Text


Ang Aking Inspirasyon
Ang pamilya ay isa sa mga biyaya na binigay sa atin ng Diyos. Simula noong ipinanganak ako ay nandiyan na sila. Ipinaramdam nila sa akin ang kanilang pagmamahal at pag-aaruga. Handa silang magsakripisyo para mabigyan ako ng magandang buhay at lumaki ng maayos.
Ang nanay at tatay ko ang nagbibigay sa mga pangangailangan ko sa araw-araw. Sila ang aking lakas at gabay. Ang aking mga kapatid naman ang tumutulong sa akin sa pag-aaral ko kapag nahihirapan ako. Kasama ko rin sila minsan sa paglalaro ng online games at pag-bibike. At ang aking lolo naman ang palaging nagpapaalala sa akin na mag-aral ako ng mabuti para maabot ko ang aking mga pangarap. Siya rin ang aking tagapagtanggol. Bilang isang anak, tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Minsan nagsisimba kami tuwing Linggo. Napapagalitan din ako minsan dahil pasaway ako at matigas ang aking ulo. Pero kahit anong mangyari, mahal na mahal ko ang aking pamilya. Sila ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Palagi silang nandiyan kapag may problema ako at kapag kailangan ko ng tulong.
Ang aking pamilya ang aking inspirasyon. Marami man ang dumating na problema sa aming buhay, alam kong malalagpasan namin ito. Masaya ako na buo ang aking pamilya at maswerte ako dahil nandiyan sila palagi. Pahalagahan natin ang ating mga pamilya.
0 notes
Text




Ako si Denzel
Ang isa sa pinakamagandang biyaya na binigay sa atin ng Diyos ay ang ating buhay. Masaya ako na nandito ako ngayon sa mundo at maranasan kong mabuhay kasama ang aking pamilya.
Noong isinilang ako, napakasaya ng aking mga magulang. Ako ay pinangalanan nilang Denzel John Recaido at ipinanganak ako sa Vigan City, Ilocos Sur noong ika-20 ng Mayo 2006. Denden ang aking palayaw. Ako ang bunso sa aming tatlong magkakapatid. Ngayon ay labing-tatlong gulang na ako at nag-aaral sa Divine Word College of Vigan bilang Grade 8 na estudyante. Marami akong hilig sa buhay tulad ng pag-bibike, paglalaro ng basketball kasama ang aking mga kaibigan at pag-aalaga ng mga kalapati. Matakaw din akong kumain pero payat pa rin ako.
Sa aking buhay, meron din akong kahinaan. Hindi ako katulad ng mga ibang estudyante dahil espesyal ako sabi ng magulang ko. Mahina ako sa mga ibang bagay at nahihirapan ako minsan sa aking pag-aaral pero ginagawa ko naman ang aking makakaya para makapasa at makamit ang mga pangarap ko sa buhay. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil palaging nandiyan ang aking mga pamilya, kaibigan at guro na sumusuporta at gumagabay sa akin. Sisikapin kong mag-aral ng mabuti para makapagtapos ako sa aking pag-aaral at matulungan ang aking pamilya.
Marami man tayong mapagdaanan sa ating buhay, ipagpatuloy lang natin ito. Pahalagahan natin ang ating buhay dahil iisa lamang ito at hindi na maibabalik pa kapag nawala na ito.
0 notes
Text
#Filipino8 #FloranteatLaura
1 note
·
View note