abieceedee
abieceedee
Kwentong Abie
190 posts
There is much story to tell than the picture itself
Don't wanna be here? Send us removal request.
abieceedee · 18 days ago
Text
Tumblr media
June 07, 2025
11:48pm
Before the day ends, gusto kong mag-share ng mga happenings sa aking buhay..
Andito kami ngayon sa Palm Hills Resort, Nasugbu, Batangas for a short staycation dahil wedding bukas ni Mikoy. I am more into maximizing this staycation more than the wedding. Hehe. An hour away yung layo ng staycation namin sa wedding venue at dahil in love ako sa place, ayaw ko na sana munang umalis. Hehe. Para kasing wrong move. Dapat dun nalang kami nag-check-in sa wedding venue para wala nang gaanong hassle kaso mapipilitan kasi kaming makipag be with people dun. Hahaha 🤣 walang moment with just the people that you like.
Masaya ako today kasi anganda ng place. Narecharge na naman ako kasi bundok yung view. Hehehehe 😅 Mt. Talimtim
Masarap magmuni muni...
Anganda nung infinity pool...
I hope kasama ko sila nanay at tatay.. tsaka mga friends ko sa Living Stone...
Napagtanto ko lang na tuwing meron akong mga gala na supeeeeer memorable o nakakapagpasaya ng puso, nami-miss ko yung mga taong very dear sakin.. lagi kong naiisip na sana kasama ko sila. Lagi akong ganun. Kaso, magastos kasi ang travel kaya hindi pwedeng magsama lang ng magsama. It's with the intention not always on a whim...
Napagod ako today pero happy parin. Bago umalis kanina, naglinis ako ng bahay. Ayokong umalis na marumi ang bahay kasi ayokong kalat ang dadatnan ko pagkauwi. Nairaos naman yung linis kasi paunti-unti na ko naglinis nung mga nakaraang araw. Very wise move na kumain na ko before umalis. Kasi alam kong magugutom sa byahe. Very happy rin kasi nakapagstarbucks sa twin lake... Andami kong happy moments today kaya thank you Lord!
0 notes
abieceedee · 1 month ago
Text
Tumblr media
Museum date sa Antipolo
0 notes
abieceedee · 1 month ago
Text
Tumblr media
Marinduque quick escapade 2025
0 notes
abieceedee · 6 months ago
Text
December 29, 2024
1:17pm
Hi, 👋 it's been a while nung napunta ako dito para magkwento.. meron lang akong mga realizations na hindi na makakapag-antay pa.. eto na ang tea ☕
Daryll and I will be having a lunch date sa SM Fairview. And while on a public transport, I just encountered a very rude lady. She shouted and humiliated her companion with a clear threat, "tumabi ka dito sa akin o bababa ako"
That moment created a clear awkward tension among passengers. Yung tipong hindi naman ako yung pinahiya pero ako yung nakaramdam ng humiliation without intending to do so...
What's in it for me? Well, it made me 🤔 and appreciate of what a peaceful environment i have:
1. Very patient yung recipient nung anger nung babae, meaning, sanay na sya sa ganung kamalditahan nung babae. Kaya nga, i have no position to comment on what just happened kasi nga, at the first place, it's none of my business.
2. Manners matter. Kahit saang sitwasyon sa buhay, never tolerate rudeness.
3. It's also not nice to be judgemental. May root cause naman siguro talaga ang pagmamaldita nung tita. Let us not judge
Lastly, kindness parin dapat ang paiiralin ko at all times. Iba parin kapagka mabait
That's all. Malapit na kami. Ciao!
0 notes
abieceedee · 11 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Summer Class 2024!
Dami kong pagod pero marami rin akong saya!!
0 notes
abieceedee · 11 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Canyon Cove Batangas Escapade!
A very quick escape! Sana maulit!
0 notes
abieceedee · 11 months ago
Text
Tumblr media
July 19, 2024
I have a burst of mixed emotions!
I am the kind of hindi masaya pero hindi rin malungkot adult this year. I am kind of proud of it kasi i was really soooooooooooo dramatic since 2021. Nakaalis na ko sa stage ng buhay ko na lahat nalang dinadamdam ko. Though I am still far from the hopeful lady that I am used to be, masaya na kong kahit papano, nakaalis sa tanikala ng matindi at hindi maipaliwanag na kalungkutan...
Ganun kalupit ang realidad ng buhay. Nasupalpal ako ng malala na yung dating ambitious na tulad ko, marami nang binitawan na pangarap. Well, ganun talaga ang buhay. Hay.
Share ko lang.
A few months ago, yung acquaintance ko abroad na 14 years nang hindi magkababy, nag-announce sa social media na a baby is on the way... It made me really joyful for her!
Then kanina, yung kasabayan ko na year kinasal na churchmate, nag-announce din nang kanilang miracle baby on the way! Whoaaaaa! Na-amaze lang ako. Kasi medically, impossible na talagang magka-baby sila pero still, binigay parin ni Lord. 🥰
From the bottom of my heart, sobrang masaya ako sa mga babaeng ito na sinagot ni Lord ang kanilang prayers. I am just really happy for them na FINALLY!!!
Then it made me 🤔 think of those ladies na nasa same club padin nang infertility like me. I've known quite few of them. It made me think of Raiza.
The pressure is reaaaaaalllllllllly through the skies kapagka matagal na pero wala paring anak. The prejudice, the blame and everything.
So this post is a self-reminder to be kind to myself. Self, it's okay 👌 i know you're genuinely happy for them so be it. Wag mo nang ituloy yung sunod na emotion - ang kaawaan ang sarili dahil yung panalangin nila tinugon na, yung sayo, nganga parin. Stop that! 😤 It's not good for you!
Keep your faith because God is working in you! 💕🙏💪❤️
Kapit lang self! Totoong may Diyos! 😉
0 notes
abieceedee · 2 years ago
Text
September 8, 2023
Nagtatampo ako...
I was not really feeling well about myself in the past few days. I think, I'm feeling under the weather because of my hormones...
Naiinis lang ako kasi...
Kararating lang ni Biknes sa bahay tapos wala na syang ginawa kundi magreklamo... I was hurt kasi ako naman ang naglilinis nitong bahay lagi... Hindi ko naman napansin na may mistake pala kong nagawa.. Ang labas, parang ansama sama ko na...
0 notes
abieceedee · 2 years ago
Text
Tumblr media
Happy birthday Nes!~
Pagod man ako, masaya naman.. anhirap lang talaga na merong malaking bahay tapos ikaw lang din yung maglilinis. Buti nalang, nagkusang tumulong si Bianca at Llyod, gumaan yung burden...
Masaya akong tunay at marami akong realizations
2 notes · View notes
abieceedee · 2 years ago
Text
I can't exactly write how miserable i feel about myself right now...
I feel really bad for myself pagka i'm hoping for misfortunes na dumating sa mga tao sa paligid ko. Most of the time, i 🤔 think na baka kaya hindi binibigay ni Lord yung mga mithiin ko sa buhay kasi masama ako mag-isip saking kapwa.
Pero ang katotohanan naman, masaya ako para sa kanila. Pagka meron silang achievements at sila ay masaya sa buhay nila. Ang downside lang, dahil masaya sila, feeling ko, malungkot ako. Kasi, nakikita ko na sila, sa buhay nila, may nangyayari... Sa akin, wala. Huhuhuhu 😭
Ayan self! Compare ka kasi ng compare!
1 note · View note
abieceedee · 2 years ago
Text
I am soooooooo sad 😭
1 note · View note
abieceedee · 2 years ago
Text
Midnight 💭 Thoughts
Tumblr media
Pansin ko lang na kaming mag-asawa ay nasa stage na super duper close with each other kaya ang tendency, laging may friction sa pagitan naming dalawa. Thursday palang ngayon pero naka-tatlong tampuhan na kami ngayong week - which is unusual sa peace-loving character naming dalawa. Parehas naman kaming at fault pero pansin ko lang na mas mabilis ng uminit ang ulo ni Daryll sakin. 🤣 HAHAHA i mean, ganito parin naman ako, makulit, nagger at hyperactive paminsan minsan... Konting kulit ko o kaya magiging palatanong lang naman ako kasi meron akong mga hindi maintindihan sa proseso nung conversation, bigla bigla nalang syang magtataas ng boses. Ayaw na ayaw ko pa naman yung nasisigawan ako.
Pero i still love him parin naman with everything that i am. Naninibago lang ako sa mga little wars na nagaganap samin lately.
0 notes
abieceedee · 2 years ago
Text
Redhead
Tumblr media
Eggzoited na sa bagong bahay sa Whispering!
0 notes
abieceedee · 3 years ago
Text
Sobra lang akong thankful
Tumblr media
Ngayon nalang ulit ako dinalaw ng mood para makapagkwento sa site na 'to.
Siesta time kaya imbes na magbasa ng manga, ansabi ko sa sarili ko, kailangan kong maglagay ng kwento sa tumblr kasi matagal na magmula nung huli akong nagsulat.
Wala namang gaanong espesyal sa kwento ko ngayong araw. Meron lang akong mga realizations sa buhay na gusto kong i-share:
1. Kaming mag-asawa ay hindi mayaman sa pera pero we still do dates from time to time. Hindi rin kami sosyal magdate pero i can say na nag-iimprove na ang mga date nights namin. Nung magbf/gf palang kami, kuntento na kami sa window shopping, movie day then kain sa Mcdo... Pero ngayon, pag may gusto kaming bilhin na mga items, nabibili na namin without second thought. Kumbaga, afford na kasi namin kaya malakas na loob namin. HAHAHA 😅
2. Yung asawa ko yung tipo ng lalake na hindi tinitipid ang asawang babae. In fact, ayaw na ayaw nya na hindi nabibigay yung gusto ko. Never ko syang narinig na nagreklamo na masyado akong maluho. Siya na nga ngayon ang nag-iimpluwensya sakin na huwag maging matipid pagdating sa sarili. I mean, may ugali kasi akong kung mas makakatipid, yun nalang ang bilhin. Pero sya, ang logic nya, hindi dapat magsettle for less. Di bale ng mahal basta good quality at hindi peke.
3. Parehas kaming peace loving ferson. Madalas ako ang nang aaway kasi low-key bitch din ako paminsan minsan...pero never pa kami nagsigawan pagka nag-aaway kami - and i am very thankful for that. Kadalasan naman kasi selfish ako tapos sasabayan nya ng insensitivity kaya boom! Madalas din akong nakikipag away kung kelan kami nasa labas. HAHAHA 🤣 pero wala pa kaming away na tumagal ng isang linggo. Pinakamatagal na yung 2 days. Kahit ako ang nakipag-away sya parin naman yung laging nauuna na suyuin ako. At ako naman, di ko rin kayang tiisin yung panunuyo nya.
Yun lang. Naglalambing na naman asawa ko, hindi na ko makapokus. HAHAHA 😂 hanggang sa muli!
0 notes
abieceedee · 3 years ago
Text
May 7, 2022. Another Wonderwoman Adventure
6am: start up routine
8am: finalize visuals for KBS
9am: Music 101
11am: Teacher's Devotion
12nn: Preparation of Visuals to Use
2pm: Cooking of Kid's Merienda
3pm: KBS Barcelino
4pm: KBS Ana
5pm: Cool down - kwentuhan with Xene
6pm: Foundational
7pm: Beulah Short Video
8pm: Worship Team Rehearsal
9pm: Blogging
10pm: Light dinner
Pancit Canton. Hotdog and Rice. Macaroni Spaghetti. Mugshot Coffee. Jolly Hotdog. Piattos. Tubig. Tubig. Tubig na marami. Kakauhaw. Burned 468. Tsk. Malayo sa katotohanan.
0 notes
abieceedee · 3 years ago
Text
Day 9. Huling hirit. Huling errand.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
After ng klase ko, tumakbo ako mag isa sa City Hall para sa Tax Clearance. Nakuha ko na ang pinakamimithi! 1st solo trip sa Grab. Malaking achievement! Pagkabalik sa hotel, yung lalamove naman nung document para maprocess na ni Mam Dianne. Solve!
Tapos uwian na. Huhu. Nagready na sa pag -uwi. Hinatid si Daddy Ravi sa airport via Skyway tapos poof! By 4pm, nakauwi na kami sa bahay.
Pagkauwi, parang lahat ng pagod biglang lumabas sa katawan ko tapos nakatulog ako. 11pm na ko nagising tapos kumain lang ako tapos tulog ulit. Hanggang kinabukasan. Pagod yarn?!?
That's it.
Sa lahat ng ganap, thank you Lord!!!
0 notes
abieceedee · 3 years ago
Text
Day 8. The final countdown
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Wala ng adventures kasi uwian na bukas. Nagrelax nalang sa hotel. Ang ginawa ko, inayos ko yung mga pictures at kinompile ko sa premiere. Natuwa naman sila Daryll nung napanood nila. Nagturo rin pala ko sa online class at natutuwa si Daddy Ravi kung panu ko magturo.
Pagdating ng gabi, dalaw mode na. Dumalaw si Daddy kela Tatay tapos kela Lola naman tapos nagdinner sa Amitsari. Nag enjoy sila sa kwentuhan at Indian vibes. Nakabawi na nang kain si Biknes mula sa pagkakahimlay nya sa kanyang hang over.
Pagkauwi, last naming namili ni Daryll. Inenjoy yung night walks sa Tomas Morato. Hahaha 😂 Nawiling magnakaw ng halik ang asawa ko at kinilig naman ako. Hahahaha 🤣
That's it. Back to reality na bukas. Hay. Parang ambilis.
0 notes