Text
Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
https://www.youtube.com/watch?v=fQJ9srKCPJw
0 notes
Text
MGA URI NG PAMAHALAAN SA ASYA
AP 7 Ikatlong Markahan Ika-limang Linggo
Ang salitang ideolohiya ay ipinakilala ni Desttuff de Tracy na kumakatawan sa pinaikling pangalan ng agham at mga kaisipan ng ideya. Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.
Ito ay tumutukoy sa sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito.
DALAWANG KATEGORYA NG IDEOLOHIYA
Ang ideolohiyang PANG-EKONOMIYA ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan.
Ang ideolohiyang PAMPOLITIKA ay nakapokus sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad ng mamamayan. Nauugnay ang political na ideolohiya sa mga kilusan para sa panlipunang pagbabago. Hinihikayat nito ang mga tao na kumilos ayon sa ninanais nilang mga pagbabagong kaayusan.

Nagmula sa salitang “demoskratus” na ibig sabihin ay pamamahala ng mga tao. Ito ay isang uri ng ideolohiya na pinamamahalaan ng sangkatauhan. Sa ideolohiyang ito, may nagaganap na free elections.
Ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Sa demokrasya ay maaaring makilahok ang mga mamamayan ng tuwiran o di-tuwiran. Ito ay tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto ng mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang pumipili ang mga tao, sa pamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o pamahalaan sa ngalan nila.
URI NG DEMOKRASYA:
A. DIRECT DEMOCRACY – Ang mga tao mismo ang namamahala o gumagawa ng desisyon para sa kanilang bansa. Sila din ang nag-aamyenda sa kanilang batas at gumagawa ng batas.
B. REPRESENTATIVE DEMOCRACY – Ito ay isang uri ng demokrasya na pinamumunuan ng mga piling opisyal na nirerepresenta ang kabuuang populasyon ng tao.
TIMOG ASYA
India at Pakistan
Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na malaki ang impluwensiya ng demokrasya sa mga kilusang nasyonalista. Sa India, sa ilalim ng pananakop ng mga British, maraming Indian ang naging aktibo sa muling pagbuhay ng kaisipan na tradisyong Hindu. Isa dito si Mohandas Gandhi na iginagalang sa India at sa buong mundo bilang Mahatma Gandhi siya ang tagapanguna at tagapagpaganap ng Satyagraha — ang pagpipigil sa kalupitan sa pamamagitan ng malawakang sibil na hindi pagsunod na malakas na nakatatag sa ahimsa o non-violence. Pagkatapos maging lider ng "Indian National Congress" noong 1921, nagtatag siya ng mga kampanya para sa pantay-pantay na batas sa India.
Noong 1935, nagbigay ang Great Britain sa India ng isang bagong konstitusyon na nagkaloob ng isang lehislatibong bikameral at pederal, sanggunian ng mga estado at ng kapulungan.Tinanggihan ito ng mga Indian at Muslim. Para sa mga Muslim, kung mga Hindu ang mas magkakaroon ng kontrol sa India, mapipinsala ang kanilang kultura at relihiyon.Upang mabigyang proteksiyon ang kanilang mga karapatan at kapakanan, itinatag ang Muslim League noong 1906. Ito ay sa pangunguna ni Muhammad Ali Jinnah. Naging masigla ito sa kanilang mga gawain. Hiniling niya noong 1947 ang isang hiwalay na bansang Muslim. Ito ay nagbigay-daan sa pagbuo ng bansang Pakistan na naihayag ang kasarinlan kasabay ng India noong Agosto 14, 1947.
Sri Lanka at Maliliit na Estado sa Timog-Asya
Noong 1915, itinatag ng Great Britain ang Ceylon National Congress na unang partidong politikal. Namuno ito upang ipaglaban ang kasarinlan ng bansa.Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinamunuan ni Don Stephen Senanayake, ang itinuturing na “Ama ng Kasarinlang Sri Lanka,” ang pakikipaglaban para sa kasarinlan. Sila ay sinuportahan ng lahat ng pangkat-etniko. Noong Pebrero 4, 1948, ipinahayag ang kasarinlan ng bansa. Samantala, sa Nepal, noong 1990, naganap ang mapayapang Rebolusyong People Power. Nagsilbing inspirasyon nila ang katulad ng EDSA Rebolusyon sa Pilipinas noong 1986. Noong Mayo 28, 2008, idineklara ang Nepal bilang isang Federal Democratic Republic.
KANLURANG ASYA
Israel
Natagpuan ng mga Hudyo ang kalayaan at oportunidad sa pamamagitan ng United States. Naging instrumento ang pamahalaan ng US sa pagtulong sa mga Hudyo.Itinatag ang Kilusang Zionismo sa Base, Switzerland noong 1897 ni Theodore Herzl, isang Austro Hungarian.Inihayag ang malayang nasyon ng Israel sa Tel-Aviv noong Mayo 14, 1948. Tinawag itong Republika ng Israel at ang naging unang Punong Ministro ay si David Ben-Gurion. Noong 14 Mayo 1948, pormal niyang ipinahayag ang pagtatatag ng Estado ng Israel, at siya ang unang pumirma sa Israeli Declaration of Independence, kung saan siya ay nakatulong upang sumulat.
Iraq
Pagkaraan ng Ikalawang Digmang Pandaigdig, ang Iraq at Palestine ay napasailalim sa pamamahala ng Great Britain. Dahil sa hindi maayos na pamumuno at kapabayaan ng mga Ottoman, sumibol ang mga kilusang makabayan noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon. Sumiklab ang nasyonalistang pag-aalsa sa Baghdad at nahirapan ang mga hukbong British sa paggapi sa mga ito. Upang mahikayat na pumanig sa kanila, pumayag ang mga British sa hiling ng mga nasyonalistang Iraqi. Ang kahilingang ito ay ang ipagkaloob sa kanila ang kasarinlan at itatag nila ang Kaharian ng Iraq at iluklok si Faisal bilang hari.
Saudi Arabia Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng buwis, naghangad ng kasarinlan ang mga Arab mula sa mga Turk. Noong 1744, nagsanib ang puwersa nina Muhammad Ibn Saud, isang pinunong Arab at Muhammad Ibn Abd-al-Wahhab, isang kleriko upang makapagtatag ng alyansang political. Ito ang naging pundasyon ng dinastiyang namumuno ngayon sa Saudi Arabia. Ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz Ibn Saud. Sinakop niya ang Riyadh noong 1902 at ginawa niyang lider ang sarili ng kilusang makabayan ng mga Arab. Noong 1932, inihayag niya ang sarili bilang Hari ng Saudi Arabia. Walang demokrasya sa bansa at hindi tinatanggap ng absolutong monarkiya ng Saudi ang mga pagtutol.Kontrolado ang pamahalaan ng isang pamilya ng mga Saud. Ang hari ang gumagawa ng mga batas at kasunduan. Walang eleksiyon, walang partidong political, at walang lehislatura rito.

Nagmula sa salitang Latin “communis” na ibig sabihin ay “pandaigdigan”. Ayon sa ideolohiyang Komunismo, lahat ng tao, mayaman man o mahirap ay pantay-pantay. Kontrolado ng pamahalaan ang produksyon.Isang ideolohiya na sumusuporta sa pagtatag ng organisasyon pangsosyal na walang estado at kaanta-antas batay sa pantay na laki sa gamit ng produksyon. Isang lipunan na pantay-pantay ang lahat ng tao, walang mayaman o mahirap , makapangyarihan o taga-sunod.
Ang kaisipang ito ay unang nilinang ni Karl Marx, isang Alemang pilosopo, at pinayabong naman ni Nicolai Lenin ng Unyong Sobyet at ni Mao Zedong ng Tsina. Ayon kay Karl Marx, ang pinakamataas at huling hantungan mula kapitalismo patungong sosyalismo ay ang komunismo.
Ang komunismo ay naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang antas o pag-uuri-uri (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan. Hal: Pakistan
Isang doktrina ito na nababatay sa patakarang pang-ekonomiya kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao. Ang grupong ito ang siyang pumipigil sa pagmamay-ari, at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng produksyon. Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan. Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa.
Mga katangian ng sosyalismo:
• Mayroong pantay na pamamahala at pamamalakad sa mga pag mamay aring yaman ng estado. • Ang mga manggagawa ang siyang nangangasiwa sa sistemang ekonomiya ng bansa • Inaalis ang anumang bahid ng kapitalismo • Sinisigurado na mayroong trabaho ang bawat mamamayan at nakikinabang ang lahat sa yaman na mayroon ang bansa sa ilang bansa sa Kanlurang Asya
Hal: Turkey Jordan UAE
0 notes
Photo

Tunghayan ang bidyo tungkol sa Pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.
youtube
Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya
Pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya dahil na rin sa pagbagsak ng Imperyong Ottoman. Noong 1914, natuklasan ang mina ng langis sa mga bansa sa Kanlurang Asya na dahilan upang mas maging interesado ang mga Kanluraning bansa rito at magtatag ng sistemang mandato. Ang mandato para sa Syria at Lebanon ay ibinigay sa bansang France samantalang ang mandato sa Palestine ay napunta sa mga Ingles. Ang mga lokal na pamamahala sa mga bansang ito ay nanatili ngunit sa aspetong pang-ekonomiya ay pinamahalaan naman ng mga dayuhan. May mga bansang nanatiling malaya ngunit hindi nakaligtas sa kontrol ng mga Kanluraning bansa tulad ng Saudi Arabia sa pamumuno ni Haring Ibn Saud, na kung saan lahat ng kompanyang naglilinang ng langis ay pag-aari ng mga dayuhan. Noong 1917, ipinalabas ang Balfour Declaration ng mga Ingles, na nagsasaad ng pagbubukas ng Palestine para sa mga Jew o Israelite upang kanilang maging tahanan o homeland. Dito nag-ugat ang hindi pagkakaunawaan ng mga Jew at Muslim dahil sa pagbabalik ng mga Jew sa Kanlurang Asya mula Europa. Taong 1919, hiniling ng Great Britain sa punong ministro ng Iran na lumagda sa isang kasunduang magbibigay ng malawak na kapangyarihan sa pagkontrol Mohandas Gandhi.
youtube
Tunghayan naman ang bidyo ng sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya
Sa kasukdulan ng mapait na naranasan ng mga taga-Kanlurang Asya dahil sa digmaan ay nagkaroon ng mas maigting na pagnanasa upang matamo ang kasarinlan ng bawat kolonyang bansa. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay unti-unting natamo ang kalayaan dahil na rin sa kahusayan ng mga pinuno sa bawat bansa at pagpapakita ng kanilang kakayahan na pamunuan ang bansa.
0 notes
Photo
NASYONALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
youtube
Panoorin at suriin ang bidyo. Sagutin ang mga sumusunod na gawain.
GAWAIN
0 notes
Photo
(kuha mula slideshare.net)
0 notes
Text
Pangwakas na Gawain
Bago simulan ang pangwakas na gawain, narito ang isang bidyo upang mabalikan ang nakaraang aralin.
youtube
Panuto: Magtala ng isang paniniwala mula sa ibat ibang mga bansa na nabanggit sa Asya.
0 notes
Text
Kaisipang Asyano
Islamikong Kaisipan sa Kanlurang Asya
(kuha mula sa kindPNG)
Islam ang relihiyong may malaking impluwensya sa pamumuhay ng mga mamamayan sa Kanlurang Asya.
Si Muhammad ay pinaniniwalaang tagapagtatag, “seal of the phrophets” o huling propetang nagpapahayag ng mensahe ni Allah.
Caliph (kinatawan) – naging pinuno ng pamayanang Muslim ng pumanaw si Muhammed.
Nailuklok si Abu Bakr bilang Caliph .
Tinawag na Caliphate ang Sistema ng pamamahala nito.
Ang mga Caliph ay hindi lamang pinunong pangrelihiyon at pampulitika siya rin ang tumatayong hukom at pinuno ng hukbong sandatahan.
Sa pamumuno ng mga Caliph nanakop ang mga Muslim sa bahagi ng Asya at Africa maging sa ilang bahagi ng Europa.Isinasagawa ito upang mapalawak ang teritoryo habang pinapakalat ang salita ni Allah.
Ang lahat ng gawain at tungkulin ng isang Caliph ay nakasaad sa Qur’an o Koran ang banal na aklat ng Islam.
Sa kalaunan ang mga Caliph ay pinalitan ng mga Sultan o “Mga Anino ni Allah sa kalupaan” (Shadows of Allah on Earth). Ang lahat ng tungkulin, gampanin ng Sultan at ng kanyang nasasakupan ay nakasaad sa kanilang koran.

Qur’an, banal na aklat ng Islam (larawan kuha mula wallpaper cave)
0 notes
Text
Kaisipang Asyano
India at Timog Asya

(larawan kuha mula Indiana University Bloomington)
Sa paniniwalang India, ang kanilang unang hari ay si Manu, na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga bahagi na sinisimbolo ng iba’t ibang diyos.
Sinisimbolo niya ang buwan, apoy, araw, hangin, tubig, kayamanan at kamatayan.
Para sa kanila hindi lamang niya sinisimbolo ang diyos kung hindi ay tinataglay ang mga ito kaya tinawag siyang devaraja. Ang deva na nangangahulugang diyos at raja ay hari. Siya ay mataas at walang kapantay.
Hinduismo at Buddhismo – relihiyong may malaking impluwensya sa pamumuhay ng India at ilang bahagi ngn Timog Silangang asya.
Sa paniniwalang Hinduismo ang hari ay tumatayong buhay na imahe ng diyos, narating ng Hinduismo at Budhismo ang ilang mga bansa sa Timog silangang Asya.
Sa Vietnam (Champa) dahil sa paniniwala na ang hari ay buhay na imahe ng diyos ginagawang banal ang kanilang pagkamatay. Halimbawa ay si prinsipe Po Klaun Garai ng Cham ay representasyon ni Shiva na isa sa diyos ng Hinduismo. Sinasamba rin si Shiva sa Khmer, sa Angkor sa Cambodia.
1 note
·
View note
Text
Kaisipang Asyano
Sinaunang Kaisipan ng Timog Silangang Asya

Sa mga kaisipang pinaniniwalaan ng mga taga-timog silangang Asya na ang kanilang mga pinuno ay may malakas na ugnayan sa kanilang diyos.
Animismo - Naniniwala sila sa pwersa ng kapaligiran.
Pinahahalagahan nila ang mga diyos at diyosa ng kapaligiran dahil ang mga ito ang nagkakaloob sa kanila ng masaganang mga ani na siyang tumutustos sa pangangailangan ng kaharian. Naniniwala ang mga Mon (etnolinggwistiko ng Myanmar) na ang kanilang hari ang kailangang manguna sa mga ritwal para sa ikasasaya ng mga diyos.
Habang nabubuhay ang hari ay may dalawa itong katungkulan, una ay tagapamagitan ng kanilang diyos at ikalawa ay tagapamagitan sa mamamayan at pamayanan.
Naniniwala rin sila na ang mga espirito ay nananahan sa mga matatas na mga lugar tulad ng bundok. (ilan sa mga bundok na pinaniniwala ang pinananahanan ng diyos /espiritu; Mt. Popa ng Myanmar, Mt. Ba Phonm ng Cambodia, Mt. Sukhothai ng Thailand, Mt. Banahaw at Mt. Arayat ng Pilipinas).

Mount Popa ng Myanmar (larawan kuha mula sa Viator)
0 notes
Text
Mga Kaisipang Asyano
Banal na Pinagmulan ng Korea

Ang Korea ay naniniwala na banal ang pinagmulan ng kanilang lahi at bansa. Ayon sa kanilang alamat o mito ang kanilang pinuno ay nagmula kay Prinsipe Hwanung, na anak ng diyos ng kalangitan na si Hwaning.
• Ayon sa alamat bumaba ang prinsipe sa lupa at itinatag ang lungsod ng diyos. Nagtalaga ng tagapangalaga ng hangin, ulap at ulan at tinuruan ang mga tao sa iba’t ibang larangan tulad ng agrikultura, medisina, pangingisda,paghahabi at marami pang iba.
• Naging asawa niya ang isang oso na naging magandang dilag at naging anak nila si Danjun Wanggeon o Tangun na nagtatag ng Gojoseon o Lumang Joseon, ang unang kaharian sa Korea.
0 notes
Text
Mga Kaisipang Asyano
Banal na Pinagmulan ng Hapon
Ayon sa mga Hapones ang kanilang bansa ay isang isla ng mga diyos dahil sa ito ay nabuo mula sa kanilang mga diyos na si Izagani at diyosa na si Izanami. Anak rin nila ang kilalang diyos ng araw ng mga Hapon na si Amaterasu O-mi-kami.
• Sa paniniwalang Hapones mahalaga si Amaterasu dahil siya ang nagbalik ng liwanag sa mundo at ipinadala niya ang kanyang apo sa lupa na si Ninigi-no-Mikoto dala ang alahas, espada at salamin na siyang mga simbolo ng emperador sa Hapon hanggang sa kasalukuyan. • Ipinadala si Mikoto upang pamunuan ang kalupaan, at bumaba sa Kyushu, ang kaniyang kaapu-apuhan na si Jimmu Tenno ay kinilala bilang unang emperador ng Hapon.
• Shintoismo - paniwala ng mga tao sa kapangyarihan ng kanilang emperador na nagmula sa mga diyos na ipinadala sa lupa.
• Di tulad sa paniniwala ng Tsino na “Mandate of Heaven” hindi maaaring palitan ang emperador ng Japan, dahil tanging ang lahi lamang ni Amaterasu ang maaaring maging isang emperador.

Ang templo ng Shintoismo (ang larawan ay kuha sa iStock )
0 notes
Text
Mga Kaisipang Asyano
Sa paglipas ng panahon nagpatuloy sa pag-unlad ang pamumuhay ng mga tao, mula sa simple at payak na paraan ng pamumuhay na nakadepende sa kalikasan hanggang sa mga paniniwala at kultura na nakagisnan hanggang sa pagkatatatag ng mga makabagong ideolohiya na syang ginagamit ng iba’t ibang kabihasnan upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Kilalanin natin ang ilan sa mga tanyag na mga paniniwala at kaisipang nabuo sa Asya.
Kaisipang Nabuo sa Tsina
Ipinagmamalaki ng Tsina ang kanilang bansa, nag-ugat ito sa katotohanang ang kanilang kabihasnan ay isa sa mga umusbong na sinaunang kabihasnan sa daigdig na nananatili hanggang sa kasalukuyan. Sinocentrism. Ang Sino ay tumutukoy sa Tsino at centric naman ay gitna, kung kaya ang kanilang pananaw ay sila ang superyor sa lahat ng lahi. Pinaniniwalaan nila na ang kanilang imperyo ay sentro ng daigdig, Ang kanilang pinuno ay anak ng langit “Son of heaven” at may basbas ng langit o “Mandate of Heaven” Tinawag ang kanilang bansa bilang “Zhongguo” na nangangahulugang gitnang kaharian o “Middle Kingdom” Naniniwala ang mga Tsino sa sinaunang panahon na kung sino man ang tumanggap sa impluwensya ng Tsino ay sibilisado at ang hindi ay barbaro. Dahil sa hindi ipinagkait ng Tsino ang kanilang kultura sa ibang nasyon, naipakalat ang kailang impluwensya sa ilang mga bansang malapit sa kanila. Ilan sa mga bansang may mataas na impluwensyang Tsino ay ang mga bansang tulad ng Japan, Korea at Vietnam.
Bilang pagpupugay sa emperador ng Tsina, ang lahat ng dayuhan ay nararapat lamang na magsagawa ng pagyuko o tinatawag na “kowtow”. Para sa mga Tsino ang pagiging Sibilisado ay hindi usapin ng lahi kung hindi ito ay ang pagtanggap sa Confucianism na mula sa turo ng pilosopong si Confucius. Ang kaisipan o paniniwalang Confusianism ay tumutukoy sa papel na ginagampanan ng tao sa iba’t ibang aspekto ng buhay, tulad ng istrukturang sosyal, pampulitika, pilosopiya at iba pa. Ang kaisipan ay nakasentro sa papel ng tao sa lupa. Ilan sa paniniwala at gawain ng Confusianism:
1. Pagsamba sa ninuno – ang pagsamba sa mga namatay na ninuno at paniniwala na ang espiritu ng mga namatay ay may kakayahang impluwensyahan ang kapalaran ng mga nabubuhay.
2. Paggalang sa mga magulang – ang debosyon, pagsunod at pagbibigay galang ng mga nakababatang miyembro ng pamilya sa mga nakatatanda. Ang mga sumusunod ang mga pangunahing prinsipyo ng Confucianismo:
a. Jen – ang ginintuang utos
b. Chun-tai – ang pagiging maginoo
c. Cheng-ming – ang tamang pagganap sa papel sa sosyalidad
d. Te – ang kapangyarihan ng kabutihan
e. Li – ang ideyal na pamantayan ng pag-uugali
f. Wen – ang mga mapayapang sining (musika, tula, atbp.)

larawan ni Confucious (kuha mula sa China US Focus)
0 notes
Photo
Pinatnubayang Pagsasanay 1: INDUS o SHANG
Panuto: Isulat ang IND kung ang pahayag ay tumutukoy sa kabihasnang Indus at SHA kung ito ay tumutukoy sa kabihasnang Shang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Aristokrasya ang naghaharing uring panlipunan sa mga lungsod ng kabihasnan sa Tsina. 2. Mohenjo-Daro at Harappa ang kambal na lungsod ay natuklasan sa kabihasnang ito. 3. Ang mga nakatala sa selyo ang naging patunay ng kanilang paraan ng panulat. 4. Si Shang Di ang itinuturing na diyos na lumikha at hari ng langit 5. Ginagamit ang batong orakulo sa panghuhula at pakikipagusap sa knailang diyos na si Shang Di. 6. Nakatira sa mataas na moog ang mga naghaharing uri. 7. Si Wu ding at ang kanyang aswang si Fu Hao isa sa pinakamahusay ng pinuno ng kabihasnan. 8. Umusbong ang kabihasnan sa mga ilog ng Indus at Ganges 9. Nagdadala ng deposito ng dilaw na balik na nagiging natural na pataba ng lupa kung kaya palagiang masagana ang ani rito. 10. Sumasamba sa ibat ibang pwersa ng kalikasan.
Pinatnubayang Pagsasanay 2: FACT or BLUFF
Panuto: Isulat ang FACT kung ang pahayag ay wastong impormasyon tungkol sa Indus at Shang at BLUFF kung ang impormasyon ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang kabihasnang Shang ang itinuturing na may pinakamahabang kasaysayan sa lahat ng mga kabihasnan na nananatili hanggang sa kasalukuyan.
2. Ang kabihasnang Indus ay mayaman sa likas na yaman tulad ng mga lungsod sa timog kanlurang Asya. 3. Sa pamamahala ng pinunong Pari nakikipaglaban ang mga mamamayang Aryans sa mga karating na mga lungsod. 4. Ang butong orakulo ang ginagamit ng mga Paring hari ng Shang upang makipag usap sa kanilang diyos na lumikha. 5. Sa paniniwalang Indus, ang kanilang mga diyos ang tumutulong upang maging masagana ang kanilang pamumuhay kung kaya sinasamba nila ang mga ito. 6. Napakalaki ng papel ng pinunong hari ng kabihasnang Shang sapagkat siya ang tumatayong pinuno sa madalas na labanan ng kapangyarihan sa mga lungsod sa kabihasnang Shang.
7. Ang mga alipin ay maaaring mamuno sa mga labanan ng kabihasnang Shang
8. Ang panulat ng kabihasnang Shang ay pinanatili sa kasalukuyan at tinawag na alpabeto.
9. Ang naghaharing hari sa kabihasnang Shang ay naninirahan sa mataas na bahagi ng lungsod o mataas na moog. 10. Ang panulat ng kabihasnang Indus ay matatagpuan sa kanilang mga selyo na ginagamit sa mga pangangalakal
Pang-isahang Pagsasanay 3: Tag it!!!
Panuto: I-tag mula sa Hanay B ang mga impormasyong tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
0 notes
Photo

youtube
Sa Silangang Asya matatagpuan ang itinuturing na pinakamahabang kasaysayan ng kabihasnan na nananatili hanggang sa kasalukuyan.Ito ay ang kabihasnang Shang na matatagpuan sa Tsina. Ang kabihasnang Shang ay umusbong sa lambak ilog ng Huang-ho na may ang haba na 4,640 km, itinuturing itong isa sa pinakamahabang ilog sa mundo.Tinatawag din itong Yellow River dahil sa madilaw na kulay ng tubig nito at nagdadala ng dilaw na lupa o loess. Ang Huang-Ho ay taunang umaapaw, at nadaragdagan ang pag-apaw ng ilog dahil sa pagdating ng hanging may dalang ulan (monsoon). Dahil sa dalang loess ng Huang Ho sa pagapaw nito, ang buong lambak ng Huang ho ay mainam na pagtaniman, ngunit may mga pagkakataong ang pag-apaw ng ilog ay napakataas na nagiging sanhi ng pagkasira ng napakaraming mga ari-arian ng mga mamamayan at pumatay sa maramig buhay. Dahil sa madalas na pagapaw nito at sa epekto nito natutunan ng mga mamamayan rito ang teknolohiya ng pagkontrol ng baha at paglihis ng tubog at dalhin ito sa mga pataniman.

larawan ng Ilog Huang Ho o Yellow River
0 notes
Photo

Ang Kabihasnang Indus ay umusbong sa lambak ilog Indus at Ganges sa Timog Asya. Ang bahaging ito ng Asya ay napalilibutan ng mga matatayog na mga bundok na ginagawang tawiran ng mga tao mula sa ibat ibang bahagi ng Asya tulad ng Khyber Pass. Hindi katulad ng ilog ng Euphrates at Tigris, Ang Ilog Ganges at Indus at taunang umaapaw dahil sa pagtunaw ng mga yelo na nagmumula sa mga kabundukan sa Himalayas at regular na pag-ulan. Dahil sa pag-apaw ng ilog nag-iiwan ito ng deposito ng banlik sa lupa na nagiging likas na pataba na napaka-inam para sa agrikultura.
Mapa ng kabihasnang Indus


Mohenjo-Daro at Harappa ang kambal na lungsod na matatagpuan sa pagitan ng lambak-ilog ng Indus. Ang lambak-ilog ng Indus ay nasa parting Timog Asya na pumapalibot sa mga bansang China, India, at Pakistan. Tinatayang noong 3000 BCE nang maitatag at mapaunlad ang kambal na lungsod. Ang mga lungsod na ito ay ang dalawa sa mga pinakamalaking lungsod noong Harappan Civilization. Noong 1920 lamang nadisukbre ang kambal na lungsod, na siya namang ikinamangha ng mga dalubhasa sa kasaysayan. Ang Harappa at Mohenjo-Daro ay hindi lamang tinawag na kambal na lungsod dahil sila ay magkalapit sa isa’t-isa ngunit dahil sila rin ay maraming pagkakatulad, mula sa pagkakaayos ng kanilang lugar at maging na rin sa sistema.
youtube
0 notes