Photo



Nung ako ay nasa ika dalawang taon ng pagiging haiskul, kami ng aking pamilya ay nag bakasyon sa bansang Singapore. Napaka ganda talaga ng bansang ito. Kahit saang sulok ka tumingin at talagang na pa ka linis. Kahit saan ka pumunta ay halos wala ng lupa, kundi puro na kalsada at semento. Ngunit kahit na halos semento na ang piligid, nanatili padin ang mga bulaklak ang mga puno sa kapaligiran. Kahi na napaka init na ng panahon ay napaka presko padin ng hangin dahil sa mga puno’ng nga kalat sa paligid.
Magandang tanawin at malinis na paligid talaga ang nakaka mangha sa bansang Singapore. Napaka disiplinado at napaka mababait din ng mga tao. Matutulingin at magalang din ang mga tao sa itong paligid kahit na iba iba pa sila ng mga lahi.
Napag tanto ko na marami pang ibang lugar ang mai magaganda at maipag mamalaking kapaligiran. Na tutunan ko din na dapat nating rumespeto at maki bagay sa mga patakaran at sa mga naka sanayan ng isang partikular na bansa or lugar. Isa din sa mga na pag tanto ko sa bakasyong iyo, ay ang ganda ng buhay. Talagang napaka ganda ng buhay na ibinigay sa atin ng ating Ama, ang ganda ng buhay sa kapaligiran, mga tao, hayop at sa lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa mundong ito. Kaya dapat natin itong alagaan at pa unlarin pa ng husto sa halip na ito’y sirain.
0 notes
Photo





Isang magandang ala-ala sa isang araw. Bawat araw ay biyaya na ibinigay sa atin. Sa pag-aaraw na ito, naglakbay ako sa Arakan upang maranasan ang lahat na maari kong maranasan doon tulad ng malamig na hangin, masarap na pagkain, magagandang tanawin at marami pang iba. Ang Arakan ay matatagpuan bago ka makarating sa BuDa o Bukidnon Davao border. Sa isang araw kong karanasan dito sa Arakan, marami akong nagawa. Isa na doon ang maligo sa isang napakalamig na batis tuwing umaga habang malakas ang daloy ng tubig at ang hangin malakas na nararamdaman ko na para akong naligo ng yelo. Ang araw na iyon ay napakasaya. Gusto ko sanang makabalik doon pero di ko alam kung may pera at oras pa ang pamilya ko para makapunta doon ulit.
Napagtanto ko sa paglalakwatsa ko na kahit saan man ako mapadpad sa balat ng lupa, maari ko parin maranasan ang saya at tuwa ng paglalakwatsa ‘di lang dahil sa magagandang tanawin, sa masarap na pagkain, o kahit na sa panibagong kapaligiran, 'kundi dahil kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.
0 notes
Photo


Ang larawan na ito ay sa Simala, Cebu. Kailangan mong mag-book ng flight para maka sakay ng eroplano o barko patungong Cebu, mahigit dalawang oras ang byahe patungo sa Simala kung nakasakay sa bus. Ang Simala Shrine o Simala Church ay makikita sa Marian Hills, Lindogon, Simala Sibonga, Cebu . Binuo ito ng mga Marian monks ng Pampanga. Isa lang sana itong ordinaryong simbahan ngunit dahil sa mga milagrong mga nangyayari. Isa sa mga milagrong nangyari dito ay ang pagluha ng dugo sa isang imahe ni Birheng Maria. Nang dahil dito naging sikat ang simbahan na ito.
Maraming dahilan kung bakit madaming tao ang bumibisita sa Simala Church. Para sa mga deboto ng katoliko. Ang pangunahing rason kung bakit sila bumibisita ay para i-alok ang kanilang petisyon para kay Birheng Maria, na sana ang kanilang petisyon na hiningi ay matupad. At ang isang rason ay ang paglunas ng kanilang pisikal at espirituwal na karamdaman. Ang misa dito ay tuwing Linggo- 12pm at 3:30pm, Lunes hanggang Byernes 12pm, at sa Sabado naman ay 10:30am. Ito ay maganda na lugar para sa mag deboto ni Birheng Maria.
Sa lahat ng napuntahan ko sa Pilipinas isa sa mga prayoridad ko ay bisitahin ang Simala Church sa Sibonga, Cebu. Ang simbahan ay kahanga-hanga at sobrang laki. Itong simbahan na ito ay napakaganda. Natutunan ko din ang simbahan na ito ay marami nang taong napagaling at mga petisyon na nakamit; maganda dito magmuni-muni para makamit ang iyong mga petisyon. Napagtanto ko na ang milagro o mga himala ay totoo dahil kapag maka punta ka dito pakikinggan ka ni Birheng Maria ang iyong mga petisyon na hinihingi.
0 notes
Photo



Ang Bukidnon ay napakalayong lakbayin at dito sasakay kanang bus o di kaya van at aabot ito ng mga 2-3hours galing davao. Isa itong napakaginaw na lugar at tinatawag din ito na Baguio ng mindanao. Bagay din ito sa mga pamilya na nakatira sa napakainit na lugar. Marami ding mga tanawin ang makikita mo kagaya ng mga pine tree at mga naglalakihang mga bundok. Talagang malasap mo ang sarap ng preskong hangin at mararamdaman mo talaga ang kung gaano talaga ka ganda ng mundo. Ang aming pinakaunang pinuntahan ng bukidnon ay ang Bemwa farm, dito sa farm ay meron silang napakaraming strawberries at pwede ka ding mag strawberry picking. Meron din silang specialty na tinatawag nilang strawberry jam ito ay talagang napakasarap at presko dahil dito talaga kinukuha ang strawberry sa kanilang farm. Sa pangalawang pinuntahan namin ay ang Seagull Mountain Resort, dito meron silang napakaginaw na pool na galing talaga sa umaagos na talon at dito makikita mo ang lahat sa ibaba ng bundok, dito makikita mo kung gaano ka ganda ng mundo at kung gaano talaga kahalaga ng kalikasan.
Napagtanto ko talaga sa sarili ko ay dapat nating pangalagaan ang kalikasan kase kung wala ito hindi ito makikita sating susunod na generasyon, ang kagandahan ng ating inang kalikasan. Wag natin ito pababayaan at dapat maging responsable sa sarili na dapat wag nating sirain. Ginawa ito ng ating Diyos at ibinigay ito satin, dahil diyan wag nating biguin siya.
0 notes
Photo




Dapat ay mag relax. Ang rekomendasyon ko para saiyo ay ang lugar na tinatawag na paraiso ng mga taga Davao, ang Mati. Mula Davao City, tatlo hanggang apat na oras ang biyahe papuntang Mati. Sikat ang Mati sa pag supply ng matatamis na pomelo at suha pero hindi ito ang pakay namin sa pagpunta kundi sa mga puting buhangin at malinaw na karagatan. Ang Mati ay sikat sa surfing at sa skimboarding, dito nakilala namin ang mga batang napakagaling sa pag surf. Kami ang nagaral gumamit ng surf board at naligo sa napakalinaw na karagatan. Naramdaman naming ang kasiyahan at ang mabuting pakikitungo ng mga tao sa lugar na ito dahil napakabait ng mga tao at maalagain. Sikat rin ang Mati sa mga native chicken barbecue at tsaka sa mga sariwang isda. Di lamang maganda ang Mati kundi maganda rin ang mga taong nag aalaga nito dahil sa kanilang pagmamahalat aruga sa lugar ang resulta ay napakalinis na hangin, karagatan, at mga kapaligirang kalikasan. Salamat sa Mati sa pag bigay ligaya at aral saamin. Naranasan namin mag enjoy at maging bata ulit kahit walang gadgets o anumang makabagong teknolohiya.
Sa Mati ko napagtanto na ang kalikasan ay napakamahalaga sa ating buhay. Dahil sa ipinakitang kabutihan ng lugar saamin, napagtanto ko na dapat marunong din kaming mag alaga at ipreserve ang kalikasan upang makita ng ibang generasyon ang napakagandang tanawin at kalikasan ng mga lugar. At ang natutunan kong aral sa paglakbay naming ay ang pamilya at mga kaibigan lang ang kailangan mo para maging masaya, di mo kailangan ng gadgets o internet upang mag enjoy.
0 notes
Photo


Ang buhay ay napakaganda para hindi natin gawin ang ating mga gusto. Ang pinakamasayang parte din ng ating buhay ay ang paglalakbay kung saan saan. Sabi nmga nila ito ang nakakapagpahaba ng buhay. Bawat sulok ng mundo ay may maganda na pwedeng pasyalan ng pamilya pero mas magandang tangkilikin muna natin ang sariling atin. Nangyari ito noong ako ay nasa ika sampung baitang taong 2015 ito ay nasa buwan ng desyembre. Wala masyadong tao na nagpapapasyal sa dagat dahil nga desyembre na. Kami ang ng tungo sa britania group of islands sa Surigao. Ito ang pinaka magandang lugar na napuntahan ko sa ngayon dahil hindi masyadong mahilig ang pamilya ko sa mga ganitong lakad. Galing sa davao papuntang surigao ay isang napakalayong byahe pala. Sumakit ang mga pwet namin kakaupo dahil sa haba ng byahe. Pagapak ko palang sa aming distenasyon ang napamangha ako sa mga nakita kong mga maliliit na isla. Nasa dalampasigan palang ako ay natatanaw ko na ang mga maliliit na isla na pwede naming puntahan pagka bukas. Dahil sa sobrang pagod ay nagpahinga muna kami sa mga kwarto na aming nirentahan at naghanda para bukas. Maaga akong nagising upang pagmasadan ang mga maliliit na isla. Kami ay kumain ng agahan at pagkatapos ay pinahanda na ang bangka na aming sasakyan sa paglilibot sam ga maliliit na isla doon. Ang bawat isla ay may kanya kanyang angking ganda lahat katangi tangi saaking mga mata. Pero ang pinaka paboritong isla na napuntahan namin ay ang vanishing island. Mapalad kami dahil naabutan pa namin ang isla at hindi pa nakalubog sa dagat dahil dapit hapon narin iyon at tumataas na ang lebel ng tubig. Walang ano mang halaman ang nakatanim sa isla purong buhangin lamang ito kaya ito ang pinaka paborito ko. Ito din ang huling isla na pinuntahan namin. Ng kami ay bumalik na sa aming mga kwarto naghanda narin kami sa pagbabalik namin sa davao. Napakasayang karanasan ito ng aking pamilya lalo na ang aking mama na natutuwa dahil nakapag lakbay sya ng ganito.
Nagapag tanto ko sa aming paglalakbay ay napakahalaga pal asa buhay na tayo ay magsaya at minsan minsan kalimutan din ang mga problema. Isa din ito sa paraan upang maging mas malapit tayo sa ating pamilya at makisalamuha pa sa ibang tao. Napakaganda ng buhay para hindi gawin ang lahat ng gusto natin sabuhay. Napakaraming pwedeng gawin sa buhay wag sayangin ang oras sa mga hindi naman kinakailangan sa buhay.
0 notes