audreychwan-blog
audreychwan-blog
Hey!
4 posts
I'm Audrey
Don't wanna be here? Send us removal request.
audreychwan-blog · 7 years ago
Text
Philippine Contemporary Aesthetics
Repleksyon
Napapanahon ngayong kasalukuyan ang mga usapin patungkol sa sining ng ating bansa. Isa sa mga talagang nag-iinit ngayon ay ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at ang pagtuturo ng korean language langguage sa mga pampublikong paaralan. Ang aking nabanggit ay isa lamang sa suliraning kinahaharap ng mga artist sa isang third world country na bansa.
"What is aesthetics? What is contemporary aesthetics? These questions become all the more crucial because of the colonial history of most asian countries." Yan ang isa sa mga katagang pumukaw sa akin mula sa akda ni Alice G. Guillermo. Nang una ko itong nabasa ay hindi ko alam ang isasagot ko kung ano nga ba ang aesthetics at aesthetics contemporary nating mga Filipino sapagkat kapag sining ang usapan dito sa Pilipinas, kadalasan ay mababa ang tingin ng karamihan at ang di maganda, halos hindi na ito pinapahalagahan. Sumasang ayon ako sa sinabi ni Alice G. Guillermo na mahirap sagutin ang tanong na nabanggit dahil sa sinakop ng iba't-ibang bansa ang Asya. Dahil pagsakop ng tatlong bansa sa Pilinas ito ay nag iwan ng kolonyal na mentalidad sa mga Pilipino.
Madami ang Pilipinong tumitingala sa mga banyaga pagdating sa lahat ng mga bagay tulad ng lenggwahe, sining, musika, kultura, mga produkto at iba pa. Pero kapag ang sariling atin na ang pinag-uusapan kawalan ng kaalaman at kahihiyan ang pinapakita ng ating kababayan. Ang ating wikang Filipino ay tunog baduy para sa mga sosyal-sosyalan, ang pagkuha ng mga kursong patungkol sa sining ay minamaliit, ang mga katutubo at tribo ay tinatanggalan ng karapatan, at madami pang iba na halos lahat ay ginagawa nalang biro at katatawanan. Makitid ang mga Pilipino pagdating sa ganitong usapan dahil sa tingin ko hindi ito tungkol sa pagkakakitaan at pagkakaperahan. Dahil sa isang third world country na bansa, mas prayoridad ang pangangailangan kesa sa pagiging makabayan.
2 notes · View notes
audreychwan-blog · 7 years ago
Text
Tumblr media
1 note · View note
audreychwan-blog · 7 years ago
Text
Tumblr media
1 note · View note
audreychwan-blog · 7 years ago
Text
Tumblr media
2 notes · View notes