Text
Babalik
Mawala man ang tamis Ikaw at ikaw pa rin ang mami-miss Hindi magsasawang habulin ka Kahit sa isip ng ibay nagmumukha ng tanga Mahal kita Sa isip, sa salita at sa gawa.
Kaysarap balikan ang mga panahong ikaw ay kausap Mga sandaling ako ang lagi mong hinahanap Sa bawat oras na tayo ay naging masaya Sa sarili nating mundo na tayo lang ang may gawa Kaysarap pakinggan ang mga kantang alay mo sakin Bawat salita ay ramdam ko ang ibig sabihin Sa bawat mensahe na nais mong iparating Agad sayo, ako ay nahumaling Pinilit nating ikubli sa isa’t isa ang ating damdamin Dahil alam nating ito ay hindi nararapat para sa atin Ngunit anong magagawa natin sa ating pusong patuloy na humihiyaw Na ang bawat nais ikaw at ako ay magtampisaw Ilang beses tayong nagpaalaman Pero hindi pa rin nag-iwanan Dahil bawat paalam laging may iyakan Kaya naman akala natin wala nang hanggan Sa bawat araw na tayo lang ang magkausap na para bang wala nang bukas Patuloy na lumalim ang pag-ibig na akala natin ay wagas Sa bawat imahinasyon na tayo lang ang may likha Walang batid ang ating tuwa na ikaw at ako ay parang magkasama Dumating ang araw na ang lahat ay nagkatotoo Halik at yakap mo ay damang-dama ko Bigla na lang tumigil ang ating mundo Tanging maririnig mo lang tibok ng ating puso Ngunit biglang sumapit ang araw na kailangan nating magkalayo Ikaw at ako ay hindi na muling magtatagpo Dahil ito ang hatol sa atin ng mga tao na hindi alam ang puno’t dulo Ikaw at ako ay kailangang matuto Umpisa pa lang alam na nating mangyayari ito Pero bakit hindi natin napaghandaan ang dulo Dahil ba ito ang gusto ng mapaglarong mundo Na ang luha natin ay hayaang tumulo Ang sakit.. sobrang sakit.. Buong katawan ko ramdam ang sakit Di ko alam kung kanino kakapit Dahil kahit anong pilit hindi maalis ang lahat ng pait Buong katawan ko manhid na sa sakit Para na nga akong mawawalan ng bait Di ko alam kung kanino lalapit Dahil sa lahat ng sinapit, ito ang pinakamalupit Ang tanong ko lang sa sarili Bakit ako naiwang mag-isa sa ere Ako lang ba may gusto sa lahat nang nangyari Bakit wala man lang pasabi na ako pala ay isasantabi Hindi naman ako bingi Pakikinggan ko ang bawat mamumutawi Sa labi mong nakakawili Sana man lang ikaw ay nagsabi Bawat araw pilit akong lumalaban Dahil pag-ibig natin ay di mo pinaglaban Ang nais ko lang ay kaligayan Na sana man lang ay muling maramdaman Kelan ba ako makakabangon Sa mundong mapanghamon Durog-durog na ang aking puso Kelan nga ba ito mabubuo Hiling ko lang ay malaman ang katotohanan Na ako talaga ay hindi mo pinaglaruan Upang makalaya na ako sa ginawa nating mundo At mamuhay sa lugar na kung saan lahat ay totoo Wag mong ipagkait ang nais kong makamit Hayaan mo akong maging malaya Kagaya ng ginawa mong paglimot Nang ako ay hayaang mawala
1 note
·
View note