Text










4x nag RTO. Kapagod magbyahe ng may mabigat na bag. May coffee machine tapos daming capsule pero hot milk lang kinuha. Hahahaha. Chicken Tocino sponsored by my newly promoted GA Manager friend(yung may sunflower na hawak). Sobrang saya at proud namin para sa achievement nya na 'to. Deserve na deserve! Laki ng monitor sa office parang kalahati lang ung nandito sa bahay. Next month na ulit rto namin!!! Nagmaganda lang sa last pic. Haha
2 notes
·
View notes
Text










Minsan ang bagal ng oras. Pero mas madalas ata yung mabilis ang panahon. Haha
Unang inom sa 2025. Sa pagbalik na ulit ng tropa naming seaman ang susunod.
Free shake every Friday sa office. 1st RTO namin tapos bday ng isa naming kateam kaya may pizza.
Umuwi kami Batangas. Pero hinatid lang namin ni Kuya parents ko.
Tapos puro pagkain na luto/gawa ko except dun sa may dilis.
0 notes
Text
Hello,
So ayun ang tagal ko pala hindi na open tong account ko at last post ko 2023 pa. Haha Pero ngayon babawi ako. Gusto ko na ulit magpost dito. Kwento lang ganon. Parang online journal na rin siguro. Ang tamad ko na kasi magsulat haha Kaya sige sa online ko nalang lalagay. Pati mga picture na bawal (food na bawal pero cravings eh) hahaha


Nakita ko lang to may nagpost sa fb tapos bumili ako kagabi pag-uwi ko bandang before 2am sa 711 dito sa amin. Kung mahilig ka talaga sa matamis(kagaya ko) masarap to hahahah yung iba ayaw, edi okay lang hahahah May vanilla rin, di raw masyado matamis yun kaya mas okay daw yun. Di ko sinubukan yun, etong chocolate lang.
Last post ko dito wala pa ko work. 2024 nagkawork na rin ako. Tapos hybrid sya pero lamang ang wfh. Mag 1 year na rin sa April. Yeyy! Congrats, self. Haha
Tapos nung 2nd week ng January, nagpunta si bf sa Zambales, inggit na inggit ako. Ayaw ako isama e. Haha Gusto ko rin gumala ulit. Tapos mga nakikita ko sa fyp ko sa tiktok: Mt. Tapulao, Bagsit River, Mt. Mariglem, Aw Asen Falls. Ano kaya next? Hahaha
Ngayon gusto ko ng tapsi ni vivian, mang inasal tapos etong chocolate cream puff ng 711. Hahahah
Tapos ayun nadapa ulit sa pagpapapayat nung last time hahahaha Fasting na ulit + low carb. Ang goal weight natin ay 65kilos. Sana magawa ko na kahit ang daming cravings ✨ Magkakaroon na rin kasi ako kaya siguro ganito dami ko gusto kainin.
Pag ganitong weekend gusto ko pumunta Quiapo kaso wala ako maaya ng biglaan hahah Foodtrip lang sa Quiapo. Mura lang dun e hahaha Kaso gusto ng friends ko sa Binondo. Pang Quiapo lang budget ko hahahah batang Quiapo na to. Chariz
Nag grocery lang kami ni mama kanina tapos pag-uwi ng 3:30pm nakatulog ako sa sofa. Sobra antok ko nagising ako 7:30pm na Tapos napaisip pa ko if punta ko bf ko sa work nya kaso tinamad ako kaya bukas na lang.
1 note
·
View note
Text










January - May 2024
Last year pa huling post ko dito. Pero minsan inoopen ko pa rin naman to. haha Marami na rin nangyari.
Simula July 2023 nagstart ako ulit mag-apply. Nung una puro gov't office lang. Kaso laging walang nangyayari. Umaabot ng exam/interview kaso puro failed. Nung January 2024 nagdecide ako magpasa ng resume sa college friend ko. Makati yung workplace pero hybrid naman, 4x/month lang onsite.
February, namatay yung isang tita ko kaya biglaan din kaming 3x umuwi ng Batangas.
March 2024 na ako natawagan. Interview lang ng 2x tapos okay na. Naabutan lang ng holy week kaya di nabigyan ng Job Offer.
Umuwi si bf ng Mindanao ng April 12 kasi hindi maganda lagay ni mama nya(may pancreatic cancer). April 15, 2024 naman ako nagstart sa bagong company ko. April 16, 2024 namatay yung mother ni bf. Kaya kahit nasa training ako ng online, iyak din ako. Hindi naging madali ang April. Pero kapit lang.
May 2024 Bumalik na dito sa Manila si bf para ituloy ang work nya. Muntik pa syang hindi na bumalik.
June-December 2024 sorry tinamad na ko ikwento kasi tinamad na rin ako maghalungkat hahahahha
0 notes
Text


Day 3! HAHAHAHA
Tinamad slight kanina kaya late na nagstart magexercise. Pero naisip ko sayang naman yung sakit ng hita ko at pagod ko nung nakaraang dalawang araw kung di ko itutuloy. Saka halos buong last week puro ako cheat day 😅 Left side kakatapos ko lang magexercise. Right side kakatapos ko lang magpaligo ng aso hahahah
1 note
·
View note
Text


Okay so try ulit magexercise! hahahaha pota 11 yrs ago, username ko papayatdinakooo. hanggang ngayon wala pa rin. hahahahah pero in fairness nabawasan naman na ako timbang since nagstart ako magbawas ng carbs nung August 29 sabayan ng fasting na halos umaabot ng 24hrs madalas pero with matching cheat day per week, basta pag kasama si jowa cheat day matic na haha. Weight ko last year(2022) nasa 106-108kilos. Ngayon Nov2023, nasa 88-89 kilos nalang. Goal weight ko 60kilos para proportion sa height kong 5'5.
Bale ginawa ko ung nasa picture. Tapos nagdagdag ako ng 10 push up at 116 jumping rope. 💪✨
1 note
·
View note
Text

Bigay ni soldier. 🥰 Simple pero sobrang na-appreciate ko. May pa ganyan daw sa store nila kaya ginawan nya ko. haha Mababaw man pero nakakakilig na 'to para sakin.
1 note
·
View note
Text








7months & counting na rin pala kasama siya. Marami na rin nangyari. Mga kaganapan na hindi namin inexpect pero eto hawak-kamay pa rin. Akala ko one sided lang, hindi naman pala. Consistent simula umpisa.
December- ldr kami nito since nasa Zambales pa sya.
January - Lumuwas na sya Manila, hanap work.
February- natanggap sya sa isang sikat retail store.
March- nadiagnose si Mama nya ng liver & breast cancer.
April- Nakauwi sya saglit sa Zambales nung Holy week, ako naman ay nakapag Baguio. Madalas pa rin kami nagkikita. 1st time nya mag overnight sa bahay para magbook ng flight pauwi ng Mindanao.
May- 1st time namin pumunta ng fiesta sa Batangas. Na-meet din sya ng Kapamilya friends ko. Natulog ulit sa bahay bago lumipad pa Mindanao. Naka leave sya ng isang buwan at ldr kami ulit. Every night ay magkausap kami sa call. Bday ko malayo sya pero nagcelebrate ako with family.
June- Bday nya, kasama nya family nya. Wala silang celebration pero sobrang bihira lang yung pagkakataon na makasama nya magulang nya sa mismong bday nya. Bumalik na rin sya ng Manila. 5days straight kami magkasama. Staycation(birthday celebration namin) + 3days sya overnight dito sa bahay. Bumalik na rin sya ng work. Nalaman namin hanggang July16 nalang daw sya sa work.
July- Tuloy lang ang buhay. Last day na nya ngayong July 16, iinom daw sila ng mga ka-work nya. Next week ay uuwi raw muna sya ng ilang araw sa Zambales tapos saka mag-apply ulit ng work.
4 notes
·
View notes
Text

Nanay, miss na miss na kita. Miss ko na hawakan yung kamay mo, miss ko na yung mga mahihigpit mong yakap at mga halik mo. Miss ko na yung pag-aalaga at pag-aasikaso mo. Miss ko na yung mga ngiti mo pag nakikita mo ako.
Nanay, sana ay masaya kayong magkakassma dyan kasama si Tatay, Kuya Daniel, Tito Allan at Tita Amie pati na rin yung mga naging pusa: Thea, Gelli, Sylvester, Ginger, Magnet, Chupa, Chups at mga naging aso natin: Charlotte, Chingching, Adonis, Echo at Lloydy. 🌻💐🌸
3 notes
·
View notes
Text


Para sa kaibigan na si @pilosopogyno. Maraming sa salamat sa mga tutulong. Pareblog na lang din. ❤️
116 notes
·
View notes
Text

"Bakit ka ba thank you ng thank you eh ako dapat mag-thank you kasi ikaw yung maraming nagawa para sa akin."
Thank you kasi nandyan ka. Ikaw yung naging comfort ko, sa lahat ng pag-ooverthink at pagod na nararamdaman ko. Masaya ako pag nakakausap at nakakasama kita.
Kanina habang naglalakad ako sa kahabaan ng Ayala Avenue, narealize ko na yung pagsabi ko ng thank you, feeling ko ito yung way ko sa pag-sabi ng I love you, na hindi ko naman pwedeng sabihin ng diretso.
0 notes
Text


Left pic: February 8. Coffee Project. Gumagawa siya ng house sketch hanggang work location niya.
Right pic: February 11. Cartimar. Sinamahan ko siya bumili ng sapatos kasi nagpabili yung pinsan niya. Mula Fairview-Pasay ang biyahe ko haha
Sobrang clingy ko sa kanya. Gusto ko siya makasama lagi. Madalas naman kami magtext. Lagi naman din siya nag uupdate. Araw-araw din naman kami nag-uusap. Pero nitong nakaraan medyo busy pag nagkikita kami, puro asikaso sa mga requirememts nya ang ginagawa namin. Hindi yung nagkita kami para mag-bonding, kwentuhan, at chill lang. Gusto ko siyang i-kiss. Gusto ko siya yakapin. Pero hindi namin magawa dahil wala naman kami sariling space.
Waiting na lang kami sa start date niya sa work. Kaya ko siya pinapapunta dito sa bahay para mas mahabang oras sana na makasama siya na medyo tipid lang. Ang alam naman dito eh tropa kami. Kaso laging hindi natutuloy. Kung dati, mga 2-3x pa lang ako nakarating ng Quiapo, ngayon halos gawin ko nalang siyang kanto. Madalas pag on site ako, after 6pm, diretso ako sakanya. Tapos uwi ng before 10pm. Kaya kinabukasan pagod pero okay lang kasi nakasama ko naman siya.
Pag ako huminto, wala. Hindi naman siya tatawag. Hindi rin naman niya ako pupuntahan dahil malayo. Ako lang naman tong gusto siya makasama.
2 notes
·
View notes
Text




Wala pa. Hindi pa naman natatapos pero nasasaktan nako agad. Haha Pinili ko ito. Pinili ko kasi masaya ako dito, sa ginagawa ko. Sa pagbigay ng atensyon, effort, pag-aalala, pagod at pera.
Alam ko naman eh. Umpisa pa lang, mali na. Umpisa pa lang hindi na pwede. Umpisa pa lang alam kong talo na agad ako. Pero anong sabi ko? Willing naman ako eh. Willing akong sumugal. Willing akong masaktan. Kahit ayaw niya, tinuloy ko pa rin.
Nandito na eh. Masyado na malalim ang pinagsamahan. Alam kong wala naman sa intensyon nyang masaktan ako. Sigurado kong alam niya kung ano ang totoong nararamdaman ko.
1 note
·
View note
Text
41 days
Ang tagal pa. Kakaumpisa pa lang ng February pero yung isip ko nasa March 15 na. Nag-resign na ako. Hindi ko na talaga kaya yung work. Wala pa akong lilipatan. Sinasabi ko na lang may nahanap akong opportunity, yung mas malapit at mas mataas ang sahod sa rate ko ngayon. Salamat pa rin sa company ko kasi nakapag stay ako ng 7mos. Nagkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan. Ang dami palang nangyari.
0 notes
Text
What if ako naman yung may ipapakilala na sa pamilya ko?
"if ever ba willing ka na?"
Lahat na lang yata ng nakalandian ko simula 2017 eh handa na akong ipakilala sa pamilya ko. Ang problema nga lang kasi ay ako lang yata yung willing eh. Willing ako mag take ng risk. Kung papunta sa relationship yung mga nakakatalking stage ko haha. Kaso ayun laging palpak. At saka isa pa ay dahil hindi ako confident. Ang dami dyan na maganda, yung attractive talaga physically at intellectually tapos normal BMI pa ang katawan, mas mabait, mas stable emotionally, financially, mentally, eh ano na nga lang ba ang meron ako kundi kabaitan hahaha
Pero kung may isang tao na magiging sigurado sakin, baka ipapakilala ko na rin agad pero siguro maghihintay muna ko ilang buwan dahil baka mamaya pang trial period lang eh hahahah
Time check 2:37am 12/31/22
1 note
·
View note