Don't wanna be here? Send us removal request.
Link
Ray Ban glasses wish you all a Happy New year! The price of a time-limited event is only $24.99.
0 notes
Text
Skin Care
Ang hirap din palang mag-adik sa skin care. Nakakaubos ng oras. Nakakaubos din ng pera. Mejo ginaganahan lang ako maglalagay kasi kahit papano may improvement. Charot. Pero yun nga. Matrabaho din.
0 notes
Text
Hahahaha
Hahahahahaha wala lang. gusto ko lang tumawa. Kasi alas tres na ng madaling araw tapos naisipan ko pa mag-tumblr. Ganto ata talaga pag walang trabaho at namomroblema sa pera.
0 notes
Text
Bwiset na nanay
Nakakasama din talaga ng loob eh. Yung mas pinipili pa yung ibang tao. Masasabi mo ba sakin na minsan lang mangyari yun na magkita kita kayo at hindi ka maka-hindi? Bakit magcecelebrate pa ba uli ng 5 months si Elly? Diba mas lalong hindi? Tapos ni ha ni ho wala lang? Halata naman na asar ako umaga pa lang. pero syempre dedma ka kasi gusto mong pumunta. Pinigilan ba kita? Hindi diba. Tapos nung aalis ka na sinabi ko lang umalis ka na baka sisihin mo pa ko pag na-late ka sa dinner nyo ng mga best friends forever mo. Ikaw pa magdadabog sakin? Parang hiyang hiya naman ako sayo. Tapos wala ka text kung nandun ka na. Anong nangyayari. Ano inaasahan mo ba na itetext kita? Asa ka naman dude. Ako na nga binwiset mo ako pa lalapit? Asang asa ka. Tapos ngayon ano, dedma pa din diba? Kala mo walang nangyari. E di husayan pa natin. Wag kang aasa na lalapitan kita. Hindi mangyayari yun.
0 notes
Photo

“Children are a heritage from the Lord, offspring a reward from him.” Psalm 127:3 NIV ~ Happy 4 months Elly! 😘
0 notes
Text
Kilay
Bakit nung college ako hindi uso kilay. O hindi lang ako nainform na kilay is life? Samantalang ngayon high school pa lang kilay goals na ang mga walang hiya. Nag-aaral ba tong mga to o mga nagkikilay?
0 notes
Photo

May isa pang fan si kuya. #AizenDavid #DavionAmelia
1 note
·
View note
Text
Eto na naman ang panahong maghahanap ako ng trabaho. Ano ba naman kasing naisip ko at nag-resign ako? Sabagay, mas mahalaga naman na makasama ko ang mga anak ko kesa ubusin ko yung oras ko sa work ng hindi naman ako sumasaya. Taray me ganern. Masaya naman sa office. Hindi lang ako masaya pag nakikita ko lang yung payslip ko. Kumbaga sakin, wow! Eto na yun? Sa galing kong to, eto lang yun? Syet. Well anyway, ilang araw na lang at magmomove on na ko. Magmomove na ko sa bahay. Magiging professional nanay muna ko. At habang nasa bahay, maggagantsilyo na din muna ko at maghahanap ng maganang kumpanya na next kong aapplyan. Balik uli tayo, at hindi ko pa matanggap wala akong makukuhang kahit ano after 5 yrs of service!! Cory ng kompanya. Ah basta! Bahala na!
0 notes
Text
Walangyang mga courier to. 3 days na ko nagpapabook hanggang ngayon walang nagpupunta. Kundi ba naman anak ng tinapay eh.
0 notes
Photo

Yung pag nasa bahay nagiging keempee ang buhok mo. #nostylestyle
0 notes
Text
Bagong buhay
Magkakaron na naman ako ng panahon para mag-post? Kung gusto ko. Nag-resign na ko sa trabaho kasi.. Gusto ko. Wala pa din ako lilipatan. Mag-aalaga na muna ko ng anak. Gagawin ko munang career ang pagiging isang mabuting ina. Oh well.
0 notes
Photo

Drama rama sa gabi. Ang dami ng warts, ang dami pang nunal. #narsissist #narswalkyrie #narscosmetics
0 notes