agmode
agmode
6 posts
Something's red
Don't wanna be here? Send us removal request.
agmode · 10 years ago
Text
Love inspired by MKLRP
MLKRP taught me that there’s love in revolution and that Christianity is not the greatest legacy that Spaniards leftus, but the burning passion to fight for our rights. MKLRP made me reflect on the issues that the country is experiencing. Indeed, it was MKLRP’s fault why I chose a partner whose main goal is to overthrow the fascist system that we are living in right now. It’s MKLRP’s fault why I chose you to become my partner.
Want to know why? It’s because in you that I found that there is pure love; your love is so genuine that even the masses were included. I mean, it’s the masses that you first fell in love with, it’s the masses that you are ready to defend, and it will still be the masses where you can draw your courage. Don’t worry, baby. I won’t get jealous. Because I know that from the very start, I’m just your second love. Oh no. Third, I mean. Because the second spot in your heart belongs your family and your future family that we will build together. :) 
0 notes
agmode · 10 years ago
Text
Madalas na pangarap ng mga kakilala ko ay guro, inhinyero, doktor, pulis, abogado, at iba pa. Para daw makatulong sa mga mahihirap balang araw. Dahil nakikita nila yung mga panggugulang sa mga mahihirap.
Tanong ko lang: Bakit kailangang sa future pa kung pwede namang ngayon na? Kailangan bang maging propesyonal muna para makapag-ambag sa pangangailangan ng masa? Ano bang pinagkaiba ngayong estudyante ka pa lamang tsaka kapag propesyonal ka na? Mas may kakayahan ka na nun? O para kanino ka nga ba talaga nag-aaral? Para sa personal na interes ba o para sa bayan? Kasi, kung personal na interes lamang yan, matutulad ka lang din sa mga propesyonal na ang kaya lang tulungan ay ang mga sarili nila para mas kumamkam ng pera. Kung para yan sa bayan, ngayon palang ay kumikilos ka na. Alam mo yan. Takot ka? Kanino? May mga kasama ka naman. Andito kami. 
0 notes
agmode · 10 years ago
Text
Como esta
Isang gabing nakilala kita Isang buong gabing kasama kita Simula’t sapul, alam ko nang may mahika Ngunit mas makapangyarihan parin si Tadhana.
Pinaglapit tayo ng inuman Nahulog ako sa’yong kayabangan Naalala ko, ako pala ay may pasan Sayang hindi kita nahalikan .
“Como esta?” tanong mo At napatingin ako sayo ng blanko “Wag na...” sabi mo Sabay hawak sa kamay ko Nagkita tayo sa panahong di ko inaasahan Naghiwalay tayo sa paraang puno ng paalam Pinagtagpo tayo ng pilosopiya Pinaglayo tayo ng pulitika.
0 notes
agmode · 10 years ago
Quote
The future is scary, but you just can’t run back to the past because it’s familiar.
Robin Scherbatsky
0 notes
agmode · 10 years ago
Text
Leche ka..ay ako pala
Nagagalit ako sayo
         Sa iyong pagigng sinungaling.
Kung meron man akong gustong gawin,
         Iyon ay ang ika’y hampasin.
Ng ano? Ng kahoy, tubo o martilyo?          Hindi. Ng ating mga prinsipyo.
Ipapaalala kong kapatid kita,
         Hindi sa dugo, pero sa paniniwala
Akala ko, dun tayo magbubuklod.
         Mali pala ako.
Akala ko, sabay tayong maglilingkod.
         Nagkamali nanaman ako.
Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita
Basta alam ko, galit parin ako.
         Sayo ba? Hindi. Sa akin pala.
Sa sarili ko pala.
Dahil hinayaan ko ang sarili kong maging tanga.
         Dahil pinagkatiwalaan kita.
         Dahil pinaniwalaan kita.
Hindi pala sapat ang prinsipyo lang.
Dapat imahe din.
Ipagpatuloy mo ang iyong gawain,
         Magagamit mo yan sa iyong hangarin.
Ipagpapatuloy ko naman ang aking gampanin:
         Ang hilingin na sana, balang araw, ika’y magbago na rin.
Ito lang masasabi ko:
         “Leche ka, leche tayo, pero mas leche parin ako.”
0 notes
agmode · 10 years ago
Quote
Most of the days are unremarkable; they begin and end with no memories lasting in between. Most days have no impact with the course of life.
500 Days of Summer (2009)
0 notes