Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Modyul#2-Summative Assessment_GRP10 (3VS-PRESS_VLOG)
1. Google Drive Link: https://drive.google.com/file/d/1zqwxnxj9r4eOCx1j0bmz9pPgxyHtduyV/view?usp=sharing 2. Youtube Link: https://www.youtube.com/watch?v=Odays2LiLpk&feature=youtu.be
0 notes
Text
“Meliora Eligo” – Piliin Ang Don Bosco
(Jean Villanueva) (Tekstong Impormatibo)
Ang Don Bosco Technical Institute of Makati o may acronym na “DBTI”, ay isang pribadong institusyong itinayo noong 1954 sa ilalim ng Salesian System of Education at matatagpuan sa Kalye Chino Roces , Lungsod ng Makati. Ang DBTI ay nagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyong gumagabay sa mga mag-aaral upang maging mabuting Kristiyano at matuwid na mga mamamayan. Bukod sa komprehensibong kurikulum na pang-akademiko, ang ang mga mag-aaral ng DBTI ay nagsasanay rin ng mga kagalingang teknikal. Dagdag pa rito, kilala ang institusyon sa sistemang pinaninindigan nito – ang Sistemang Preventive – na nagbibigay halaga sa aspetong Rason, Relihiyon at Kabutihang-asal.
Ang DBTI ay bukas para sa mga mag-aaral ng elementarya, Junior High School at Senior High School. Dati itong ekslusibong paaralan para sa mga lalaki subalit tumanggap na rin ito ng mga babaeng nagpapatala sa Senior High School. Bukod tangi ang DBTI dahil kilala ito sa pagpapatibay ng kasanayang teknikal. Hindi lamang inihahanda ang mga mag-aaral sa pinaka-basic na kaalaman tulad ng pagbasa, pagsulat, matematika at agham, hinahasa rin sila sa mga kasanayang pang-teknikal o bokasyunal. Bukod nga sa basic curriculum, ang DBTI ay kilala rin sa TVET (Technical, Vocational, Education & Training). Sa katunayan, hindi mabilang ang mga batang iskolar at mga dating out-of-school-youth ang ngayo’y nakapagpapatuloy na ng pagsasanay at pag-aaral sa DBTI sa tulong ng mga scholarship partners.
Ang Senior High School o SHS ang pinakabagong departamento ng DBTI. Kaugnay ng pagpapatupad ng Programang K to 12 o Enhanced Basic Education Act of 2013, nagbukas ang Senior High School ng DBTI na may layuning ihanda ang bawat Bosconian sa tersiyaryong edukasyon at ganap na mahasa sa mga kasanayang maghahanda sa kanila sa mundo ng pagtatrabaho o pagnenegosyo. Pinakamahalagang aspeto ng DBTI Senior High School ay ang pagpapaigting ng intelektwal at mga aspetong ispiritwal, moral, kultural, emosyonal at “holistic” na kaunlaran ng bawat mag-aaral.
Sa kasulukuyan, nahahati ang SHS sa apat na strand – ang Accountancy, Business and Management (ABM) Strand, ang Humanities and Social Sciences (HUMMS) Strand, ang Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Strand, at ang Arts and Design Track o Visual & Media Strand. Alinsunod sa strand listing ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd, ang mga asignaturang itinuturo sa bawat strand ay naaayon sa Learning Competencies ng bawat strand. Halimbawa, sa ilalim ng ABM, ang mga mag-aaral ay inaasahang tatalakay ng mga asignaturang Business Math, Applied Economics, Organization and Management at Principles of Marketing. Sa ilalim naman ng HUMMS, siguradong magsasanay ang mga mag-aaral sa Creative Writing, Philippine Politics and Governance; sa kabilang banda, ang mga asignatura sa ilalim ng STEM ay Calculus, Chemistry at Physics. Gayunpaman, bukod sa mga general at strand specific subjects na itinuturo, mayroong iba’t ibang “Empowerment Technology” (E-Tech) na subjects. Ang bawat E-Tech subject ay nagbibigay na karagdagang kaalaman at karanasan.
Paano nga ba natatangi ang mga mag-aaral ng DBTI-SHS?
Una, ang DBTI SHS ay nanggaganyak ng makapamilyang setup kung kaya’t hindi magkakaroon ng culture shock ang mga mag-aaral sa mala-unibersidad na kalakaran ng Senior High School. Dahil rito, kahit na nagiging mas mahirap o mas pormal ang mga itinuturong asignatura, ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng magaan o welcoming attitude tungo sa pag-aaral. Ipinagmamalaki rin ng DBTI SHS ang roster ng mga gurong may matatag na kasanayan sa pagtuturo ng core subjects ng Senior High School.
Ikalawa, mayroong napakaraming ekstrakurikular na aktibidad ang maaaring salihan ng bawat mag-aaral ng DBTI tulad ng intrams, club fair, cheerdance competition, Foundation Week, atbp. Tulad ng tanyag na salita ni St. John Bosco na “Run, Jump, Shout! at Make noise but do not sin.” – nakakatulong ang iba’t ibang ekstrakurikular na kaganapan upang magbigay libangan at oportunidad na matuto at makisalamuha sa kapwa Bosconian. Dahil sa aspetong holistic, laging may regular na misa at pag-eensayo ng choral singing. Ang SHS Guidance Office at Pastoral Office naman ay kumakalinga sa pangangailangang emosyonal, mental at ispiritwal ng bawat mag-aaral at guro. Nagsasagawa ang Guidance Office ng mga Parenting Talk at Mental Health Symposium. Patuloy na sumusuporta ang DBTI sa mga outreach programs bukod sa taun-taong pagbibigay tulong pinansyal sa mga iskolar nito. Pagpapatatag ito sa Mission-Vision ng DBTI na makapaglinang ng “Good Christians and Upright Citizens.”
Ikatlo, prayoridad ng DBTI na bigyan ang bawat Bosconian ng komportable at kaaya-ayang karanasan sa loob ng paaralan. Ipinagmamalaki ng DBTI ang iba’t ibang pasilidad tulad ng malawak na football field, swimming pool, mga basketball at tennis court at fitness gym upang magsanay sa isport at makapag-ehersisyo. Bukod pa rito, matatagpuan sa loob ng Braga Building ang Braga Auditorium kung saan ginaganap ang mga symposium, presentasyon at mga paligsahang inaabangan at sinasalihan ng mga mag-aaral. First class din ang laboratoryo at computer lab. Malilinis ang mga banyo at mayroong bidet pa! Ang koleksiyon ng mga aklat sa LRC ay hindi rin pahuhuli! Sinuman ay hindi magugutom o mauuhaw sapagkat napalawak ng cafeteria o mga tindahang naglalako ng mga merienda, pananghalian at pamatid-uhaw.
Kinikilala rin ng DBTI SHS ang Qualified Voucher Recipient - QVR Certification ng Private Education Assistance Committee (PEAC) SHS Voucher Program na naglalayong mabawasan ang bigat ng pagbabayad ng matrikula. Bukod pa rito, pinagaan ng DBTI SHS ang payment scheme sa pamamagitan ng pag-aalok ng installment options sa pagbabayad ng school fees. Nais ng DBTI SHS na maging bukas ang paaralan sa lahat ng mag-aaral anuman ang kalagayang pinansyal ng kaniyang pamilya.
Ang pinakaimportante sa lahat, matatag na pinaninindigan ng institusyong DBTI ang kanyang Vision-Mission, Institutional Goals, Objectives at Core Beliefs. Ang lahat ng ito ay binibigyang diin at itinuturo sa bawat galaw, sa bawat paksa, sa bawat pangyayaring nagaganap sa DBTI. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan o identity ng institusyon, ng bawat Bosconian. Makapagtapos at lumisan man sa DBTI, ang mga moral values ni Don Bosco at ng Salesian ay mananatili sa puso at isip ng bawat Bosconian, ang mga katangian ng pagiging Bosconian: ang pagiging masunurin sa batas, ang pagiging mapagbigay at mabait sa kapwa, at ang pagiging matapat sa Diyos.
“Meliora Eligo” (Choose the Better Things). Piliin ang institusyong inuuna ang mag-aaral bago ang lahat. Piliin ang institusyong nagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon. Piliin ang institusyong hindi lamang magsasanay sa kagalingang akademika, kundi magpapatatag din ng kasanayang teknikal. Piliin ang Don Bosco, para sa kinabukasan! Maging Bosconian na!
0 notes
Text
Don Bosco: Para Sayo
(Dave Velasquez) (Tekstong Deskriptibo)
Nagtatakbuhan at naghihiyawang mga kabataan, magkakaibigang nagtutugtugan, at buong paaralang puno ng kasiyahan. Ganito ang masisilayan araw-araw sa loob ng paaralang Don Bosco Makati. Mula sa mga gurong matutulungin at mapagpasensya hanggang sa mga estudyanteng mababait at masiyahin, sasalubungin ka ng maligayang pagbati. Kung tahimik naman ang mga pasilidad ay nagkaklase sila kung saan moderno ang mga paraang sinusunod ng mga guro. Ang mga kagamitan sa Don Bosco Makati ay sinisiguradong makabago para mas madaling matutunan ang mga aralin at mas maging mataas ang kalidad ng edukasyong ibinibigay sa mga mag-aaral. Hindi rin nagpapahuli ang DBTI sa teknolohiyang ginagamit. Bukod sa pagiging mababait at matatalino, malikhain rin ang utak ng mga mag-aaral sa DBTI. Tinuturuan ang mga batang gumamit ng mga makabagong makinarya at kung paano maging innovative gamit ito. Natututo silang magsikap palagi para sa kahusayan sa lahat ng gagawin nila. Kaya sa mga magulang na gusto ang pinakamagandang kinabukasan para sa kanilang mga anak, sa mga kabataang gusto lumaking masiyahin at matuto sa pinakamahuhusay na mga guro, Don Bosco Makati ang paaralang para sa inyo.
0 notes
Text
Salamat Don Bosco Makati Senior High!

(Danniel Villegas) (Tekstong Naratibo)
John: Huy Jean! Kamusta ka na? Huling kita natin nung graduation pa nung senior high ha.
Jean: Oo nga eh nag-aral kasi ako ng college sa States kaya hindi na tayo nakapagkita. Kakauwi ko lang din actually galling states nung isang araw ako bumalik, buti nagkabangaan tayo dito sa mall.
John: Ah kaya pala, nandito na din tayo, gusto mo magkape muna at magusap?
Jean: Okay lang sakin, kaso ikaw mamili ang laki na ng pinagbago ng mall na toih nung huli kong Nakita
John: Umm… sige tara Starbucks tayo.
Jean: meron paring Starbucks dito? Yun ba yung sa tapat ng Jollibee?
John: Oo naalala mo pa pala, hindi na lugi yung Starbucks diyan sa baba kaya hanggang ngayon pinagtatambayan parin ng mga estudyante pagtapos ng pasok.
Jean: Madalas ka ba pumunta dito sa Waltermart, John?
John: Malapit lang bahay ko dito kaya madalas din ako pumunta at sobrang lapit lang toh sa pinagtratrabahuan ko.
Jean: Huh? Trabaho? Saan ka nagtratrabaho?
John: Sa school natin.
Jean: Sa Don Bosco? Talaga? Ano trabaho mo sa school?
John: Ah oo sa Don Bosco, teacher kasi ako sa school.
Jean: Angas pre, ano tinuturo mong subject?
John: Science area ako.
Jean: Nice pre, san ka nag college? Para sa pagkakatanda ko gusto mo mag big 3 ba yun o kaya yung mga kilalang college.
John: Ah oo nag-aral nalang ako sa PNU.
Jean: PNU? Diba dun nagaaral karamihan ng teachers natin dati?
John: Kilala kasi yung PNU kaya naiisipan ko dun nalang mag college para tuloy-tuloy na ako.
Jean: di ko akalain na magtuturo ka pala.
John: Ako din eh, naisip ko lang isang linggo nung pag tapos natin mag graduate nung senior high.
Jean: Ganon pre? At least alam mo gusto mong gawin sa buhay mo.
John: Ikaw ba? Alam mo gusto mo gawin? Ah oo nakuha ko na gusto ko ding trabaho.
Jean; Nice pre, tandaan ko yung araw na nagraduate tayo.
*Flash back*
Jean: Pre tapos na tayo sa Senior high natin ano na plano mo?
John: College sa Ateneo o sa la salle o sa UP, yung mga malalaking pangalan pre.
Jean: Plano at ang magulang ko mag aral ako sa states, pero mas gugustuhin ko mag aral n alang din sa mga sinabi mong school.
John: Pre, real talk nga tayo.
Jean: Ano yun pre?
John: Mamimiss mo ba yung oras natin dito sa db?
Jean: Syempre pre, di lang halata pero mahal na mahal ko tong school na toh.
John: Sa tingin ko nga HAHAHAHA!
Jean: ano yung pinaka mamimiss mo sa school.
John: Sakin, ay yung mga teach natin.
Jean: Bat teach natin pre? Ako naman din teach natin eh kaso second yun para sakin.
John: Wala, iba lang talaga feeling ng mga teacher dito sa db pre.
Jean: Agree ako diyan kahit ako feeling ko mas heart warming and caring yung mga teach natin compared sa ibang school. Feeling ko yung mga teach natin dito yung mga teach na rare sa ibang school yung mga parang ideal teach ng ibang school, regular teach lang satin.
John: Yun din feels ko pre, ano ng apala yung masmamimiss or matatandaan mo sa school?
Jean: Oo nga pala, yung mga memories pre.
John: Memories?
Jean: Oon yung mga pinagdaanan natin bilang isang school
John: Ah so yung brotherhood?
Jean: Oo pre
John: Oo nga mamimiss ko yun pagpumunta na tayo sa ibang school
*End of flash back*
John: Tandaan mo pre yung sinabi mo na mamimiss mo yung memories or brotherhood ba yun, basta yun.
Jean: Oo yung nag usap tayo nung after graduation yun diba.
John: Yung din reason ko bat ako nagging teacher.
Jean: Huh?
John: Gusto ko maging teacher na magkakaroon ng impact sa mga buhay ng mga students ko and gumawa ng memories na hinding-hindi nila makakalimutan.
Jean: Ahh, kaya ka pala nagging teacher gusto mo din pala maging teacher natin dati.
John: Oo, gusto ko maging tao na nakakaapekto sa buhay ng iba.
Jean: Nice pre.
John: TEKA TEKA TEKA!
Jean: Bakit?
John: Sabi mo “din”, teacher ka din?
Jean: HAHAHAHAHA, grabe notice to the details ha
John: Syempre.
Jean: Gusto ko din maging impact sa mga buhay ng mga students ko parang ginawa ng mga teacher natin nung senior high pa tayo.
John: Senior high was the best years of my life pre.
Jean: Yeah… Senior high sa Don Bosco is the best man I just love the school.
John: They made so many opportunities for us after senior high.
Jean: Ther best talaga ang Don Bosco pre I changed our lives and taught us so many things that until today we’re still learning what our teachers meant.
1 note
·
View note