot nito sa lipunan. Para sa mas mabuti o mas masahol pa, tiyak na binago ng Internet ang pamumuhay ng mga mag-aaral.
• Maaari bang mapahusay ng paggamit ng Internet ang pag-aaral ng mga mag-aaral?
Maaari nitong mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa maraming paraan. Nagbubukas ito ng mga pintuan sa isang kayamanan ng impormasyon, kaalaman at mga mapagkukunang pang-edukasyon, pagdaragdag ng mga pagkakataon para sa pag-aaral. Gumagamit ang mga guro ng mga online na materyal upang maghanda ng mga aralin, at mga mag-aaral upang mapalawak ang kanilang saklaw ng pag-aaral.
• Paano binago ng Internet ang ating buhay?
Binago ng Internet ang negosyo, edukasyon, gobyerno, pangangalaga sa kalusugan, at maging ang mga paraan kung paano tayo nakikipag-ugnay sa ating mga mahal sa buhay.
Ang internet na 'www' ay nag-uugnay sa bawat isa sa mundong ito. Maaari nitong mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa maraming paraan. Kaya't ang mga tao ay maaaring makipag-ugnay sa kanilang mga mahal sa buhay. Kung iisipin natin ang tungkol sa mga mag-aaral, napakahalaga ng internet. Ang pag-aaral ay pinakamahalagang bahagi ng buhay ng isang mag-aaral. Kaya't ang internet ay tumutulong sa mga mag-aaral na alamin ang solusyon sa kanilang mga problema. Maaaring magamit ng mga guro ang Internet sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mag-aaral ng dagdag na mapagkukunan at materyal mula sa Internet, tulad ng mga interactive na aralin. Ang mga mag-aaral ay pwedeng gumamit ng internet upang maghanap ng impormasyong nauugnay sa pagsusulit, kurikulum, mga resulta, atbp. Mahalaga ang internet sa edukasyon sa pamamaraan na ang mga mag-aaral na mapapadali para sa kanila na magsaliksik ng mga bagay, at malaman muli ang nilalaman na itinuro sa paaralan.
Ang Google ang pinakamahusay na search engine na nagbibigay ng maraming kaalaman sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng paggamit ng mobile internet, madaling ma-access ng mga mag-aaral ang internet saanman. Kaya't ang internet ay nagbibigay ng napakaraming mga benepisyo sa mga mag-aaral. Maaari nila itong gamitin para sa kanilang paglaki at maari rin silang makakuha ng kaalaman. May mahalagang papel ang Google sa edukasyon sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kahusayan, pagiging produktibo ng mga guro at mag-aaral. Napaka kapaki-pakinabang ng Google para sa mga mag-aaral. Maaari kang matuto ng anumang paksa at makakuha ng impormasyon gamit ang mahusay na mapagkukunan ng kaalaman sa paghahanap ng Google.
. Maraming mga site na nagbibigay ng mga libreng lektura din. Posible rin na makapag-download sila ng mga lektura mula sa YouTube. Ang mga mag-aaral ay makakapag-access sa mga mapagkukunan ng pag-aaral anumang oras kahit saan nila gusto nang walang anumang pagbabayad. Maraming mga kasanayang tao ang nag-a-upload ng kanilang video at maaari kaming matuto mula sa kanilang husay. Ito ang app na maaaring i-promote ng lahat ang kanilang kakayahan, kanilang talento at maraming tao ang sumikat sa pamamagitan ng pag-upload ng kanilang video sa YouTube.
0 notes