andrealylemanansala
andrealylemanansala
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
andrealylemanansala · 5 years ago
Text
National Service Training Program: BDRRM KWENTUHAN
Kamakailan lamang ay bumisita ako sa barangay hall kalapit ng aking paaralan, ang Barangay 471, Zone 46, District IV, upang malaman ang mga kalamidad, panganib at sakuna na nangyayari sa nasabing barangay. Sa dami ng mga pangyayaring nagaganap sa pang araw-araw na pamumuhay, isa itong magandang karanasan upang ma-connect sa komunidad nang sa gayon ay mapag-usapan ang isang napakahalagang bagay, ang Disaster Risk and Reduction Management (DRRM).
Tumblr media
Sa pagbisita ko sa Barangay 471, aking nakapanayam si Amado Barles. Siya ay isang barangay tanod na siyam na taon ng nagseserbisyo sa komunidad.
Sa aming talakayan, aming napag-usapan na ang malalakas na pag-ulan na nagdudulot ng pagbabaha, paglindol, at sunog ang ilan sa mga kalamidad na kanilang pinaghahandaan. Lingid sa ating kaalaman na ang Pilipinas ay napaliligiran ng katubigan kaya naman ang matinding pag-ulan ay isa sa mga pangunahing problema ng bansa. Kinatatakutan rin ng karamihan ang paglindol sapagkat tayo’y lubhang maapektohan dahil ang bansa ay dinadaanan ng West Valley Fault Line na kilala na magdadala ng “The Big One”. Isa pa sa mga dapat bigyang pansin ay ang sunog. Hindi lahat ng nananahan sa barangay 471 ay mayayaman. Karamihan sa mga bahay at establishments dito ay gawa sa kahoy at iba pang light materials. Sanhi rin ng sunog ang magkakadikit-dikit na mga kabahayan kaya naman madaling kumalat ang apoy. Isa pang nakikita kong problema ay ang buhol buhol na kable ng kuryente na maaring magdulot ng maraming komplikasyon sakaling magkaroon ng mga disaster katulad ng lindol at pagbaha dahil kapag ang mga kableng ito ay natamaan, maaring magkaroon ng short circuit at maaring magdulot ito ng sunog at inconvenience sa iba’t-ibang paraan.
Tumblr media Tumblr media
Akin ring napansin na mayroong isang ginagawang gusali malapit sa dapitan gate ng UST. Maituturing itong hazardous place sapagkat anumang oras ay maaaring may mahulugan ng mga bakal o anu man dahil itong walang net na magsisilbing salo kung sakali.
Tumblr media
llan pang mga impormasyon na aking nakalap mula kay Ginoong Barles ay ang mga sumusunod:
Location of High Risk-Areas
Flood: Whole barangay
Fire: Juaning Street
Earthquake: Juaning Street
Location of Evacuation Centers
Flood: Barangay hall 2nd and 3rd floor
Fire: Barangay hall 2nd and 3rd floor
Earthquake: UST Football Field
Means of Transportation
Ang Barangay 471, Zone 46, District IV ay mayroon lamang barangay patrol tricycle na ginagamit sa tuwing may disaster/rescue operations. 
Equipment
Sila rin ay may mga kagamitan tulad ng generator, nebulizer, declogging materials, public address system, two-way radio, megaphone, first aid kit, fire extinguisher, blood pressure apparatus at flashlight. Ang mga ito ay sinusugaradong laging handa sa lahat ng pagkakataon.
Mayroon ring tumutulong sakanila na Non-Government Organization (NGO) tulad ng RAHA Fire Station.
Sa mga di inaasahang kalamidad na nangyayari, ang paghahanda ay mapabubuti kung mayroong nangunguna sa bawat sektor. Kaya naman ang barangay ay gumawa ng tasking na kung saan may mga nakatalagang lider sa iba’t ibang serbisyo. Ilan sa mga ito ay para sa Warning Service, Rescue and Evacuation Service, Disaster and Supply Service, Medical Service, Fire Brigade, Damage Control Service, Security Service at Trasportation and Communication Service. Mayroon ding mga special task forces para sa fire, earthquake, typhoon at outbreak disaster. 
Sila’y nagpaplano at kumikilos ayon sa alerts mula sa NDRRMC, MMDRRMC, at QCDRRMC, pati na rin ng PAG-ASA. Pagkatapos ay agad nilang ipamamalita o ibobrodkas sa buong barangay ang aksyon na dapat gawin, kung dapat na bang lumikas at saan, at mayroon ding mga miyembro ng subcommittees ang nagroronda para mag-assist. 
Akin ring napag-alaman na may mga activities na ginagawa ang barangay 471 nang sa ganon ay mabawasan ang matinding epekto ng mga sakuna. Ilan sa mga ito ay ang Weekly Clean-Up Drive at De-clogging. Mayroon din silang dinaraos na drill upang mabigyan ng impormasyon ang mamamayan sa kung anong dapat nilang gawin sa panahon ng sakuna.
“Nature has its own fury and no force of man can stop the devastating effect of it. To caution the effect of it we must study and take necessary preventive action to reduce or even eliminate the risk that may arise. 
The importance of BDRRM for us is to be prepared for any disaster that may occur. By doing so, we minimize the impact of a disaster. Ultimately, to educate the people and be aware of any impending natural calamities that may occur.”
- Punong Barangay, Osmundo Perez
Repleksyon
Mahalagang tugunan ang mga issue ukol sa mga disaster sa ating bansa dahil dito nakasalalay ang pagbuti ng lagay ng buhay ng mga mamamayan at ang pag-unlad ng ating bansa. Kapag lagi na lamang may malalaking pinsalang nangyayari, mas nahihirapang mamuhay at maghanapbuhay ang mga mamamayan dahil kasama sa mga napeperwisyo ay ang kanilang mga tahanan, negosyo, at pinagtatrabahuhan. Kung maiiwasan ang mga ito, mas makakapagpatuloy ang bawat isa sa atin sa pagtaguyod sa kanya kanyang pamumuhay at mas uunlad ang bawat isa dahil wala nang kailangang bawiing mga lugi, o nasirang paninda o kung ano pa.
Higit pa rito, mahalagang tugunan ang mga problemang ito dahil responsibilidad ng ating mga pinuno na pangalagaan ang mga mamamayan at ang bayan. Kaya naman ang katiwalian, kabuktutan, kakuparan, at kurapsyon na ginagawa ng ating pamahalaan ay dapat wakasan. Kung wala ang mga kamaliang ginagawa ng mga may kapangyarihan, mas maayos ang ating bansa.
Bilang indibidwal na mamamayan ng bansa, dapat ay maging bahagi tayo ng magandang pagbabago at hindi lang din tayo dapat matigil sa pagsisi sa gobyerno o kung sino pa. Sa simpleng pagtulong sa paglinis ng mga kalsada, estero, pagsunod sa proper waste segregation, pagsabi sa kinauukulan kung may napapansing dapat ayusin o baguhin, pag-suggest ng mga plano, at pagtulong sa mga activity ng barangay lalo na tungkol dito. Sa pamamagitan ng pagtulong bilang isang indibidwal, nakakatulong ka na rin sa iyong komunidad at maging sa bansa.
Napakarami kong natutunan sa pakikipanayam kay Ginoong Barles, sa aming pag uusap, at mga plano nila para sa kinabukasan ng barangay at mamamayan nito. Mahalaga ang pagtulong natin sa ating barangay, matutong mag volunteer, matutong mag recycle, lumahok sa mga seminar o awareness programs na maaaring magdulot ng kaalaman sa lahat.
Hindi lamang tayo nilikha at nabubuhay para lamang sa ating mga sarili. Tayo ay narito upang alagaan ang likha ng Diyos, mula sa ating kapaligiran at lalo na sa ating kapwa. Kaya hindi dapat tayo umasa, at manisi lamang tuwing may mga issue, problema, o kalamidad. Tayo ay tumulong, umaksyon, kumilos, at makialam, di lamang para sa sariling pag-unlad at kaligtasan pero para sa ibang tao at para sa baan din.
Gawin din natin ito ng may pagmamahal at pagmamalasakit bilang anak ng Diyos at bilang isang Pilipino.
Tumblr media
Litrato kasama si Ginoong Arbales.
1 note · View note