Ito ang aking pamilya, isang masaya at matatag na pamilya. Binubuo ng isang magiting na ama at isang mapagmahal na ina. Responsibilidad nating mga anak na suklian ang paghihirap ng ating mga magulang sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti. Ang ating magulang daw ang una nating guro. Ang ugali natin ay natutunan daw natin sa ating mga magulang. Sila ang nagtuturo ng magagandang asal sa atin, kung paano rumespeto ng ibang tao at higit sa lahat kung pano maging isang mabuting tao. Ating mahalin ang ating magulang, at pahalagahan ang ating pamilya. Kasi kung wala ang ating mga magulang wala din tayo ngayon sa mundo. PAMILYA ANG PINAKA MAHALAGANG YUNIT NG LIPUNAN AKA NILA, PERO SA AKIN ITO ANG PINAKAMAHALAGANG BAGAY NA BINIGY SAKIN NG DIYOS.
0 notes