Tumgik
amieldb-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
“вυт нe’d leαrɴed loɴɢ αɢo тнαт α lιғe lιved wιтнoυт rιѕĸѕ preттy мυcн wαѕɴ’т worтн lιvιɴɢ. lιғe rewαrded coυrαɢe, eveɴ wнeɴ тнαт ғιrѕт ѕтep wαѕ тαĸeɴ ɴecĸ-deep ιɴ ғeαr.”
-Tamera Alexander, Within My Heart (Timber Ridge Reflections, #3)
I hate risks, I hate them because I feel that I’ll just waste my time, Nakakainis itaya ang isang bagay, Because at the end? I always end up Losing.That’s why Im always avoiding them, Because risking something is one of my last options. I thought that playing safe was a good idea but It wasn’t , Akala mo walang nawala sayo?pero ang totoo mas maraming nawala sayong opportunity na sana ay ginrab mo na , natutunan ko na lahat ng bagay ay may kapalit , katulad na lang ng Effort, maaaring isa lang ang maging kapalit nito its either Success or Failure parang ang kapalit ng Risks, For me lang to ah,para kang pinapili kapag naghiwalay ang Nanay at Tatay mo kung saan kailangan mo lang pumili ng isa at yung isa ang mawawalan ng anak oo alam ko na pwedeng hindi pumili pero un ung kadalasang nangyayari papapiliin ka, ganun ang pagdedesisyon sa Risks bawala ka maging nuetral kasi nga kahit anong mangyari part na ng Buhay natin ang Risks at kadalasan ngayon kapag dika nag take ng risk doon na papasok ung regrets mo sa buhay ung sinayang na pagkakataon, “sayang” ayokong maging bukang bibig ko to in the near future kaya ngaun pagsusumikapan kong harapin ang mga kinatatakutan ko at matutong magdesisyon hindi ayon sa iniisip o sinasabi ng iba kundi ayon sa gusto at nararamdaman ko, Magtatake nako ng mga Risks, magtiwala sa sarili ko at tanggapin ng maluwag ang bawat epekto nito siyempre sabi nga ni Kathe Koja "Even empty road leads somewhere,Right?" Kaya I'll think before I choose a Road, I'll think first where it might leads me and when i decided to take that road I'll take it whole-heartedly 🙂
0 notes
amieldb-blog · 7 years
Text
Liham para sa bentesingko anyos kong sarili
Hi, kamusta? siguro na achieved mo na siguro ung mga gusto ko ma achieved ngaun? hayyss siguro masarap talaga makamtan ung bagay na pinag hirapan mo no? hahaha ok lang yan sa dami na naman kasi ng pinagdaanan mo deserve mo naman yan sa dami na ba naman siguro ng problems, hardships at rejection na natanggap ewan ko lang kung mahuna ka pa din hayaan mong ipaalala ko sayo ung mga naranasan mo mula ng 13 ka hanggang 16 ka na,Nung nag 13 anyos ka na doon nagsimula yung pakikihalubilo mo sa mga tao dahil siguro nasa highschool ka na nun kung kayat mas kailangan mong makitao kumpara nung elementary ka.Noong 14 ka na nalaman mo na hindi pala lahat ng tao tanggap ka at hindi lahat ng tao gusto kang kausap merong mga tao na nilayuan ka diba? hindi dahil sa me nakakahawa kang sakit pero dahil sa timbang hahaha oo timbang , kasi diba sobrang taba mo talaga noon? kaya nga sanay ka na sa mga tukso ng ibang tao narinig mo na ang mga katagang Baboy! , Bonjing! , Tababoy! at marami pang iba mga katagang sanay ka nang marinig kung kani kanino at dahil din sa mga katagang yon , sa mura mong edad namulat ka sa kaisipang walang lugar sa mundo ang nga matataba. Siguro nakakatawang pakinggan ang mga bagay na yon, pero hindi, aminin mo Ininda mo un dahil sobrang nasasaktan ka sa mga salita na animoy nakakatuwa sa pandinig ng iba kaya tinatawanan mo na lang din kahit nakakasakit na. Teka tama na nga pala ang drama, Noong 15 anyos ka na doon ulit nag bago ang kaisipan mo na meron pa palang taong nakakatanggap sa kung sino ka at ano ka. Nakakilala ka ng dalawang tao , dalawang tao na tumanggap sayo bilang kung sino ka na hindi ginawang basehan ang labas mong kaanyuan upang maturing ka nilang kaibigan, sinabihan ka pa nga nila na"Uy mga pare tropa na tayong tatlo ah" at yon naman ang nagpasaya sayo diba? at doon sa dalawang kaibigan mo umikot ang mundo mo ng ilang taon sa totoo lang hindi mo naman sila tinuring na kaibigan eh, tinuring mo silang kapatid, kapatid sa ibang nanay. Kasama mo sila sa lahat ng bagay mas matagal mo pa nga silang kasama kesa sa magulang mo pero sobrang bait talaga nila dahil sabi nila “Uy mga pare uwi muna tayo ah para may oras naman tayo sa mga pamilya naten salamat sa oras ng isat isa sobrang saya sige sa uulitin” doon mo nalaman na hindi basehan ang oras at tagal ng pagsasama ng magtotropa para lang masabi na solid kayo, masasabi mo na solid kayo kung kahit di kayo nag kikita sobrang lalim talaga ng pagunawa niyo sa bawat isa kaya naman ang inyong tropahan naging kapatiran. Sobrang saya niyo nga eh na ang bonding niyo puro kainan,sila sobrang lakas lumamon pero payat padin ikaw diet diet ka pa noon pero ikaw ang nataba hahahaha at doon sa isang bahay ng tropa kung saan kayo laging nag sleep over don kayo natambay at kain ng kain.Pinakamasarap mo ngang naririnig noon ay ang sa umaga bago kayo kumain sa bahay ng tropa niyo “ Uy dre kain lang ng kain ah hahaha wag mo intindihin yan dika tataba masyado saka tanggap ka pa din namen ” tatlo lang kayo nun pero pakiramdam mo sobra pa pero hindi rin nagtagal dumating na sa point na kailangan niyo nang maghiwalay na tatlo.Noong 16 anyos ka na nalaman mo nalahat ng bagay ay may katapusan ang mga panahon niyo ng pagkakasama ay matatapos na , eto ung panahon na naghiwahiwalay na kayo dahil graduate na kayo ng Junior high school at kailangan ng ipagpatuloy ang pagaaral ng Senior highschool kahit sa ibang lugar kahit gusto niyo magaral ng magkakasama hindi pwede ,kasi may kanya kanyang gustong iskwelahan ang mga magulang niyo, Nabigatan kayong tatlo non kasi di kayo sanay ng hindi magkakasama sa kalokohan o mapa iyakan magkakasama na kayo ang isa lumipat ng batangas, ang isa nagaral sa maynila at ikaw naman ang naiwan sa Cavite. Noong nag aaral ka na ng Senior high doon ka talaga nahirapan dahil hindi ka mabilis mag tiwala kayat di ka masyadong nakikihalubilo sa klase , nasa isang tabe ka lang at kung anu ano lang ang ginagawa di nagtagal sinubukan mo ring makisama sa iba, naging maayos naman kaso hinahanap mo parin ung mga tropa mo noon kaso wala sila sa tabi mo sa kasalukuyan kayat hinayaan mo na lang pero mabuti na lang at makabago na ang teknolohiya kung kayat nakakamusta niyo ang isat isa kahit sa facebook man lang kung kayat naiibsan ang pagkaulila mo sa mga katropa mo. Nung nakikihalubilo ka na sa mga senior high Classmates mo ok naman sila hindi naman sila nanunukso or kung anu pa man siguro minsan nagagamit sa biruan pero ok na naman sayo eh , madalas mo na ngang gawing biro ang pagiging mataba mo at natatawa naman sila saka ok narin naman sayo eh pero isang bes na realized mo na kesa gawing katatawanan ang iyong timbang bat dimo paghirapang baguhin dahil mas marami ka na namang inspirasyon eh, nagsimula ka sa mga pakonting bawas ng pagkain kaso minsan dimo talaga naiwasan ,pero mukang desidido ka na talaga hanggang sa mga madalaing araw na jogging paulit ulit at pagbabawas ng pag kain ok naman ang resulta non diba? hindi mabilisan pero tyinaga mo talaga hanggang sa natuto ka na mag research about sa nutrition and fitness kung kayat bigla na lang nag shift ang interest mo mula sa mga makina napunta naman ngaun sa nutritio hahaha ok lang namna un kahit na napagkasunduan niyong tatlong magtotropa na mag engineering ok lang naman daw dahil kahit sila mag shishift na ng kukuning kurso sa kolehiyo dahil nahanap na nila kung saan talaga nila gusto ,balik tayo sa kwento mo ng pagbabago, ilang pawis pa ang pumatak at ilang kilometro pa ang nilakad di nagtagal nag bunga rin ang paghihirap mo , at noong 16 kadin nalaman mo na lahat ng problema ay may solusyon nakadepende nga lang sayo kung pano mo ito ma sosolusyunan sana wag mo kalimutan ang mga pinagdaanan mo ah alalahanin mo ito saka may gusto din akong sabihin sayo, limang bagay lang naman ito. Una,sana naman natuto ka ng mahalin ang sarili mo bago ang iba, Unahin mo muna ang sarili mo paminsan minsan. Pangalawa, Sana proud ka sa sarili mo kahit gaano man o kung anu man ang narating mo iappreciate mo lang yan lahat. Pangatlo, wag kasanang makalimot sa mga pinanggalingan mo, sana unahin mo ung mga nagpaaral sayo at ung pamilya mo bago ung ibang tao. Pang Apat, sana na tigil mo na ung habit ng pagooverthink kasi sakin nahihirapan pa ako eh. pang lima’t pang huli, sana wag ka makalimot lumingon sa nakaraan,ok lang naman balikan basta wag lang tatambayan hahaha kung may mga bagay ka man na dimo mabitawan sa past i let go mo na yan ienjoy mo lang kung anu meron ka at paghirapan pa kung anu ang gusto mo pa yun lang hahaha. saka wag ka na mag expect masyado sa mga tao kung anu man ang ibigay sayo ng diyos o ng tadhana maging thankful ka and lastly appreciate what you have before it becomes what you had -from your 16 yrs old self 😃
1 note · View note