Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Gampanin Ng Mga Sektor Sa Ating Lipunan
Anu ang lipunan?

Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kulturaat/o mga institusyon.
Ang Mga Sektor Sa Ating Lipunan:
Ekonomiya
Pamahalaan
Simbahan/Paniniwala
Paaralan
Maaaring magkakaiba ang mga kasapi ng isang lipunan mula sa iba't ibang mga pangkat etniko. Maaaring isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan, katulad ng mga Saxon, isang estadong bansa, katulad ng Bhutan, o sa mas pinalawak pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan.
1. Ekonomiya

-Ang ekonomiya ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyonng mga kalakal at serbisyo ng areang ito.
-Ang isang ibinigay na ekonomiya ay resulta ng isang proseso na sumasangkot sa ebolusyong teknolohikal nito, kasaysayan, at panglipunang organisasyon gayundin ang heograpiya nito, pagkakaloob ng natural na mapagkukunan at ekolohiya bilang mga pangunahing paktor.
2. Pamahalaan

-Ang pamahalaan[1] o gobyerno ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo.
-Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo. Maraming kahulugan kung ano ang binubuo ng isang pamahalaan.
3. Simbahan/Paniniwala

-Ang Paniniwala/Simbahan ay sumasaklaw sa lahat ng pananampalataya ng mga mamamayan, mga kultura at tradisyon ng bawat isa.
-Ang layunin nito ay mapaunlad ang sosyalismo at pagiging makatao ng mga mamamayan para magkaroon ng isang matiwasay na lipunan.
4. Paaralan

-Ang layunin ng isang paaralan ay makapagproduce ng mga estudyanteng kayang makipagsabayan sa buong mundo sa mga aspeto ng kakayahan,katalinuhan,talento,at kaalaman.
-Ang isa pang layunin ng isang paaralan at ang tulungan ang mga estudyante na gamitin ang kanilang nalalaman sa pamamagitan ng pagturo ng mga iba't ibang bagay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Gawaing Panganap sa E.S.P 9
Ipinasa ni:Joshua Rosh P. AGPASA
9-St. Dominic Savio
1 note
·
View note