Text
Bestfriend slash mortal enemy Yan ang best description ko sa taong minahal ko simula bata hanggang ngayon. Haha. Bestfriend ko siya dahil kahit anong ikwento o sabihin ko sakanya ayos lang sakanya. Nung nakilala ko siya, para bang matagal na kaming close. At ease na agad ako sakanya. Pero nung minahal ko na siya, may part sakanya na nakakainis pero mahal na mahal ko pa rin naman. Nag aaway kami sa mga petty things pero at the end of the day mahal ko pa rin siya. Uhmm.. bakit nga ba mortal enemy? At meron pa, theme song ko "Hate that I love you." Haha. May mga times kasi na kapag nag aaway kami sa maliliit na bagay at feel niya na inis na inis nako sakanya, mas iinisin pa niya ako. Tapos kapag inis na inis nako bigla na lang siya magpapatawa, eh sympre diba, medyo mataas pa pride ko, kahit tawang tawa nako pinipigilan ko kasi galit-galitan pako. Haha. Pero deep inside "leche ka, huwag kang magpatawa jan!" Haha. Naiinis ako dahil mahal ko siya. Dahil siya ang weakness ko. Parang nasisira araw ko kapag di kami nag uusap sa loob ng isang araw. Nauurat ako kapag dinedeadma niya ako. At badtrip nako kapag nag aaway kami. Hahaha. Nakakabaliw na. Pero mahal na mahal ko talaga tong taong to. Kasi kahit na hindi naman dapat magpaka loyal sakanya, wala eh.. Nagiging loyal ako. At sakanya lang ako nagiging malandi. 😂😆 Hahaha.
1 note
·
View note
Photo
Ang horoscope na ang nagsasabi na di nga kami compatible. Waaahahahaha. Capricorn ako at Libra siya. Ang kulit kulit ko lang talaga diba. 5 years ko ng pinaglalaban na pwede kami pero HINDI NGA!! hahaha.
616 notes
·
View notes
Text
Day 3.
Eto na naman ako. Nagbibilang ng araw na hindi niya ako kinakausap. Kahapon di siya nag online, malamang wala silang wifi connection. Ni di rin nagparamdam sa text. Buong araw lang ako nagtingin ng messenger at viber baka sakaling makita kong online siya. Pero fail. Kanina tinignan ko viber niya, ayun natuwa ako kasi online siya. Pero walang message. As usual ang last na nag message, ako. As usual SEEN lang. 💔 Iniiwasan ko na nga mag open ng messenger para if ever iopen niya messenger niya makikita niya na 'active last --hour ago' kaso ako yung taong di marunong magtiis lalo na pag mahal ko. 😢 Kaya nag oopen pa rin ako ng messenger. As usual pa rin ako pa rin ang last na nag message. At SEEN pa rin ako. 💔 Sabi ko nga eh, hindi nako mangungulit. Kasi noon ilang beses na niya ko sinasabihan na ang kulit kulit ko. Na ang ingay ingay ko, yes madalas nga nagiging nagger nako. Kaya okay lang na di na kami mag usap. Tanggap ko naman na wala ng patutunguhan to. More than 2 years na rin kasi na hindi na kami nagkikita dahil nasa probinsya na siya. At feel ko may nakita na siyang prospect. Wala lang nafeel ko lang. Sympre lalaki siya, at noon babaero talaga siya. Ewan. Ewan. Ewan. Nagiging paranoid lang talaga ako. Sympre mahal na mahal ko pa rin siya. At ang sakit sakit na. Pinipigilan ko talaga sarili ko mag message eh. As in pigil to the max. Kagabi nga, napa message ako sa friend ko nagpapaload ako sa globe, aba'y na seen lang din ako, di ako niloadan. Hahaha. Pero ayos lang, buti nalang talaga hindi. Baka di na talaga meant na magusap kami. Usually kasi talaga pag gustong gusto ko na siya makausap talaga kinukulit ko si mam para magpaload. Baka nga pagod na rin ako. Noon rin kasi, tinatadtad ko siya ng messages eh. At wall post sa fb para lang magbati na kami. Pero this time. Nag iba nako. 💔💔💔 Kung kailan may mga future plans nako para samin, dun pa mawawala. Keri lang. Keri ko pa naman. Kakayanin ko. Kinaya ko nga ng wala kaming communication for 7 months noon, siya yung di nakatiis. Siya yung bumalik. Tapos uulitin lang pala niya yung ginawa niya. "Pare kung buhay ka pa dyan, stay put ka lang dyan ha. Pag kinaya ko na totally na wala ka sa buhay ko, I promise di ko na hahayaan sarili ko na bumalik ka pa."
0 notes
Text
Pag nahanap mo na talaga ang one true love mo, sakanya ka lang talaga magiging loyal. Kahit ilang beses ka masaktan dahil sa kanya, hindi pa rin kaya kalimutan ng puso mo yung taong nag iisa lang sa buhay mo.
0 notes
Quote
“ Don’t carry your mistakes around with you. Instead, place them under your feet and use them as stepping stones to rise above them. ”
http://twitter.com/goodquoteco (via kushandwizdom)
1K notes
·
View notes
Text
Nagmahal. Nasaktan. Nagnegosyo.
Yes! At dahil gusto ko get over agad agad, at maidivert ang isip ko sa ibang bagay ipupush ko na talaga ang mini business namin ng mga friends ko. Haha. Di man ako swerte sa lovelife, sana this time sa negosyo naman. Saka gusto ko talaga magpakabusy sa negosyo at hindi ang paglandi dahil nasaktan at dineadma ako ng taong mahal na mahal ko. Hindi na. Hindi na muna ako lalandi. Nyaaahahaha. Basta. Papaka busy ako sa pagyaman. Just to forget him.
0 notes
Text
Ayoko na makikita mo na sobrang affected ako ng pandedeadma mo. Nag reach out na ako to the extent na nagmumukhang tanga na ako. Pero wala pa rin. Gustong gusto ko umiyak pero dyahe, kasi nasa office ako. Pero ang sakit lang isipin na habang nasasaktan ako dito, dyan sobrang saya mo. Di ko alam kung dapat pa kong lumaban o hindi na.
0 notes
Text
Bakit ba ang hirap para sa lalaki na magsabi na ayaw na niya sa gf niya? Bakit ba di na lang direstahin? Bakit unti-unti pang pinaparamdam para ang babae mag oover think at to the point na iisipin ng lalaki na nababaliw ang babae? Bakit ba? Tapos once na nakapag decide ang girl na makipag break, go lang sila.
Ang labo. Ang labo labo niyo! Bakit di na lang kayo makipaghiwalay ng direstahan para di clueless ang babae kung may nahanap na bang iba.
Ang sakit ng di kinakausap. Ang sakit sakit ng dinedeadma. Ang sakit na thru social sites na nga lang kayo nakakapag usap pero nasiseen ka pa niya. Nice.
Alam ko naman kakayanin ko to eh. Binibigyan lang kita ng sapat ng panahon para iparamdam saken to. Pero once i’m done with you, it will be over. No more second chances. I PROMISE.
0 notes
Text
Hindi na tayo magkaintindihan, siguro kailangan na natin maghiwalay.
0 notes
Text
Ang sarap lang makakita ng mga couples na super duper inlove sa isa't isa. Minsan kinakausap ko sarili ko, "darating ka rin sa point na magiging masaya ka. Na makakasama mo rin ang taong mahal na mahal mo, bubuo kayo ng pamilya na pinapangarap mo, sa sarili ninyong bahay, at doon mo masasabi na buo na pagkatao mo." Na-eexcite ako makasama yung taong yun. Kasi ang dami ko ng plano sa buhay. Ang dami ng naka line up na lugar or activities na gusto ko kasama ko siya at ang mga anak namin. Sa ngayon, may inaantay pako. At yun ang pinapanalangin namin. Ganun pala yun, paghihirapan mo yung mga bagay na gusto mo makamit.
0 notes
Text
Memories..
Ang sarap balikan nung mga panahon na dito kami sa tumblr nagpopost ng feelings namin. Pero at the same time, masakit rin pala balikan yung dati. Dahil nandito rin pala yung pinaka worst o yung pinag ugatan ng pagkawala ng tiwala ko sakanya. All thru this years minahal ko talaga siya ng sobra sobra. Halos wala na nga yata natira para sa sarili ko. Pinili ko pa rin siya kahit na may mga bagay na hindi talaga pwede maayos sa ngayon.
0 notes
Text
Minahal kita sa paraan na alam ko. Kaso nag sobra yata ako.
0 notes
Text
Ang mahirap sa LDR, yung tipong nagalit siya dahil sa pang aasar mo. Tapos sineryoso niya. At ngayon nafifeel mo parang nagbago siya ng slight. 😑 Napaka vulnerable mo pa naman ngayon dahil parang lalagnatin ka. Haaays.
Or may ibang reason kung bakit ganito ako ngayon? Uhmm..
Kung malapit ka lang sana ngayon, nayakap na kita. At alam ko hindi ka makakatiis dahil marupok ka. Haha. I miss you!!
0 notes
Text
All this time I was the only one fighting for this.
0 notes
Text
Hanggang kailan ba ako magmamahal ng sobra sobra? Hanggang kailan ko papairalin tong katangahan ko sayo? Gusto ko matapos na ang kahibangan ko sayo. Haaays!
0 notes