a-lost-alnilam-blog
a-lost-alnilam-blog
a belt of pearls
11 posts
It is only in the darkest nights that stars shine more brightly. :)
Don't wanna be here? Send us removal request.
a-lost-alnilam-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
PATAY NA SI HESUS (2016) Patay na si Hesus is a comedy movie directed by Mr. Victor Villanueva. Ayan siyempre title pa lang curious na ako sa movie na ‘to. Seeing its poster hindi naman siya mukang religious na genre so I thought na baka comedy ‘to. Which is tama ako. Ang pelikula na ito ay tungkol sa paglalakabay nila Iyay (Jaclyn Jose) at ng kanyang mga anak mula Cebu patungong Dumaguete para bumisita sa lamay ng kanyang yumaong dating asawa. Maraming nangyare sa byahe nila papunta doon, at iyon ang inikutan ng storya. Ang pinaka nagustuhan ko dito ay yung mga karakter, lalo na yung pamilya ni Iyay, kasi na rerepresenta nila yung “Pamilyang Pilipino”. Sa karakter ni Iyay, talaga nga namang isa siyang “strong independent woman” sabi nga ng mga millenials. Hindi na bago saatin yung mga katulad ni Iyay na iniwan ng asawa at mag isang pinalaki ang mga anak. Sila yung mga taong kahanga hanga talaga, mga nanay na tatay pa, at sa iba, tatay na nanay pa. Hindi lang naman sa pilipinas maraming ganito marami din sa ibang bansa. Punta naman tayo sa mga anak ni Iyay. Gustong gusto ko tong mga karakter ng anak niya. Iba iba sila, may kanya kanya silang nirerepresenta. Una si Hubert (Vincent Viado), panganay siya at may down syndrome. Naiiba siya, oo, pero nakikita kong pinapatunayan niya na katulad din natin siya. Halimbawa na lang nung nauna siyang pumunta sa pier na ang kasama niya lang ay si Hudas (yung aso). Nag alala yung mga kapatid niya at yung mama niya sakanya kase sa kalagayan niya mahirap siyang mag isa, yun ang tingin ng pamilya niya. Pero napatunayan niya na kaya naman niyang mag isa. Kaya niya din gawin yug mga bagay na ginagawa natin, na hindi binibigyan lagi ng special treatment. Mahal na mahal si Hubert ng pamilya niya lalo ng nanay niya, at ganon din naman siya. Sunod naman si Judith Marie na nagging si Jude(Chai Fornacier) na, kase isa siyang lesbian. Tanggap naman siya ni Iyay pero ang hindi niya lang siguro gusto ay sobra siyang mag mahal sa babae, na nakakalimutan niya na na may mga taong mas nag mamahal sakanya. At nakakalimutan niya din mag bigay ng pang financial sa nanay niya kase binubuhos niya lahat sa girlfriend niya na sa dulo iniwan din siya. Para sakin nirerepresenta niya yung Pilipino na sobra kung mag mahal. Nakakalimutan na yung ibang bagay at naka-focus lang ang mata sa taong gusto niya. At ang bunso naman ay si Jay (Melde Montañez), si Jay na isang unemployed graduate. Sa madaling salita, tambay. At ilang beses na din siyang bumagsak sa board exam. Maliban sa mga yon, tambay na nga nakabuntis pa. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, kahit ano pang mangyari, tanggap pa din siya ng mama niya. Which is isa sa mga napaka gandang katangian ng mga magulang. Yung bang kahit anong gawing katarantaduhan ng mga anak eh tatanggapin pa din nila at mamahalin pa din nila tayo. Makikita mo na yung pamilya ni Iyay ay isang pamilyang Pilipino, kasi kahit anong sitwasyon, kahit anong problema, nagagawa pa din nilang tumawa sa kabila ng lahat. Maganda yung movie. I think ang goal lang ng movie na ‘to ay yung mag patawa, mag pasaya which is sobrang natawa naman ako. Maraming mga dark jokes, may mga scene na nagpapatawa pero may laman. Naalala ko yung scene nung Madre na si Lucy (Mailes Kanapi) at ni Mia (Miel Espinoza), nung sinabi nung madre na magdasal daw lagi si Mia kung ayaw niyang mapunta sa impyerno. I think patama yun sa mga taong nag babanal banalan lang. Yung mga taong linggo linggo nag sisimba pero sila pa yung mga masasama. At kung may hindi ako nagustuhan sa pelikula na ‘to siguro yung pag kakaroon niya ng mga irrelevant na pangyayari tulad nung napasama si Lucy sa byahe nila. Wala namang gaanong halaga yung karakter ni lucy para saakin, well bukod sa pag papatawa. Overall I think, ‘tong movie na ‘to nagparealize sakin na, oo nga ganito nga tayong mga Pilipino. Yung tipong kahit may mabigat na problema hindi pa rin tayo nauubusan ng dahilan para tumawa at magsaya. Siguro pin aka exact example ditto yung scene noong nasa lamay na sila tapos may lalaking nag-proposed sa girlfriend niya. Haha! Pilipino nga naman. I’ll rate this movie a 8.5/10.
0 notes
a-lost-alnilam-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
RESPETO (2017) Fliptop battles. Akala ko isa lang itong normal na pelikula tungkol sa mga napapanahon ngayong mga fliptop battle kase si Abra yung nasa poster eh. Pero mali, sobrang lalim ng laman nitong pelikula na ito. Isa ‘to sa mga pelikulang nag paiyak sakin. Pero iba yung sakit na naramdaman ko dito. Umikot ang storya kay Hendrix at sa ambisyon niyang makilala at palakpakan sa larangan ng Fliptop battle. Ang fliptop battle ay isang modernong paraan ng pakikipag talastasan, pag babatuhan ng mga mala makatang salita noong panahon ng mga lolo’t lola natin. Makikita mo na laki si Hendrix sa lugar na magulo, delikado, at mahirap na kalagayan. Nagkaroon pa nga ng giyera laban sa mga pulis ang mga kapit bahay ni Hendrix kasi idedemolish na yung lugar nila. At isa pa sa mga masamang nangyayari sa lugar ni Hendrix ay ang abutan ng droga, na naging parte siya, dahil sa nobya ng kanyang ate. Di natin maipagkakaila na lahat ng iyon ay nangyayari sa panahon natin ngayon. Musika at pag gawa ng mga berso ang tanging naging paraan para makatakas siya panandalian sa masalimuot na mundong ginagalawan niya. Hanggang sa may nakilala siyang isang matandang doctor sa lugar nila, dahil tinangka ni Hendrix at ng mga kabigan niya na pagnakawan ito. Pero sa halip na ipakulong ng matanda si Hendrix ay hindi niya ito itinuloy. Doon sa eksena na yon naisip ko na baka itong matanda na ito ang tutulong kay Hendrix na makaalis sa masalimuot na lugar na kinalalagyan niya. Noong una akala ko ay wala lang ang karakter ng doctor sa pelikula na ito. Pero mali. Siya ang dahilan kung bakit may kakaibang sakit akong naramdaman sa pelikula na ‘to. Mapapansin mo sa mga eksena ng doctor pag nanakikinig siya ng radyo ay mga balita tungkol sa gobyerno natin ngayon, kaya medyo nagkaroon na ko ng ideya na tungkol sa gobyerno nanaman ang pelikula na ito. Oo, tungkol nga doon. Pero mas malalim pa. Dahil ang pelikula na ito ay tumatalakay sa masalimuot na nangyari noong panahon ni Marcos, at ang matandang doctor ang nagsilbing isa sa mga survivor noon. Naikwento niya ang mga naging karanasan niya kay Hendrix noong nakita niyang hirap na hirap ang binata dahil sa nasaksihan niyang pang gagahasa ng mga grupo ng lalake sa babaeng gusto niya. Dahil don nakita ng doctor ang sarili niya kay Hendrix noong panahon ni Marcos, katulad din siya ng binata na walang magawa habang nakikita niyang ginagahasa ang sarili niyang asawa ng ilang mga sundalo, wala rin siyang nagawa habang tinotorture siya ng mga ito, at lalong wala siyang nagawa ng barilin sa harap niya ang kanyang anak. Sa eksena na iyon, di ko talaga maipigilan yung luha ko. May kung anong sakit na di ko maintindihan. Na dumating ako sa punto na kinuwestiyon ko yung sarili ko na bakit wala akong ginagawa? Bakit ganoon? Bakit hinayaan natin na mailibing sa libingan ng mga BAYANI si Marcos? Pero wala naman tayong magagawa eh. Katulad ni Hendrix at ng doctor wala tayong nagawa. Wala tayong sapat na kapangyarihan para labanan ang mga nasa itaas. Sa huling mga eksena nagkita kita ang doctor at ang iba pang mga kasama nito noon sa kilusan, kasama si Hendrix at ang mga kaibigan niya. Kaarawan noon ni Hendrix. Pag uwi niya sa bahay nila di ko inaasahan na sa kabila ng mga kaguluhan na nagaganap sa bahay nila mag kakaroon ng salu-salo para sa kaarawan ni Hendrix. Pero may mas hindi ako inaasahan, yun ay ang pag patay sa pamilya at isa sa mga kaibigan ni Hendrix, pinatay sila nung isa pang anak nung doctor. Isa siyang pulis na gumagamit ng droga. Sa karakter niya, bagay na bagay sya sa mga nangyayari ngayon, sa war on drugs. Marami ang namamatay na mga inosente at marami ding mga pulis na hindi katiwa tiwala. Bandang huli ay pinatay siya ni Hendrix gaya ng paraan ng pag patay noon ng doctor sa sundalong bumaril sa anak niya. Maraming bagay ang mga ipinamulat sakin ng pelikula na ito. Nakakawasak ng puso. Nakakagalit. Moving on, ang nagustuhan ko sa pelikula na ‘to ay yung paraan nila ng pag dedeliver ng storya noong panahon ni Marcos, yung pag gamit nila sa Fliptop battle. Kung may hindi man ako nagustuhan siguro yung karakter nung anak na pulis nung doctor. Sumasalamin talaga siya sa IBANG mga pulis ngayon na nakakapang nginig ng laman. Overall sobrang ganda ng movie na ‘to. It’s a 10/10 para saakin. Kasi nadala talaga yung emosyon ko. Naramdaman ko yung sakit na dinadala ng mga nabuhay noon sa panahon ng Martial law kahit sa kaonting storya lamang, paano pa kaya yung mga ibang mga totoong naganap noon? At ayokong maranasan iyon. Dahil hindi ko alam, baka katulad nila, wala din akong magawa. Never Again. (Photo not mine. CTTO)
1 note · View note
a-lost-alnilam-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
BIRDSHOT (2016)
Unang scene pa lang ng pelikula na ito, humanga na ko. Sino ba namang mag aakala na batang babae ang hahawak ng baril? Isang hakbang para sa pag papatunay na hindi mahina ang mga kababaihan. Umikot ang storya nito sa dalawang kasong nireresolba ng dalawang pulis na sina Mendoza (John Arcilla), at Domingo (Arnold Reyes). Una ay yung tungkol sa nawawalang bus at mga pasahero nito at pangalawa ay yung kaso ng nawawalang Philippine eagle. Well, alam naman na natin na si Maya (Mary Joy Apostol) ang pumatay sa ibon. Kaya naman, ang napaka misteryong kaso dito ay yung tungkol sa nawawalang bus at mga pasahero nito. Isa pa sa mga misteryo ng pelikulang ito, ay kung sino yung tao na naka pula na laging nakikita ni Maya kung saan. Isa Isahin natin.
Una, Napag isip isip ko na ipinapakita ng pelikulang ito kung pano takpan ng mga pulis o kung sino mang matataas na namamahala, ang mga MAS mahahalagang issue/krimen na nangyayari sa ating bansa. Pilit isinasantabi at pilit tinatabunan. Tulad noong eksena ni Domingo noong nakarap nila ang hepe nila, pilit siyang humahanap ng resolba sa kaso ng nawawalang bus pero imbis na suportahan siya sa mga impormasyong nahanap niya ay binalewala at tinakot siya ng mga kapwa niya pulis. Halimbawa na lang yung eksena na pauwi siya ng bahay at nakita niyang nasusunog na ang mga halaman sa labas ng bahay nila, at may tumawag sakanya at pinag bantaan siya. Alam natin na mga kapwa pulis niya iyon. Namulat din ako sa katotohanan na ibang iba ang mga pulis ngayon. Napa isip nga ko paano na kaya yung mga nasa kolehiyo na nagbabalak pumasok sa industriya ng mga pulis? Natatakot ako para sakanila. Hindi ko masikmura yung mga katarantaduhan na ginagawa ng mga IBANG pulis sa panahon ngayon. Moving on, ayon nga nalaman ni Domingo na ang mga pasahero ng bus ay mga magsasaka sa isang hacienda. Ang mga pasaherong iyon ay nagbalak pumunta ng maynila para ipaglaban ang karapatan nila sa lupang kanila naman talaga. Ngunit sa kasamaang palad may mga gagong sinabotahe sila. Pamilyar diba? Alam nating lahat na nangyayari ang ilang mga kaganapan sa storya na ito sa totoong buhay, sa ating bansa. Nanatiling tahimik si Domingo sa mga nalaman niya kase tuluyan nang nalason ng mga pulis ang isipan niya. Unti unting naging katulad na din siya ng IBANG mga pulis. Mga pulis na hindi alam ang tunay na hustisya, na sa tingin nila mga mayayaman at matataas na tao lang ang may karapatan makamit ito. Bandang huli nakita ni Maya ang mga bangkay ng mga magsasakang pasahero ng jeep sa sanctuary ng mga Philippine eagle. Isa itong misteryo para saakin, bakit doon napunta yung mga bangkay? Isa ba tong simbolismo? Hindi ko alam. Isa pang misteryo para saakin ay, kung sino yung taong nakapula na nakikita ni Maya. Iniisip ko na baka espirito yon ng isa sa mga pasaherong namatay na nanghihingi ng tulong kay Maya. Kase kung babalikan natin yung eksena ni Maya at ng lola niya noong gabi na pumuta ito sa bahay nila. Bilog ang buwan noon, at sabi ng lola niya, kapag bilog daw ang buwan gumagala ang mga kaluluwang hindi matahimik na nanghihingi ng tulong. At kapag daw hindi mo sila pinansin isang linggo ka nilang susundan habang bilog pa ang buwan. At don nakita ni Maya yung taong naka pula na nakatayo lang sa harap niya. Hindi niya ito pinapansin kaya siguro pa ulit ulit itong nagpapakita sakanya, tulad ng sinabi ng kanyang lola tungkol sa mga espirito. At kung titignan, nakasuot yung taong nakapula ng sumbrero na pang magsasaka at di nalalayo yung damit niya sa isang bangkay na nakita sa sanctuary. Ito lang naman ay ang aking pagkakaintindi sa pelikula.
Expectations ko sa pelikulang ito, siguro I felt cheated. Kasi akala ko dahil sa mga pangyayari, sa mga pinag daanan ni Maya, sa mga nasaksihan niya, akala ko magiging isang rebelde siya at papatayin niya talaga si Domingo don sa mga huling eksena. Pero nanatili pa rin yung pagiging bata ni Maya. Batang walang palag sa mga masalimuot na pangyayari sa bansa.
Meron pala akong isang hindi nagustuhan sa pelikula na ito. Yung di pag amin ni Diego (tatay ni Maya) kay Maya na mali ang ginawa niyang pag patay sa ibon. Pinaniwala niya si Maya na wala siyang maling nagawa. At sobrang maling bagay yon lalo pa’t tatay siya ni Maya, dapat sinasabi niya kung kailan tama at mali ang ginawa ng anak niya, lalo pa’t maling mali ang ginawa ni Maya.
Kung bibigyan ko man ng grado ‘tong pelikula na ito, 9/10 siya. Sobrang ganda, para saakin. Yun nga lang minus points yung isang bagay na di ko nagustuhan. But anyway, I would love to see yung mga iba pang pelikula na gawa ng mga gumawa nitong Birdshot. And I just want to recommend to you guys yung cinema house na pinanooran ko nitong movie. “Cinematheque Centre Manila” ang cool nung place and you get a free pin ng Pista ng Pelikulang Pilipino everytime na manonod kayo ng movie entry mula don. Thank you for reading!
(Photo not mine. CTTO)
0 notes
a-lost-alnilam-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
"Where are you know?" It's been a week since we part ways. I wonder what you are doing. I wonder if you're okay. I wonder if you think of me too. Ps. I still love you.
0 notes
a-lost-alnilam-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros (2005)
Itong movie na ito ay tungkol kay maximo at sakanyang pamilya. Si maxi (maximo) ay 12 years old na bata, at isa siyang bakla. Tanggap naman ito ng kangyang pamilya, masaya naman silang namumuhay ngunit sa masamang paraan nga lang. Magnanakaw ang tatay at mga kuya ni Maxi na sina Bogs at Boy. Namatay ang nanay nila sa sakit noon, hindi kasi nila kayang ipagamot ito dahil kapos nga sila sa pera. Relihiyoso ang pamilya ni Maxi ngunit salungat dito ang gawain ng kanyang pamilya. Payapa naman silang namumuhay sa ganoong paraan dahil may ‘kalakaran’ sa kanilang lugar, na pag nahuli ka ng pulis, pwede pang ‘pakiusapan’. Ngunit nagbago ang takbo ng buhay nila nang makilala ni maxi si victor, isang baguhang pulis sakanila. Di nagtagal nahulog ang loob ni maxi kay victor, na tutol naman ang kanyang pamilya kahit sa pagkakaibigan nila dahil nga pulis ito at magnanakaw ang pamilya niya. Lalong nagulo ang buhay nila nang makapatay ang kuya ni maxi na si boy. Pinilit paaminin ni victor si maxi sa nagawang kasalanan ng kuya boy niya, ngunit hindi siya umamin dahil mas mahal niya ang pamilya niya. Hanggang sa nagpalit ng hepe sa kanikang lugar at doon na nasira ang buhay nila. Nakulong ang kuya niya at namatay ang kanyang tatay. Kalaunan naman ay pinalaya din ang kapatid ni maxi at dito nagbago na ang buhay nila. Nakapasok na sa eskwela si maxi at sinosoportahan siya ng dalawa niyang kuya. At tuluyan niya na ding nakalimutan ang nararamdaman niya para kay victor.
I’ll rate this movie an 8/10. Maganda siya, akala ko mag fofocus talaga yung story sa pagiging bakla ni maximo pero hindi pala. Mas binigyang diin dito yung nang yayare sa tunay na buhay. Na sobrang hirap mabuhay talaga sa mundo kapag mahirap ka. Pinakita din dito kung gaano kabulok ang law enforcement sa bansa, sa pamamagitan ng mga pulis sa pelikulang ito. Isa sa mga nagustuhan ko sa pelikula na to eh yung maliit na ‘sinehan’ na laging pinupuntahan ni maxi at ng mga kaibigan niya para manood ng dvd’s. Ang ganda lang kasi local movies din yung mga pinapanood nila. At nakikita naman doon sa mga posters na nakadikit sa dingding noong kwarto. Dahil don napopromote yung thought na dapat simula bata pa lang sanayin na nila na makapanood ng mga pelikula lalong lalo na ng mga local movies. Isa pa ay yung scene na sabay sabay silang kumakain ng pamilya niya, nag dasal muna sila bago kumain at don makikita mo yung bond sa pamilya nila eh, kahit ganon yung pamumuhay nila, makikita mo yung magandang samahan nila as a family. At isa din sa mga favorite scene ko ay yung umiyak si maxi sa kuya bogs niya noong nabroken hearted siya kay victor. Sobrang heartbreaking non para sakin, naramdaman ko yung mismong emosyon ni maxi nung umiyak lang siya sa balikat ng kuya niya. I can say na this movie gratified my expectation dun sa part na nakulong yung kuya niya, na forsee ko naman na na mangyayari yon. Also i felt cheated, nag expect kasi ako na marerape sa maxi dahil nga homosexual siya, so ayun. And about naman sa elements ng movie mejo hindi ko bet yung stylistic element niya, well siguro dahil lumang movie na siya, but the story, characters and the script ay maganda. And i really like yung scene sa umpisa na may lumulutang na bulaklak sa ilog na napapalibutan ng basura at magulong lugar. Nirerepresent nung bulaklak yung sitwasyon ni maxi, isang bata, bakal nagdadalaga, inosente, at napapaligiran ng masamang mga gawain at bulok na sistema.
0 notes
a-lost-alnilam-blog · 8 years ago
Photo
Do they?
Tumblr media
1K notes · View notes
a-lost-alnilam-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
MMFF2016: Maraming Magandang Filipino Films
This year’s MMFF was really surprising. Finally! Hindi na siya yung nakasanayan nating mmff. I can say na napakagandang changes nito sa industriya. Mas napopromote yung mga “mas” magaganda at makabuluhang mga pelikula, mas na eencourage nito yung mga kabataan na mag explore at mag diskubre pa sa industriyang ito. Ako, personally, hindi talaga ko mahilig sa mga movies eh madalas hindi ko natatapos at nakakatulog ako, lalo na sa mga local movies. But dati noong bata ako naging panata na ng pamilya ko na manood ng mmff entry tuwing pasko which is either enteng kabisote or shake, rattle and roll. At noong makaranas akong manood ng mga indie movies lalo na tong 2016 mmff entries napatunayan ko sa sarili ko na there are so much more sa mga local movies, na enlightened ako sa mga kung anong kaya pang gawin ng mga Filipino film makers. For the past years nagging consistent ang mmff sa mga pinapalabas nilang mga pelikula but this time they stepped up! Parang naging sugal siguro ito kasi akala nila lalangawin yung mga ipinalabas this year. Well, I felt sorry for those na nagsabi non sobrang nagging successful ng mmff ngayong taon. At nabigyan ng big break ang mga indie films, napakilala sila sa maraming kabataan ngayon. And I’m so happy na they finally made an announcement na i-eextend nila hanggang January 7 ang showing ng mga pelikula. (ngayon ko lang nabalitan medyo nag dadrama pa ko don sa previous reviews ko about saving sally and die beautiful haha) Anyway, I would try na mapanood talaga lahat kahit sobrang sakit sa bulsa ng presyo ng cinema ticket ng mga malls, kakayanin.
This year’s mmff entries really gave the true beauty of the Filipino films and revealed the undeniably talents of the Filipino film makers. I’m definitely looking forward sa susunod na mmff at sana ganito din ka-solid yun. Salute sa mga gumawa ng Saving Sally, Seklusyon, Oro, Die Beautiful, Kabisera, Sunday Beauty queens, Ang babae sa septic tank 2, and last but not the least Vince and Kath and James. Sobrang salamat for making me, or we, realize na marami talagang magagandang Filipino Films. And I also want to thank my prof. from pup for requiring us to watch mmff entries. Sir kung hindi dahil sainyo di ako makakakita ng mga ganito kagandang pelikula shet.
So much love. Till next mmff! ♥♥♥
The photo from above was made by Mr. Vincent Aseo
3 notes · View notes
a-lost-alnilam-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Die Beautiful (2016) Jun Lana
Die beautiful is a comedy-drama film about the story of a transgender woman, whose real name was Patrick then later on he, rather, “she” changed it to Trisha Echevarria (Paolo Ballesteros). Patrick totally changed his appearance and name after his father rejected him for being himself, a gay. He was emotionally abused by his father and sexually abused by his schoolmates back in his highschool days. Fortunately, Trisha have barbs (Christian bables), his bestfriend. He lived with barbs after he moved out of his father’s house then together they pursue their dream of becoming a beauty queen. Later on, He adopted a child, and named her Shirley Mae. Patrick Died after he won his dream title, Binibing gay pilipinas. And as barbs promised to her, he was going to do a make-up transformation everyday for seven days of Trisha’s wake at Happy Endings funeral homes.
Anong mga nagustuhan ko sa pelikula na ito? Para saakin lahat. Every little bit of it. First, napaka unique ng story! I loved the idea of the make-up transformation in paolo’s wake. Siya lang talaga makakagawa non. Sobrang napahanga nya ko sa movie niya na ito. Plus, his portrayal of Trisha’s role damang dama mo talaga yung character sakanya eh. And his outstanding acting skill na mas naappreciate ko sa movie na ito. He really deserved the awards! Pang best actor talaga. I have no idea na ganoon siya kagaling, well sa eat bulaga ko lang naman siya napapanood madalas. He is truly and undeniably a very talented man, mapa acting o sa pag me make-up sobrang galling niya. Pangalawa, si Barbs. Sobrang gusto ko yung character niya, lakas maka Best friend ng taon. Salute kay Mr. Christian Bables! Sobrang nabigyan niya ng justice yung character ni barbs. His acting skills in this movie was beyond amazing for me. Ngayon ko lang siya nakita ever in my life, and im asking myself  “Bakit hindi sikat ‘to?”, “Bakit ngayong ko lang siya nakita?”. The way he portray barbs was amusing, akala ko talaga gay siya in real life. Damang dama ko din yung character sakanya. Kayang kaya niya makipag sabayan sa mga ibang arista, especially kay Paolo.  Ang ganda ng tandem nilang dalawa. They’re both amazing actors. I think this movie was Christian Bables’ big break! Sobrang napapahanga talaga ko ng lahat ng cast nitong die beautiful. Pangatlo, yung idea na kaya kang patawanin and at the same time paiyakin nitong movie na ‘to. I love humor! And yung cameo role ni Ms. Iza calzado and Ms. Eugene Domingo. Yung scene ni Ms. Eugene sa wake ni Trisha na he was Julia Roberts for that day, na touch ako and at the same time natawa nung pinalitan niya yung gown ni Trisha hahahaha. Pang apat, makakalimutan ko ba naman yung exposure ng sintang paaralan sa movie na ‘to? hahaha kahit konting scene lang yun I feel proud hahaha na pa salita pa ko sa sinehan na “uy PUP!”  solo flight akong nanonood haha sakto naka pup jacket pa ko that day #feelingProud Lol. And lastly, I love how Mr. Jun Lana brought out the undeniably amazing talent in his actors/actresses in this movie. I’m super overwhelmed pagkatapos ko panoorin yung movie. Talagang hinintay ko hanggang mag black out yung screen. Nag stay ako hanggang matapos ipakita yung casts. Sobrang di ko inexpect na may ganito kagandang pelikula. Well, hindi naman kasi talaga ko mahilig manood ng movies specially yung mga locals. But, this film at lahat ng mmff entries this year made me realize na sobrang marami talagang magagandang Filipino movies. Sobrang nagbago yung pananaw ko sa mga pelikula dahil dito.
And of course, my favorite line from this movie was Shirley mae’s line towards Trisha na:
“Hindi mo naman talaga siya mahal eh, gusto mo lang siya kasi akala mo wala nang mag mamahal sayo” sobrang relate lang ako sa line niya haha napaisip ako na oo nga no may mga ganoong instances nga na hindi mo naman talaga mahal yung isang tao eh, gusto mo lang siya, pwede na, okay na, ganon. Kasi akala mo wala na uling dadating at mamahalin ka ng totoo.
Anyway, going back to the review! Ano ang mga hindi ko nagustuhan sa pelikulang ‘to?
As I said,For me,  I love every little bit of this movie. Kaya definitely wala akong hindi nagustuhan. They deserved yung mga awards na nakuha nila sa movie na ito. I’ll rate this movie a 10/10 and if I’m given a chance to live again… charot haha if I’m given a chance to watch this film again I definitely would, kahit ilang ulit pa. :) This is indeed a highly recommended movie. Umaasa pa din ako na ma e-extend pa ang mmff.
That’s all for my movie review about Die beautiful! ♥♥♥
2 notes · View notes
a-lost-alnilam-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Saving Sally – Mr. Avid Liongoren
Saving Sally is a typical love story with a fantasy, sci-fi animated effects. It is about a boy, named Marty, who bullied by his schoolmates then there’s this girl, named Sally, who saved him from those evil students. Later on they became best friends. Then Marty fell in love with her, but unfortunately Sally friendzoned her. They part ways after Sally knew about Marty’s feelings for her. But they go with the same college, then as time passed by Sally finally tell Marty her true feelings for him.
Sally, played by Rhian Ramos, is a genius with mechanical gizmos: automatic flat irons, handheld power dishwashers, personal drone assistants, with the added quirk that in the midst of all that scientific virtuosity, her world is decidedly old-school: no mobile phones or computers or internet. And of course, Marty, played by Enzo Marcos, is a wiz kid in illustration, who self-publishes his comic books containing science fiction stories. Timid by nature, he expresses his affections for Sally and his view of the outside through drawings: one wall in his room is filled with drawings of Sally in various settings, which he quickly hides by overlaying it with other drawings whenever she comes to visit.
What I loved about this movie? Watching it, Sobrang na-amaze ako sa movie to. Especially the animations, they are stunning!! sobrang nakaka satisfy tignan/panoorin yung mga drawings. I really love the art style. Yung mga infrastructure, buildings, places na ginamit eh pinoy na pinoy talaga. And the puns added to it, like yung “sandara park”and “tuk mall” hahaha. I love the humor! Gusto ko yung idea na geeky, nerdy yung lead characters which is Sally and Marty. I think Rhian did a really great job in portraying the role of sally, and so as Enzo Marcos. They are perfect for the roles. Hindi ako pamilyar kay Enzo but his chemistry with Rhian was so charming. I love both of them. Oh at yung character ni Tj Trinidad, which is Nick, the literally dick head boyfriend of Sally hahaha. I like how they illustrate Tj’s animated character. And also the way they deliver their lines in English language was good, they are really comfortable with it. This movie was really perfect for kids and kids at heart too! Well, kailangan lang ng konting parental guidance for the kids, because of some scenes. Naalala ko yung narinig ko sa dalawang saleslady sa mall bago ko manood ng sine, They are talking about the mmff entries. Sabi nila na hindi naman daw pambata ang ipinalabas ngayon, dapat daw pambata kasi pag pasko karamihan ng mga nanonood eh bata at mga pamilya nila. Well, siguro hindi naman talaga nila alam kung ano ano yung mga entries. Hahaha sana nabalitaan nila na nanalo ng Kids Choice award ang saving sally.
I remembered my favorite line, and I think everyone’s favorite (especially teens hhahaha) from the movie was; “I know you wanted mayhem, war, chaos. But isn’t that what love is all about?”. That was Marty’s line nung prinisent nya yung bagong story ng comic nya, which is a lovestory and yep about Sally.
Ano ang mga hindi ko nagustuhan sa pelikulang ito? Well, I love the movie. Siguro medyo nakulangan lang ako sa story and sa content. I don’t know. Like at the end of it, what is it trying to tell? Anong gustong iparating nung movie? Well, something like that. Yep it is a “Typical love story” being told in a unique and very creative way. Pero yun nga, para saakin medyo nakulangan lang ako. But the rest of it? the visuals, the characters, the idea, and the creativity was really great! There’s no doubt na kaya nating makipag sabayan sa mga foreign movies. I heard Saving Sally was made by a small core team, and it took 10 years for them to finish it. Well, it’s worth the wait! Salute to Mr. Avid Liongoren for making Saving Sally! sobrang salamat sakanya sa paggawa sa movie na to, sa paghihirap nya at ng buong team nila na matapos tong movie na to para ipakita saamin, mga manonood, kung anong kayang gawin ng mga pilipinong film makers. Sally was finally saved!
And kung ire-rate ko tong movie na ito, it’s 8/10. But I would love to watch it again! Kasi ang sarap lang panoorin nung animations eh. I want to have a copy. :) and I’ll definitely promote it to my friends. But nakakalungkot lang na last day na ngayon ng mmff, at hindi natupad yung extension na pinapangarap ng marami :) . So yeah, that’s all for my review about Saving Sally. I’m definitely looking forward sa mga magiging bagong entry ng mmff next year. Sana ganito ulit ka ganda ang mga magiging entries. Maraming Magandang Filipino Films :) ♥♥♥
1 note · View note
a-lost-alnilam-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
I don’t know what God’s plan is. But I surely trust Him.  For now, I’m just grateful for what I have.. and what came back.
0 notes
a-lost-alnilam-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Do you still remember me? Do you still remember the first time we met? Do you still remember how mad your mom is when we locked ourselves in your room for hours (DANG she’s so scaryyy)? Do you still remember how dumb i was when we’re playing chess (and you start to fvkng laugh your ass off bout that haha) ? Do you still remember when you used to sing a song for me everytime i says so? (Your voice was horrible! but i never get tired of listening to your voice haha) Do you still remember our sleepless nights just to talk to each other? Do you still remember when we watched a concert of your favorite band? (Damn i was the one who bought tickets for us. but im so happy when i saw you enjoying watching them live.)? Do you still remember when you offer me a ride in your motorcycle?(you fvcking reckless driver! im gonna die if you’re my driver. But i enjoyed it.) Do you still remember how much we love looking at the stars? (esp Orion)
because me,
I still remember everything. Every little things. Every moments. Every smiles. Every laughter. Everything. Even the last words you said....
“Hindi ko nakikita yung sarili ko na kasama kang tatanda. Hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal sa babaeng handa kong pakasalan.”
0 notes