as-clepius-m
as-clepius-m
ήλιος
21 posts
ílios always waiting for the sunrise to come. -vous êtes mon préféré-
Don't wanna be here? Send us removal request.
as-clepius-m · 4 years ago
Text
shit happens.
0 notes
as-clepius-m · 5 years ago
Text
Mararanasan pala talaga natin yung pagkakataong kinakailangan natin ng lakas nang loob para gawin ang isang bagay. Kasabay nito ang pagranas ng matinding pag-aalinlangan. May pagkakataong nahihirapan tayong kunin at buuin ito. Ngunit sa kabila nito, hindi tayo sumusuko at sinubukan natin itong punan at buuin para sa ikatatahimik ng ating kalooban. Matapos nating mabuo at makuha ang lakas ng loob, walang pag-aalinlangan nating gagawin ang isang bagay na akala natin ay hindi tayo nagdalawang isip bago ito gawin.
Sa pagkakataong nagawa na natin ang bagay na iyon, maganda o pangit man ang naging resulta dapat natin itong tanggapin sapagkat ito ang bunga ng ating desisyon. May pagkakataon nga lang talaga na hindi natin makukuha ang resulta na ating inaasahan pero ang mahalaga ay nagawa nating gawin ang desisyon na iyon at wala tayong pagsisihan sa huli.
Pagkatapos nito, uulit na naman tayo sa umpisa at mararanasang muli ang ganitong pagkakataon.
0 notes
as-clepius-m · 5 years ago
Quote
Sabi niya maghihintay siya. Hanggang sa nagulat na lang ako at bigla siyang hindi nagparamdam. Sa bawat paglipas pala ng panahon ay unti-unti na siyang bumibitaw at naiinip. Inakala ko noong una ay kailangan nya lang ng espasyo kung kaya’t hinayaan ko. Hindi ko maipagkakaila na ang kaniyang pag-alis ay labis kong ikinalungkot. 
ac.m|| Sandali
0 notes
as-clepius-m · 5 years ago
Quote
“Mahal kita” "Mahal din kita" Sagot na sinambit ng iyong mga labi Dahilan ng galak sa aking puso Dali-daling naisip ang mga binuong plano Sa isip kong mapaglaro pero seryoso Plano ng buhay ko, na kasama ka, ang tayo. Sayo lang ako, pangako Isusugal ang buong buhay at puso ko Seryoso ako sa aking nararamdaman Maging sa mga pangakong bibitawan. Kabog sa dibdib ay 'di magpapatalo Sa kahit anumang malakas na delubyo Saksi ang puso kong lubos na umiibig sayo Ilang beses mang masaktan ay sayo pa rin tatakbo Kahit walang kasiguraduhan sa magiging dulo. Dulo. Ito na pala ang dulo. Anim na salita ang bumalot sa paligid Napahawak bigla sa aking dibdib. Dugo, bakit sobrang daming dugo sobrang dumugo, sobrang kirot sobrang kumirot. Kumirot ang aking puso Namanhid ang katawan Hindi makakita Patuloy sa pag-agos ang luha sa aking mga mata. Bigla akong natauhan. Masasayang ala-ala unti-unting natatabunan hindi matatawaran ang bigat na pinapasan. Dinulot na sakit ay hindi napaghandaan Kung kaya't paano ito maaagapan? Bumagal lang pala ang oras Talaga palang mapaglaro ang isipan Sa ilang segundo Nagawa pang maglakbay sa idealidad. Kung kaya't naligaw At nasaktan sa realidad. Anim na salita. Anim na beses, at marami pang beses na bumaon sa aking puso. Panandaliang kilig ako'y nilampasan Tuluyang nahulog sa kawalan, Sa kawalang walang ikaw na kakapitan. "...kaso hanggang dito lang talaga, kaibigan"
ac.m || Anim na Segundo
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
Sayang hindi naging tayo. Pero kung sakali mang maging tayo, hindi ko hahayaang magaya tayo sa iba. Sa iba na nagkasawaan na, sa mga nawalan na ng gana sa isa’t isa, mga ala-ala'y ibinasura na lang bigla, mga pinagsamahan na itinapon na lang sa kawala, dahil sa mga maliliit na bagay na isinawalang bahala. Hanggang sa ‘di na ma-ipaliwanag ang sakit, nang isa na lang pala ang nakakapit. At iisiping “bakit naging gan'to ang sinapit, dapat pala 'di na lang pinilit. Ang pag-ibig na sa ati'y ipinagkait. Kaya ngayon ako'y namimilipit, buhat ng sobrang hapdi at sakit.” Kaya ipipikit na lang ang aking mga mata, pipiliting makatulog nang ‘di na makadama, kahit alam nating mahirap ipilit ang hindi talaga, pero tayo'y sadyang makulit at nagpupumilit talaga. Kaya naisip ‘kong pakawalan ka na Dahil ayokong magaya tayo sa iba Sa kanilang pinilit ang pag-ibig. Sinubukang maging maligaya, Pero kahit kailan hindi naging masaya Mas lalo lang nasaktan Mas lalo lang nasugatan. –S:end–
ac.m || Bakit ko pa kasi pinilit?
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
Hindi ako pilosopo, at lalong hindi kita pinipilosopo, kaya sana paniwalaan mo ako. Sana magkaroon ka ng oras na intindihin ako, katulad ng pagbibigay ko ng oras ko sayo, pero ‘wag mong isiping nanumnumbat ako, sadyang gusto ko lang sabihin ang nakakubli dito, dahil matagal ko nang tinatago ‘to. Simula pa lang nung unang magpakilala sayo. Pero ilang beses ko na palang nabanggit 'to sayo, hanggang ngayon ‘di mo pa rin pinapasin ang nararamdaman ko, hanggang ngayon ‘di pa rin ako ang pinili mo hanggang ngayon siya pa rin pala. At siya pa rin pala. Hanggang ngayon isa pa rin pala akong mistiko na walang sawang uma-asa sayo, kahit alam kong wala naman talagang pag-asa sayo, sa taong tulad mo na sobrang pa-asa, at ang hilig ay mag pa-asa. Masyado akong nakulong sa mga pangako ko noon, kaya pasensya. Ito na ang huling pagkakataon na mangangako ako sayo, pangako. Pangako susuko na ako, pakakawalan na kita, ito na ang huli ito na rin ang simula. Bagong simula. --S:04--
ac.m || Pinili natin ang isa’t isa.
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
Mahal, sana marating nito ang mga tainga mo. Makuha nito ang atensyon mo maging ang puso mo. Asahan mong, susubukan ko, gaano man katagal, masabihan man akong tanga ituring man akong martir ako’y sayong sayo lang ikaw at ikaw pa rin, ang tanging mamahalin. Mahal, pangako kahit hindi ako sigurado sa nararamdaman mo, pangako iintindihin kita. Kahit anong mangyari, iintindihin kita. Sa tuwing naiinis ka, sa tuwing gusto mong mapag-isa, iintindihin kita. Kahit mahirapan ako, kahit hindi sanay sa ganito, pipilitin kong masanay sa mga pagkakataong ganito. Mahal, uulitin ko kahit hindi ako sigurado kung ano ang sagot mo, pangako, magiging tapat ako sayo, walang sikretong itatago sayo hindi hahayaang malagyan ng puwang, hindi hahayaang lumuwang, ang pagsasamahang itinatag na kusang pinatatag ng mga pagsubok na napagdaanan, ng mga tampuhang nalampasan at ng mga panahong nagdaan. Uulitin ko mahal. Uulit-ulitin ko. Kahit hindi ako sigurado sa nararamdaman mo, pangako hindi kita iiwan. Hindi kita pababayaang tangayin ng kalungkutan, patungo sa nakakalunod na bagsik at kalupitan ng karagatan, hindi kita hahayang maligaw sa masukal na kagubatan, maging sa matarik at nakasasakit na kabundukan. Sasamahan kita sa mga panahong kailangan mo ako. Makikinig sa tuwing masama ang loob mo, kahit pa sa tuwing may hinanakit ka sa mundo, lalo na sa panahong parang nanalo ka sa lotto, andito lang ako palagi sa tabi mo. Mahal, uulitin ko hanggang sa magsawa ka sa pagdinig nito. Pangako, mamahalin kita. Hindi ako magsasawang paulit-ulitin sayo. Hanggang sa parang maging sirang plaka na ako. Mamahalin kita ng buong puso. Kahit higit pa sa sarili ko, piliin mo lang ako. piliin mo lang akong mahalin. —S:03–
ac.m || Pakikinggan mo kaya ako?
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
Ang labo na ng sulat tasahan mo na kaya, pahihiramin kita kahit hindi mo na ibalik. Handa akong tulungan kang muling maging masaya kahit walang kapalit.
ac.m || LAPIS
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
Masidhing kalungkutan namumuong mga ulap nagbabadyang bumuhos malalaki nitong patak. Pareho-pareho tayong nakakaranas ng pagluha katulad ng ulan na bigla na lang kumakawala, na kahit kailan, hindi ma-ipagkakailang masarap sa pakiramdam.
ac.m || ULAN
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
‘Wag matakot na mag-isa sapagkat andiyan ang Diyos para samahan ka. Ito'y hindi maiiwasan, harapin nang positibo, hanapin ang kasagutan. Sa likod ng madilim na daanan, patuloy na maglakbay tungo sa kasagutan, ang liwanag nang malampasan ang pag-iisa. Dapat ba itong katakutan, iwasan, o labanan? tanging ikaw lang ang makakasagot n'yan
ac.m || Pag-iisa
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
Bumubuhos na naman ang ulan may dalang malakas na hangin maaliwalas na simoy ng hangin malamig sa pakiramdam. Malalakas na patak sa bubungan payapa kahit maingay masarap pakinggan. Ito ang tamang oras para sa mga matang malalamlam mga matang maraming tinatago. Punong puno ng emosyon nanunuot ang lungkot at pighati sasabay sa kulog at kidlat Nakakagulat at nakakatakot. Sapagkat alam kong ika'y nariyan komportableng ibubuhos lahat walang ititira, uubusin lahat. Payapa ang dulot sa bawat yakap gaan sa patuloy na pagbuhos, pag-intindi pag-unawa sa kada-pagpunas, pag-agos. Salamat sa atensyon, pagsama panandaliang kaginhawahan na alam kong hindi magtatagal ngunit nakapagpatanggal ng bigat ng pakiramdam. Katulad ng malakas na ulan, ang mga luha'y titigil. Liliwanag ulit ang mga mata masisilayang muli ang araw mapupunan ulit ng saya mag-iipong muli ng lakas magsisimulang muli at babangong muli.
ac.m || Mapayapang Pagbuhos ng Ulan
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
Ang raming tumatakbo sa isipan ko. Magtatapat o maglilihim?  Magulo, malawak, malalim. Kalahati ay, “ikaw” at “ako”. Kabuuan ay, “tayo”. Subalit, may naka-ambang pag-aalala. Ang pusong nahulog ay nagpapasalo. Nakakatakot, nakakapanghina. Baka tuluyang lumalim, mabaon, malunod, at ‘di na maka-ahon pa. Punong puno ng “sana”, naghahangad ng sagot. Sana magkaroon ng “tayo”. Sana mapansin mo ako. Umaapaw sa hiling, na sana, iniisip mo rin ako, na sana, kahit papaano mahal mo rin ako, at mamahalin mo ako. Kaya nagdesisyon ako na maglahad ng nararamdaman, mga salitang pinaghandaan mga salitang nagmula sa isip at puso ko. Nagdala na rin ako ng pisi pinakamahabang pisi na makikita mo pisi na mula sa pang-unawa ko. Magsisilbing patunay, na kung ano man ang reaksyon mo ay tatanggapin at iintindihin ko. Sana, dinggin mo ako Hindi kita mamadaliin Hindi kita pipilitin Handa akong maghintay. Handa. akong. maghintay. Para sa'yo. —S:02–
ac.m || Dapat na ba akong umamin?
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
Tulad ng ibon, nasa alapaap ba ako? O sadyang magaang talaga ang loob sayo? Mga ngiting matatamis sa labi mo, sa aki'y malaki ang naidudulot nito. Nagbibigay saya sa mapait na nakaraan ko. Puso'y nagiging bata sa sobrang kulit walang tigil sa lakas ng pintig nais kumawala sa aking dibdib. Nagdudulot ng dagat na emosyon na may halong saya at lungkot. Ako yata ay nagiging mistiko na, dahil walang sawang umaasa, kahit wala namang pag-asa sa taong tulad mo na pa-asa, at ang hilig ay magpa-asa. Pero ako'y nahulog sa malalim na patibong gawa ng iyong magagandang aksyon. Sana'y ‘di masaktan sa gagawin kong desisyon Na aasa’t iibigin mo sa darating na panahon, at magkakaroon ng mahabang koneksyon Aking mahal sana'y akoy iyong pakinggan, malakas na pagtawag sa iyong ngalan. Masidhing damdamin nais ipagtapat, ngunit lakas ng loob ay ‘di sapat para sa damdaming nais ipagtapat. —S:01–
ac.m || Kasalanan bang maging isang Mistiko?
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
Hindi sa lahat ng oras, Hindi sa lahat ng pagkakataon, Maiintindihan ka. Iintindihin ka.
ac.m || ᜑ᜔ᜒᜈ᜔ᜇ᜔ᜒ ᜃ᜔ᜒᜆ ᜋᜒᜈ᜔ᜆ᜔ᜈ᜔ᜇ᜔ᜒᜑᜈ᜔
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
In the morning of two, I can feel the summer breeze. Sky is divided into two, covered in thick clouds. Moon slightly hiding, sun preparing for rising. This time, Day and night splits up, So are they. No one regrets it. Both of them wakes up, In an atmosphere filled with grief.
ac.m || 2 A.M.
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
Masaya sigurong mapunta sa ulap. Kailan ko kaya ito mahahawakan ng tuluyan? Kailan ko kaya ito tuluyang mararamdaman? Kailan ang pagkakataong makikita ko na ang liwanag? Liwanag na mula sa mga ulap, Na sa tingin ko sa akin ay magpapasaya.
ac.m || ulap
0 notes
as-clepius-m · 6 years ago
Quote
Wala akong maramdaman. Namanhid na ang aking katawan, sa mga bagay na ganyan, sa pangyayaring walang katapusan. Palagi ko itong nararamdaman, sa walang sawang kadahilanan. Dahil ako'y sawang sawa na, ayoko nang lumaban. Gusto ko nang sumuko, itataas ang puting bandera hanggang sa lubusang makita ng mga taong may paki ma’t wala. Susuko na ako sa giyera, na sa umpisa pa lamang ay ako lang, ako lang mag-isang lumalaban dahil simula pa lamang ako'y napag iwanan na.
ac.m || Tapos na ang Laban
2 notes · View notes