annjasminedino-blog
annjasminedino-blog
Ann Jasmine Diño
9 posts
random scribbles
Don't wanna be here? Send us removal request.
annjasminedino-blog · 8 years ago
Text
Bahay-bahayan
Naalala mo pa ba nung tayo ay naglaro ng bahay bahayan sa ilalim ng kumot sa kama mo kuya Ryan?
Sabi mo'y gumawa tayo ng istorya para ang laro ay mas maging kwela. Dali dali kang lumabas sa pinto , at ako naman ay naiwan lang sa kwarto. Ilang segundo ay kumatok ka na, di ko alam ang gagawin nangangatog ako. Ibinulong mo ang pangalan ko sa malambing na paraan at inumpisahan mo nang buksan ang pintuan habang umaawit ng...
"Bubuka ang bulaklak papasok ang..."
Dali dali kang pumasok ng walang saplot at tuwalya lang ang tanging nakabalot. Nagpatuloy ka sa pag-awit...
"papasok ang..."
Maluha-luha na ako sa nakikita ko at di ko lubos maisip ang mga susunod na mangyayari, tinanggal mo ang tuwalya at ika'y naka-bra't panty. Tinuloy mo ang pag-awit...
"Papasok ang reyna sasayaw ng chacha ang saya saya..." Habang kumekendeng kendeng, kuya.
-aj
0 notes
annjasminedino-blog · 8 years ago
Text
Isang Elehiya
Paulit-ulit kong sinasariwa
Mga santan sa iyong himlayan
Dalamhati ng gahis mong kariktan
Na dahan-dahan nang inanod, nalunod sa ilawod
Ako'y nabighani –
Nahulog sa iyong walang hanggang balani
Ikaw ang subangan sa bawat umaga
Paralumang tunay 'di maikakaila
Tayo'y umindak sa saliw ng Timpani
Inawitan kita ng matamis na Lendugan
Ipinagmalaki ka saan man tumungo
Ikaw ang perlas sa dagat Pasipiko
Ngunit ang iyong ganda'y isang peligro
Sila'y narahugo, naulol, naging berdugo
Nagdulot ng kaliwa't kanang rido
Makuha ka lang bilang tropeyo
Isang gabi, umuwi kang 'di magka-gulantay
Katawan mo'y nilaspag, saya mo'y luray-luray
Ginawa kang salu-salo sa isang handaan
Piging ng mga dayuhan at makapangyarihan
Ang bestida mong puti, ngayo'y pula na
Nagpa-siklab sa pag-alab ng pakikibaka
At ang mga puntod sa iyong paa
Tanging isinisigaw ay "hustisya"
Patawad–
Sa aking puntod gawing matamis na oyayi
Ang elehiyang nayari para sa sarili
Patawad, 'di na natin masisilayan
Ang huling liwanag sa sunlopan.
-aj
0 notes
annjasminedino-blog · 8 years ago
Text
R.
Sa paghupa ng mga alon ay darating ang panahon ng hinahon kung saan masasabi mo na ang latay ng kahapon ay tuluyan nang naghilom.
Sa ngayon, hayaan mo munang dumugo ang mga sugat sa iyong kamay na minsan mo nang ipinanghawak sa mga rosas.
Hayaan mong malasahan ang pait ng mga tsokolateng minsan nang nagpatmis sa iyong mga ngiti.
At hayaan mong magwala ang mga alon sa iyong mga mata at tuluyan kang lunurin sa nagngangalit na karagatan ng iyong damdamin. Mahirap huminga sa ilalim.
Mahirap pero kakayanin.
-aj
0 notes
annjasminedino-blog · 8 years ago
Text
Hanggang sa muli
Kung sa bagay ikukumpara
Ikaw ay isang tula
Isang abandonadong likha ng mundong parirala
May sukat at tugma
Mga sugat ng pluma
Binitin sa salita
Ang taludturang malaya
Kung ito na ang huling patak ng pluma
Damhin ang damdamin sa paghikbit, pagluha
Paduguin ang mga sugat na sariwa
Sa puso ng iyong mga naulila
Words by: aj diño
Photo by: Sharina Arnonabal
Tumblr media
0 notes
annjasminedino-blog · 8 years ago
Text
Homesick
Tonight I'm going home, may the streetlights guide me where I belong.
Tonight I'm going home, let the galaxy tuck me in its cold universe, singing sweet lullabies as I wander where it all began.
Tonight I'm going home, please understand that home is too far and I can't bring my body with me.
Tonight I'm going home, let the stars remind you how my smiles used to light your way home.
Tonight I'm going home
So long—
(words by: aj diño)
0 notes
annjasminedino-blog · 8 years ago
Text
Pagsuko
Tahimik ang gabi.
Tila ba tumila sa pagningning ang mga tala. Patunay nito ang mga blangkong kalangitan na yumayakap sa iyo
Naliligaw na sundalo.
Tahan na.
Uuwi na tayo sa ating tahanan, kung saan pupunan natin ang kawalan ng kalawakan ng mga panibagong tala na gagabay sa ibang ligaw na sundalo.
Sa bawat pagtingala.
Yayakap sa kanila ang mga alaala na minsan kayong nagkasama sa isang giyera. Sa ngayon, kailangan na siguro nating ilapag ang ating mga sandata.
Hayaan na si Bathala—
(words by: AJ Diño)
0 notes
annjasminedino-blog · 8 years ago
Text
Drown and let yourself sink as the earth wrap its arms around you. Hearing the symphony of an orchestra composed of eulogies and tears.
Drown and let youself sink as the silence whispers to your ear, dear do not fear.
For the brink of extinction is the path for your soon oblivion.
Drown and let yourself sink as the maggots feast on your flesh underneath.
So long warrior, so long.
(Words and art by: AJ Diño)
Tumblr media
0 notes
annjasminedino-blog · 8 years ago
Text
Orphan
Dear, your smile is a symphony of morning sky reflecting over a calm ocean. Serenading everyone with your laughter as gentle as water flowing down a stream.
I love how you make me feel safe and warm as you wrap your little fingers around my thumb like little blanket delivering huge happiness
But your oceans are as devasting as its calmness and it'll wrap its arms around your storms
Forsaking every possesion as the thunder ignites before the hurricane strucks fervidly
you own nothing—
(words by: aj diño)
0 notes
annjasminedino-blog · 8 years ago
Text
Tahan na
Sa pagguho ng tahanan
"Tahan na" ang hele sa kalangitan
Oyaying panghilom para sa pansamantalang hinahon
Sa mga latay mong di malimot ng panahon
Nanay, tatay pati tinapay pinag-aawayan
Pundasyong inamag sa ihip ng tukso't pagkakataon
Ate, kuya 'sing pait ng kape ang hapagkainan
Pikit matang hinaharap ang realisasyong wala na ang dating relasyon
Sa bawat pagpatak ng ulan at paghupa ng mga alon
Sa ating bahay-bahayang pinagbigkis ng imahinasyon
Lalambot ang sementong minsan nang naging himlayan
Ng isang tahanang puno ng pagmamahalan
(words by: aj diño)
0 notes