abadluke-blog
abadluke-blog
The Real Dummy
1 post
Dummy account, real me.
Don't wanna be here? Send us removal request.
abadluke-blog · 8 years ago
Text
HINDI KO ALAM
Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa’yo. Dahil ba may iba akong gusto o sadyang hindi na gumagana yung “tayo?”
Hindi ko alam kung bakit makasarili tayo pareho. Kung bakit hindi ka makapagparaya at kung bakit hindi ko mapalaya ang sarili ko. Sa limang taon ba, nasanay na lang tayong ganito?
Minsan, napapaisip ako. Ano ba ang mas tama? Iwan ka o iwan mo ako? Mas gusto kong piliin kung saan hindi ka masyadong masasaktan.
Kaya nga kahit may mahal akong iba, kuntento na lang akong panoorin siya. Dahil kung mas masaya kang nandito ako, dito lang ako. At kapag sinabihan mo akong lumayo, lalayo ako.
Kahit ang dahilan, hindi ko alam.
0 notes