I'm Yan, 20 years old. This blog is about me, myself, and my adventures and learnings that I hope would help other people out. Happy reading and I hope to hear from you guys, soon!
Don't wanna be here? Send us removal request.
Quote
Pag tapos na ang papel mo sa buhay nya, kahit gano katagal ka nya minahal, makakalimutan at makakalimutan ka nya.
AlwaysTheLuhaan
0 notes
Text
Hindi nasusukat ang pagmamahal sa kung gano kabilis o kabagal sya nagmove on.
Habang kashwal akong nagbabasa sa Facebook ko, nadaanan ko ang isa post na pano daw ba nakakamoveon agad ang isang tao na wala pang isang buwan matapos syang makipaghiwalay sa 5 years na karelasyon nya.
Simple lang ang sagot kaibigan.
Unang-una, walang timeline ang pagibig. Hindi to yung tipong pag mas matagal, mas mahal mo. Walang ganon.
Pangalawa, wala sa bilis o bagal ng pagmomoveon nya masusukat ang naging pagmamahal nya sayo. Tulad ng sabi ko, walang timeline ang pagibig. Kung halimbawang nakita nya yung pagmamahal na dapat ipaglaban, yung pagmamahal na magtatagal, kahit bukas na bukas makakamove on sya sayo.
Alam nyo, yung 3 month rule, hindi yan para sa relasyon nyo. PARA YAN SAYO EH. Bakit? Yung 3 month rule, it promotes selfishness. Di ka pa masaya, kaya dapat di din sya masaya. Di ka pa nakakamove on kaya dapat di pa sya magmove on. Hindi para sainyong dalawa yan. Para lang sayo yan. Bakit hanggang sa huling oras, didiktahan mo kung pano sya makakamove on mula sayo? E wala na kayo diba?
Isa pa, wag kang maniwala sa mga taong nagsasabi na pag nakamove on agad sayo, hindi ka minahal. Jusko! Minahal ka. Kaya nga nagtagal. Pero ang dapat mong tanggapin ay tapos na ang papel mo sa buhay nya. Ekis ka na, EX ka na.
Pag ang pagibig pumasok sa puso ng tao, kahit sampung taon na pagmamahalan, makakalimutan basta tunay na pagibig yung dumating.
Tanggapin mo nalang. Tanggapin mo nalang na wala na, tapos na yung istorya nyo. Hayaan mo syang maging masaya. Wag kang magbitter bitteran dyan na nakamove on agad sya. Eh ano naman? Hiwalay na kayo. Wala ka nang pake kung pano nya gustong ituloy ang buhay nya. Atupagin mo ang sarili mo, magmove on ka na ikaw lang. Hindi yung kailangan mo pa syang idamay sa lungkot mo.
Kaya nga break. Kaso pinuputol na yung ugnayan nyo. So kung putol na, bat dinidiktahan mo padin sya ng kung anong dapat nyang gawin at maramdaman?
Tandaan mo, hindi madidiktahan ng kahit sino kung pano ka o pano sya makakalimot. At hindi madidiktahan ni John Lloyd o kahit ni Bea Alonzo kung kelan papasok ang pagibig.
3 month rule my ass.
0 notes
Video
youtube
Take her to the moon for me - Moira Dela Torre ft. Sam Milby
Pakinggan mo to kung handa ka nang makita syang masaya sa iba.
Hindi porket pinagpalit ka nya eh magiging bitter ka na. Ipagdasal mo nalang na maging totoong masaya sya dun para di naman sayang yung sakit na dinulot nya sayo.
0 notes
Quote
Ang hirap kasi sa iba, pag di mo pinapansin, habol ng habol. Pag pinaglaanan mo na ng oras at panahon, tatratuhin ka naman na parang basura.
AlwaysTheLuhaan
1 note
·
View note
Text
So, here is a letter I wrote months ago.
To his present,
Its been a year and 4 months pero ito, I still haven’t moved on from ‘us’. People might call me crazy dahil ang tagal na e. Pero ewan ko, sa lahat ng minahal ko, sya ang pinakamahirap kalimutan. I know there will never be an ‘us’ anymore. Kaya instead of trying to reach out to him para bumalik sya, I’ll just be reaching out to you para di sya mawala sayo.
Alam mo kasi sya, he’s a simple guy. Hindi sya yung tipong maluho, he’d eat anything be it isaw, fishball or palamig sa kalye. He can settle for a jeepney kahit sobrang init. Pag umuulan, lulusong yan sa baha. Wala syang arte.
He’s clingy. He likes texting ‘I love you” every now and then. Randomly. He likes calling, madalas ayaw nya sa text. Gusto nya tatawag sya sayo. He also likes calling in the middle of the night, minsan 12mn na magriring ang cellphone mo and its him. Wala naman syang urgent na kailangan. Gusto lang nya sya ang huli mong kausap bago ka makatulog. Ganun sya ka clingy at sweet.
He can sacrifice everything for you. I remember that time na bumagsak ako. Non-paying ako, wala akong tuition. When I failed one subject, bumaba ang GWA ko, from good standing to probi. Umiiyak ako noon, kasi kahit na may kaya kami, hindi ko alam pano sasabihin sa magulang ko na magkakatuition na ako. Ayokong bigyan sila ng sakit ng ulo. Kaya buong bakasyon non, naghahanap ako ng paraan para magkapera. Pero nung last week na ng enrollment at wala padin akong pera, sabi ko, baka tumigil nalang muna ako. Then he called. Sabi nya sakin, “By, balak ko muna tumigil this sem. Bibigay ko muna sayo yung tuition ko. Mas kailangan mo.” But I said no. Buti nalang natulungan ako ng tita ko. Ganun sya. Kahit mawalan na sya, wag lang yung mahal nya.
He’s God fearing. Nung bago pa kami there was a Sunday na nagalit ako kasi I woke up late na nga, wala pa syang text. I texted him non stop. After which, tumawag sya at nagsorry. He told me nagsimba sya. Every night before we sleep, he’d call to pray with me. Or he’ll send me a message saying all his prayers. He was God sent.
And most of all, he did what was right. He likes doing it. Kahit may masasaktan, kahit may iiyak. I know because I��ve experienced it. Kelan? When he left me because of you. We never had a chance kasi nandun ka. We were late. Dumating ka na bago pa namin maamin na mahal namin ang isa’t isa. Pero kahit na masakit, ginawa nya ang tama para sayo. Kahit pa masasaktan ako.
Hindi ko naman na hinihiling na bumalik pa sya. Alam ko hindi na. Masakit tanggapin yung fact na wala na talaga pero, ano pa bang magagawa ko? Hindi ko na hihilingin na bumalik pa sya. Sayo nalang ako may hihilingin. Sana.. Sana, wag mo syang iwan. Wag mo syang sasaktan. Wag mong lolokohin. Kasi iba sya. Ibang iba. No waist line, No boob size or butt size can seduce him. Iba sya. Kung sakanya ka, iyong iyo sya. Ni hindi ka magseselos kasi wala e, sobrang bait nya.
I loved him pero wala, hindi kami pwede. So please, love him with all your heart kasi yang lalakeng minamahal mo? Yan ang great love ko. Loving doesn’t always mean that you have to be with that person. Loving can be from a far. And I’m choosing to love him from a distance.
Sa susunod na magusap kayo, please, isang pabor. Sabihin mo sa kanyang mahal ko sya. And I’m finally letting myself go.
Finally free,
His past.
0 notes
Quote
Mas madaling makamove on sa bagay na alam mong wala nang pag-asa. Kesa sa magmove on sa bagay na 'Baka pwede pa'.
Boom Panes, akin yan
1 note
·
View note
Text
Hello! :)
This is a blog about me, myself and how I deal with everyday life.
0 notes