Text
“it’s okay—i’m okay, everything’s okay. sanay na ko, sinanay mo na ko.”
we were so in love as if we are the only person existing in this world. pagmamahal mo ang sumanay sa akin na kapag kailangan kita, nandiyan ka palagi. sinanay mo ang aking puso na maramdaman ang nag-iinit mong pagmamahal na akala mo ay hindi mawawala na kailanman. our love was burning like a fire—as if it will not be finished anytime soon.
“sinanay mo ko na parati ka na nandiyan ngunit nasaan ka na sa oras na pinaka kailangan kita?”
patawad, patawad, patawad—ayan ang lagi mong sagot sa bawat paghingi ko ng kasagutan sa aking mga kasagutan. how many apology do you have to say before i finally get the answer that will make me at peace? sa bawat paghingi mo ng tawad, ako’y napapatanong sa aking sarili—kaya ba bawat pagtawag ko ay hindi ka dumadating sapagkat sinasanay mo ako kapag wala ka na?
sa bawat paghingi mo ng kapatawaran sa hindi pagsipot sa aking bawat pagtawag, nais ko na lang sumagot na “ako’y napapaos na, boses ko ay tila nauubos na kakatawag sa presensya mo na kailanman ay hindi ko na makikita.” i was full of love, my heart was in fire and i feel burning hot when you are around—you made me feel that your existence is always present everytime i call your name, but what happened now?
“tatawag pa ba ko o titigil na dahil ito ang iyong hudyat na ikaw ay mawawala na?”
ang daya mo naman; sinanay mo ako na palagi ka na nandiyan para sa akin ngunit ngayon sinanay mo na rin ako na wala ka sa tabi ko?
pero ayos lang—ayos lang ako at magiging ayos ang lahat. sanay na ko dahil sinanay mo ako.
napag-aralan ko nga na masanay na nandiyan ka palagi, ngayon pa kayang sinanay mo ako na wala ka? mapag-aaralan ko rin kung paano ituloy ang buhay na wala ka at sasanayin ang sarili na hindi na muling ulit hahayaan na masanay sa ganitong porma ng pagmamahal—na sa una lang makakaramdam ng init ng pag-ibig.
josiah, 2024
0 notes
Text
paboritong musika.
isa sa aking mga libangan ay makinig ng musika. pop, rock, hiphop, at marami pang iba, masarap kasi sa tenga at hindi nakakasawa kaso, may kaunting problema simula nung nakilala kita, lahat ng kanta, ikaw na ang aking naaalala buti sana kung love songs lang, kaso kahit boom tarat tarat naiisip na kita sabi nila, matalino akong tao pero bakit pagdating sayo hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko para sayo? siguro, dahil pareho kayo ng naidudulot sakin ng musika sa nakakapagod na mundo, nagsisilbi kayong pahinga, sa malungkot kong puso at nagbibigay ng ligaya. kaya sinta, masasabi kong ikaw ang aking musika.

0 notes
Text
“leonora kong sinta, ikaw ang una at huli kong pag-ibig habang buhay na.”
harana na aking isinulat, sa’yo aking leonora, lamang inialay. sumulat ako ng isang daan na tula patungkol sa pag-irog ko sa aking sinisinta. halimuyak mo ay aking inihalintulad sa isang mapulang rosas tulad ng iyong mga labi kapag nakangiti.
“ako na umiibig sa iyo leonora ay nangako na ikaw lamang ang mamahalin ko sa aking kasalukuyang buhay at sa mga susunod pa.”
nangako ako na kailanman ay hindi bibitawan ang iyong kamay kahit na tadhana ay paglaruan tayong dalawa ngunit aking leonora, bakit lumuwag ang iyong hawak sa akin at nais na lamang kumawala sa aking mga bisig na sa iyo’y nakayakap?
“ang dating tamis ng pagsasama nating dalawa, bakit tila pumapakla na? dating pangako na hanggang dulo na tayong dalawa ay pinutol ko na.”
dalawa tayong naglalakad sa daan papuntang ating mga pangarap ngunit iniwan mo na akong mag-isa, aking leonora. ako’y napapaisip kong akin pa kayang masisilayan ang ngiti mong napaka ganda o kaya ay maganda mong tinig ay maririnig pa ba?
“maaaring ito na ang desisyon ng tadhana—tatahakin ko na lang ang daan ng mag-isa, kahit wala ka na.”
isa na lamang ang aking kahilingan aking sinta; kung nasaan ka man, nawa ay masaya ka na kahit na hindi na tayo magsasama pa. aking panalangin ay mag-iingat ka, leonora kong sinta.
“hindi man tayong dalawa ang siyang huli, liham ko man ay matatapos na—pag-ibig ko’y habang buhay na. iyong ngalan ay nakatatak na sa aking kaluluwa at babaunin ang ating alaala hanggang sa aking huling hininga.”
paalam, leonora na aking sinisinta.
0 notes
Text
“hiling ko lang naman na tayo na sanang dalawa ang siyang huli at ang umpisa.”
ako’y nagsusulat ng awiting pang harana na aking iaalay sa iyo, aking sinta. sa gandang taglay mo na walang katulad at ang iyong mahilimuyak na amoy ng rosas ang siyang nagtulak sakin upang sulatan ka ng tulang may tono.
“mapanlinlang man ang tadhana, kamay mo ay hindi ko hahayaang makawala. kakapit ako sa iyo ng mahigpit kahit na ang hangin ng ating tadhana ay susubukan tayong paglayuin.”
puso ko ay sumusulat ng isang liham—liham ng pag-ibig na nagnanais na mahaplos ang iyong damdamin. kamay mo ay aking hihingin kahit na pamilya mo pang aking haharanahin.....
“sapagkat ngayon lamang ako nakadama ng wagas na pagkamangha. tila ako’y natamaan ng mahika ng marinig ang musika mong tinig sa aking pandinig.”
isa lang naman ang aking natatanging hiling sa iyo sinta, ako’y pagbigyan mo sana—tayo na lamang sanang dalawa ang siyang maging huli at umpisa sapagka’t puso ko’y pangalan mo ang tanging inaawit.
ikaw ang aking unang pag-ibig kung kaya’t panghawakan ang aking gawa at aking papatunayan na ang nagliliyab ko na pag-ibig ay hindi kailanman mawawala.
“tangi kong hiling na hanggang dulo ikaw ay aking makapiling. nais kong mahagkan ka sa aking mga bisig at iparamdam sa’yo ang init ng aking pag-ibig.”
kahit anong taon at sa kahit anong mundo, hinding-hindi na kita pakakawalan, aking sinta. iyong kagandahan ay nakatatak na sa aking puso at isipan na kailanman ay hindi kukupas.
“ang ngalan mo ay may malalim na depinisyon, gaya ng lalim ng pagmamahal ko sa iyo.”
0 notes
Text
“sa pagdagsa ng mga alaala—mayroong ako, ngunit gaya ng isang bulong ng simoy ng hangin—hindi siya kailanman naging akin.”
nasa akin siya, ngunit siya ay hindi kailanman akin upang angkinin dahil ang kaniyang puso ay tumitibok para sa isang multo ng isang pag-ibig na nawala sa mga talaan ng panahon. ang kaniyang puso ay tila isang kaluluwang hindi mapakaling gumagala—hinahanap ang alingawngaw ng pag-ibig na minsan nawala sa paglipas ng panahon.
“sa bawat haplos, bawat sulyap, sa panandaliang sayaw sa pagitan namin, isip niya’y nasa kaniya.”
sa mga tahimik na sandali, ang kaniyang mga mata ay nagtaksil sa pananabik; isang pagnanasa para sa isang anino ng nakaraan na matagal niyang pinangarap sa kabila ng aming yakap.
bitbit niya ang kanilang alaala gaya ng isang babasaging bagay; itinatangi at iniingitan itong lubos. mga mata ko’y pinagmamasdan siya ng may mabigat na puso habang siya ay naglalakbay sa baybayin ng aming sandaling pinagsamahan ngunit tingin niya’y abot-tanaw kung saan sumasayaw sa mga alon ang multo ng pag-ibig na minsan niyang hinawakan. sa pagbanggit ng kaniyang labi sa pangalan niya ang siyang naghatid na malakas na paghampas ng alon sa aking puso.
“kahit na ako ang kayakap niya, kaniyang puso ay nananatiling nakatali sa isang pag-ibig na minsan namulaklak sa hardin ng kaniyang kaluluwa na ngayon ay nawala na sa ulap ng kahapon.”
sa aking tenga, ibinulong ng panahon ang mga lihim na pagbabago—sa akin pinaramdam na kailanman ay hindi mapipigil ng aking pag-ibig ang paglalakbay ng kaniyang puso. siya ay isang gala ng damdamin, binabaybay ang mga tabas ng lupain ng kaniyang puso, naghahanap ng aliw sa mga labi ng isang pag-ibig na dumulas sa kaniyang mga daliri na parang mga butil ng buhangin.
nakatayo ako sa sangang-daan ng pagnanais at pagtanggap, nakikipagbuno sa mapait na katotohanan na maaaring hawak ko ang kaniyang kamay at kayakap siya sa malamig na gabi, ang init ng puso niya ay nasasabik lamang sa mga hawak ng kaniyang nakaraang pag-ibig.
0 notes
Text
gamit ang aking puso, isusulat aking emosyon.
josiah, 2024
0 notes
Text
“ikaw ay tila sining sa museong ‘di naluluma. minamahal kong ginto, hanggang kaluluwa.”
kung maihahalintulad ko ang buhay ko sa isang bagay, ito ay bulaklak; dahil hindi ito maituturing na bulaklak kung hindi pa ito namumulaklak gaya ng buhay ko mula ng makilala kita. tila ako’y isang halaman na hindi namumulaklak ngunit ng ika’y aking makilala, nalagyan ng kulay ang aking buhay.
“takot akong magmahal ngunit ng ika’y dumating sa buhay ko, nawala ‘yung takot dahil alam kong nahuhulog na ako sa’yo.”
ikaw ang sining na nanaisin kong balikbalikan sa museo at hindi pagsasawaan na titigan sapagkat ang kagandahan mo’y hindi kumukupas. ang halaga mo sa akin ay isang ginto dahil sa kagandahang dala mo.
“kung sa tingin mo na ang oras mo’y lumipas na, ako’y patuloy na mararahuyo sa iyong ganda.”
kung mabibigyan ako ng pagkakataon na iguhit ang pinaka magandang bagay na natagpuan ko sa mundong ito—ikaw ang ipipinta ko; ipapadama ko ang pagmamahal sa iyo sa bawat guhit at kulay.
“ikaw ang natatanging pinaka magandang obra maestra na aking ginawa.”
lumipas man ang mga araw, ipinapangako ko na ang aking nararamdaman ko ay hindi kukupas gaya ng mga kulay na ipininta mo sa buhay ko. ikaw ang nag-iisang biyaya na dumating sa buhay ko na lagi kong ipagpapasalamat.
dumating man ang araw na tayo ay papanaw na, huwag mag-alala sapagkat kahit sa kabilang buhay, ikaw at ikaw pa rin.
“nararamdaman para sa iyo’y nakamantsa na sa aking puso—sa kabilang buhay man o sa kabilang mundo.”
0 notes
Text
“do we really regret the chances we didn’t take, or we regret we took the chance?”
in the quiet corners of our hearts, where echoes of choices linger like whispered secrets, we ponder the paths untrodden and the roads bravely ventured. do we, in the stillness of hindsight, mourn the timid beats of opportunity left unseized? or does our regret weave itself through the bold tapestry of risks embraced, where each thread of chance bears the weight of consequence?
for in the dance of what-ifs and could-have-beens, our souls become poets of retrospection, painting verses with strokes of longing and hues of uncertainty. we gaze back upon the crossroads where destiny’s fingers beckoned, questioning the wisdom of our steps: were the missed whispers of fortune sweeter than the brash symphony of leaps into the unknown?
yet, as time’s gentle hand unfurls the scroll of our lives, perhaps we learn that regret is not a shadow cast by the unwalked paths or the well-worn trails. rather, it is the bittersweet melody of our evolving selves, harmonizing with the rhythms of daring and caution, courage and restraint.
so, let us cherish the symphony woven by our choices, for each note, whether soft with hesitation or bold with resolve, shapes the narrative of who we are and who we may yet become. and in the twilight of contemplation, may we find solace in the beauty of our journey, embracing both the echoes of chances untaken and the echoes of chances bravely seized.
“maybe either of the chances i didn’t take and chances i took, i regret nothing.”
0 notes
Text
“red light na naman, titigil na naman sa gitna ng daan at mag-aantay na makausad sa traffic”
stuck na naman ako sa traffic dito sa may edsa tapos nakita pa kita na patawid, hawak kamay ang hindi pamilyar na pigura—may malawak na ngiti sa mga labi na pinapakita sa akin na masaya ka na. kailangan ko pa ba mangamusta kung ang sagot ay nakuha ko na?
akala ko sa traffic lang ako ma-i-stuck dahil red light ngunit para din akong na-stuck sa mga alaala mo na naiwan sa akin. hanggang ngayon tanda ko pa rin ang mga paborito at ayaw mo, kahit ata ang linyang lagi mong sinasabi ay nakatatak pa rin sa isipan ko. makakausad pa kaya ko?
mukhang nakatawid ka na, hindi lang sa pedestrian lane na nilalakaran mo ngayon kundi pati na rin sa nakaraan na minsan nating pinagsamahan. congrats! sa wakas nakatawid ka na. akala ko tatawid ka ng ako ang kahawak-kamay mo pero tadhana na talaga na maiwan ako rito sa traffic at ikaw lang ang unang makausad sa ating dalawa.
“5... 4... 3... 2... 1...”
green light na! gagalaw na yung traffic, uusad na ako—uusad na ko mula sa nakaraan nating dalawa na ako na lang ang humahawak.
“green light na, uusad na ko ha? ayoko na ma-stuck dito, baka mapag-iwanan na ko”
tatawid na rin ako—kailangan ko na rin umusad. uusad ako ng may baon na magandang alaala mula sa’yo at may nag-aantay sa akin na bagong kabanata kung saan wala ka na pero parehas na tayong masaya.
“masaya ako na nakausad na tayo”
0 notes
Text
summer’s essence wasn’t destined to intertwine with autumn’s hues.
i embody autumn’s melancholy grace; he radiates the fervor of summer’s blaze.
his purpose, to illuminate with fiery rays, should not be dimmed by my gentle twilight’s fade.
yet autumn was born on spring—his cherished season. it’s a time of whispered promises and rejuvenation, awakening from winter’s long slumber.
within spring’s tender embrace, may autumn and summer discover the courage to wander the depths of a nascent genesis, where hopes bloom like the petals of a reborn flower.
1 note
·
View note