atengmanunulat-blog
atengmanunulat-blog
Ateng Writer
6 posts
Been there done that. every Saturday lang ang pagba-blog ng poem, stories and etc na may connect sa writing. #SaturdayPoems
Don't wanna be here? Send us removal request.
atengmanunulat-blog · 9 years ago
Text
so much feels
May nagmamahal naman talaga sayo eh, di mo lang makita at ma appreciate kasi Masyado ka lang nabulag ng standard at past mo.
13 notes · View notes
atengmanunulat-blog · 9 years ago
Quote
Halika tumakbo tayo Tumakbo tayo sa agos ng buhay Agos ng buhay kasama ako Agos ng buhay kasama mo. Pareho tayong di perpekto Pareho tayong nagtitiis sa mapanghusgang mundo Sabi nila hindi pwede, hindi bagay Pero hindi sila ang nagmamahal kundi tayo. Halika tumakbo tayo Tumakbo tayo ng magkasama Magkahawak ang kamay hanggang dulo Dulo ng mapanghusgang mundo. Hindi ko naisip noon na ikaw na Ang layo kase ng pagitan nating dalawa Heto ka, Heto Ako Ang layo di kita matanaw dito. Halika tumakbo tayo Takasan natin ang mundo Iwan natin ang problema dito Halika tumakbo tayo at magmahal ng todo. Hawakan mo ang kamay ko Wag mong bibitawan Kumapit ka lang Wag kang sumuko Magmahal ka lang. Halika tumakbo tayo Tumakbo tayo hanggang dulo Sa dulo ng walang hanggan Baka matagpuan ang hinahanap na kalayaan. Hindi kita bibitawan Hanggang dulo ika'y aking kakapitan Kahit umabot sa puntong wala na akong mapanghawakan Hinding hindi kita iiwan. Halika tumakbo tayo Tumakbo tayo ng sabay Kapag pagod na magpahinga tayo Pero hindi kailanman tayo titigil sa pagtakbo.
Halika tumakbo tayo // by lyksrosy/atengmanunulat
2 notes · View notes
atengmanunulat-blog · 9 years ago
Quote
Sa gabi, Naiisip kita. E ako? Naiisip mo ba? Mahal kita, Pero mahal mo siya. May mahal siya, Pero hindi ikaw. Lagi mong sinasabi na ayaw mo na. Lagi mong iniiyak na hindi mo na kaya. Sabi ko sayo tama na. Pero sabi mo wala ng hihigit pa sa kanya. Mahal kita, Lahat gagawin ko para maging masaya ka. Pero mahal mo siya, At lahat gagawin mo para mahalin ka niya. Ikaw at ako, Siguro bagay tayo. Kaso wala palang ganon kase tao tayo.
Thoughts // By Atengmanunulat
1 note · View note
atengmanunulat-blog · 9 years ago
Quote
I'm so tired of being an option.
By: atengmanunulat
0 notes
atengmanunulat-blog · 9 years ago
Quote
Halika maglaro tayo. Maglaro tayo ng tagu-taguan. Ikaw ang magtago ako ang taya. Taguan mo ako. Taguan mo ako hanggang sa magsawa ako sayo. Kaso isa, dalawa, tatlo o higit pang taon, Hanggang ngayon... hinahanap pa rin kita. Halika, maglaro tayo! Maglaro tayo ng bahay bahayan. Maupo ka lang, aalagaan kita. Aalagaan kita kaso ako ang gumagalaw pero napagod ka. Halika, maglaro tayo! Maglaro tayo ng batuhang bola. Ang dami mo ng pogi points sakin pero bakit pinasa mo pa rin ako sa iba? Alam mo bang masakit na iningatan ko ang aking sarili para sayo pero binola bola mo lang ako? Halika, maglaro tayo! Maglaro tayo ng jak en poy. Gunting ka papel ako. Ginupit mo ang papel ko sa buhay mo. Bato ka gunting ako. Yung puso mong bato nasira ang pagkatao ko. Bandang huli papel ka bato ako. Kung kailan wala na akong pagtingin sayo, Kung kailan sumuko na ako, Kung kailan tama na. Kung kailan ayoko na. Tsaka ka naghahanap ng papel sa buhay ko-- Kung kailan bato na ang puso kong winasak mo.
Halika maglaro tayo // By lyksrosy
0 notes
atengmanunulat-blog · 9 years ago
Quote
Tayong dalawa, Laging magkasama Sa hirap at ginhawa, Kasama kita. Sinubok ng panahon-- pero walang sinayang na pagkakataon Sinuway man si Lola, Bandang huli naging boto rin siya para sating dalawa. Mahirap nung una Pero di maipagkakaila na tayo'y naging masaya. Sa hirap at ginhawa magkasama tayong dalawa Laking pasalamat ko na nakilala kita. Sana hanggang dulo tayo ang para sa isa't isa. Sana walang magbago sating dalawa. Mahal mo ko, mahal kita. Sapat na dahilan para sa tadhana nating dalawa. Aldub you, MaAlden kita.
Aldub love // By atengmanunulat
0 notes