Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ang aking Paglalakbay (Noon, ngayon at bukas)
Mahiyain, talunan at iyakin iyan ako kung maituturing.
Mahiyain銋ung tipong lalapit ka palang lalayo na ako. Yung tipong kapag kinausap mo ako hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo. At ako ang klase ng tao na hindi marunong makisama at makihalubilo sa iba.
Talunan銋apagkat hindi ko alam kung papaano ang lumaban. At kahit anong gawin ko mananatili pa rin akong talo sa paningin ng mga tao.
Iyakin銋ung tipong kapag hindi nasunod ang gusto ko, iiyak na kaagad ako. At kahit konting asar mo lang tutulo na agad ang luha ko.

At ang ginagawa ko lang noon ay ang makipaglaro sa aking mga pinsan, makipag habulan habang nakatirik ang araw, maligo sa labas habang umuulan at ang mag pasaway sa aking lola. At uuwi lamang ako ng bahay kapag ako ay sobrang madungis na.
Iyan ako, NOON.
Dahil NGAYON, marunong na akong makisama sa ibang tao. Hindi ko na rin hahayaan na ako ay maging talo. At hindi na rin ako basta basta iiyak dahil alam kong malakas ako. Subalit, napansin ko na ang laki na nang pinagbago ko dahil kung noon, kapag inutusan ako ng lola ko sinusunod ko agad pero ngayon ilang segundo o minuto pa ang lilipas bago ko siya sundin.

Kapag naaalala ko ang mga panahong iyon napapangiti nalang ako at nagpapasalamat na naranasan ko ang ganoong pangyayari. Iyong walang pinoproblema at walang ibang alam kung hindi ang makipaglaro at sumaya. Hindi tulad sa mga kabataan ngayon na mas gusto pang humawak ng "cellphone" kaysa sa makipaglaro sa kapwa nila bata.


Iyan ang aking PAGLALAKBAY.
2 notes
路
View notes
Text
Larawang Sanaysay

Ikaw ang tao na wala sa tabi ko, pero hinahanap hanap ko. Sa bawat problema na hinaharap ko, hinihiling ko na sana mayroon din akong katulad mo na magpapalakas ng loob ko. Na sana maramdaman ko din kung gaano kasaya ang magkaroon ng kagaya mo, dahil sa tuwing nagkukuwento ang aking mga kaibigan tungkol sa kanilang mga tatay nakikita ko na sobra silang masaya kaya naiinggit ako ng sobra, dahil mabuti pa sila nararamdaman ang ganoong saya samantalang ako hindi. Mabuti pa sila may masasayang alaala mula sa kanilang mga ama samantalang ako wala. Kaya naman ako ay labis na nasasaktan kapag tinatanong ako ng iba kung nasaan ka, dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihan ko sa kanila at lalong hindi ko alam kung nasaan ka nga ba talaga. Kaya minsan napapatanong nalang ako, "bakit kaya ako pa yung taong walang katulad mo?". Pero habang tumatagal nasasanay na rin ako na wala ka sa tabi ko. Nasasanay na rin ako na wala ka sa tuwing kailangan ko ang tulong mo. At habang tumatagal nawawalan na rin ng pag-asa na makikita pa kita. Pero kahit na wala ka, mahal na mahal pa rin kita.
1 note
路
View note
Text
Paaralan ko, Tulong ko
Ang proyektong nais kong isulong at maisakatuparan sa aking paaralan ay ang "Tauhan sa Canteen". Napapansin ko kasi na iilan lamang ang mga tauhan na nagbabantay sa canteen at ng dahil dito hindi agad nakakabili ng pagkain ang mga estudyante kapag oras na ng recess. At minsan walang tao na nagbabantay kaya naman maghihintay pa kami ng ilang minuto para lang makabili. Ang tanging solusyon na naisip ko ay ang magdagdag ng tauhan sa canteen at dapat palaging may bantay dito para naman walang estudyante ang magutom. Kapag naisakatuparan ang proyektong ito mas madali ng makakabili ang mga estudyante ng pagkain at paniguradong wala ng magugutom pa, depende nalang kung wala itong pera.
0 notes
Text
Ikaw ang tao na nagpasaya sa akin ng sobra. Sa tuwing tinititigan kita hindi ko alam kung ako ay nasa katinuan pa nga ba. Tingin mo pa nga lang ako ay nababaliw na, paano pa kaya kung ako ay kausapin mo na? Kaya minsan napapatanong nalang ako, 'Normal pa ba ang tinitibok ng puso ko para saiyo?'.
Ngunit sa hindi inaasahan tila ba'y gusto na kitang makalimutan. Ako ay naghanap ng panibagong libangan at kung ano man ang maaaring pagkaabalahan. Ilang araw kitang hindi napansin at nakita kaya buong akala ko ako ay nag tagumpay at ikaw ay nakalimutan na. Pero ako ay nagkamali dahil noong nakita ulit kita bumalik ang lahat ng alaala. At sa sandaling iyon nakalimutan kong ikaw ay lilimutin na pala.

0 notes
Text

"Hindi ko alam kung bakit, ngunit sayo'y hindi ako naaakit."
0 notes
Text
Magkaibang Mundo
Bawat isa sa atin ay may kuwentong kakaiba, may kani-kaniyang problema at pagsubok na dinarama. Subalit, paniguradong ang iyong nadarama ay hindi kasing bigat ng pinagdadaanan niya. Ang nilalang na ito ay sobrang iba, marahil ay walang nakakaalam ng totoong nararamdaman niya. Hindi nila alam kung siya nga ba ay nagsasabi ng totoo o puro kasinungalingan lamang ang pinapakita nito. Sino nga ba ang taong ito?
Sa mundong kaniyang ginagalawan, halos lahat ng tao ay sobrang saya naman. Yung tipong tinatawanan lang ang problema, at walang ibang iniisip kung hindi ang maging masaya.
Sa pagdilat ng kaniyang mga mata, tila ba ay wala na siyang hihilingin pa, sapagkat ang buhay na mayroon siya ay ang buhay na pinapangarap ng iba. Siya ay mayroong masayang pamilya dahil ayaw ng magulang niya na maging malungkot siya at makaramdam na siya ay nag-iisa. Ayaw nila itong matulad sa iba na pinapatay ang sarili ng dahil sa problema. Gustong-gusto siya ng mga taong nasa paligid niya sapagkat puro saya lang ang nakikita sa kaniyang mga mata at walang tinatagong kakaiba. Masayahin, matulungin, matalino at maaasahan iilan lamang ito sa kaniyang mga katangian. Kaya siguro gusto siya ng karamihan dahil sa angkin nitong kagandahan at may mabuting kalooban. Ng dahil sa kaniyang katangian may isang taong gusto siyang maging kaibigan. Sila ay nagkakilanlan hanggang sa nagkamabutihan at sa hindi inaasahan sila ay nagmahalan. Napakasuwerte ng babaeng ito dahil ang buhay niya ay napaka perpekto. Ano pa nga ba ang hihilingin niya, kung ang lahat ng ito ay na sakaniya na?
Unti-unti mo na sana siyang nakikilala, hindi ba?Ngunit huwag kang madadala sapagkat ang kuwentong akala mo ay sa kaniya, ay ang buhay lamang na pinapangarap niya at kabaliktaran ng buhay niya.
Sino nga ba talaga siya?
Sa mundong puno ng kasiyahan, may isang nilalang na nababalot ng kalungkutan. Sa paningin ng iba ay napaka positibo niya, ang hindi nila alam sobrang lungkot niya sa tuwing siya ay nag-iisa.
Ang buhay na mayroon siya ay sobrang layo sa buhay na pinapangarap niya, dahil ang babae na inakala niyang mag-aalaga sa kaniya ay wala naman sa tabi niya. At ang lalaki na akala niyang mag pro-protekta sa kaniya ay iniwan lang rin siya. Ang babaeng iyon ay ang kaniyang ina na nagtatrabaho sa malayo sa para sa kinabukasan niya. Na kahit hindi maramdaman ang presensya ito ay mahal na mahal pa rin niya. Ginagawa niya ang lahat para ito ay maging masaya. Pero kahit na siya ay nahihirapan na hindi niya ito ipinapakita dahil alam niyang mas mahirap ang dinaranas ng babaeng mahal niya- ang kaniyang ina. Ang isa naman ay ang kaniyang ama, na sa simula palang ay hindi niya alam kung nasaan nga ba talaga. Simula pagkabata ay hindi na niya ito nakilala kaya't umaasa siya na balang araw ay magkikita rin sila.
Ang taong ito ay sobrang sensitibo sa tuwing pamilya niya ay pinag-uusapan na. Kaya naman sa tuwing nagkukuwento ang iba tungkol sa masaya nilang pamilya, hindi ba nila napapansin na mayroong nasasaktan na? Na sa tuwing sila ay nagtatanong kung nasaan ang magulang niya, hindi ba nila napapansin na siya ay natatahimik na? Ito ay iilan lamang sa mga problema niya.
Pero kahit ganoon ang pinagdadaanan niya, nananatili pa rin siyang malakas at masaya dahil siya lamang ang inaasahan ng kaniyang ina. At kung nasasaktan siya sa buhay na mayroon siya, alam niyang may isang taong higit na nasasaktan bukod sa kaniya. Ito ang kaniyang ina na hindi naman inaakalang magiging ganito ang buhay na mararanasan niya.
Ang kuwentong nabasa mo, ay ang kuwento ng buhay ko. At ito ay ang sagot sa tanong na "Sino nga ba ako?".

1 note
路
View note