Tumgik
ahldrin · 3 years
Text
Natatagong Ganda ng Bayan ng  Bataan
Tumblr media
Nadiskubre mo na ba ang natatagong ganda ng bayan ng Bataan? Marahil kilala ang Bataan bilang isang makasaysayang lugar dahil sa mga makasaysayang pangyayari na naganap sa bayan na ito. Kabilang sa mga ito ay ang Death March, Siege of Bataan, at ang Fall of Bataan. Ngunit kung iyong lilibutin ang ibat-ibang parte ng bayan ng Bataan ay makikilala mo rin ito bilang lugar na mayroong mga tinatago na makapigil hiningang tanawin at mga kamangha-manghang lugar. Isa na rito ay ang mga beach sa bayan ng Bagac Bataan.
Fajardo’s Beach Resort
Tumblr media Tumblr media
Noong ika-26 ng Disyembre taong 2021 ay pumunta ako kasama ang aking pamilya sa isang beach at ito ay ang Fajardo’s Beach Resort sa Bagac Bataan upang ma-celebrate ang kaarawan ng aking pinakamamahal na nanay. Matatagpuan ang beach resort na ito sa malapit sa sentro ng bayan ng Bagac Bataan. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na ako ay nagawi sa Bagac Bataan kahit na isa rin akong Bataeño. Pagkarating namin sa beach resort na aming pinuntahan ako ay nagulat at namangha sapagkat hindi ko inakala na mayroong tinatagong ganda ang bayan na ito na dito mo lamang makikita. Sa aking unang pagtapak sa resort na ito ay bumungad kaagad saakin ang isang napakaganda at maaliwalas na karagatan at ang mga magagandang tanawin na mayroon ang lugar na ito. At sa unang tingin ko sa resort na ito ay para na rin akong nasa isang mamahalin na resort sapagkat hindi lamang ang karagatan ang napakaganda sa lugar na ito kung hindi pati na rin ang kanilang mga pasilidad. Nagawi ang aking tingin sa bandang silangan at nasilayan ko ang isang lugar na napaka pamilyar at lalong nagpaganda sa tanawin na aking nakikita ito pala ay ang Las Casas Filipinas na halos katabi lamang ng resort na aming pinuntahan. Maraming mga aktibidad ang maaari pagpilian sa beach resort na ito na talaga naman aking na-enjoy kasama ang aking pamilya maaari kang ring mag island hoping, jetski riding, banana boat riding, mag bilyar, at mag beach volleyball.
Tumblr media
Ang Fajardo’s Beach Resort ay isa sa mga beach resort na aking napuntahan na talagang bang for the buck kung aking ilalarawan. Sa murang halaga na maaari mong pagpilian maaari kana mag-acommodate sa kanilang resort, sapagkat batay sa aking experience sa resort na ito ay nasulit talaga namin ang aming binayad. Sobrang sarap sa pakiramdam ang aking naranasan sa pagpunta sa beach sa bayan na ito kay sarap na malayo sa maikling panahon sa mga problema na mayroon sa bahay at lumutin muna ito kasama ang aking pamilya upang magsaya at mag muni-muni habang pinagmamasdan ang ganda ng karagatan.
Island Hoping
Tumblr media Tumblr media
Island Hoping ang isa sa mga aktibidad na pumukaw sa aking atensyon sapagkat naisip ko na mas marami ako madidiskubreng magagandang lugar sa bayan ng Bagac Bataan. Kasama ang aking pamilya ay napagpasyahan namin na mag-island hoping. Kami ay sumakay sa isang bangka kasama ang aming tour guide. Dinala kami nito sa mga isla na nakapaligid mapalit sa aming resort na pinuntahan. Pumunta kami sa isang isla sa aming pagbaba kami ay namangha sa tanawin na bumungad sa amin kasabay ang isang sariwang simoy ng hangin at di rin namin alam na ang tourist attraction sa isla na ito ay ang kweba na narito sa aming pagpasok ay bumungad sa amin ang isang napakagandang lagoon. Pagkatapos ay dumako kami sa sumunod na isla na hindi rin nagpahuli sa pagkakaroon ng isang magandang tanawin. Napakapayapa sa isla na ito na kaya naman mas lalo ako nag-enjoy pagmasdan ang mga magagandang tanawin na mayroon sa isla na ito. Pagkatapos ng island hoping ay bumalik na kami sa resort upang kantahan na at ma-celebrate ang birthday ng aking nanay.
Sa huli, hindi pagsisisihan nino man ang pagpunta sa bayan ng Bataan at libutin ang mga bayan na nakapaloob rito kabilang na rito ay Fajardo’s Beach Resort sa bayan ng Bagac, kakaibang karanasan at kasiyahan ang aking natamo at naramdaman sa pagpunta rito kasama ang aking pamilya. Masasabi ko na napakasulit at tiyak na hindi mabubutas ang bulsa sa pagpunta sa bayan na ito. Para sa akin isa pa lamang ito sa mga tinatagong ganda ng bayan ng Bataan na tiyak na ikamamangha nino man maging turista o lokal. Hindi lamang ito isang makasaysayang lugar ito rin ang lugar na kung saan sa patuloy na pagpunta mo sa bawat bayan ay patuloy mo madidiskubre ang kultura at magagandang lugar na sa Bataan mo lamang mararanasan.
1 note · View note