angkampilan-blog
angkampilan-blog
ANG KAMPILAN.
11 posts
'Singlakas ng Pluma.
Don't wanna be here? Send us removal request.
angkampilan-blog · 7 years ago
Text
Iyan lang?
ni: Gregorio Peligro
     Kamakailan, naglabas ng saloobin ang Pangulo ng Senado na si Vicente Sotto III na nais nitong baguhin ang huling linya ng pambansang awit. Sa katunayan, hindi ito isang suliranin na dapat matuunan ng pansin.
      “Can they think of more useful programs? This is very disappointing” pahayag ni G. Marvin M. Enderes, dalubhasang mamahayag. Ayon sa kanya, hindi nagagamit nang husto ni Sotto ang kanyang kapangyarihan bilang isang senador. Bilang isang opisyal na mamamahala sa buong bansa, ang paglilingkod sa kapwa ay hindi nangangahulugan sa mga munting proyekto lamang. Suliraning pambansa ang unang aksyonan bago ang iba. Samakatuwid, tayo lang naman ang makikinabang sa mga proyekto handog ng gobyerno.
0 notes
angkampilan-blog · 7 years ago
Text
Huwag na Muli!
EDITORYAL
     Upang sugpuin ang tumataas na bilang na pag-aalsa ng bayan noong 1972, idineklara ng dating Pangulo na si Ferdinand Marcos ang batas militar sa buong Pilipinas. Bunga nito ang paglaganap ng militar sa buong kapuluan, pagsuspinde ng writ of habeas corpus, at ang lubhang pagbagsak ng ekonomiya sa panahong yaon. Matapos banggitin ang mga ito, naniniwala pa ba kayo na ang panunungkulan ni Marcos ang tinaguriang Golden Age sa bansa?
     “I don’t think so” sagot ni G. Marvin M. Enderes, isang guro at mamamahayag. Iminungkahi niya na hindi makatarungan ang pagpaslang ng ilang Pilipinong aktibista sa panahon ng diktador. Bagamat nilabag ang karapatan ng karamihan sa pamamahala niya, ina-alala naman ng ginoo ang mga kontribusyon ng yumaong pangulo.
      Ayon sa kanya, bago pa man natatag ang batas militar, nagpatayo si Marcos ng iilang imprastruktura para sa bansa at umusbong naman ito dahil nag-ambag ito ng serbisyo para sa publiko. “We were the richest country in Asia” aniya.
      Sa likod ng walang-makatarungan na paggamit ng kapangyarihan ni Marcos, mayroon naman itong ibinahagi para bansa. Tila ito lamang ang naaalala ng karamihinan. Gayunpaman, ang kanyang paglabag sa konstitusyon at sa batas ay ‘di dapat mapapatawad.
     Sa kabuuhan, hinding-hindi maituturing Golden Age ang kanyang rehime sapagkat dumanas ng matinding paghirap ang maraming Pilipino sa kanyang pamamahala, gayundin ang pagnakaw ng pera sa bayan at ang pagliban ng freedom of expression. Kaya bilang mga Pilipino, ang pagpapahalaga sa ating konstitusyon ay isang karapatan ng bawat isa.
1 note · View note
angkampilan-blog · 7 years ago
Text
Kulang sa suporta?
ni: Teresa Magbanua
     Hindi mapagkakaila na maraming kabataan ang nahihilig sa isports ngunit iilan lang sa kanila ang makakasali sa mga patimpalak na local at lalong lalo na sa nasyonal na lebel. Kung tutuusin, kakaunti lamang ang mga aktibidades na may kinalaman ang isports at kadalasan ay dalawang araw lamang ito ginaganap. Sapat na ba ito upang mahubog ang kakayahan ng mga kabataan sa larangan ng isports?
      Bukod sa limitadong oras, limitado rin ang pagkakataong mabibigay sa mga batang atleta. Ang mga paligsahan ay masasalihan lang ng iilang mga kalahok kaya’t kailangan piliin ang may mga namumukodtanging galing. Paano na ang mga kabataang hindi gaanong magaling ngunit may detrminsayon at matinding hilig sa isports? Kinakailangan papalakasin ang programang isports sa Pilipinas. Kinakailangan pa nilang magbuklod sa mga batang nais matuto sapagkat ang kagalingan sa laro ay mahahasa ngunit ang determinasyon at kagustuhang matuto ay natatangi sa bawat isa.
0 notes
angkampilan-blog · 7 years ago
Text
Palero, ang Reyna  ng JMC Aces
ni: Teresa Magbanua
     Agarang sinungkit ng Team A ang unang puntos gamit ang kanilang mabagsik na opensa na siyang nagpalusaw sa depensa ng Team B.
     Di-natablan ng blocks ng Team B ang mababagsik na tira ng Team A na siyang nag-udyok sa kanilang kalamangan na 8-2. Pagkatapos ng unang timeout ay bumuti na ang reception ng Team B ngunit kapos pa rin ito sa pagkuha ng kalamangan mula sa Team A at sinulsihan ng Team A ang unang set ng laro sa iskor na 25-12. Nakuha ng Team B ang unang puntos sa pangalawang set ngunit nasundan din nila ito ng sunod-sunod na errors at mabilis na umabante ang iskor ng Team A, 16-6.
      Bakas na ang pagkadismaya sa mukha ng Team B dahil sa bilis na sundot ng bolang pinapakawalan ng Team A at ang mahigpit nitong depensa. Tuluyang dinomina ng Team A ang pangalawang set na siyang nagdikta sa kanilang pagkapanalo sa iskor na 25-13. “Kontento ko [Kontento ako]” ang ani ni Alma Fox, ang coach ng JMC aces, na naglahad ng kaniyang pagkakontento sa laro ng kaniyang koponan. Lubos ang kaniyang galak sa pinakita ng koponan sapagkat nagbigay pa rin sila  ng isang mainit na laro kahit hindi sila sanay na maraming nanonood at maraming distraksyon. Bahagi ito ng paghahanda ng JMC Aces sa kanilang papalapit na kompetisyon sa Davao City Private Schools Athletic Association (DAPRISAA) meet.
0 notes
angkampilan-blog · 7 years ago
Text
JMC Aces, nagpakitanggilas
ni: Teresa Magbanua
     Tinalbugan ng Team A ang Team B, na parehong mula sa JMC Aces, sa naganap na larong pakitanggilas sa balibol sa Jose Maria College (JMC) Skydome  noong ika-22 ng Setyembre 2018, 2-0 (25-12,25-13).
     Agarang sinungkit ng Team A ang unang puntos gamit ang kanilang mabagsik na opensa na siyang nagpalusaw sa depensa ng Team B.
    Di-natablan ng blocks ng Team B ang mababagsik na tira ng Team A na siyang nag-udyok sa kanilang kalamangan na 8-2.           Pagkatapos ng unang timeout ay bumuti na ang reception ng Team B ngunit kapos pa rin ito sa pagkuha ng kalamangan mula sa Team A at sinulsihan ng Team A ang unang set ng laro sa iskor na 25-12.             Nakuha ng Team B ang unang puntos sa pangalawang set ngunit nasundan din nila ito ng sunod-sunod na errors at mabilis na umabante ang iskor ng Team A, 16-6.        Bakas na ang pagkadismaya sa mukha ng Team B dahil sa bilis na sundot ng bolang pinapakawalan ng Team A at ang mahigpit nitong depensa.              Tuluyang dinomina ng Team A ang pangalawang set na siyang nagdikta sa kanilang pagkapanalo sa iskor na 25-13.        “Kontento ko [Kontento ako]” ang ani ni Alma Fox, ang coach ng JMC aces, na naglahad ng kaniyang pagkakontento sa laro ng kaniyang koponan.
      Lubos ang kaniyang galak sa pinakita ng koponan sapagkat nagbigay pa rin sila  ng isang mainit na laro kahit hindi sila sanay na maraming nanonood at maraming distraksyon. Bahagi ito ng paghahanda ng JMC Aces sa kanilang papalapit na kompetisyon sa Davao City Private Schools Athletic Association (DAPRISAA) meet.   ©
0 notes
angkampilan-blog · 7 years ago
Text
Mga magsasaka, hindi binibigyang importansya - Enderes
ni: Lourdes Cabiles
     “It’s ironic – Philippines being an agricultural country is running out of rice”.
     Ito ang naging pahayag ni G. Marvin M. Enderes, isang mahusay na mamamahayag, nang siya’y makapanayam hinggil sa nangyayaring rice shortage sa bansa.      Hindi maipagkakaila ng tubong Mindanao at anak ng isang magsasasaka na hindi napagtutuunan ng sapat na pansin ng gobyerno ang mga magsasaka sa  Pilipinas.      “The government is not passionate in taking care of the farmers” aniya. Naniniwala rin ang ginoo na tayo’y umaani nang dahil sa lamang sa pera, at kakaunti lamang sa kita ang makukuha ng mga magsasaka.      “We produce rice just for business, maliit lang na percent ang nakukuha ng mga farmers” giit pa ni Enderes.      Ayon din sa kanya, nakikitang rason ang populasyon at teknolohiya sa rice shortage sa bansa.      “We are growing in numbers, but the technology is not improving” dagdag pa niya.
0 notes
angkampilan-blog · 7 years ago
Text
Mula sa Bansa, Para sa Bansa
ni: Gregorio Peligro
     Patuloy na umaangat ang pakikisama ng Pilipinas sa bansang Tsina matapos paghatian ang paggamit ng likas na yaman sa mga apektadong bahagi ng dagat tulad na lamang ang Scarborough shoal. Gayunpaman, hindi ibig-sabihin na ang pakikisama ng dalawang bansa ay sinasang-ayunan na rin ng buong bayan.
     Samo’t-saring pambabatikos sa social media ang natanggap ni Pangulo Rodrigo R. Duterte nang hinayaan nito ang kapit-bahay ng bansa na kumuha ng mga kayamanan nito. Ngunit, umalma naman ang gurong OFW sa Macau na si G. Marvin M. Enderes sa mga salaysay ng netizens. “The best way is through diplomatic affairs” panayam ng ginoo. br<> Tila sumasang-ayon ang karamihan sa atin sa aksyon ng pangulo ukol sa pinagagawang teritoryo. Bagamat umuunlad ang relasyon ng dalawang panig, hindi pa rin mapapatawad ang bansang Tsina sa kanilang paglabag sa United Nations Conventions on the Laws of the Seas (UNCLOS). Kaya ang pawang atin ay atin lamang.
0 notes
angkampilan-blog · 7 years ago
Text
Enderes, sang-ayon sa pederalismo
Pag-usbong ng Pilipinas, inaasahan dito
ni: Lourdes Cabiles      Sinisimulan na ng administrasyong Duterte ang mga hakbang upang baguhin ang kasalukuyang gobyerno mula sa pagiging sentralado nito tungo pederalismo.
Tumblr media
SIMBOLO NG PAGSANG-AYON. Bumibigay ng ‘thumbs up’ si Pangulong Duterte sa masa  ©Sunstar
     “I actually want it” ani ni G. Marvin M. Enderes, isang mahusay na mamamahayag na tubong Mindanao.      Sa uri ng gobyernong ito, mahahati ang Pilipinas sa mga rehiyon kung saan ang mga ito ay magiging autonomous sa aspeto ng pinansiyal at imprastruktura.      Ayon sa ginoo, ito’y makakabuti sapagkat magiging kontrolado na ang daloy ng pera kada rehiyon.      “It will empower LGU’s [local government units] and income will be managed” dagdag ni G. Enderes.       Gayunpaman, hindi pa tuluyang natitiyak kung ano ang talagang maidudulot nito sa bansa.      “Let us see if all regions will survive” aniya.
0 notes
angkampilan-blog · 7 years ago
Text
Enderes: Quality Education in PH is not real
Pagsubok sa pagkatuto ng mga estudyante
ni: Lourdes Cabiles    
      Nang dahil sa tumataaas na bilang at dumaraming training at seminar-workshop ng Department of Education o Dep-Ed, hindi na nakakapagturo nang maayos ang mga guro nito. “Marami na silang deadline at para macomply ang mga requirements, hindi na sila nakakapagturo” diin ni G. Marvin V. Enderes, isang mamamahayag at propesor sa Macau. Ayon sa ginoo, hindi alam ng mga nakatataas ang totoong kultura ng pagtuturo.
Tumblr media
BALIK OFW. Isinasalaysay ni G. Marvin M. Enderes ang kanyang nasaksihan sa pagtuturo sa Macau
      “Napaka-insensitive ng nasa itaas - akala nila Research-based ang pagtuturo, pero hindi” diin ni G. Enderes. Gayunpaman, sang-ayon parin si G. Enderes sa mga programang makakatulong alamin kung ang pamamamaran sa pagtuturo ay walang problema.       Aniya, ang totoong problema ay bunga ng pagkalunod ng mga guro sa mga dokumentong kailangan nilang ipasa sa kagawaran ng edukasyon. “Paramihan ng reports, pagandahan ng mga ito – it is the face of PH education right now” dagdag pa niya.
0 notes
angkampilan-blog · 7 years ago
Text
Posas ng Bahaghari
ni: Leor Esperanza      Kuya! Maglaro tayo, alam kong ayaw mo sa akin pero gusto ko lang makipagbati sa iyo. Lagi mo na akong inaabuso, hindi mo na ba ako kayang mahalin? Ate! Anong mali sa aking pananaw sa buhay? Hindi ko nauunawaan kung bakit minamaliit ako? Sobrang sobra na ang diskriminasyon laban sa akin at ang lalong nagwawasak ng aking puso ay ang pagtuklas na ang mga batikos laban sa akin ay nanggagaling sa aking mga mahal sa buhay. Sa naglipas na isang daang taon, ito ang naging kalagayan ng lipunan, subalit ngayon iba na ang sitwasyon. Sa Press Conference kay G. Marvin M. Enderes, naging paksa ang pagsasalin ng mga LGBTQ na mga mamamayan sa lipunan.
Tumblr media
SINAG NG WATAWAT. Magmamalaki ng Pride Flag ©Pride Picks
     “We have to understand individual differences” ani G. Enderes sapagkat nakikita natin sila araw-araw. Ang paningin ng mga tao ngayon sa mga nababahagi sa komunidad ng LGBTQ ay kapantayan sapagkat malaki ang kanilang kontribusyon sa ating bayan.
     Kuya, ate, Salamat sainyong pag-unawa sa akin. Noon karahasan lamang ang ginagawa niyo, ngayon ay pagmamahal na. Alam kong hindi pa lahat ng aking mga kapatid ay tanggap ako subalit maraming salamat sa pagtrato sa akin bilang kapatid. Salamat sa pagtanggal ng aking kadena sa kamay, ngayon sunisinag na ang aking bahaghari.
0 notes
angkampilan-blog · 7 years ago
Text
Inangbayan
Mga Paraan ng Pagpapahalaga sa Tinubuang Lupa
ni: Leor Esperanza           “Tungkulin ko’y gagampanan na lagi kang paglingkuran”
     Ito ang liriko sa makabayang awitin, Pilipinas kong Mahal, kung saan isinaad na ang bawat mamamayan ay babalik sa kaniyang pinagmulan at ito’y kaniyang ibigin. Pagiging matapat at laging ipagtanggol ang bansa ang isang pamamaraan ng pagbalik sa lahat ng mga sakripisyo na binigay ng Inangbayan sa bawat indibidwal.
     Bilang isang Overseas Filipino Worker, hindi ito ginawang hadlang ni G. Marvin M. Enderes sa kanyang obligasyon na ipagmalaki ang bayan. Panitikan sa ingles ang tinuturo ng ginoo sa lungsod ng Macao at pinili niyang dalhin ang kultura ng Pilipinas sa pamamahayag sa paraalan na kanyang tinuturuan. “I always go back” ang tugon ni G. Enderes bilang pagpahalaga sa bansa, siya ngayon ang tagapamuno at hurado sa mahalagang ganapan, ang Division Schools Press Conference. Ang pagbahagi ng talent at hanapbuhay ang pamamaraan ng ginoo sa kanyang kontribusyon sa pag-unlad ng Pilipinas. Nasa dugo niya ang pamamahayag at ito’y kanyang ginagamit bilang instrument sa paglikha ng mga makukulay at malilikhaing mga mamamahayag.     
     Ang natatanging bayan natin ang mismong gumabay, nagbuhay, at nag-alay ng kanyang sarili para sa atin. Abot langit ang sukat ng pagmamahal ng Inangbayan sa kaniyang mga anak at ang kanyang puso ay umuupaw ng pagmamahal sa bawat mamamayan.
     “Ang laya mo’y babantayan Pilipinas kong hirang”
0 notes