Tumgik
acmanuel-blr · 4 years
Text
Ang Pagkawala Ng Wika
Tumblr media
Ang ating sariling bayan paunti unting pinapatay ang ating wika.Sarili pa nating kababayan ang pumapatay sa ating wika.Ayon sa dokumentaryo ng GMA ang desisyon ng korte suprema hindi na kailangan kunin na minor subject sa Kolehiyo ay ang Filipino At Panitikan at dahil dito parang sinasabi hindi na din kailangan alamain ang ating kasaysayan.Dahil hindi na daw ito mahalaga.Ayon sa CHED Order Number S.2013 hindi na kailangan kunin ng mga kolehiyo and mag-aaral ang paksang Filipino at Panitikan.Dahil  sabi ng CHED pati DEPED hangang Senior High School nalang ito pag aralan dahil pag kolehiyo na daw sila alam pa daw nila ang tinuro ng g5 at g6 pa sila.
Komunikasyon ay ginagamit natin araw-araw dahil ito ay aspeto ng ating buhay.Ito ay nagsasabing ay katauhan natin mga filipino at ito din nag papakita ang pagsasama natin.At ito ay ang ating kinalakihan wika.At bakit ito tatanggalin sa paraalan.Bakit kaya ito kailangan tanggalin sa kolehiyo.Baka dahil sa kolonyalismo dahil dito dahan dahan namamatay ang ating sariling wika filipino.At marami din mawawalan ng trabaho sa ating bansa kapag nawala ang assignaturang Filipino at Panitikan.Napakahalaga natin alamin kung saan at bat tayo nandito pa.Mahalaga ng ating wikang pambansa dahil hindi lang ito ay wika lamang pero ito ay ating kasaysayan at lenggwahe natin sa ating bansa.At ang tinutukoy ng dokumentaryo ay hindi na kailangan ang mga assignaturang ito.Ang isyu ng pagtanggal ng Filipno ay nagiging totoo dahil sa kolonyal.Mayroong maraming mga tagapagpahiwatig sa sistema ng edukasyon sa mga nagdaang taon. Pinatitibay din nila ang layunin ng kumatawan sa mga pangangailangan ng mga dayuhan at ng naghaharing uri. Ang kalunus-lunos na kahihinatnan ay ang paghubog ng mga batang walang muwang at masunurin. Ito ay magiging isang malaking pag-aalala, para hindi lamang ang mga mag-aaral ay hindi makaligtaan ang pagkakataong matuto at masiyahan sa ating sariling wika; marahil maraming mga guro ang maaaring ipagsapalaran ang kanilang mga trabaho dahil dito.
Napaka halaga ng kaalaman ukol sa sariling wika upang mapatagal at mapatibay ang ating kalaman nito.Ang wikang ginagamit ng mga mamayan ay siya din pinapahalagaan dapat.Sa ating kasaysayan maraming nag sakripisyo upang lumaya tayo at sinabi ng dokumentaryo hindi na ito kailangan sa ating kolehyo.Ang gusto ko lang sabihin dapat pinapahalagaan natin ang sarilng wika natin dahil ito ay ang ating sarili ito ay nag papatunay na pilipino tayo,At dapat ituloy nating ipag malaki ang ating wika.
Tumblr media
0 notes
acmanuel-blr · 4 years
Text
Wikang Filipino
Abisha Manuel, 11-4
Tumblr media
Wikang Filipino,isa sa ating yaman ng ating bansa.ito ang lenggawaheng nakagisnan at natutunan natin simula sa simula ito ang unang lenggwaheng aking natutunan. Ang wika ay ang ginagamit natin sa araw araw na pakikipagusap o sa komunikasyon. Sa ating mundo mayroong napakadaming wika tulad ng ingles, Mandarin, Filipino at iba pa.Kung hindi natin alam ang sarili natin lenggwahe .ito at isang hindi nakakabuti at hindi mo pinag mamalaki ang sariling lenggwahe mo.Sa blog na ito sasabihin ko kung sangayon ako o hindi sang-ayon sa sinabi ng guro sa bidyo.
Ako ay Sang-ayon sa sinabi ni Ma’am Milla Villianueva tungkol sa paksa ng Filipino na humihina ang kaalaman ng mga estudyante sa Filipino.Bilang isang estudyante napapansin ko ang wikang filipino dahan dahan nawawala at  minsan hindi ko alam paano gagamitin ang tamang pag gamit ng wikang filipino.Minsan ay nasanay ako na minsan nakakalimutan ang tamang pilosopiya o salita. Sumasang-ayon din ako sa sinabi ng guro tungkol sa epekto ng mga text message tulad ng Messager at iba pang social media, kung saan maraming pamilyar na salita tulad ng Jejemon, Gaylliggo at Conyo, habang ang karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nauunawaan, o nakakalimutan man, ang mga pangunahing salita at mga panghalip Upang talagang gumawa ng isang salita.At dahil  sa pag kolonia satin ng ibang bansa dahan dahan nawawala ang ating sariling wika. Kahit na dahan dahan nawawala ang ating wika ang mga Filipino teacher nag hihirap sila upang hindi mawala ang ating wika at tinuturo satin ang tamang pag gamit ng sarili nating wika.Ang katutubong wika ay ang wika na sinisimulang matuto ng isang sanggol pagkatapos ng kapanganakan at dahil dito ay nagbibigay din sa ating mga damdamin at saloobin ng isang tiyak na anyo. Ang pagpapabuti ng iba pang mga kasanayan tulad ng kritikal na pag-iisip, pangalawang wika ng pagtuturo at mga kasanayan sa pagbabasa ay mahalaga din para sa pag-aaral sa iyong sariling wika.
Sa bandang huli ng bidyo sinabi dahil sa tagal ng panahon dahan dahan nawawala ang ating sariling wika dahil sa teknolohiya at iba pa.Sa makatuwid, Ako ay sang-ayon sa sinabi ng guro.Para sakin hindi masama gumamit ng bagong paraan sa pag gamit ng wika sapagkat huwag natin kalimutan ang sariling natin wika.Dahil ito ang unang natutunan natin simula bata palang tayo.
2 notes · View notes