Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
DOON PO SA AMIN, UTOS NG HARI, MGA KWENTONG KAPOS
Bagong author, bagong akda at bagong lasa sa kwento. Di katulad ng mga naunang kwento na naibigay samin, tatlong kwento ito mula sa isang awtor na si Jun Cruz Reyes. Mahaba. Yun ang una kong naisip ng maibigay samin ang kwento. Masyadong mahaba. Kinabahan ako dahil bukod sa mahaba ay baka hindi ko maintindihan ang storya. Tulad ng nahuling kwento na Lohika ng mga Bula. Dibaleng mahaba basta maintindihan ko. Ang tatlong kwento ni Reyes ay pinamagatang Utos ng Hari, Doon po sa Amin, at Mga Kwentong Kapos. Nilunok ko ang aking sinabi. Tunay na mahaba ang mga kwento pero hindi nakakaboring at higit sa lahat ang pinaka importante ay naintindihan ko bawat kwento. Malalim na kahulugan ngunit simpleng salita ang ginamit. Para sa lahat ang kwento. Para sa akin, para sa kanila, at para sayo. Sa tatlong kwento, imposibleng wala kang magustuhan. Maaaring may magustuhan kang isa o magustuhan mo lahat. Sa kaso ko, nagustuhan ko lahat pero may tumatak na isa dahil nakakarelate ako sa kasalukuyan kong sitwasyon. Una, ang kwentong utos ng hari na pinaka tumatak sakin. Bukod sa estudyanteng tulad ko ang bida, nailathala ang mga totoong nangyayari sa realidad. Kung estudyante ka tulad ko, sa bawat salita, sa bawat pangungusap, paksa, at usapan sa kwento ay mapapatango ka. Sigurado na naranasan mo na ang isa sa mga bagay na natalakay sa kwento, nararanasan,  o mararanasan mo pa lang. Makapangyarihan ang mensahe ng kwento, maaaring may malaking dulot ito sa mga estudyante o mga guro at kung suswertehin ay sa mga institusyon. Negatibo ang mga katangian na nabanggit ng bida laban sa mga guro. Hindi ko sigurado pero sa kung anong kadahilanan ay parang sang-ayon ako sa lahat ng nabanggit rito. Totoong "ang iba" ay feeling hari. Hindi ko sinasabing lahat, yung iba lang. Marami din naman akong kilalang mabubuting guro na talagang nakakaimpluwensya sa buhay ng kanilang mga estudyante sa mabuting paraan. Sa kwentong ito kukwestyunin mo ang talino mo. Maiisip mong hindi porket nag-aaral at nasa magandang eskwelahan ka ay matalino ka na. Tapang at lakas ng loob pati ang kapangyarihang ilahad ang tunay mong damdamin ang ilan sa mga sumisimbolo sa katalinuhan. Magsalita at makialam kung may mali, pero hindi natin yun nagagawa dahil takot tayo sa may kapangyarihan, takot tayong mahusgahan, dahil baka kulang ang kaalaman. Dapat nating maunawaan na ang talino ay pangkaraniwan lang. Dahil lahat ay pwede maging matalino, pero hindi lahat ay may karunungan. Karunungan intindihin ang mali sa tama, karunungunang unawain ang sistema, karunungan tumaliwas sa nakasanayan. At yun ang natutunan ko sa unang kwento. Sana mabasa ito ng mga estudyanteng tulad ko o kahit hindi estudyante. Hindi naman laging estudyante ang kailangan turuan, minsan yung ibang guro din ay kailangan pang turuan. Ang pangalawang kwento ay pinamagatang doon po sa amin, sa tatlo ito ang pinaka maka-masang kwento. Pwede sa lahat ng edad. Magaan ang storya dahil simpleng mga salita ang ginamit na maiintindihan ng lahat. Nung una kong nabasa parang isang kwento na narinig ko sa kanto ang akda. Napaka natural pakinggan at tunay na nangyayari sa realidad. Kung iisiping mabuti, ang kwento ay sumasalamin sa mga manggagawang pilipino. Mahirap at naghihikahos makahanap ng pangkabuhayan. Kung anong meron ay tatanggapin kahit sa ilalim pa ng mga dayuhan o mapang apustang amo. Maraming dahilan kung bat naghahanap ng trabaho ang isang tao, may kailangang buhayin, kailangan bayaran, o kailangang pakainin. Sa kwentong ito maiisip natin ang tunay na nangyayari sa tunay na mundo. Hindi laging galing ang kailangang pairalin kundi pati ang pagiging matiisin, tamang  pakikisama at mahabang mahabang pasensya. Ramdam ko ang mensaheng gustong iparating ng awtor sa akdang ito. Kahit di pa ako nagtatrabaho, ramdam ko ang hirap ng mga manggagawang pilipino. Lahat ng mga sakripisyo ng tao sa paligid natin na nagtitiis sa kanilang mga trabaho, di na importante kung masaya ka, o tinatrato ka ng maayos, nirerespeto ka ba o ginagalang ng iba, ang importante ay maiuwing pera sa pamilya. May isang linya ako na nagustuhan mula sa kwento at ito ang kalamangan ng pagiging rugged o hindi pag bibihis ng sobrang bongga. Hindi nga naman mananakawan at hindi bebentahan ng kung ano ano dahil iisiping wala kang pera, pero sa mga restawran ay hindi ka din pagsisilbihan. Magandang analogo dahil dun mo nga naman masusukat ang respeto na meron ang isang tao. Rerespetuhin ka ba dahil sa suot at pera mo o rerespetuhin ka bilang tao. Ang huli sa mga akda ni Jun Cruz Reyes ay pinamagatang Mga Kwentong Kapos. Ito ang pinaka mahaba sa tatlong kwento. Okay ang takbo ng istorya hanggang sa lumaon ay nalilito na ako ng nalilito. At sa mga nagbabalak magbasa nito maaaring maging ganito din kayo. Maraming tanong ang mabubuo sa utak nyo habang binabasa ang kwento. Ano, bakit at paano ang kadalasang maitatanong nyo habang nagbabasa ng kwento. Magaan at madaling maunawaan tulad ng dalawang nauna, siguro'y nasa estilo talaga ng awtor ang gumamit ng mas simpleng salita para mas malawak ang masakupan nyang mambabasa. Sa kwentong ito ay may iba't-iba pang kwentong nakapaloob. Kung ang dalawang naunang kwento ay tumatalakay sa buhay estudyante at buhay ng mga manggagawang pilipino, itong kwento na to ay tumatalakay naman sa mamamayan. Mas malawak ang sakop ng istoryang ito. Ang bida ay isang manunulat na naghahanap ng isang bagay o tao para gamiting subject sa kanyang kwentong bubuuin. Marami syang nakikilala at nakakasalamuhang tao na sa palagay nya ay pwede nyang gawan ng kwento pero hindi nya natutuloy. Nakaka intriga ang kwentong ito sa pamagat pa lamang. Kwentong kapos? Kaninong kwento ang kapos? Sa mga kwentong nailahad nya, kasama dun ang repleksyon ng kahirapan, krimen, violence, edukasyon at pangarap. Lahat ng kwentong ito'y walang kasagutan sa huli. Sa mga magbabasa nito, maaari nyong maitanong ang tanong na nabuo sa utak ko pagkatapos ko itong mabasa. Na kanino ang sagot sa mga tanong sa kwento ng mga taong ito? Anong bagay ang makakapag kumpleto sa mga kwentong kapos? Na kanino kaya ang sagot? Nasa akin? Nasa lipunan? O nasa iyo? Natutunan ko sa kwentong ito na hindi lahat ng kwento ay may katapusan. Kadalasan ang kawalan ng katapusan o ending ay sya mismong ending ng kwento. Hindi natitigil ang pag ikot ng mundo kaya sa haba ng tanong na meron tayo sa buhay, hindi imposibleng makita natin ang sagot. Maging katulad din sana tayo ng bidang manunulat na hindi natakot lakbayin ang mundo, hindi natakot harapin ang realidad at maging kaisa din nya sana tayo sa paghanap ng sagot sa mga kwentong kapos.
0 notes
Text
ANG LOHIKA NG MGA BULA NG SABON
Sa lahat ng kwento na nauna kong gawan ng reaksyon. Dito ako pinaka kinakabahan. Bukod sa napaka lalim ng mga nagamit na salita, di ko alam kung literal na pag intindi ang kailangan gamitin para maunawaan ang kwento o sadyang wala lang akong common sense. Nakakalito ang storya. Sa una pa lang na paragraph medyo naguluhan na ko sa magiging takbo ng storya. Sa isang karakter na nabanggit sa storya, maguguluhan ka. Si sandali. Sino ba si sandali? Tao ba sya? Bagay? O isang imahinasyon lang ng bida? Ang mga bagay na nabanggit nya ay madaling imaginin dahil nararanasan natin yun sa ating buhay pero mahirap na gawan ng konklusyon dahil hindi mo alam kung totoong nangyayari ba ang mga nilalahad nya o isang kathang isip lamang. Sa lahat ng storya ito ang pinaka hindi ko naintindihan. Hindi ko alam kung saang genre ito papasok. Kung kwento nga ba to o isa lang sanaysay. Ano ba ang paksa at mensaheng gustong iparating ng manunulat? Hindi ko mahanap ang sagot dahil di ko naintindihan. Sigurado ako na sa mga magbabasa nito, malilito din kayo. Hindi ko naappreciate ang kwento dahil masyadong malalim. Siguro'y hindi ako ang target audience ng akdang ito. Diniscuss din ito sa loob ng classroom ng aming propesor at tinanong kami kung ano ang interpretasyon namin. Wala masyadong makasagot tulad ko. Lahat ay nalilito at lahat ay nagtatanong kung sino si sandali. Sabi ng aming propesor isa itong repleksyon o simbolismo ng feminista. Medyo naunawaan ko ang storya ng himayin ng aming propesor ang bawat salita at bawat scenario na kasama si sandali. Napaisip ako na baka nga tungkol ito sa feminista dahil may isang pangyayari sa kwento na tumataliwas sa buhay ng karaniwang babae. Ang narrator ay isang babaeng naninirahan mag isa, walang asawa o nobyo na hindi karaniwan sa ating lipunan dahil ang babaeng nasa karampatang gulang na ay kadalasang may asawa at bumubuo na ng pamilya. Ang bawat kaganapan na nilalahad ng bida ay misteryoso para sa akin dahil nararanasan yun ng bawat isa. Maganda ang kwento kung pag uusapan ito kasama ang isang maalam sa malalim na pag unawa sa isang akda tulad ng propesor. Mas bagay itong gamitin sa pang akademikong usapin pero hindi ko ito mairerecommend sa mga taong nag uumpisa pa lang tuklasin ang pagbasa dahil masyado itong malalim. Kahit ilang ulit mo basahin ay mananatili ang mga tanong at pagkalito. Hindi ko masasabing pangit ang storya, sadyang hindi lang siguro ako saklaw ng target audience ng akdang ito. Ang lohika ng mga Bula ng Sabon ni Luna Sicat-Cleto ay magandamg instrumentong pang mulat sa mata sa lipunan. Sumasalamin dito ang mga kababaehan at mga bagay na iniisip nating gawin ng lahat ng kababaehan. Dito naipakita na hindi porke't ginagawa ng karamihan ay tama at hindi maling umiba sa nakasanayan. Mas magiging makapangyarihan sana ang akdang ito sa paghatid ng mensahe kung mas makamasa ang ginamit na estilo ng pagsulat para mas marami ang maging interesado magbasa. Sana mas marami pang awtor ang sumubok magsulat ng may ganitong paksa pero sana ay sa mas madaling estilo ng pagsulat at simpleng pamamaraan ng pag gamit ng mga salita.
0 notes
Text
KUBETA
ni Nancy Kimuell-Gabriel
Panibagong akda na naman mula sa isang mahusay na awtor ang nabasa ko. ayokong magpaka plastic at sabihin na nagustuhan ko ang sulat. Bukod kasi sa na pangunahan ako ng mga magagandang storya na swak at pasok sa panlasa ko, di ko gaano nabigyan ng importansya ang kahulugan at mensahe na gustong iparating ng awtor . Oo nga't hinahanap ko na ang mga storyang unang naibigay sa amin ng aming propesor. Mga akda nila Eli Gueib at Norman Wilwayco ang ilan sa mga bumuhay ulit sa kagustuhan kong magbalik loob sa pagkahilig magbasa. Isa ito sa mga rason kung bakit hindi ko agad naunawaan ang akda. Dahil nagkaroon ako ng pagkukumpara sa mga naunang awtor na nabasa kaya medyo hindi ko nagustuhan ang kubeta. Ang pag kukumpara ay may magandang dulot ngunit may masamang dulot din ang pagkukumpara ng mga akda. Sabi nga huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa iba para mas umunlad ka pero may mga sitwasyon kung saan dito mo makikita na mas natututo ka dahil napapansin mo ang katangian ng magaling na awtor. Malalaman mo ang iba't-ibang style na ginamit ng mga awtor na ito para mapukaw ang atensyon ng mambabasa. Sa kabilang banda, may masamang dulot din ito dahil para sa mga katulad ko na mahilig magbasa, may pinapanigan akong genre. Kumbaga meron akong hinahanap na spesipikong flavor sa isang akda. Maaaring hindi din mabigyan ng masusing pag-unawa ang isang akda dahil may mas gusto kang basahin. Kung susubukan ninyong basahin ang kubeta dapat maging handa kayo sa mga salitang madumi pakinggan lalo na sa mga maselan, magsilbi sana itong disclaimer. Kung balak mo basahin ito habang kumakain sa meryenda tulad ng spaghetti o tsokolateng ice cream, mas mainam na wag mo nang ituloy dahil hindi angkop isabay ang pagkain sa pagbabasa nito. Kinakailangan ng malalim na pag unawa ang akda na ito.Tulad nga ng sabi ko ang unang dalawang nabasa ko ay madaling intindihin. Ang mga awtor na sumulat nito ay mababaw at simple ang mga salitang ginamit wasto lamang para maintindihan ng lahat. Bagkus din na ang nauna kong nabasa ay gumamit ng emosyon at experience sa kanilang pagsulat kaya madaling ilagay ang sarili sa katauhan ng karakter kaysa sa akdang ito na kubeta. Hindi naman puro negatibo ang reaksyon ko sa akdang ito. Maganda sya dahil sumasalamin ang akda sa kahirapan na kinakaharap ng ating lipunan pati na ng ating bansa. Simple lang para sa atin ang usaping kubeta o cr, dahil meron tayong mga sariling palikuran sa ating mga bahay. Lingid sa ating kaalaman na pati ang palikuran ay problema ng karamihan lalo na ng mga nasa laylayan. Para sa akin, ang pagdumi ay simpleng pagpunta sa cr, pagbabawas, pag gamit ng tubig at sabon, bidet na mas 'preffered' ng karamihan, flush o tabo at seat cover sa toilet bowl— yan ang ilan sa kahulugan ko ng kubeta. Malinis at kumpletong mga kagamitan. Pero sa mga mahihirap, dyaryo at plastik ang kanilang sandigan. Tama ang awtor ng Kubeta, napaka 'dehumanizing' ng kanyang karanasan. Dahil kailangan ang kubeta ng bawat isa, at kung hirap ka magkaron ng sariling kubeta na magagamit, tiyak ngang nararanasan mo ang lupit at hirap ng buhay. Sa pagbasa nyo ng akdang ito ni Nancy Kimuell-Gabriel, mamumulat kayo sa katotohanan at mas magiging mapag obserba kayo sa lipunan. Swerte mo kung hindi mo naranasan, o nararanasan ang mga nabanggit sa kwento, pero maaaring ang ilan sa mga kakilala mo, nakakasalamuha mo, nakakausap mo at nakakasama mo ay may ganitong hirap na pinagdadaanan. Simple lang, kubeta lang yan pero sumisimbolo sa napakalaking problema—kahirapan. Mahihirap ang mga tao kaya nagtitiis sa pampublikong kubeta, tinatapon ang dumi sa basurahan na nagiging sanhi ng mas maduming kapaligiran at nagdudulot naman ng sakit sa mga mamamayan. Tiyak ngang ang tawag sa kubeta ay nag bago na, CR is in kubeta is out pero ang tunay na pagbabago na kailangan ng tao ay malayo layo pa bago makamtan. Ngayon ang tanong ko sayo, Are dyaryo and plastik in or out?
0 notes
Text
DANGAL
ni Norman Wilwayco
Ang obra na ito ay isinulat ng isa, sa aking pananaw, na pinakamagaling na awtor.
Simple lang ang takbo ng istorya.
Halos ang kabuuan ng pinag ganapan ng kwento ay sa unibersidad, at hindi ko ito matatawag na kwento dahil ito ay realidad. Isinaad ng awtor ang realidad, mga pangyayaring nararanasan sa tunay na buhay ng isang simpleng estudyante sa napaka hirap na buhay dito sa mundo.
Siguro nga, kaya ko sobrang nagustuhan ang akdang ito ay hindi lang dahil sa maganda ang pagkakagawa kundi dahil alam ko ang pakiramdam ng bawat karakter sa kwento. Kung hindi ako ang nakaranas mismo ay malamang sa malamang, narinig ko mula sa karanasan ng mga kakilala ko.
Tungkol ito sa buhay ng dalawang estudyanteng magkaibigan na hirap sa buhay, at ginagawa ang lahat ng paraan para mapag-aral lang ang sarili kumbaga 'working student's'.
Hindi nakakabagot ang istorya. Mahaba ang pagkakasulat pero oras na mailapat ng mga mata mo sa unang salita ng buong akda, ay dire diretso mo ng babasahin ang storya. Hindi din ordinaryong manunulat si Norman Wilwayco dahil iba ang style nya sa pagsusulat. Isa itong pormal na maituturing ngunit hindi pormal na pananalita ang ginamit nya. Madaming bulgar at explicit na mga salita ang binitawan nya pero hindi, ni katiting ito nakasira sa kanyang akda bagkus nakatulong pa nga para mas mapaganda ang kanyang kwento.
Isa akong estudyante at ako higit sa kaninoman ang pinaka target ng akdang ito. Estudyante ang karakter, at alam kong hindi lang ako ang makakarelate sa kwento ng dalawang estudyanteng sinusuong ang hirap ng pag-aaral, pagtatrabaho, pati na din ang buhay sa personal nating buhay. Swerte, dito umikot ang istorya ng karakter para mabago ang mundo nya at sa tunay na buhay, yun lang din naman ang iniintay natin diba? Yung biglaang pagdating ng swerte. Dahil sino ba ang gugustuhin pang mag-aral, magtrabaho, kumayod o magpakapagod kung swerte na ang lumapit sa iyo para bigyan ka ng napakaraming pera na magiging sagot sa lahat ng problema mo.
Napaka ganda ng akda na halos naging bukambibig ko sa mga kaibigan at kahit sinong makakausap ko. Hindi lamang ito tumatalakay sa buhay estudyante, ngunit tumatalakay din sa pera, sa nagagawa ng pera at kapangyarihan ng pera. Nadaanan din ang issue na panlipunan tulad ng kontraktwalisasyon na hanggang ngayon ay kalaban pa din ng mga manggagawang pilipino. Naipakita din sa kwentong ito kung paanong kayang magbulag bulagan ng mga nasa posisyon o may mga pinag-aralan kapalit ng pera tulad ng pagsulsol ni Chris sa Admin ng kanilang eskwelahan. Mahirap talakayin ang mga pangyayari sa kwento dahil mas mainam kung mababasa talaga ito para mas maintindihan at maunawaan. Kung bibigyang pansin, nabanggit doon sa kwento na mga lalaki ang unang nagpapakalat ng chismis sa eskwelahan. Bago ito para sa akin dahil madalas ay kababaehan ang natuturingang chismosa at mahilig sa kwento. Ang pagkagusto ni Chris na umahon sa hirap ay hindi nya intensyon nung una nyang kinontak ang kanyang tiyahin. Tanging sapatos lang mula ibang bansa ang hiling nya ngunit milyong dolyares ang naging kapalit. Kapalit ng pagdami ng pera ay ang pagbabago ng buhay at ugali nya. Ang kanyang kaibigan na sinubukan nyang bigyan ng isang milyong piso ay tumanggi alang ala sa dangal.
Ano nga ba ang dangal? Paano nga ba sirain ang dangal ng isang tao? Ako kasi hindi ko alam. Pero sabi ng nagkekwento sa istoryang ito "Mayroon akong alam na paraan kung paano wasakin ang dangal ng isang tao, ang kanyang respeto sa sarili." Ngayon kung naiintriga ka at interesado ka malaman kung pano wasakin ang dangal ng isang tao, ay oras na para umpisahang basahin ang akdang ito.
0 notes
Text
DANGAL
ni Norman Wilwayco
Ang obra na ito ay isinulat ng isa, sa aking pananaw, na pinakamagaling na awtor.
Simple lang ang takbo ng istorya.
Halos ang kabuuan ng pinag ganapan ng kwento ay sa unibersidad, at hindi ko ito matatawag na kwento dahil ito ay realidad. Isinaad ng awtor ang realidad, mga pangyayaring nararanasan sa tunay na buhay ng isang simpleng estudyante sa napaka hirap na buhay dito sa mundo.
Siguro nga, kaya ko sobrang nagustuhan ang akdang ito ay hindi lang dahil sa maganda ang pagkakagawa kundi dahil alam ko ang pakiramdam ng bawat karakter sa kwento. Kung hindi ako ang nakaranas mismo ay malamang sa malamang, narinig ko mula sa karanasan ng mga kakilala ko.
Tungkol ito sa buhay ng dalawang estudyanteng magkaibigan na hirap sa buhay, at ginagawa ang lahat ng paraan para mapag-aral lang ang sarili kumbaga 'working student's'.
Hindi nakakabagot ang istorya. Mahaba ang pagkakasulat pero oras na mailapat ng mga mata mo sa unang salita ng buong akda, ay dire diretso mo ng babasahin ang storya. Hindi din ordinaryong manunulat si Norman Wilwayco dahil iba ang style nya sa pagsusulat. Isa itong pormal na maituturing ngunit hindi pormal na pananalita ang ginamit nya. Madaming bulgar at explicit na mga salita ang binitawan nya pero hindi, ni katiting ito nakasira sa kanyang akda bagkus nakatulong pa nga para mas mapaganda ang kanyang kwento.
Isa akong estudyante at ako higit sa kaninoman ang pinaka target ng akdang ito. Estudyante ang karakter, at alam kong hindi lang ako ang makakarelate sa kwento ng dalawang estudyanteng sinusuong ang hirap ng pag-aaral, pagtatrabaho, pati na din ang buhay sa personal nating buhay. Swerte, dito umikot ang istorya ng karakter para mabago ang mundo nya at sa tunay na buhay, yun lang din naman ang iniintay natin diba? Yung biglaang pagdating ng swerte. Dahil sino ba ang gugustuhin pang mag-aral, magtrabaho, kumayod o magpakapagod kung swerte na ang lumapit sa iyo para bigyan ka ng napakaraming pera na magiging sagot sa lahat ng problema mo.
Napaka ganda ng akda na halos naging bukambibig ko sa mga kaibigan at kahit sinong makakausap ko. Hindi lamang ito tumatalakay sa buhay estudyante, ngunit tumatalakay din sa pera, sa nagagawa ng pera at kapangyarihan ng pera. Nadaanan din ang issue na panlipunan tulad ng kontraktwalisasyon na hanggang ngayon ay kalaban pa din ng mga manggagawang pilipino. Naipakita din sa kwentong ito kung paanong kayang magbulag bulagan ng mga nasa posisyon o may mga pinag-aralan kapalit ng pera tulad ng pagsulsol ni Chris sa Admin ng kanilang eskwelahan.
Mahirap talakayin ang mga pangyayari sa kwento dahil mas mainam kung mababasa talaga ito para mas maintindihan at maunawaan. Kung bibigyang pansin, nabanggit doon sa kwento na mga lalaki ang unang nagpapakalat ng chismis sa eskwelahan. Bago ito para sa akin dahil madalas ay kababaehan ang natuturingang chismosa at mahilig sa kwento. Ang pagkagusto ni Chris na umahon sa hirap ay hindi nya intensyon nung una nyang kinontak ang kanyang tiyahin. Tanging sapatos lang mula ibang bansa ang hiling nya ngunit milyong dolyares ang naging kapalit. Kapalit ng pagdami ng pera ay ang pagbabago ng buhay at ugali nya. Ang kanyang kaibigan na sinubukan nyang bigyan ng isang milyong piso ay tumanggi alang ala sa dangal.
Ano nga ba ang dangal? Paano nga ba sirain ang dangal ng isang tao? Ako kasi hindi ko alam. Pero sabi ng nagkekwento sa istoryang ito "Mayroon akong alam na paraan kung paano wasakin ang dangal ng isang tao, ang kanyang respeto sa sarili." Ngayon kung naiintriga ka at interesado ka malaman kung pano wasakin ang dangal ng isang tao, ay oras na para umpisahang basahin ang akdang ito.
0 notes
Text
KASAL
KASAL ni Eli Rueda Gueib III
Isa na ata ang kasal sa pinaka nakakasabik at nakakakilig na salita para sa mga kababaihan, kalalakahihan at magkarelasyon. Masyado kasing romantiko. Masyadong sagrado at Masyadong puno ng pagmamahal ang salitang kasal. Sa nakagisnan kasi natin, kasal ang dulo ng direksyon ng lahat ng magkarelasyon. Panibagong buhay kasama ang pinakamamahal nating kabiyak. Pero ang kwentong ito na naisulat ni Eli Gueib ay kakaiba. Hindi ito basta bastang kwento na nakasanayan natin. Hindi ito ordinaryong kwento katulad ng iba na alam mo na agad ang takbo ng istorya sa pamagat pa lang.
Natuwa ako ng una kong mabasa ang pamagat nito. Natural na nga siguro sa mga kababaihan ang pantasya ng pagpapakasal. Sa isip ko, isa na naman itong kwento tungkol sa pag-ibig ngunit mali ako. Malayo sa kilig ang kwento na inilahad nya. Malayo sa saya at tawanan ang mga kaganapan hindi tulad ng normal na kwentong mag-asawa. Masakit at malungkot ang dalawang pakiramdam na mangingibabaw sa mga makakabasa nito. Sobrang sakit ng kwento at sobrang lungkot. Hahanga ang lahat sa galing ng pagkakasulat ng awtor. Medyo komplikado ang storya dahil wala syang sinunod na pagkakasunod sunod ng pangyayari. Mababaw ang mga salitang ginamit kaya madaling maiintindihan ng mga mambabasa ngunit malalim ang talim ng bawat kahulugan nito. Uukit ang mga linya ng karakter sa inyong isipan at siguradong hahanga kayo sa pagbibigay ng bagong depenisyon ng awtor sa paghihiwalay. Iyon na ata ang pinaka tumatak sa aking isipan, ang paghihiwalay. Sanay kasi tayo na pag hiwalayan ang usapan ay laging puno ng galit, luha, at sakit. Pero sa akdang ito ni Eli Gueib, mamumulat ka sa bagong perspektibo ng hiwalayan. Sa kwentong ito mauunawaaan mo na hindi mo naman kailangan magalit, makipag-away o umiyak kapag nakikipag hiwalay. Pwede namang tapusin ang mga bagay bagay sa maayos na paraan. Simple lang ang kwento at sa naobserbahan ko, kakaunti ang diyalogo ng mga karakter. Kakaunti ngunit lahat ng diyalogo nila ay makahulugan. Detalyadong nakahayag ang bawat lugar, bagay, at aksyon na nagaganap sa kwento. Ultimong mga ulap, puno, ilog, pati kubyertos ay detalyadong naikwento. Wala kayong masyadong mababasa na nagsisigawan, umiiyak, nasasaktan o kung ano pamang nakakalungkot na salita sa kwento. Simple lang, ang kalungkutan na makukuha mo sa kwentong ito ay ang katotohanang hindi nya diretsahang ipinakita na malungkot ang kwento. Nasa bundok ang mag-asawa, at napagdesisyunang mag camping sa huli nilang gabi na magkasama. Nag usap, at paminsang halik sa isa't-isa lang ang ginawa nila. Walang pag-aaway, walang pagsisigawan pero sobrang lungkot sa pakiramdam. Wari koy kasama nila ako sa tent at pinanonood ang huli nilang sandali bilang mag-asawa. Ito kasi ang realidad. Hindi kasiguraduhan ang kasal para masabi mong habang buhay kang may kasama. Hindi mo yun pwedeng panghawakan para masabing hanggang kamatayan ang pagmamahalan nyong dalawa. Sabi nga sa isang linya na hindi ko malimutan mula sa kwentong iyon, "Maraming bagay sa mundo ang hindi pwedeng bigkisin sa mga kontrata ng relasyon. Iisa lang naman ang batas ng relasyon, pagmamahal. Kapag iyon ang nawala, wala na ring silbi ang katotohanan ng mga kontrata. Ang tanging katotohanang naiiwan ay ang pait ng pinawalang-bisang kontrata", tumagos sa puso ko ang bawat salitang ito. Totoo naman. Ang kasal ay nagmula sa kathang isip lamang. Papel lang ito para matawag na legal ang pagsasama. Pero hindi lahat ng nakasal ay nagmamahalan, marami ang hindi nagkakatuluyan pero patuloy na pinanghahawakan ang pag ibig sa isa't-isa kahit na hindi na magkasama.
Maraming panibagong bagay ang nalaman ko mula sa pagbasa ng akdang ito ni Eli Gueib. Ang mga bagay na akala kong alam ko na ay mas nabigyang linaw sa akda nya. Gusto ko pang bigyang pansin ang isa pang linya na mula sa kwentong ito na tumatak sa akin, "At kahit na anong pagkakait ang gawin, kahit na anong pagkukunwari ang ipantapal, kung talagang wala na ang pagmamahal, anuman ang kahulugan nito, anuman ang anyo nito, anuman ang ekspresyon nito, ay totoong tapos na nga ang kontrata. At kung minsan nga ay tinatapos din ang relasyon kahit wala namang pag-ibig na tinatapos." Kung hindi ka pa maaakit o mahihiwagaan sa lalim ng ilan sa mga linyang nabanggit ko, mas mabuting ikaw na mismo ang tumuklas at magbasa ng kwentong ito dahil kung gusto mong maramdaman ang pakiramdam ng taong kasal kahit hindi ka pa naiikasal sa aktwal na buhay, ito ang kwentong para sayo.
1 note
·
View note